NAGPATULOY ANG session ng chemotherapy ni Divina at nakatatlo na rin siyang session. Hindi umaalis sa tabi niya si Dr. Oscar. Habang si Dr. Nick ay may trabaho na inaasikaso kaya minsan ay wala ito. Gayunman ay palagi naman siyang dinadalaw at sinisilip ng binatang doktor.
Palaging nakaalalay sa kanya ang binatang doktor. Lahat din ng gusto niya pagkatapos ng kanyang chemo ay ibinibigay ni Oscar. Para silang magkapatid ang turingan nila.
Nagsisimula ng malagas ang buhok niya. Nag iiba na rin ang kulay niya. Pakiramdam ni Divina ay ang pangit na niya.
"Apo, tumahan ka na," alo ng Lola Anding niya. Panay ang iyak ni Divina dahil sa unti unti na siyang nakakalbo.
"Lola, nauubos na po ang buhok ko. Apat na buwan na po ako dito. Gusto ko na pong lumabas ng ospital. Gusto ko na pong umuwi!" mga panaghoy ni Divina.
Awang awa na rin ang Lola Anding niya sa kanya. Pero wala itong magawa, niyakap na lang siya nito. Humagulgol na ng iyak si Divina sa balikat ng lola niya.
Sabay silang napatingin sa pintuan ng bumukas iyon. Nag aalalang mukha ni Dr. Oscar na malalaki ang hakbang na lumalapit sa kanya.
"What happened? Bakit ka umiiyak, baby girl?"
Bumitaw si Lola Anding sa pagkakayakap sa apo niya. "Oscar, tignan mo ang buhok ng apo ko. Wala na lahat. Hindi pa rin ba gumagaling si Divina?" umiiyak na rin na tanong ni Lola Anding.
"'La, naiintindihan ko po ang nararamdaman niyo. Epekto po ito lahat ng chemo niya. Huwag po kayong mag alala. Babalik din po ang buhok ni Divina 'pag natapos na ang chemo niya. Pangako ko po sa inyo, hindi ko iuuwi si Divina ng Pilipinas hangga't hindi siya magaling. Magtiwala po kayo sa akin, gagaling ang apo niyo," sinserong sagot nito. Binalingan siya nito. Umupo ito sa gilid ng kama niya saka uumpo. At hinawakan ang kamay niya.
"Divina, do you trust me?"
Napahinto siya sa pag iyak saka pinunasan ang mga luha niya. At pagkatapos ay tumitig sa mga mata ng binata.
"Opo, kuya."
Napaigtad siya ng dumapo ang kamay nito sa pisngi niya. Nakuryente siya ng dumaiti ang mainit na palad ng binata sa kanya.
"Please, be strong. Andito ako para sa 'yo, Divina, na kuya mo. Hinding hindi kita pababayaan," tapos pusong sabi nito habang nakatingin sa mga mata niya.
Mataman na nakatitig silang dalawa sa mga mata ng isa't isa. Biglang kumabog ng mabilis ang puso niya. Para siyang pinagpawisan ng malapot.
She is only seventeen. At eleven years ang tanda ni Oscar sa kanya. Isang na successful doctor at siya ay pasyente lang ng binata. Napakaimposible nito. Hindi ito maari kung ano man ang nararamdaman niya. Siguro ay paghanga lang ang lahat ng ito para sa binatang doktor. Hindi ito pagmamahal na inaakala niya noong una.
Sa mga kagaya niyang nasa ganoong edad ay humahanga o nagka-crush na rin sa opposite s*x. Normal lang din siyang humahanga sa isang katulad ni Oscar. Saka alam niyang wala lang ito at lilipas din.
Naiwan sa ere ang kamay niya ng bitawan ito ni Oscar. At saka may kinuha sa bulsa ng lab coat. Nagulat siya ng ilahad nito sa kamay niya ang isang mamahaling cellphone.
"Para saan po ito?"
"For you. Tawagan mo ang mga kapatid mo. Kausapin mo sila nang kausapin. Basta huwag kang susuko. Please, lumaban ka. Gusto kong gumaling ka, Divina. Huwag mong sayangin ang nasimulan na natin," sinserong sagot nito sa kanya.
Tinignan niya ang cellphone na hawak niya. Saka bumaling ng tingin kay Oscar. Sa sobrang tuwa ay bigla niyang niyakap ang binata.
Ramdam niya na naestatwa ito. Bigla naman siyang natauhan sa kanyang ginawa.
"Salamat sa phone, Kuya Oscar," nahihiyang sabi niya. Ikinukubli ang namumulang pisngi.
"You're welcome, baby girl. Bati na tayo, ha? Itutuloy natin ang chemotherapy mo. Ipangako mong hindi ka na manghihina ulit.
Nakangiting tumango at itinaas ang isang kamay bilang sagot.
Matamis na ngumiti ang binatang doktor sa kanya.
Naging masigla na muli si Diane. Narinig lang na makakaisap muli ang mga kapatid niya. Sobrang namiss niya ang kapatid.
Agad ngang tinawagan ni Divina ang Ate Diane niya.
Napaiyak siyang muli ng makita ang mukha ng kapatid. Nakita na rin at nakausap niya ang kakambal ng ate niya. Dalawa na ang ate niya.
Masayang masaya si Divina na kausap ang mga kapatid at nakalimutan na si Oscar.
Lumabas ng kuwarto ni Divina si Oscar. Sumunod pala si Lola Anding sa kanya. At naiwan ang bata sa loob ng silid.
"Oscar, hindi ko alam kung paano kita mapapasalamatan sa lahat ng mga tulong mo sa aking apo. Ulila na sila. At kami na lamang ni Pacita ang kasama nilang tatlo. Wala rin kami nang lahat ng mayroon ka. Kaya nakakatuwa na may mga kagaya mong handang tumulong sa amin," nakikita niyang pinipigilan nito ang ilabas ang luha sa mata.
"Lola, alam niyo po ang nangyari sa amin ni Diane. Pero mahal ko po ang apo niyo, masakit lang po sa akin na hindi niya ako kayang mahalin. Pero napaisip ako. Bakit ko puputulin na maging masaya ako? Dahil lang sa nabigo ako noong una. Nagbabasa sakali po ako na kapag lumayo ako kay Diane ay makalimutan ko siya. Naisip kong dito na lang ipagamot si Divina. Kasabay ng pagpapagaling ng puso ko. Masaya po ako para kay Diane na natagpuan na niya ang lalaking mamahalin." Mahabang litanya ni Oscar.
Totoo iyon. Hangad niya na maging masaya ang unang babaeng minahal. Hindi man dahil sa kanya.
"How is the health of your baby gir?" birong tanong ni Nick sa kaibigan. Naa loob sila ng opisina ni Oscar.
Ang mga magulang ni Oscar ang may ari ng ospital na pinamamahalaan. Angkan ng mga magagaling doktor ang pamilya Marasigan. Ang kanyang ama ay dating doktor, nagretiro na ito at nanatili na lamang kasama ang ina sa bahay. Si Nickolai San Agustin ay pinsan niya na isa ring doktor. Maging ang mommy nito na kapatid ng daddy niya ay isang doktor. Nasa pamilya na talaga nila ang pagiging isang doktor.
"Bata pa iyon, Nick. Baka makasuhan ako ng child abuse."
Natawa ng mahina si Nick sa tinuran niya. "Sixteen is not bad age. Puwede ka namang maghintay hanggang sa maging hinog na siya. Alagaan mo at puwede mo ring mahalin ng hindi niya nalalaman. Mabait si Divina, maganda rin katulad ng mga kapatid niya. Iyon lamang at siya ang pinakabata at bunso."
Napapaisip si Oscar. Ayaw niyang sabihin ng iba na namamantala siya ng bata. Marami ring magbubulungan dahil sa layo nang agwat ng edad nila. May masasabi rin ang mga kapatid at lola ni Divina sa kanya ng masama. Masisira ang magandang samahan nila.
"Ayoko naman na may sabihin si Diane ng hindi maganda tungkol sa akin. Masisira ang magandang reputasyon ko sa kanila. Isa akong doktor, tungkulin kong magpagaling ng isang taong maysakit," saad ni Oscar.
"Bahala ka, Oscar. Nagsasalita ka ng tapos. Pagtatawanan kita kapag kinain mo ang mga sinabi mo," ani Nick.
Umiling iling si Oscar. Hindi mangyayari iyon. He will put boundaries between him and Divina. Hanggang doon lang siya sa pagiging nakakatandang kapatid. Labing apat na taon din ang agwat ng edad nila. Puwede pa nga niyang maging anak si Divina.
"Pero ikaw, gusto mo na agad ang kapatid ni Diane? Hindi ba, Nick?"
Biglang nasamid si Nick sa tinuran ng pinsan niya. "Magaganda talaga ang magkakapatid na Piper. Nakuha nila sa kanilang ama na may lahing kano."
"Iyon nga rin ang napansin ko sa kanila. Sinusubukan ko na ring pagaling ang puso ko sa pagkabigo kay Diane. Masakit nga pero kaya ko pa naman."
Tumango tango ng ulo si Nick. "Tama 'yan. Wala ka ng aasahan kay Diane. May asawa na 'yon, nakapanganak na nga. Hanap ka na rin ng iba, 'wag lang si Devyn. Ireserba mo siya sa akin."
"Inamin mo rin. Gusto mo si Devyn."
"Oo na. I do like her. Ewan ko bigla ko na lang naramdaman noong una ko soyang makita sa ospital. Ako ang doktor na tumingin sa kanya noong naaksidente siya." Nakangiting sinasariwa ni Nick ang unang araw na masilayan ang mukha ni Devyn.
"I'm happy for you, Nick. Puwede ka ng lumagay sa tahimik."
"Ang problema mailap. Kagaya mo nasaktan din siya at kay Ryder naman. Tingnan mo nga naman ang pagkalataon."
Nalaman nila mula kay Diane na dati palang magkarelasyon sina Ryder at si Devyn. Napagkamalan ng asawa na niyong si Ryder na siya si Devyn. Perp ang totoo ay ang kakambal niya ang totoong si Devyn.
"Minsan hindi natin masabi ang tadhana. Hindi pa ako sa ngayon handa na magmahal muli pero gusto ko munang mag-heal ako bago pumasok sa bagong relasyon. Unfair sa bagong babae na makakasama ko. Kung si Divina, hindi ko pa alam. Mahirap naman iyong bata mukha akong tatay niya."
"Ayaw mo 'yon, asawa ka na, tatay ka pa at lolo pa. 3 in one," sinundan ng malakas na tawa ni Nick.
Puro talaga kalokohan itong pinsan ni Oscar. Inasar pa siya. Dahil lang sa eleven years ang agwat ng edad nila ni Divina.