UMAGA, walang gana na bumangon si Oscar. Alam niyang nakaalis na si Divina. Siya naman din ang nagtaboy sa dalaga. Kaya siya lang ang dapat na sisihin. Pinaalis niya ang babaeng pinakamamahal. Sana lahat na lamang iyon ay isang panaginip na makikita pa niya si Divina sa loob ng bahay niya. Masayang sinasalubong siya sa tuwing umuuwi siya ng bahay galing sa ospital. Dumiretso siya sa banyo para maligo. Tinatamad na rin siyang pumasok sa ospital. Naturingan siyang doktor, sarili niyang sakit ng kalooban ay hindi niya magamot. Nang matapos siyang maligo ay pumunta siya sa harap ng cabinet para maghanap ng isusuot. Napangiti siya sa nakita sa loob. Plantsado na ang mga damit niya at maayos ang pagkakahanger. Magkakahilera din ang mga suit niya, polo at slacks. Pati ang mga t-shirt niya ay ma

