ANG GABI ng pamamahikan ni Oscar. Pormado na ang binata. Sari-sari ang emosyon niya dahil ngayon ang gabi ng pamamanhikan niya sa bahay ng mga Sable. Ang tanging kasama niya ay ang pinsan niyang sii Nick. Ayaw niyang magulo ang pinaka-espesyal na gabi nila ni Divina. Maayos na ang lahat sa kanya at sa mga kapatid ng kanyang pinakamamahal. Pinagpapawisan na ang kanyang mga kamay at ang bilis nang pintig ng puso niya. Siyempre dahil ito ang gabi na itatakda ang kasal nila ni Divina. At may sorpresa rin siya sa kanyang pinakamamahal na nobya. "Nerbiyoso ka pala, Oscar. Hindi niyo pa kasal, kung kabahan ka parang ngayon ang kasal niyo ni Divina," punang sabi ni Nick. Napansin niya ang hindi mapakaling kaibigan. Panay ang tingin sa salamin at kanina pa lakad nang lakad. "Baka ma-hot seats na

