ALAS TRES ng madaling, nasa airport na sina Oscar at Divina. Mayamaya ay flight nila papunta sa Pilipinas. "Frenny, mag-iingat saka huwag mo kaming kakalimutan ni Zen. Susunod kami sayo sa Pilipinas," naiiyak na bilin ni Rechel. "Oo nga, Divina. Ang swerte mo. Biruin mo kayo na pala ni Daddy Oscar. We're so happy for you. Atlast, answered prayer. Nakuha mo na ang prince charming mo. Hindi ka na maghahabol sa daddy mo," dire diretsong sabi ni Zen. "Hoy, ang bibig mo! Marinig ka niya." Napatingin si Divina sa gawi ni Oscar. Kausap ng binata si Dra. Shelley. Biglang tumingin si Oscar sa kanya at matamis na ngumiti. Gumanti ng ngiti si Divina saka muling bumaling sa mga kaibigan. Bumungad ang nakakalokong ngiti ng dalawa. "Bakit?" "Nakita namin iyon. Hindi maikakailang mahal ka rin ni D

