"SIR OSCAR, napadalaw po kayo? Anong sadya niyo?" bungad na tanong ng butler sa mansyon nila. Matagal ng naninilbihan si Butler Adrian sa pamilya nila. Halos ito ang naging kasa kasama niya habang lumalaki. Dahil walang oras ang parents niya para sa kanya. At parehong abala sa pagpapalago ng kanilang ospital. Iniwan niya sandali si Divina sa ospital. Hindi patapos ang pagtanggal ng bala sa tagiliran ng dalaga. Alam niyang ang ina ang may kagagawan ng pagbaril kay Divina. Kaya andito siya ngayon sa mansyon nila para kausapin ang ina. "Nasaan ang amo mo, Adrian?! Ilabas mo ang amo mo ngayon din?!" malakas na sigaw niya kay Butler Adrian. Nagtatagis ang bagang niya sa galit. Muntik ng mamatay ang babaeng mahal niya. Hindi niya mapapatawad ang kapag tuluyang mawala si Divina sa kanya. H

