Chapter 25

1794 Words

BUONG maghapon ako sa parlor. Matumal ang dating ng customers kaya madalas ay nakaupo lang ako at kakwentuhan sina Nicole at ang mga tauhan niya. Parang ang tagal ng oras sa buong maghapon na iyon. Pagpatak nga ng alas cinco ay nagpaalam agad ako na uuwi. Direcho ako ng bahay paglabas ng parlor. Inaasahan kong madadatnan ko na roon si Nanay, pero naka-padlock ang pinto pagdating ko. Binuksan ko na lang ang pinto at pumasok na. Siguro ay mamayang gabi pa makakarating si Nanay. Tiningnan ko ang cellphone ko na ilang araw nang tahimik sa loob ng bag ko. Kagabi, naisip kong isoli rin iyon sa nagbigay, pero duda ako kung tatanggapin ni Sir Grant. Gaano lang ba ang halaga ng cellphone ko kumpara sa perang ibinayad niya? Isa pa, baka hindi rin niya ako kausapin. Baka ni hindi niya ako magawang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD