Chapter 26

1336 Words

PATATLONG balik ko na sa looban, pero hindi ko pa rin natatagpuan si Celine. Nakakandado pa rin ang pinto ng bahay ng mga ito. Noong unang punta ko, ang sabi ng mga kapitbahay ay baka nakikituloy muna si Celine sa kaibigang may-ari ng parlor dahil walang kasama sa bahay. Umalis daw ang Nanay nito noong Lunes pa ng umaga. Nagpunta ako sa parlor ng kaibigan ni Celine noong araw ding iyon. Nakaharap ko si Nicole, pero wala roon ang aking pakay at maging ito ay nagtaka dahil hindi raw nagpakita si Celine sa parlor sa buong maghapon. “Si Celine ba ang hanap mo, Sir?” tanong ng isang binatilyo na napadaan habang kausap ko ang dalawa sa mga taga-looban. “Oo. Alam mo ba kung nasaan siya?” “Nakita ko siyang sinundo ng isang babae noong Martes ng gabi.” Martes ng gabi? I remember na iyon ang a

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD