Chapter 27

1420 Words

“MAGANDANG hapon, Mr. Zamora. Ako po si Francis Allan Rosales,” bati at pakilala sa akin ng lalakeng estudyante na dalawang beses kong nakita na kasama ni Celine. Naglalakad ako sa parking lot nang lapitan ako nito. Pormal akong tumango at nagpatuloy sa kinapaparadahan ko ng kotse. “Sir, pwede ka bang makausap kahit sandali?” habol ni Francis kaya huminto ako upang harapin siya. “Tungkol saan ‘yan, Mr. Rosales?” tanong ko pa rin bagaman may palagay na ako kung ano o sino ang pakay nito. “It’s about Celine, Mr. Zamora.” Marahan akong nagbuga ng hangin. Hindi ako nagkamali. Inalis ko ang suot kong RayBan at saka siya seryosong tiningnan. “Look, Mr. Rosales, kung anuman ang relasyon ninyo ni Celine, wala akong pakialam. Kung nagagalit ka sa kaniya dahil sa naglabasang litrato, h'wag

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD