Chapter 37

1617 Words

NAGSALUBONG ang mga kilay ko nang mabugaran sa labas ng pinto si Kyle. Pasado ala una ng hapon. Natutulog pa ako at wala pang balak bumangon kung hindi lang ako nabulabog sa sunod-sunod na pag-doorbell niya. He's grinning at me. “What’s up? Kagabi ka pa nakauwi galing Cebu, hindi ba? Hapon na, tulog ka pa rin?” Hindi ako sumagot. Iniwan kong bukas ang pinto at bumalik sa loob. Narinig ko ang tawa ni Kyle kasunod ng pagsarado nito ng pinto. Dumirecho ako sa kusina upang kumuha ng tubig. Pagkainom ay bumalik ako sa living room. Ibinagsak ko ang katawan ko sa sofa. Naupo naman si Kyle sa tabi ko. “Anong balita? Hindi na kita nakausap bago ako umalis. I heard napa-trouble ka naman daw at ang pinsan mo ang tumubos sa’yo.” Sinundan niya iyon ng tawa. Hindi ko siya pinansin. Kinuha ko na la

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD