Chapter 22

2145 Words

BUMILANG ako ng tatlo bago ko binuksan ang aking locker. Bagaman inaasahan ko na, natigilan pa rin ako nang makita ang nasa loob. Isa na namang long-stemmed red rose ang naroon. Pangatlo na ito ngayong linggo. Kung sino man ang nagpapadala ng bulaklak sa akin, gusto kong malaman niya na nagsasayang lang siya ng oras. May mas importanteng mga bagay akong kailangang solusyonan kaysa ang hulaan kung sino ba siya. Inilagay ko sa isang tabi ang bulaklak kasama ng dalawa pang nauna. Ang unang rose na nakuha ko ay nasa bahay at nagsimula nang malanta kaya inipit ko na lang sa isang lumang notebook.Isinarado ko na ulit ang locker at naglakad papunta sa classroom. Kahapon, pumunta akong mag-isa sa bahay ng pinsan ni Desiree. Ang tagal ng ipinaghintay ko sa gate, umaasa akong lalabas ang pinsan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD