Chapter 5 New Location

4020 Words
So the place I will be mentioning here is part of Mindanao, and the language being used by the locals there are bisaya or Cebuano, but in this story I will use Filipino and English, so everyone could understand. But expect some bisaya terms na masasali rito, but don't worry, I'll provide translation. Enjoy reading! ××××××××××××××××××××××× Chapter 5 New Location This so called benefactor of mine had prepared three tickets to Laguindingan. I didn't know that he really bought us tickets without an assurance that I would accept his offer. He's kind, I can tell that and... yes, he's also sincere. "So... what made you changed your mind?" he asked me. Nakasakay na kami ngayon sa eroplano. Saktong-sakto lang din talaga ang pagdating namin sa unit niya dahil ala-siete 'yong flight. Binalingan ko siya ng tingin. Siya lang ang katabi ko, samantalang si nanay ay nasa kabilang panig ng upuan, kandong-kandong si Amr. "Wala. I think your offer is way better than the option I have." After delivering that statement, I saw how his lips arched into a smile. He's satisfied. I could tell that. Binuka niya ang mga labi niya para magsalita sana kaso napukaw ang pansin niya bigla ng isang stewardess. "Captain Hendrix?" tanong pa ng babae. Ngumiti naman itong si Hendrix. Nag-iwas na lang ako ng tingin at saka pumikit. Iidlip na lang ako. "Vanessa, how are you?" that's his voice, of course. Gusto kong takpan ang tainga ko dahil sadyang naririnig ko ang usapan nila. Kamustahan lang naman sila, pero I think it's inappropriate for her to talk to Hendrix dahil nasa oras siya ng trabaho. "Spidey?" I didn't say a word. Tapos na ata silang mag-usap. "Gagamgirl? Tulog ka na ba talaga?" Minulat ko ang mga mata ko, saka ko sinalubong ang mga tingin niya. "Stop calling me names, will you? You're almost 30 pero napakaisip bata mo," walang pag-aalinlangan kong sabi sa kanya. Nagulat na lang ako nang ngumiti siya. "I'm just a happy person, Sisa." Kumunot ang noo ko. Sisa? "At bakit naman Sisa ang tinatawag mo sa akin ngayon?" nagtataka kong tanong. Natawa naman siya nang bahagya, bago nagsalita. "Your name is Sittie Saffeya, in short Sisa. Ayaw mo ng Spidey nor Gagamgirl, so baka Sisa will do?" Nagkibit-balikat pa siya. Nag-iwas na lang ako ng tingin. Sa harap lang deretso ang tingin ko. I can't believe he's childish as this. Pero sa tingin ko ay hindi ito ang tunay niyang ugali. "Ginawa mo naman akong baliw," wala sa sarili kong saad. "Well, you're going crazy over me soon kaya bagay rin talaga ang Sisa." Napangisi ako sa sinabi niya. Bigla ko siyang binalingan ng tingin. I get it. He's not really the childish type. He's just humorous... And a very confident one. "You like me, don't you?" Without thinking twice, I asked him that. He didn't even blink, nor show me a strand of horror in his eyes. Normal niya lang akong tinitigan. "Ano naman kung, oo?" Fuck! I mentally cursed. Dumaan ang pagkagulat sa mga mata ko at hindi ko alam kung napansin niya. But I hope he did not. "You didn't expect that one coming did you?" Ngumisi pa siya. "You're a playboy," akusa ko. "Just being honest. Besides, I know the feeling is mutual," he confidently said. "Ang taas talaga ng confidence level mo." Inirapan ko pa siya. "Well, it runs through our blood. Isa pa, no one can resist a charm of a dela Conde. Mark my word, lady." He wiggled his brows and smiled at me confidently. Inilingan ko na lang siya sa sinabi niya. Walang patutunguhan ang usapan namin kung kokontrahin ko siya, dahil obviously, puro kahanginan lang din naman ang lalabas sa bunganga niya. Para siyang pinaglihi sa bagyong hangin lang ang tanging dala. Tumahimik na lang kami matapos no'n at hindi na nag-usap pa. Umiyak si Amr kalaunan kaya pinasa siya ni Nanay sa akin. Pinainom ko naman siya ng bottled milk dahil hindi na dumedede si Amr. Si Hendrix naman ay napapamasid sa akin nang palihim. I didn't tell him about Amr, he didn't ask, so I didn't bother myself to tell him the truth true. I guess, it would be better if he knows nothing. Aalis din kami siguro ng pamilya ko pagkatapos ng isa o mga dalawang buwan, I just need to save some money. "He looks like you," sabi ni Hendrix. Hinawakan ni Amr ang kamay niya kaya bahagya siyang nagulat. Kakalasin ko na sana ang kamay ng bata pero umiling si Hendrix. "He likes touching me. Ang gwapo ko raw kasi." "Ang hangin mo talaga kahit kailan," sabi ko na lang. "Ano... pwede ko ba siyang buhatin?" nag-aalangan niyang tanong sa akin. Ngumiti na lang ako sa kanya at tumango, saka pinasa si Amr na ngumiti pa nang kargahin siya ni Hendrix. "Bagay pala sayo maging tatay, eh," komento ko. "Tatay nino? Nitong kapatid mo? Pag nangyari 'yon magiging anak din kita. Masisikmura mo ba 'yon? Hindi ka kaya mamatay sa inggit dahil magiging kami ng nanay mo?" Napangiwi ako sa sinabi niya. Ang noo ko' y napakunot pa.  Pero kalaunan ay natawa ako nang ngumisi siya. " Alam mo, ikaw? Wala ka talagang kwentang kausap!" sambit ko. "Mag dahan-dahan ka sa pananalita mo. Amo mo na ako ngayon," sabi niya naman sa akin. Inirapan ko siya pero tinawanan niya ako. "H'wag panay irap. Boss mo na ako." "Whatever." "Aba, walang utang na loob. Sabihin mo nga, bossing Hendrix." Kinagat ko ang labi ko sa sinabi niya, nagpipigil sa sariling matawa. Bossing Hendrix?  "Bossing!" Tumango pa ako. "Parang leader lang ng sendikato, ah?" Natawa na talaga ako nang tuluyan lalo na nang hindi maipinta ang mukha niya sa sinabi ko. Wala, asar talo. Hindi na niya ako kinausap pagkatapos. Hindi ko na rin siya kinulit o kung ano pa man. Umidlip na lang din ako habang nasa byahe kami hanggang sa lumapag na ang eroplano. Sa Airport ay isang driver ang sumalubong sa amin. Binigay niya kay Hendrix ang susi ng sasakyan. Binigyan naman siya ni Hendrix ng pera pamasahe nito pauwi. "Bakit hindi natin siya isabay?" tanong ko sa kanya. "Driver siya ng Lola ko at kailangang makauwi na siya dahil maaga pa sila bukas. Sa Tacub kasi tayo pupunta ngayon, medyo malayo. Gutom na ba kayo?" si Hendrix. "Naku, hijo. Kanina pa ako nagugutom!" Kumain muna kami saglit bago bumyahe lulan ng sasakyan. Malalim na ang gabi ngayon, at kaunti na lang ang mga sasakyan kaya ang tulin ng takbo ni Hendrix ngayon. Hindi ko alam kung nasaan na kami pero may nakikita pa akong mga patag na taniman ng mga palay. Ang sumunod naman ay taniman ng mga tabaco. Salamat na lang sa liwanag ng buwan at nakikita ko ito. "Malayo pa ba tayo?" tanong ko kay Hendrix. Liningon niya ako saglit tapos tumango. "Oo, nasa Manticao pa lang tayo. Matulog ka muna," sabi niya pa. "But you're driving. Baka mabagot ka." "No. Ayos lang, seryoso. Sige na magpahinga ka na." Why is this guy so good? What's his agenda? Ramdam ko na mabait siya, pero masyado naman siyang mapagbigay para sa isang tao. Napakaimposible talaga na wala siyang ibang balak o bagay na gusto bilang kapalit. Give and take. That's one of the basic rules of this world. He can't just give all what I needed without taking something, right? We didn't talk, but I stayed awake to accompany him. Minsan ay napapatingin siya sa gawi ko, at gano'n din ako sa kanya. Just wanna make sure if he's still fine. Mahirap na kung antukin siya, baka madisgrasya pa kami. "We're already in Iligan. You see that gate? That's one of the prestigious Universities in Mindanao, it's one of the MSU systems." Tiningnan ko naman sa bintana ang sinabi niya. Patuloy kami sa takbo kaya hindi ko lubusang makita ang itsura nito but the entrance gate is shouting a bold name, Mindanao State University-Iligan Institute of Technology. There were trees inside, and I wonder kung ano pa ang meron sa loob. Nadaanan pa namin matapos ang isang building na sa baba ay Chowking, then Red Ribbon on its side then another building to building. Then I looked at Hendrix. "I studied there, pero hindi lang ako nagtagal because we need to settle abroad. Doon na ako nagtapos ng pag-aaral ko at nagpiloto. My twin brother then took NAPOLCOM, gusto kasing maging pulis. But Homer, the one you met in the unit, stayed here in Iligan for so many years and graduated in that University," pagkukwento niya sa akin. "Why are you telling me those information?" kunot noo kong tanong. Tumingin siya saglit sa akin pagkatapos ay nagkibit balikat. "I'm just sharing, masama ba?" Umiling ako. Pinukos ang mga mata sa daan. "Hindi naman. But for a man, you're voluble." Narinig ko naman ang munting tawa niya. "May batas ba na babae lang ang pwedeng maging madaldal? Akala ko ba gusto niyo ng gender equality?" Napailing na lang ako. Tumahimik kami ilang sandali. Totoo nga ang sinabi niya, medyo malayo ang Tacub, Kauswagan mula sa pinanggalingan naming Airport. We've been riding his car for almost two hours already, and I think Hendrix must feel tired already. Binalingan ko siya, at sakto naman sa paghikab niya. He's tired. "Pahinga ka kaya muna?" alok ko. Umiling naman siya. "Sa bahay na lang. Ikaw magpahinga ka na, medyo malayo pa tayo. We're still in Iligan, we haven't reached the boundary." Pero tulad niya ay naging matigas din ang ulo ko. Hindi ako nagpahinga tulad ng sinabi niya kahit na hapong-hapo na ako. Dumaan kami sa isang malaking tulay, at makikita ko kung paano nagtagpo ang ilog at dagat. Namangha ako dahil napakagandang pagmasdan ng dagat sa gabi. Samahan mo pa ng kumikinang na mga tala sa langit. "That river, it's connected to the Maria Christina Falls," Hendrix said. He's like a tour guide feeding me with so much information as we passed by the bridge. "Minsan hindi malakas ang agos ng tubig kasi hindi pinapaandar ang isa, it's either Christina or Maria." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Is that possible? "You mean, it's a manmade falls?" usisa ko. I love travelling kaya naengganyo ako sa sinabi niya. Sa sobrang kahiligan ko sa travel, kahit saang bansa na nga ako nakarating para lang makapagtago. Funny. Umiling siya. "Maria Christina is connected to the Agusan River, it's not man made. It's just that the falls were used as a hydroelectric power. If we'll have time, I'll tour you. It's a majestic falls. And that twin falls has a very wonderful tale." Our talk continued at panay ang pakikinig ko lang sa kanya. Hanggang sa napag-usapan na namin ang ilang talon ng Iligan, maging ang ibang talon sa Lanao. I'm not familiar with the places he's telling me since I have never gone to Mindanao; this is the first time though. But this man is quite familiar to those places, and he even promised me to tag me along when we have time. Sa sobrang haba ng pinag-usapan namin ay hindi ko na napapansin kung ano ang mga dinadaanan namin. Basta nagulat na lang ako nang pinasok niya ang isang parang gubat. Ilang sandali pa ay nakita ko ang iilang nagtatayugang mga niyog. Then there's a huge house. "Baba muna ako, buksan ko lang ang gate," sabi niya. So, this must be his house? Likod ito ng bahay kaya hindi ko makita nang maayos ang desenyo lalo na't gabi na rin. Pero may back gate siya at sa tingin ko ay duon kami dadaan. At tama nga ako dahil nang makabalik siya at pinasok niya ang sasakyan. "Bakit sa likod? Wala ka bang gate sa harap?" tanong ko. "Meron naman, kaso andito na tayo, nakakapagod ng umikot." Tumango na lang ako. I can see the tiredness in his eyes already. That's a long journey, he's tired as hell for sure, at sobrang lalim na rin ng gabi, we should all be resting our ass out now. "Ma, gising na," paggising ko sa ina. Because of the tiredness I am feeling right now, ay hindi ko na nagawang tingnan ang detalye ng bahay. Pumasok kami sa isang double door nang buksan ito ni Hendrix. Bukas ko na lang siguro pagsasawaan ng tingin ang detalye ng bahay niya. "Sa taas 'yong kwarto niyo. Second door from the left," sabi niya. "Feel at home." Saka kami iniwan. Nagtungo siya sa isang lugar na sa tingin ko ay kusina, dahil narinig ko ang kalansing ng baso kalaunan. Umakyat kami sa taas at saka tinunton ang kwartong sinasabi niya. Nahiga si Nanay katabi ni Amr. Maliit lang ang kama kaya hindi na ako tumabi pa sa kanila. Kinumutan ko sila saka ko hinaplos ang pisngi ni Amr. Tulog mantika talaga kahit kailan ang batang ito. Kumuha na lang ako ng isang jacket mula sa bag, tapos kinuha ko ang isang unan sa kama at nilagay sa sahig bago nahiga. Nag-unat pa ako. So relaxing. Kinumot ko sa balikat ko ang jacket saka ko pinikit ang mga mata ko. I need to sleep now, gigising pa ako nang maaga para pagsilbihan ang bossing ko umano. The road might be bumpy but I'm going to brace myself. Tomorrow will be another set of fight for me. *** "Goodmorning!" Halos mapatalon ako sa gulat habang nagluluto ng agahan sa boses na umalingaw-ngaw sa kusina. "Ang aga mo namang nagising," puna ko sa kanya. "The earliest bird catches the worm." Umiling na lang ako sa sinabi niya saka tinuloy ang paglulutong ginawa ko. "Hindi ka naman ibon, at lalong walang uod dito," sabi ko. It's still 5:30 in the morning, at maya-maya lang ay gigising na si Amr and I need to tend him. I heard Hendrix soft laughters. "I'm referring to you, woman. I want to see how you would look like in my kitchen." He even winked at me. Hindi kaduda-duda kung marami siyang babae. Sobrang mapaglaro niya, at kung hindi ka maalam sa larangang ginagalawan niya ay tiyak na mabibihag ka niya. Hinarap ko siya saka tinuro ng frying clip. "Stop flirting. Bawal sa mag-amo at trabahante iyan. Proper etiquette, Bossing,” I said, giving an emphasis on the last word. Ngumisi naman siya. Tinagilid naman niya ang ulo niya. "Masyado na ba akong halata?" Ngumuso pa siya. "Sisa, ang hotdog mo ui!" Binalik ko naman ang atensyon ko sa hotdog. Wala naman kasi siyang ibang laman sa ref, kaya hotdog, itlog, at beef loaf lang ang niluto kong ulam namin. Nang mailagay ko ang mga lutong hotdog sa plato ay pinatay ko na ang stove. Nagulat ako kasi biglang tumahimik. Akala ko ay umalis na siya pero nang humarap ako ay nalaman kong hindi pala. Nakatitig siya sa akin, tapos bumaba ang mga mata niya sa bandang tiyan ko. Pero kaagad din niyang inalis ang tingin niya doon tapos napailing. "Why are you staring me like that?" tanong ko dahil nakakabahala ang paninitig niya sa akin. Tumingin pa siya sa kanang palad niya, saka umiling muli. "Wala. Join me in breakfast," alok niya pa. "Mauna ka na. Maglilinis lang ako," paalam ko sa kanya pero hindi pa man ako nakakalayo sa kusina ay nagsalita siya. "I will be in Rogongon till tomorrow. I am visiting Granny, kayo na ang bahala rito sa bahay," sabi niya na siyang nagpatigil sa akin. Bumalik ako, sa dati kong kinatatayuan at saka siya hinarap. "Join me in the table if you want," sabi niya. Napatitig lang ako sa kanya, at kapagkuwan ay natagpuan ko na lang ang sarili kong sumasandok ng kanin para sa sarili. Gutom na rin kasi ako sa totoo lang. Hindi ko alam kung saan ang Rogongon, pero siguro ay hindi gaanong kalayo iyon rito kaya agad siyang uuwi bukas. “Anong oras ka uuwi bukas?” tanong ko na lamang. Tumingin siya sa akin, saka nagkibit balikat. “Hindi ako sure, basta uuwi ako.” Tumango na lang ako at saka tahimik na kumain. Gaya ng sabi niya sa akin ay umalis nga siya. Ang ginawa ko naman ay naglinis ako ng bahay matapos kong pagsilbihan si Amr. Naglaro pa kami saglit, at nang mahapo na ang bata ay agad ko na itong pinatulog. Halos buong araw kong sinubsob ang sarili ko sa paglilinis ng bahay niya. Hindi naman siya marumi, sa katunayan ay malinis ito. Pero nilinis ko pa rin. Nang sumapit ang gabi ay nagluto na lang kami ng noodles. Wala pa kasing ibang bago sa bahay na ito maliban sa mga instant good. Buti na lang talaga at may stock pa siyang bigas. Nahihiya naman akong magsabi kay Hendrix dahil nakikitira lang naman kami rito. Sa sumunod na araw ay gano'n pa rin ang ginawa ko. Pero hindi tulad kahapon ay hindi na gaanong mabigat ang trabaho ko. Suot ang isang maong na short-pants at puting spaghetti strap shirt ay lumabas ako ng bahay. Kahapon ko lang napansin na nasa dagat pala malapit ang bahay niya, as in literal na kaharap ng bahay niya ang dagat, at mga ilang metro lang ang layo. Ngayon ko lang ito nabigyang pansin dahil masyado akong abala kahapon sa gawaing bahay. Pero bago mo malapitan ang dagat ay kailangan mo munang bumaba. Elevated kasi ang bahay ni Hendrix. May hagdanan namang yari sa semento na kinulayan pa ng kulay tsokolateng pintura papunta sa dalampasigan. Napapikit ako nang tumama sa mga mata ko ang nakakasilaw na sinag ng araw. Ilang sandali pa ay sumabog ang maikli at kulay abo kong buhok dahil sa hangin. Minulat ko ang mga mata ko at pinagmasdan ang paligid. Pagkababa mismo sa hagdanan ay matatagpuan mo ang isang matayog na puno ng Talisay. Sa kaliwa naman nito, mga tatlong metrong layo, ay isang trosong nakahiga sa puting buhangin. May mga puno rin ng niyog. At may pang-pang pa sa 'di kalayuan, mabato ang ibaba ito. Binalik kong muli ang tingin ko sa mangasul-ngasul na tubig dagat. Napangiti ako. Napakagandang tanawin. Humakbang ako palapit sa tubig, napakalmado ng tubig sa bandang dito at hindi ganoon kalalim ang tubig. "One, two, three, go!" Napatingin ako sa pinanggalingan ng sigaw. Ngayon ko lang napansin na sa gawing kanan pala ay may isang parang naabandunang daungan. May mga damo na ito, pero sa dulo nito, doon ko nakita ang ilang grupo ng kabataan. Nakangiti sila habang isa-isang tumatalon. Kumpara sa tubig sa kinatatayuan ko ay marahas ang alon sa naturang daungan. Kumbaga kung hindi ka marunong lumangoy ay talagang yayakapin ka ng alon at hindi na pakakawalan pa. But those kids seems so familiar with the wild waves that they were able to swim back and forth with confidence. Sa kulay ba naman ng balat nilang halos sunog na sa araw ay masasabi kong sanay na sanay sila sa marahas na hagupit ng alon. "But my life is harsher than those waves," bulong ko sa sarili bago ko hinayaan ang mga paa kong baktasin ang daungan. May daanan naman akong inakyat, para siyang hagdanan sa lupa. May mga puno pa akong nadaanan bago ko narating ang mga matayog na damo ng naturang daungan. "Hala naay chix," (Hala may chix) dinig kong sabi ng isang binatang lalaki. Hindi ko siya pinansin at naglakad na lang. Napatingin ang iba niyang kasama sa akin, pero hindi ko pa rin sila binalingan ng pansin. Dumungaw ako, sakto naman ang paghampas ng alon sa daungan dahilan para magtalsikan ang tubig alat sa katawan ko. Masubukan nga ang tapang ng alon na ito. Hinubad ko ang tsinelas ko at nag-unat. It's been so long since the last time I took a dive. Hindi naman ako diver, marunong lang lumangoy. Hindi ko na hinubad ang damit ko. Inalis ko na lang sa bulsa ko ang dalawang stick ng yosi, at lighter, saka ako nag-dive sa dagat nang hindi man lang nagdadalawang isip. Isang malalim, malinaw, maalat, at malamig na tubig ang kaagad na yumakap sa katawan ko. Pumailalim ako habang may hangin pa ako. Hindi man klaro ay nakikita ko ang ilang isdang dumaan at mga naglalakihang bato. Ngayon ko lang natanto, isang maling dive lang bagok ang aabutin ng ulo ko pagnagkataon. Ilang sandali ay kumabog ang puso ko. Nauubusan na ako ng hangin! Dali-dali akong umahon pero sa hindi inaasahang pagkakataon ay pinulikat ako. Shit! Ilang beses akong nagmura sa aking isipan habang pilit na inaahon ang sarili ko kahit na nahihirapan. "Haah!" Nang sa wakas ay naahon ko ang sarili. Agad kong tinungo ang malapit na bato at napamura ako nang makaramdam ng hapdi sa palad ko. Sa gaspang ng bato ay talagang nasugatan ako. Pero binaliwala ko ito at pilit akong umahon at saka naupo rito. Ilang sandali ay humupa ang pulikat ko. "Muntik na iyon!" sabi ko. Napatawa ako habang nakatingin sa dagat. Marahas pa rin siya. Tumingala ako. Wala na yong mga kaninang nandito. Umalis na siguro. Lumangoy akong muli at tinungo ang ginawa nilang hagdanan na yari sa kahoy. Kumapit ako rito saka inangat ang sarili ko. Humawak ako sa isang baitang habang ang paa ko ay nasa isa, umakyat ako. Nang makaakyat na ako ng tuluyan ay ginulo ko ang buhok ko at tinungo ang iniwan kong tsinelas at yosi. Sinindihan ko ang yosi saka hinithit. "Hindi ka mabait sa bagong salta," kausap ko sa dagat, sabay buga ng usok. Nang maubos ang isang stick ay muli akong lumusong sa tubig, lumangoy, at saka umahon din nang magsawa na. "Anong ginagawa mo rito?" Muntikan na akong mapabitaw sa pagkakahawak sa hagdanan nang marinig ang boses na iyon. Nag-angat ako ng tingin at saka siya pinukkol ng matulis na titig. Muntik na akong mahulog! "Kanina ka pa rito?" tanong niya na naman. Inangat ko ang sarili ko. Nang makatapak na ako sa daungan at hinarap ko si Hendrix. Paano niya kaya nalaman na nandito ako? Siguro ay namataan na niya ako kanina pa. "Sana sinabi mo sa akin na tanghali ka uuwi para naman naipagluto kita ng pananghalian mo," sabi ko sa kanya. Hindi siya nagsalita at nakapukos lang ang mata niya sa isang bagay. Sinundan ko ng tingin ang mga mata niya. Napangisi na lang ako nang mapagtanto kung saan siya nakatingin. Si Bossing ko  nakatitig sa kulay pulang bra kong nakabakat sa puting spaghetti shirt. "Boss, baka matunaw naman ang dibdib ko niyan katititig mo," puna ko kaya nag-iwas siya ng tingin. Muli akong napangisi. Manyakis talaga siya, hindi ako nagkakamali. "So anong nakain mo at naisipan mong makipagbuno sa dagat?" tanong niya na lamang, ngayon ay sa mukha ko na nakatitig. Namumula ang mukha niya at hindi ko alam kung dahil ba sa init o sa ibang bagay. Nang ibaba ko ang tingin ko sa pantalon niya ay nakomperma ko ng sa ibang bagay nga ang dahilan ng pamumula niya. Sa laki ba naman ng bukol sa pantalon niya ay natitiyak ko kung ano na ang tumatakbo sa utak niya. "Wala naman. Nag-eensayo lang ako sa paglangoy, para naman hindi ako malunod sa mga matatamis mong salita." He chuckled. "Alam mo para kang dagat." Kumunot naman ang noo ko. "Bakit naman? Kasi malalim akong mag-isip?" naguguluhan kong tanong. Ngumisi naman siya sa akin saka inilapit ang mga labi niya sa tainga ko. "Ang sarap mo kasing sisirin." At lahat ng nakahimlay kong buhok sa katawan at nagsitayuan dahil sa bulong niya. "Alam mo? Para kang bato, ang sarap mong ihagis alam mo 'yon?" naiirita kong sambit sabay tulak sa kanya. Natawa naman siya. "Masarap naman talaga ako. Itanong mo pa sa iba." Inirapan ko na siya sa sinabi niya at saka sinuot ang tsinelas ko. Iniwan ko siyang mag-isa habang patawa-tawa pa. "Magbihis ka ng panlakad, mag-go-grocery tayo!" Hindi ko na sinagot ang sinabi niya at nagpatuloy na lang sa paglalakad hanggang sa makapasok ako sa loob ng bahay niya. To be continued…. Hope you like this chapter. Feedbacks and suggestions. ❤️ Anyway, guys support me on Dreame. My username is AquiraWP. Wala pinost ko lang mga works ko doon hahaha
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD