Chapter 4 Offer

3631 Words
Chapter 4 Offer Kinabukasan ay nagising ako nang tumama sa mukha ko ang sinag ng araw. Anong oras na ba? Binuka ko ang mga mata ko at halos sumabog na ang dibdib ko sa gulat nang makita si Hendrix sa loob ng kwarto. "Good morning, Spidey!" masayang bati niya. Napaupo na lang ako habang inaalis ang mga muta sa mata ko. "Nagulat ba kita?" tanong niyang hindi ko na pinagkaabalahang sagutin. Sino ba naman kasi ang hindi magugulat kung makikita mo siyang walang pang-itaas na damit? Ayos lang naman sana kung iyon lang, kaso naka brief lang talaga siya habang inaayos ang kurtina. I know he has a good looking body, but I think it's not necessary na ibalandra niya iyon sa harap ko. "Sorry sa ayos ko. Katatapos ko lang maligo. Nandito kasi ang gamit ko kaya dito ako pumasok," paliwanag niya pero hindi ko na inabala ang sarili kong pakinggan siya. Tumingin ako sa kanya. Ang bilis, nakabihis na agad siya. "Hindi masakit ang ulo mo?" tanong ko. Lasing 'to kagabi eh. You know, hangover. Ngumisi naman siya nang nakaloloko sa akin. "Pa-fall ka, Spidey," wika niya. Napairap naman ako sa sinabi niya. Then in a second, parang may napansin akong bago sa pandinig ko. Nalukot ang mukha ko. "Ano ulit iyong huling sinabi mo?" usisa ko. Tinagilid naman niya ang ulo niya, then he arched his brow at me. "Pa-fall ka... Iyon, bakit?" Umiling ako, while gesturing my hand that it's not what I meant. "Hindi...iyong tinawag mo sa akin, ano ulit iyon? Spay... Ano?" Nalukot ang mukha ko sa tanong ko. Parang nagliwanag naman ang mukha at napapitik pa ng mga daliri niya. "Spidey! Bakit? You don't like it?" Napakurap ako. Spidey? What the hell? Kagabi tinanong niya ako kung boxedor ako, tapos ngayon gagawin niya akong gagamba? Tinapunan ko siya nang matulis na tingin. Ngumisi lang siya tapos nagkibit balilat. Ghad. I can't believe we're talking so casual na para bang walang nangyaring kababalaghan sa amin kagabi. Hindi niya rin binuksan ang topic na iyon na para bang ang umagang ito ay panibagong buhay, at ang lahat ng nangyari kahapon ay dapat ng ibaon sa limot. O di kaya, hindi niya naalala dahil sa kalasingan niya kaya ganito siya? "Hindi ka curious?" tanong niya. Bumangon ako sa kama saka umiling. "Well, dahil iyon sa pag-exit mo gamit ang veranda. I'm so amazed, pakiramdam ko kalahi mo si Spiderman," natatawa pa niyang sambit. Natigilan ako, pero agad din naman akong nakabawi. "Whatever," sabi ko na lang at naupong muli sa kama. Wala, parang gusto ko ulit mahiga. Ang sarap kasi ng kama niya, masyadong malambot. "You don't like to be called Spidey?" I heaved a sigh, without breaking my eyes off him. "Obviously. I have a name." "Kung ayaw mo sa Spidey, so what about, gagamgirl?" Oh my. Ang aga-aga, nambubwesit talaga siya. Hindi ibig sabihin na niligtas niya ako ay may karapatan na siyang bwesitin ako. "Ang gago mo, alam mo 'yon?" medyo nababanas ko ng tanong sa kanya. Umirap pa ako. I know what he's trying to do. He just want to ruin my morning, and he finally did! "Ang init ng ulo mo. Ganyan ka ba pagnabibitin?" Anak ng... I thought he didn't remember?! Hindi ko lang siya pinansin, tapos tumayo na ako sa kama. "Uuwi na ako sa amin-" "Teka... I haven't paid you," he said. Oo nga pala. Muli akong naupo sa kama tapos siya ay lumapit sa isang drawer. Kinuha niya ang isang pitaka bago muling lumapit sa akin. Kumunot ang noo ko nang tinitigan niya lang ako. Hinawakan pa niya ang panga ko nang marahan na para bang may tinitingnan. Seryoso siya, tapos nakakunot pa ang noo. "Ano ba?!" Sabay tabig ko sa kamay niya. "Just give me the money so I could leave," sabi ko. He remained silent. Sinamaan niya pa ako ng tingin, tapos ilang sandali ay lumamlam ang mga mata niya, pero agad din itong nawala. "I'm sorry, I left some marks." Unti-unting namilog ang mga ko sa narinig. Marks. May chikinini ako! Tinulak ko siya nang bahagya. "Do you have a bandaid? Tatakpan ko na lang," sabi ko. Well, I guess I do not have a choice here, nangyari na at saka nagkamarka na. "I didn't know that I was a bit, aggressive last night,"he murmurs. Umirap akong muli. " Just give me bandaid," utos ko. Sumimangot naman siya sa akin. "I don't have bandaids here. At saka, if you'll try to cover it baka magtaka ang mga tao." At bakit naman? "Ilang chikinini ba ang iniwan mong Kapitan ka?!" mariin ko nang tanong sa kanya. Nakakainis na siya. Ang aga-aga, iniinis na niya ako! "Ang init talaga ng ulo mo." Natawa pa siya. "Let me count." f**k! Sa sinabi niya ay sigurado akong hindi lang isa o dalawa ang markang iniwan niya! "Chill, Spidey. Lima lang naman," sambit niya. Ngumuso pa siya para pigilan ang pagsilay ng ngisi niya. "You act like a gentleman, pero ang totoo napakalikaw ng bituka mo!" He tilted his head. "Excuse me, I'm really a gentleman. Tinanong naman kita kung sigurado ka, sabi mo naman oo." May halong panunuya ang mga sinabi niya kaya hindi ko na lang pinatulan. Nilahad ko na lang ang mga palad ko sa harap niya. I need my money now. "Well... I still want to apologise to what happened last night. I should have not done that. Hindi dapat kita pinagbigyan," sabi niya. Inirap ko na lang sa hangin ang nagdaang emosyong humaplos sa puso ko. "Ginusto ko rin naman iyon. H'wag ka ng makonsensya. Nagustuhan mo rin naman iyon," saad ko pa, na para bang normal lang sa akin na gawin ang bagay na iyon. "Akin na 'yong pera para makauwi na ako," dagdag ko pa habang nakalahad ang palad ko sa ere. Napailing naman siya. Bumuka ang mga labi niya, pero tinikom niyang muli na para bang nilunok na lamang niya ang nais niya sanang sabihin. Kikilos na rin sana siya nang magbukas ang pintuan ng silid. Kapwa kami napatingin doon. Isang lalaki ang nagbukas ng pintuan, at ang mga mata niya ngayon ay nakatingin sa akin, tapos kay Hendrix. "You brought a woman in Henrik's Sacred Temple," he stated. Kumunot naman ang noo ko. Sacred Temple? At sino ba si Henrik? Membro ba ito ng kulto at iyang Henrik sa sinasabi nila ay ang tinuturing na Diyos? Or it's just their own jargon? "You've also brought two woman here," Hendrix rebbuted. Kumibot naman ang kilay ng lalaking nasa hamba ng pintuan. "They are my family, you dimwit,"sabi pa nito. Tumingin siya sa akin. Ang tulis ng tingin niya, para bang galit siya. "Lumabas na kayo. Tapos ng magluto si Rayana," he told us before shutting the door close. Napatingin naman ako kay Hendrix. Nagtatanong ang mga mata ko kung sino ang lalaking iyon. Gladly, nakuha naman niya ang invisible message ko. "That's Homer my cousin. While you were sleeping nagpunta sila ng asawa niya rito, sa bahay ng mga magulang ko kasi sila nakituloy ngayon. They knew that I'm here, kaya pumunta rin sila rito." Tumango na lang ako sa ginawa niyang paliwanag. "Don't worry, they're kind, especially his wife." Then he held my hand after that para giyahin ako palabas. Nagulat ako pero hinayaan ko na lang. Nang nasa kusina na kami ay saka niya lang ito binitawan. "Hi, Toto Henlix! Good morning," bulol na bati ng isang cute na batang babae. I think she's 2 or 3, not sure. "Hello, Odette, good morning," bati niya pabalik sa bata. "Kain na tayo. Maupo na kayo," mayuming sabi ng isang maputi at magandang babae. Ngumiti pa siya sa akin. Ngumiti na lang din ako. I think ito 'yong sinasabi niyang asawa ng pinsan niya. "Let's pray first," the woman said. Akala ko kanya-kanyang dasal lang ito pero nang lingunin ako ni Hendrix na nasa tabi ko lang ay Kumunot ang noo ko. "Let Saffeyah lead the prayer," he said. Oh, no. Like.. Fuck... Seryoso ba siya?! Namilog ang mga mata ko, as in literal. Namawis pa ang mga palad ko, at tumambol ng husto ang puso ko. Bakit ako ang maglelead? Hindi pa pwedeng iba na lang? Napangiti na lang ako nang hilaw nang lahat sila ay nakatingin na sa akin at hinihintay ang pagdadasal ko. Pumikit na lang din ako. It's been so long since I called His name. But for the sake of everyone here in this table, I'll just pretend... I do not really have a choice but to do it. "Amen," that's what I said after I thank whoever is in heaven for all the foods in front of us. "So... Are you two dating?" Napaubo ako sa naging tanong ng babae. Nakatingin siya sa akin ni Hendrix na ngayon ay pinagsasalinan ako ng tubig sa baso. "Here, drink." "Salamat," sabi ko. "I'm just helping her." A short answer coming from Hendrix. But his cousin doesn't seem to buy his words. His thick brows moved. Ang panga niya ay tumiim. "Why did you bring her here. Alam mong ayaw ni Henrik na may ibang babaeng makatapak dito," the guy named Homer said. Hindi ko talaga kilala kung sinong Henrik ang pinagsasabi nila. Siguro ay tama ako na membro sila ng isang kulto at itong unit na ito ay napaka-holy para sa kanila. Ewan... "Homer," saway ng babae sa mister niya. "Odette is here, stop being so grumpy. Ang aga pa. Hendrix is old enough to differentiate wrong from right." "Exactly," Hendrix said as he continued eating. "Dig your plate. Ihahatid kita pagkatapos," sabi naman niya sa akin. Nginitian niya pa ako. Hindi ba napapagod ngumiti ang lalaking ito? "Henrik is already engaged, what's the big deal, Homer? You still like Jenan for him?" si Hendrix. Hindi ko man sadyain ay talagang maririnig at maririnig ko ang seryoso nilang usapan dahil kasama nila ako sa hapag. "Tsk. I'm sorry, okay? Nasanay na ako sa rules ng kakambal mo. At isa pa, you don't really bring anyone here kahit gaano pa kaganda." So, he really has a twin? 'Yong Henrik ba ay niloko ng asawa niya? May wedding portrait eh, so kinasal sila malamang. "I'm just helping her kaya dito ko siya dinala." Nagpatuloy na lang ako sa pagkain habang nakikinig sa kanila. Ang asawa naman nitong Homer ay nanahimik na lang din habang inaasikaso ang bata. "Henrik should sell this unit. He's already engaged," Homer said. "I told him about it. He has a buyer na. Siya na nga ang aasikaso," sabi naman ni Hendrix. "That's what he told me last year, Rix. Tingin mo may balak talagang ibenta 'to ng kapatid mo?" "I don't know. Baka nasasayangan siya." "Kung ayaw niyang ibenta then he should ruin that damn portrait." "Homer...Dumaan ka rin sa ganito. You should've understand my brother." Panay lang ang palitan nila ng mga salita. Hindi na ako nakisali, hindi ko rin naman ang pinag-uusapan nila. "Mine is different. He has a fiancee now, tapos may pa portrait-portrait pa siya? Don't tell me he haven't moved on yet?" May pagkainis na sa hoses nito. Gamit ang gilid ng mga mata ko ay nakita ko kung paano nagkibit balikat si Hendrix. "Malay ko Homer. Baka gusto niyang magtirik ng kandila para sa namatay nilang pag-ibig sa harap mismo ng portrait nila. Tsk. At saka, bakit sa akin ka ba nagagalit ha?" "Dahil magkamukha kayo, Rix." Homer said. Muntik ko nang maibuga ang kinain ko sa narinig. "Tang-" "Hendrix, your mouth." It's a warning coming from the lady. "Juice Mother ka Homer. Malamang magkamukha kami dahil kakambal ko siya." Natawa na lang yong si Homer. Sa loob ko ay napailing na lang din ako. Poor Hendrix... "Enough, boys. May bata, at saka nasa harap tayo ng pagkain," awat ng babae. Yeah, tama nga naman siya. Nagpatuloy na lang ako sa pagkain ko. Bahala sila, gutom ako. They continued talking, but unlike earlier they are more serious now. They were talking about business, then Russia? Ewan. Mayaman nga sila. "Tara na," sabi ni Hendrix nang matapos akong magbihis. Syempre dahil wala naman akong damit ay ang malaki niyang t-shirt at Jersey shorts na lang sinuot ko. Ang chikinini ko naman sa leeg ay tinakpan ko na lang ng makapal at mahaba kong buhok. Hindi naman siguro ito mahahalata ng mga tao. Maliban na lang kung lalapit sila sa akin at talagang titingnang mabuti. "Sandali lang. Ipinagbalot ko siya ng pagkain," Homer's wife said at agad akong pinasunod sa kusina. "Are you dating Hendrix?" tanong niya. Umiling naman ako. "Hindi. Tinutulungan niya lang ako," sagot ko. She giggled. Tapos tinuro niya ang leeg ko. Napahawak naman ako rito. Shet. Nakita niya. But I have nothing to hide, wala rin naman kaming relasyon ng Kapitan na iyon. He's just helping me and he only did a favor for me last night kaya nangyari iyon. No strings attached. "He left some marks. I wonder what kind of help you asked him for." May halong panunukso ang mga salita niya. Napatawa pa siya. "He likes you," dagdag niya pa. Shyly, I smiled at her, while shaking my head. "Hindi naman. Mabait lang siya sa akin," sagot ko. "He has a crush on you, I'm sure of it. He won't let you wear his shirt if he doesn't like you. Ayaw na ayaw niya na ginagalaw ang gamit niya." Nagulat ako sa rebelasyong sinabi niya sa akin. Pero hindi ako nagpadala. It's too impossible for Hendrix to like me. Ang bilis naman ata. We only met, trice, I think. Ano, love at first sight? Uso pa ba iyon? "Mali ka. He's just kind." Nagkibit balikat pa ako. "Salamat dito," sabi ko sabay tanggap ng eco bag na may nakapaloob na mga pagkain. "I married a dela Conde, I know their taste." Ngumisi ako. "You only married to one dela Conde. Stop acting like you know everything about them. They might have the same genes, pero I'm sure pagdating sa babae iba-iba ang tipo nila... Oh, I'm sorry if I'm rude." Nahihiya pa akong ngumiti sa kanya. "Ayos lang. You're right, I only married one Dela Conde. But I really think that Hendrix likes you." Ngumiti siya ulit nang matamis sa akin. Ngumiti na lang din ako at muling nagpasalamat. Hendrix drives me home. Ayaw ko man ay nagpumilit na talaga siya. I'm currently living in a squatters area now, at ayaw ko sanang malaman niya iyon dahil baka isipin niyang nagpapaawa na naman ako sa kanya. Ayaw kong kaawaan niya ako. Mas makabubuti na rin kung matapos nito ay hindi na ulit kami magtagpo pang muli dahil baka madamay siya sa gusot ko. "You're... You're really staying in this place?" tanong niya nang pinasadahan niya ng tingin ang buong lugar. Maingay, may kung iilang tambak na basura, may tumatae pa sa gilid at sobrang siksikang mga bahay. I do not intend to bring him here, pero mapilit talaga siya. He already gave me the money, akala ko nga ay aalis na siya pero bumaba pa talaga siya sa sasakyan. "Hanep! Ang kinis ng sasakyan!" "Ang yaman naman ng dumating!" Iilan sa komento ng mga tao sa sasakyan ni Hendrix. Napabuntong-hininga na lamang ako. "Umuwi ka na," sabi ko sa kanya. Nilingon naman niya ako. "You should find another place. May kasama kayong bata. It's not safe here." Inismiran ko siya sa sinabi niya. "Anong hindi safe? Safe naman dito, hindi lang halata." Natawa pa ako. "Mayaman ka kasi, hindi ka sanay sa ganito," sabi ko pa. Kumunot naman ang noo niya. Kumibot pa ang mga labi na para bang gusto niyang magsalita pero hindi niya tinuloy. "Salamat sa pera mo. Last na ito, pramis. Sige na uwi ka na," sabi ko pa at nilagpasan na siya. Pero hinaklit niya nang marahan ang braso ko. Dumapo naman ang mga mata ko roon. Napabitaw naman siya na para bang napaso siya sa paghawak sa akin. "Paano kung maubos na ang pera mo? Are you... Are you going to that place again? Dancing sensually?" kunot noo niyang tanong. May kung anong pagkainis pa ang dumaan sa mga mata niya na agad din namang nawala. Nagbikit balikat ako tapos napamulsa. "Ewan. Siguro." "Find another job." "Wala akong ibang mahanap maliban don." The most honest answer I could ever tell him. Nagtangis ang bagang niya. "Aside from having a pretty face, wala ka bang skills?" Ngumiti ako. "I can dance, and you know... I can f**k real hard." Kumindat pa ako sa kanya. Nagliyab muli ang mga mata niya, but this time, hindi dahil sa libog kung hindi dahil sa galit...galit? Bakit naman siya magagalit? "Don't ruin your future," he said. Mapakla akong napangiti sa kanya. It's already ruined, if you only knew. "You don't like the idea of me dancing for another guy, do you? Gusto mo ba sa harap mo lang ako sumayaw?" May panunukso kong tanong sa kanya. Nag-iwas siya ng tingin, tapos binalik muli sa akin. "You're a woman. Hindi mo dapat hinahayaang pagpestahan ka ng kung sinong lalaki lang. Respect should start from you," he said. Ako naman ang nag-iwas ng tingin. Ano bang alam niya?! He doesn't know my story. If only I have a choice, hindi naman ganito ang gagawin ko. Napaigtad ako nang may humawak sa kamay ko. It's him, sino pa ba. May nilagay siya sa palad ko. Isang calling card. "What's this?" "Call me if you need something," he said. Napatawa na lang ako. I do not need his pity! Tinapon ko ang calling card niya. I do not like the way he stared me. Naaawa siya sa akin. Dahil ano?! Dahil mas pipiliin kong maging isang kalapati para lang mabuhay? It's the easiest way, though. "Aside from f*****g, what else can you offer?" he suddenly asked. "I can do household choirs," I honestly said. Then in an instant, his dashing smile flashed. The smile he has could really brighten your day. Nakakahawa ang ngiti niya. Pero hindi ko siya ginawaran ng isang ngiti na tulad ng pinakita niya. "I'm in need of house helpers." "Pakialam ko?" pagtataray ko. Pumikit siya, tila nagtitimpi. "I'm just giving you another option. Kung pipiliin mo pa rin ang pagsayaw sa harap ng iba kesa sa option na ibinibigay ko, then bahala ka." Hindi ako nagsalita. I'm actually looking for some job that is more decent than the work in night clubs. At heto na iyon, inaalok na sa akin, pero nagmamatigas pa rin ako. " I'll give you until Friday. Alam mo kung saan ako tumutuloy. Puntahan mo ako ro'n if ever that you've change your mind," he told me before leaving. Napabuga na lamang ako ng hangin dahil sa mga nangyari. Friday. Iyan ang palugit niya. And it's just five days from now. Hindi ko tatanggapin ang offer niya. Ayaw ko. Nakakahiya na. Baka isipin ng iba ay ginagamit ko siya. Minsan bastos siya, but he's warm inside. Hendrix is kind, at ayaw kong abusuhin ang kabaitan niya. Ayaw ko... Ilang beses ko rin iyang sinabi sa sarili ko sa loob ng ilang araw. I was busy taking care of my one year old son, at sa nanay ko sa mga araw na nagdaan. Kahit ano mang mangyari, kahit ano mang hirap, I won't accept his offer again. Sa loob ng mga araw na iyon ay nagawa kong pagupitan ang maitim at mahaba kong buhok. It's a pixie style cut, at pinakulayan ko pa ng Ash gray. Kailangan ko kasi ang ganitong aura kapag ka bumalik na ako sa club. Yes, club, because I will not accept his offer. I won't... Never...  Never ko talagang tatanggapin. Pero lahat ng never at I won't ko ay nilunok ko kasama ng pride ko nang tumayo ako sa harapan ng pintuan ng unit na inuukupa ni Hendrix. He's offering me a decent work, and not as his bed warmer. I think that made me change my mind. Oo, makapal talaga ang mukha ko, but I do not really have a choice. I was about to touch the botton for his doorbell nang bumukas ang pintuan. Niluwa nito si Hendrix na bihis na bihis na at mukhang aalis na. Ala-sais na kasi ng gabi ngayon, siguro ay may lakad na siya. Bahagya siyang natigilan nang masilayan niya kami. Pero ang pagkagulat sa mga mata niya ay napalitan ng pagkagalak. Yes, you won Hendrix. "Pasok kayo," sabi niya sa amin. Pumasok naman kami. Nauna si Nanay, tapos nahuli ako. Pero agad akong natigil sa paglalakad nang humarang si Hendrix. Nakangiti siya sa akin ngayon. "Thank you for choosing the right path." Umirap ako sa sinabi niya. "Bawasan mo ang pagtataray mo sa akin. I'm your benefactor," he said. "Don't worry, sa piling ko future mo ay laging sigurado." Napaismid ako sa sinabi niya at kalaunan ay natawa. He's crazy... "Your new hair suits you," he complimented. Ngumiti na lang ako at saka tumango. Sinuklay ko pa ang buhok ko gamit ang daliri ko. "Thanks," I said. "You look hot." "Manyak ka talaga," I commented. "That's not being maniac, Saffeya. It's being honest," he said. Then he winked at me. Saffeya... He called me using my name. Hindi ako sanay na matawag sa tunay kong pangalan at ngayong siya ang tumatawag sa akin ay parang may kung ano akong nararamdaman. Parang natutuwa ako na ewan. Well, telling him my real name na lang siguro ang tangi kong maipambabayad sa kabaitan niya sa akin. "Well, thanks for your honesty. Ganern?" sabi ko na lang. And I don't know why I am smiling at him. Napangiti na lang siya at napakibit-balikat. I'm not sure if it's really a great idea to accept his offer. Pero nandito na ako, wala ng atrasan ito. To be continued... Vote. Comment. :) Feedbacks guys. Nagustuhan niyo ba?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD