Chapter 2 Dignity

7975 Words
Chapter 2 Dignity Ala-sais trenta na nang marating ko kasama ng nanay ko ang rooftop na napag-usapan namin ni Hendrix. Hindi ako sigurado kung totoo ang mga sinabi niya pero nagbabaka sakali lamang ako. Sisipot naman siya, hindi ba? Napatingin naman ako sa nanay ko ngayong nakabusangot habang karga-karga ang 2 year old na si Amr. Napabaling siya sa akin, tapos napailing. Kahit may wrinkles na siya sa mukha niya ay maganda pa rin siyang tingnan. Maalaga kasi siya sa katawan niya. "Anong oras na, darating pa ba iyon?" naiinip niyang tanong. Biglang umihip ang malakas na hangin. Napahawak naman ako sa saya ng damit ko upang hindi ito bumuka. "Hintayin muna natin, Ma. Ang sabi niya kasi ala-syete ng gabi," sabi ko na lamang. Pero sa loob-loob ko ay napanghihinaan na ako ng loob. Madilim na ngayon, at wala talagang kasiguraduhan na darating siya. "Sigurado ka bang pilot siya? Baka naman taga pile ng balot lang iyang lalaking iyan?" Bahagya naman akong natawa sa sinabi niya, saka napailing. "Hindi ako sigurado pero iyon ang sabi niya-" "Ni wala ka man lang numero niya. Sigurado ka ba talagang tutulungan ka no'n?" Hindi ko siya nasagot. Napabuga na lang ulit ako nang marahas na hangin. Iyon 'yong mali ko, hindi man lang ako humingi ng number niya. Ewan... Di ko na talaga alam ang gagawin ko. Basta hiling ko lang talaga sa mga tala ngayon na sana dumating siya. Lumipas ang isang oras ay wala pa rin siya. Yumuko na lang ako tapos kinuha si Amr kay nanay. Wala na, hindi na yata darating iyon. "Tara na, Ma. Maghahanap na lang tayo ng ibang paraan," nanghihina kong sabi sa kanya sabay lakad. Akala ko sumunod siya sa akin, pero nang lingunin ko siya ay nakatingala siya habang nakakunot ang noo. Sinundan ko naman ng tingin ang tinitingala niya. Biglang kumalabog ang puso ko sa pinaghalong kaba at tuwa. Kasunod nito ay ang paghagip ng pandinig ko sa tunog ng papalapit na helicopter. Maliit lamang ito sa malayo, pero habang tumatagal ay palaki na nang palaki ito sa paningin namin. Napaawang ang mga labi ko. "Ma," napabulong na lang ako habang naglalakad palapit sa kanya. Napangiti ako. Hindi ako sigurado kung siya nga iyan, pero sana siya nga. Pinagmasdan lang namin ang helicopter, at nang mapansin naming sa banda namin ito palapit ay umurong muna kami. Sobrang lakas ng hanging dala nito. Nililipad na halos ang suot naming saya. Napahigpit naman ang hawak ko kay Amr habang pinagmamasdan ang unti-unting paglapag ng naturang sasakyang panghimpapawid. "Nakajakpot ka, anak ah," sabi ni nanay pero hindi ko na siya sinagot. Napatitig na lang ako bigla sa isang bulto ng katawang lumabas mula sa helicopter. Sa 'di ko malamang dahilan ay tila bumagal ang ikot ng mundo ko sa nakita. Kahit madilim na ay kita ko ang kislap sa kanyang mga mata. Nakasuot siya ng kulay putting long-sleeved na tinupi niya pa talaga hanggang siko. Nakakulay hilaw na tsokolateng pantalon naman siya. Nagmistula tuloy siyang modelo sa istura niya at sa paraan ng paglalakad niya nang marahan. Napatitig siya sa akin, at nang ngumiti siya ay parang kinapos ako ng hininga. Weird... I've seen so many good looking guys, but the vibes of this man is different. Magaan siyang tingnan dahil sa ngiti niya, but his eyes were telling something, which I couldn't tell what. Huminto siya sa harapan ko, at gamit ang baritono niyang boses ay nagtanong siya, "Kanina pa ba kayo naghihintay?" Binasa ko naman ang kanina pang natuyo kong mga labi at tumango. Totoo naman kasing kanina pa kami rito. Nakita ko namang napatingin muna siya sa mga labi ko bago binalingan ngtingin ang nanay ko. Bumati pa siya rito at humingi ng paumanhin dahil ngayon lamang siya nakarating. "Nagka-air traffic kasi kaya hindi agad ako nakalipad," paliwanag niya na siyang tinanungan na lang namin. Matapos nito ay sinabihan niya si nanay na sumakay na sa helicopter. Pinasa ko naman si Amr sa kanya na payapa pa ring natutulog sa ngayon. Samantalang nanatili naman ako sa kinatatayuan ko. "Akala ko hindi ka na darating. Bakit mo nga pala kami tinulungan?" Minsan talaga gusto kong sapakin ang sarili ko dahil sa lumalabas sa bibig ko. Dapat magpasalamat na lang ako na nandito siya, at hindi na magkwesyon pa. Tumaas naman ang sulok ng mga labi niya, saka niya sinakop ang distansya namin. Hindi ako nakagalaw na para bang tinulos ako sa kinatatayuan ko. Napaawang naman ang mga labi ko nang unti-unting nilapit niya ang bibig niya sa tainga ko. "Ang ganda kasi ng pambayad mo, naengganyo ako," bulong niya. Ngumiti pa siya sa akin. Pero 'yong ngiting nakakaloko. Nang tumalikod na siya ay doon ko na naibuga ang hininga kong kanina ko pa pala pinipigilan. I can’t blame him, ako naman ang nag-offer ng katawan ko kapalit ng pagtulong niya sa amin. "Halika na," sabi niya nang lingunin niya ako. Lumunok naman ako saka humakbang. Wala ng atrasan ito. Isang gabi lang naman siguro niya akong gagamitin. Nang makasakay na ako ay pinag-seatbelt niya muna kami bago niya pinagpipindot ang kung ano mang pinipindot niya. Pinagmasdan ko lang siya. Bawat galaw niya ay nasa tempo, na para bang nagsasayaw ang mga daliri niya. Dumapo naman ang mga mata ko sa mukha niya. Makapal ang kilay niya, matangos ang ilong, at mapupula rin ang mga labi niya. Labi niya…I could remember how smooth his lips were. Lumunok na lang ako upang mawala sa isipan ko ang eksenang nagbalik. Lumingon siya bigla sa akin kaya nagulat ako, pero hindi na lang pinahalata. Ngumisi naman siya sa akin na para bang sinasabi niyang alam niyang pinagmamasdan ko siya kanina pa. “I’m cool, right?” He winked after that. "Get ready, we're about to hover," he said. Sumahimpapawid na talaga kami matapos ang ilang minuto. Hindi na lang ako nagsalita at pilit na humihinga nang maayos. Tinuon ko na rin ang atensyon ko sa bawat gusaling nakikita ko sa ibaba. Nagmistulang mga tala sa lupa ang mga sasakyang nakikita ko ngayon dahil sa ilaw. Pero kahit na nalilibang na ako katitingin sa tanawin ay hindi ko pa rin maisawang mapatingin sa kanya. The way he maneuvers this airship seems so perfect. I mean, parang bagay na bagay talaga siya sa field na ito. Like being a pilot is really meant for him. “I know I’m good looking.” Nagulat ako nang magsalita siya. Sabayan pa ng pagngiti niyang kitang-kita ang kandiis niya. Hindi ako nagsalita kaya dinugtungan niya ang sinasabi niya. “Just stop sneaking glances, you’re distracting me. Sige ka, baka mag-crash tayo.” Sinimangutan ko na lang siya at hindi nagsalita. Again, he glanced at me. Then he smiled. “Ang ganda mo.” Natigilan ako. “H-ha?” Hindi ako sanay na parang limitado ang kilos ko. In times like this na stress na ako ay baka nag-inom na ako at humithit ng yosi. Pero dahil lang sa kasama ko siya ay parang gusto kong maging mabait bigala. Wow. Bakit kaya? “Wala. Magpahinga ka muna, malayo pa tayo,” sabi niya na lamang. Tumango na lang ako kahit na hindi na siya nakatingin sa akin. Hindi ko pa nasasabi sa kanya na sa Jordan ko balak pumunta. Hindi rin naman siya nakapagtanong. Pero sa tingin ay sa Pilipinas niya kami dadalhin. Kung doon man ay hindi na dapat ako magreklamo dahil tinutulungan na niya kami. Problema ko na kung saan kami titira matapos nito. Ang mahalaga matakasan ko si Arnulfo. Hindi ako pwedeng mahuli ng matandang iyon. Kung sana nandito si Alessandro ay payapa ang buhay ko. But I don't think he'd help me. Masyadong masunurin iyon kay Arnulfo. Gaya ng hinuha ko ay sa Pilipinas niya nga kami dinala. Hindi na ako nagreklamo. Buhat-buhat si Amr ay bumaba kami. Hapong-hapo na ang ina ko kaya ako na ang kumarga sa bata. Nang nakapasok na kami sa loob ng airport ay huminto muna kami sa paglalakad dahil may sumalubong sa kanyang lalaki. Nag-usap muna sila saglit, bago pumanhik ang lalaki. Nagkatinginan naman kaming dalawa pero agad niya ring binawi ang titig niya nang tawagin siya ng ina ko. Matamis namang ngumiti ang ina ko sa piloto sabay haplos sa balikat nito. "Maraming salamat sa pagtulong mo," sabi niya pa. "Walang ano man po," magalang niyang sabi. "Maiba ako, anong kapalit ng pagtulong mo sa amin?" tanong pa ng ina ko. Muli, nagkatinginan naman kaming dalawa ni Hendrix, at sa titig niya pa lang ay dama ko na ang init na hatid niya. Tumaas pa ang sulok ng labi niya at saka umiling. But knowing Matilda? I bet she already knows kung anong ibig sabihin ng titigan namin ng binata. Ngumisi naman nang malapad ang ina ko saka ito lumapit sa akin para kunin si Amr. "Galingan mo para hanap-hanapnapin ka. Wala tayong income. Tingin ko mayaman iyan, sunggaban mo na," bulong ng nanay ko. Tumiim na lang ang bagang ko habang hinayaan siyang tangayin si Amr. Napatingin naman ako kay Hendrix na nanatiling nakatayo ngayon sa harapan ko. Ibat-ibang pasahero na nag dumadaan sa amin pero tahimik pa rin kami. Mataman niya lamang akong tinitigan. Tapos bumaba ang mga mata niya sa labi ko. Umiling siya pagkatapos. May dinukot siya sa bulsa niya habang sinasara ang distansya naming dalawa. Isang pitaka. At kumukuha siya ngayon ng pera. Lahat ata ng cash niya niya nilabas niya. Tapos iniabot niya ito sa akin. Bayarang babae pa rin pala talaga ang kahahantungan ko. Tulad lang ni nanay. Umiling ako. Nanunuyo ang lalamunan ko pero pilit akong nagsalita. "H'wag na. L-libre na lang... Ilang gabi mo bang gagamitin ang katawan ko?" Hindi siya nagsalita at pilit na nilalagay sa palad ko ang pera pero ayaw kong tanggapin. Nagkasukatan kami ng tingin na dalawa. Tinaasan ko siya ng kilay. "Libre na. Hindi naman ito first time." Napakunot naman ang noo niya sa sinabi ko. Binaliwala ko na lang ito saka ako tumingkayad para abutin ang labi niya at halikan siya. Pero hindi siya gumanti kaya tinigil ko. Nakakunot lang ang noo niya at nakatiim ang bagang na para bang naiinis siya sa ginawa ko. "Ayaw mo ba? Quicky na lang tayo, may cr naman dito at-" Tumigil ako nang mapansin ko ang galit sa mga mata niya. Umatras ako ng isang hakbang pero hindi naibsan nito ang apoy na lumalagablab sa mga mata niya. Dumagundong naman ang puso ko sa kaba. Bakit ganyan siya makatitig? "Ganyan ba kababa ang tingin mo sa sarili mo? I was just kidding about having s*x with you as a payment." Napalunok ako. He seems so sincere in his words. Nagbaba na lang ako ng tingin dahil hindi ko kayang tapatan ang intesidad na pinapakita ng mga mata niya. “Just take this money. This will be my last help to you. Sana maging maayos na ang buhay niyo rito,” sabi niya sabay lagay ng pera sa mga palad ko. Umalis siya matapos at iniwan akong nakatayo, habang ang mga perang papel ay nangahulog sa sahig dahil hindi ko ito nahawakan kaagad. Lumingon ako para tingnan siya. Naglalakad na siya palayo at hindi man lang lumingon, at ilang sandali ay may isang stewardes na sumalubong sa kanya. Nag-iwas na ako ng tingin nang maglapat ang mga labi niya. That must be his girlfriend. Yumuko na lang ako at sinimulang pulutin isa-isa ang mga pera. Sayang ang ayuda ni Capt. Lihim na lang din akong napangiti sa tawag ko sa kanya. Capt…I really thought that he is a barangay captain. Sakto namang paglabas ko ay naabutan ko ang ina ko na inaalo si Amr. Hindi sila nakaalis dahil wala naman siyang dalang pera. Nilapitan ko na lang siya. “Gutom na yata itong anak ko, Ma,” sabi ko. Napairap naman siya sa akin. “Hindi ka talaga nag-iisip noh? Bakit mo sinayang ang piloto? Takot kang mabiyak iyang sa ‘yo? Eh, nabiyak naman na iyan.” Sinimangutan ko na lamang siya, habang inaalo ko si Amr. Kahit pa man inalok ko iyon sa kanya, ay laking pasasalamat ko pa rin na hindi iyon ang habol niya. “H’wag mo ng ingatan iyan. Magdaan lang ang ilang araw natin dito sa Pilipinas ay baka maging kalapati ka na rin,” saad niya sa akin. Napailing na lang ako. Pumara na lang kami ng taxi at nagpahatid sa isang mumurahing hotel. Bukas na siguro kami maghahanap ng matitirhan. Gaya ng buhay namin sa ibang bansa ay hindi naging madali ang buhay namin sa Pilipinas. Dalawang linggo pa lang at ubos na ang sampung libong ayuda ni Hendrix sa amin. Pilit ko namang maghanap ng trabaho gamit ang fake identity kong si Ana Magbangi, pero wala talaga akong mahanap. Kahit serbidora sa isang kainan ay hindi ako tanggap. Bumuga na lang ako ng hangin habang pinagmamasdan ko ang sarili ko sa harap ng isang salamin. Nakapagcollege ako, hindi nga lang nakapagtapos. Kung tutuusin ay makakahanap ako ng matinong trabaho sa narating ko, kaso hindi ko magawang gamitin ang impormasyong ito dahil hindi naman si Ana Magbangi ang nakaabot nito. Napahilamos na lang ako gamit ang mga palad ko. Kailan ba ako matatapos sa pagtatago? Kailan ko ba muling mailalabas ang tunay na ako? “Ana, ready ka na ba, girl? Nasa VIP Room na ‘yong mga guest,” dinig kong sabi ni Mami Darl. Nag-angat ako ng tingin at saka ngumiti sa kanya, saka ko hinubad sa harapan niya ang suot kong t-shirt. “Magbibihis lang ako, Mami Darl. Saglit lang ito,” sabi ko sa kanya. “Okay, bilisan mo ha. At saka galingan mo ang pagkending ineng. May bunos ka sa akin kapag iniuwi ka ng isa sa kanila. Magagandang lalaki naman sila, hindi ka lugi sa mga iyon,” paalala niya sa akin. Pilit na lang akong ngumiti. Ayaw ko na umabot ang buhay ko sa ganito. Maski sa ibang bansa ay hindi ko nagawa ang bagay na ito. Naging runner ako ng cocaine, pero isang babaeng bayaran? Hindi ko talaga naisip na matutulad ako sa nanay ko…Pero…sayaw lang naman, eh. Hindi ako magpapauwi, bahala na kung walang bunos. Matapos kong maihanda ang sarili ay pinagmasdan ko muna ang mukha ko sa salamin. Tiis lang, ngayon lang naman. Suot-suot ang isang kinulang sa telang satin na damit ay pumasok ako sa isang kahon. Ang sabi ay lalabas daw ako rito kapag ka nagsimula ng tumugtog ang musika. Uminom pa ako ng alak kanina para lang lumakas ang loob ko. Alam kong hindi ko masisikmura ang gawaing ito pero gipit lang talaga. Bahala na… Nagsimula ng tumugtog kaya marahan akong lumabas sa kahon at sinimulang paindayugin ang katawan ko sa tamang ritmo ng musika. Mga sampung kalalakihan yata ang nandirito. Ang utos sa akin ay lapitan ko ang lalaking ikakasal na. Bachelor’s party kasi ito. Hindi ko talaga maintindihan. Kailangan ba talagang patikimin muna nila ng ibang potahe ang isang lalaki bago ito magpatali? Pero hindi ko sila masisisi kung iyon nga ang nais nila, nagpapakalalaki lang naman sila. Mula sa leeg ko ay yinapos-yapos ko ang katawan ko habang sumasayaw. Naghiyawan naman ang lahat sa ginawa ko. Pumikit na lang ako nang may lalaking papalapit sa akin. "Huling gabi mo na ito! Magpakasaya ka na!" sigaw ng isa. Ilang sandali naman ay naghiyawan silang muli nang hapitin ako ng lalaki sa baywang ko. Pumikit na lang ako nang mariin. Tiis lang, pera ang kapalit nito. "Sayaw ka muna. Mamaya ilalabas kita," bulong sa akin ng lalaki bago nilayo ang katawan niya sa akin pero saglit niya munang pinisil ang pwet ko kaya napadilat ako. Umatras. Patuloy pa rin ako sa marahan kong indayog habang iniisa-isa ang lahat ng tao. Pero napahinto ako nang matagpuan ng mga mata ko ang isang pamilyar na lalaki. Napalunok ako. Si Hendrix…  Bakit ba ang liit ng mundo? Sa lahat ng taong makakasalamuha kong muli, ay siya pa talaga? Nakatitig siya sa akin. Tumaas ang sulok ng mga labi niya habang hinahagod ako ng tingin, mula ulo hanggang paa. Pilit akong sumayaw habang nakatanaw sa kanya. "Naku, mukhang ang piloto ata natin ang tipo!" Umiling si Hendrix. Ngumising muli, nang hindi man lang tinatanggal ang titig sa akin. His eyes were burning from desire. Hindi ko alam kung para sa akin ba. Pero nang muli siyang umiling ay tila nawalan ako ng enerhiya. Para kasi siyang dismayado sa nakikita. Hindi ba siya kontento sa sayaw ko? Does he need more? Kaya ang ginawa ko ay may inigihan ko pa ang pagsayaw. Nakita ko ang paglunok niya. Mas umiingay na rin ang silid pero sa kanya lang ang buong atensyon ko. Kumunot ang noo niya, tapos napatitig siya sa basong hawak niya. At hindi na niya ako muling tinapunan ng tingin. Kaya hindi ko na rin siya tuningnang muli. Nandito siya, ibig sabihin likaw rin ang bituka niya. Muli akong sumayaw hanggang sa may humapit sa baywang ko. Isang lalaking hindi ko kilala. Napatigil ako nang haplosin niya ako. Napapikit na lang ako. Grabe na ang pagyurak ko sa sarili kong dangal ngayong gabi. Gustong tumakbo na lang, pero gipit ako. Kailangan ko lang magtiis matapos nito hindi naman na nila ako makikita… Maghahanap na lang ako ng ibang trabaho bukas na bukas… "Sorry to cut your fantasy, Brix. But I'm taking this lady." May humila sa akin. Hindi ko na kailangang idilat ang mga ko para alamin kong sino. "Don't be, Kj!" "Just let him, Brix. Matagal na ring tigang ang isang iyan. Isa pa kung papipiliin ang babae, we know who is she going to pick." Nagtawanan silang lahat. Nagmulat na ako ng mga mata ko at nakita ko ang pagngiti ni Hendrix sa mga kaibigan niya. "Lucas, I'm taking your gift, ayos lang ba?" Hindi ko alam kung sino ang kinakausap niya. Hindi ko rin alam kung tumango o ano. Basta ang sunod na mga nangyari ay hinila na ako ni Hendrix palabas sa silid. "T-teka. Nasasaktan ako," reklamo ko nang maramdaman ang pagkirot ng braso ko dahil sa higpit ng pagkakahawak niya sa akin. Huminto naman siya sa paglalakad. Binalingan ako ng tingin. Saka binitawan ang braso ko. Niyakap ko naman ang halos hubad ko ng katawan. Pumikit siya nang mariin saka naghubad ng damit. Nag-iwas ako ng tingin dahil lumantad na ang hubad at matipuno niyang katawan. "Wear it. Ayaw kong lumabas tayo na ganyan ang suot mo," sabi niya sa akin. Tinanggap ko naman ang itim niyang t-shirt at sinuot ito. Dahil sa wala siyang t-shirt ay talagang agaw pansin siya sa loob ng bar, lalo na sa mga babaeng dumadaan sa gilid namin. May iba na tinatawag siya, ngumingiti naman siya sa kanila pero hindi pa rin nabawasan ang pagdidilim ng mukha niya. Hindi ko mabasa kung ano ang iniisip niya. Hindi ko alam kung galit ba siya o hindi. Nakangiti siya, pero 'yong mga mata niya parang naiinis. "Let's go," sabi niya sabay hatak sa akin. Pero hindi ako nagpadala. Kumunot ang noo niya dahil sa ginawa ko. Tumingin na lang ako sa pimtuang pinaglabasan namin. Hindi pa ako nababayaran. "I can double the price. Tara na," sabi niya. His voice is deep, but I can sense a strand of concern and… Pity. Yes, pity. Pinasakay niya ako sa sasakyan niya at agad niya itong pinaandar nang hindi man lang ako kinakausap. Tahimik lang siyang nakatuon sa daanan. Kunot ang noo, at nakatiim ang bagang. Malalim din ang mga hiningang binibitawan niya. Namumula rin ang leeg niya. At kahit naka-full  ang aircon ay nakita ko ang mumunting pawis sa dibdib niya. This time… Noo ko naman ang kumunot. Iba kasi ang paghinga niya. Sobrang bigat at malalim. Pinagpapawisan pa siya at namumula. Gusto Kong magtanong pero hindi ko na binuka ang mga labi ko. Ayos lang kaya siya? Dahil hindi naman ako Santo ay hinayaan ko ang makasalanan kong mga mata na pagsawaan ang hubad niyang katawan. His biceps are very inviting. His abs are almost waving at me. Binaba ko pa ang mga mata ko. Nagtagal ito sa umbok niya sa pantalon ng ilang mga segundo bago ko inalis ang tingin ko. He's horny. Kaya pala ang bigat ng hininga niya. Binalikan kong muli ng tingin ang umbok niya. Ang laki. "Stop torturing me, will you?" he hoarsely stated. Red light. Huminto naman siya. Tapos napatingin sa akin. Bumaba ang tingin sa mga labi ko. Tapos napamura na lang siya, bago nag-iwas ng tingin. Tumiim ang bagang niya. Mas bumigat pa ang hininga niya. "Masakit sa puson iyan. Gusto mo e-blow job kita?" Isang matulis na tingin naman ang ginawad niya sa akin. He's not taking my words. Sa tingin niya pa lang alam ko ng hindi niya gusto ang sinabi ko. Nag-iwas na lang ako ng tingin. Halata namang nalilibugan na siya, but why is he not taking some moves? Para ba sabihin kong maginoo siya? I'm taking her. Naalala ko bigla ang sinabi niya. Sa isip ko ay napailing na lang ako. Pare-pareho lang ang mga lalaki. Mamaya, kapag nakarating na kami sa paruruonan susunggaban niya rin ako. Hindi pala katawan ko ang habol ha? Eh, ano tong ginagawa niya ngayon? Anong gagawin namin sa pagdadalhan niya sa akin? Bible study? Tsk. Sa mundong ito, bilang na lang sa daliri ang taong seryoso. "Baba," utos niya nang makarating kami sa isang parking lot ng isang gusali. Hindi man lang niya ako pinagbuksan ng pintuan. Sumakay kami sa elevator matapos. Hindi naman niya ako sinabihang sumunod pero panay pa rin ang sunod ko sa kanya hanggang sa marating namin ang isang kwarto. Pagbukas niya ay nagulat ako. Sa isang condominium unit niya ako dinala. Huhubarin ko na sana ang damit sa suot ko nang masimulan na namin ang bagay na gusto niya, nang mahagip ng mga mata ko ang isang napakalaking painting. Napaawang ang mga labi ko. It's a painting of a married couple. Siya ang nasa larawan, malamang asawa niya ang babae… Kasal na pala siya? Eh, sino yong babae sa Airport? Napailing ako. Babaero. Akala ko pa naman may pagkasanto siya, pero wala rin pala talaga siyang pinagkaiba sa ibang lalaki. "Come here!" malakas niyang pagkakasabi. Napatingin naman ako sa kanya. Nakaupo na siya ngayon sa isang sofa. Naglakad ako palapit sa kanya. "Sayaw," sabi niya na siyang ikinakunot ng noo ko. "I said, you dance. Gaya ng pagsayaw mo kanina." Kinagat ko ang labi ko at hindi gumalaw. Oo, tinamaan ako ng hiya. Parang nanliliit na kasi ako sa titig niya. Tinitigan ko na lang din siya, ganon din ang ginawa niya sa akin. Nagkasukatan kami ng tingin. Mga ilang mimuto  rin iyon bago siya napailing at natawa. Tumayo pa siya. Hinapit ang baywang ko sabay lapit ng mukha niya sa akin. Gamitin ang likod ng mga palad niya ay hinaplos niya ang mukha ko. "I'm just giving you the taste of your own game," he said. Hindi ko siya maintindihan. "Look at me." The authority is in his voice. Kumabog ang dibdib ko kaya napatingin ako sa kanya. I am not that vulnerable kaya nakipagsukatan muli ng tingin sa kanya. Now, at our close distance, I can clearly see the anger and annoyance in his eyes. "Hindi kita tinulungan at dinala rito sa Pilipinas para lang sumayaw sa harap ng ibang lalaki. Babae ka, magtira ka naman kahit na kaunting dignidad sa sarili mo." Marahan ang pagkakasabi niya pero nagmistulang isang matulis na bagay ito na siyang tumagos sa kailaliman ko. Magtira ka naman kahit na kaunting dignidad… His words are really like daggers… Hindi ako nakapagsalita. Magbababa na sana ako ng tingin pero hawak-hawak niya ang baba ko, at pilit na pinagtatapat ang mga mata namin habang ang isang braso niya ay nakahawak sa akin. "You're not allowed to dance like that in front of other people," he said. "Why?" I asked, almost a whisper.. "Because I want you to save your own dignity." How can this man be so warm? Binalot kami ng katahimikan. Pero ang mga mata niya ay nakatitig lang sa akin, sa mga labi ko. Ramdam ko rin sa ibaba ko ang pagpitik ng p********e ko nang maramdaman ko ang umbok niyang nagpaparamdam. Ilang sandali ay humiwalay na siya sa akin. Huminga siya nang malalim. He licked his lips. "You can use the other bedroom. May damit diyan, kaso panlalaki. Just use it, then take a rest after," he said. Tumango naman ako saka tinalikuran siya. Naglakad ko patungo sa silid pero agad ding napahinto nang pipihitin ko na sana ang pintuan, dahil nagsalita siyang bigla. "I'm… I'm single…." Ha? Nang lingunin ko siya ay naglakad na siya patungo sa kusina. Single? Napatingin naman akong muli sa portrait. Napangisi ako, sabay iling. Ginagago niya ba ako? To be continued… Sana magustuhan niyo ang babaeng nililikha ko. I know this woman is not perfect. But I'll make sure to give justice of her character. Every woman has a story, and this woman I am sharing to you has also her own. Sana magustuhan niyo siya gaya ng pagmamahal niyo kay Jenan at Penny. Challenging ang story ni Hendrix, tbh. Hahaha Chapter 2 Dignity Ala-sais trenta na nang marating ko kasama ng nanay ko ang rooftop na napag-usapan namin ni Hendrix. Hindi ako sigurado kung totoo ang mga sinabi niya pero nagbabaka sakali lamang ako. Sisipot naman siya, hindi ba? Napatingin naman ako sa nanay ko ngayong nakabusangot habang karga-karga ang 2 year old na si Amr. Napabaling siya sa akin, tapos napailing. Kahit may wrinkles na siya sa mukha niya ay maganda pa rin siyang tingnan. Maalaga kasi siya sa katawan niya. "Anong oras na, darating pa ba iyon?" naiinip niyang tanong. Biglang umihip ang malakas na hangin. Napahawak naman ako sa saya ng damit ko upang hindi ito bumuka. "Hintayin muna natin, Ma. Ang sabi niya kasi ala-syete ng gabi," sabi ko na lamang. Pero sa loob-loob ko ay napanghihinaan na ako ng loob. Madilim na ngayon, at wala talagang kasiguraduhan na darating siya. "Sigurado ka bang pilot siya? Baka naman taga pile ng balot lang iyang lalaking iyan?" Bahagya naman akong natawa sa sinabi niya, saka napailing. "Hindi ako sigurado pero iyon ang sabi niya-" "Ni wala ka man lang numero niya. Sigurado ka ba talagang tutulungan ka no'n?" Hindi ko siya nasagot. Napabuga na lang ulit ako nang marahas na hangin. Iyon 'yong mali ko, hindi man lang ako humingi ng number niya. Ewan... Di ko na talaga alam ang gagawin ko. Basta hiling ko lang talaga sa mga tala ngayon na sana dumating siya. Lumipas ang isang oras ay wala pa rin siya. Yumuko na lang ako tapos kinuha si Amr kay nanay. Wala na, hindi na yata darating iyon. "Tara na, Ma. Maghahanap na lang tayo ng ibang paraan," nanghihina kong sabi sa kanya sabay lakad. Akala ko sumunod siya sa akin, pero nang lingunin ko siya ay nakatingala siya habang nakakunot ang noo. Sinundan ko naman ng tingin ang tinitingala niya. Biglang kumalabog ang puso ko sa pinaghalong kaba at tuwa. Kasunod nito ay ang paghagip ng pandinig ko sa tunog ng papalapit na helicopter. Maliit lamang ito sa malayo, pero habang tumatagal ay palaki na nang palaki ito sa paningin namin. Napaawang ang mga labi ko. "Ma," napabulong na lang ako habang naglalakad palapit sa kanya. Napangiti ako. Hindi ako sigurado kung siya nga iyan, pero sana siya nga. Pinagmasdan lang namin ang helicopter, at nang mapansin naming sa banda namin ito palapit ay umurong muna kami. Sobrang lakas ng hanging dala nito. Nililipad na halos ang suot naming saya. Napahigpit naman ang hawak ko kay Amr habang pinagmamasdan ang unti-unting paglapag ng naturang sasakyang panghimpapawid. "Nakajakpot ka, anak ah," sabi ni nanay pero hindi ko na siya sinagot. Napatitig na lang ako bigla sa isang bulto ng katawang lumabas mula sa helicopter. Sa 'di ko malamang dahilan ay tila bumagal ang ikot ng mundo ko sa nakita. Kahit madilim na ay kita ko ang kislap sa kanyang mga mata. Nakasuot siya ng kulay putting long-sleeved na tinupi niya pa talaga hanggang siko. Nakakulay hilaw na tsokolateng pantalon naman siya. Nagmistula tuloy siyang modelo sa istura niya at sa paraan ng paglalakad niya nang marahan. Napatitig siya sa akin, at nang ngumiti siya ay parang kinapos ako ng hininga. Weird... I've seen so many good looking guys, but the vibes of this man is different. Magaan siyang tingnan dahil sa ngiti niya, but his eyes were telling something, which I couldn't tell what. Huminto siya sa harapan ko, at gamit ang baritono niyang boses ay nagtanong siya, "Kanina pa ba kayo naghihintay?" Binasa ko naman ang kanina pang natuyo kong mga labi at tumango. Totoo naman kasing kanina pa kami rito. Nakita ko namang napatingin muna siya sa mga labi ko bago binalingan ngtingin ang nanay ko. Bumati pa siya rito at humingi ng paumanhin dahil ngayon lamang siya nakarating. "Nagka-air traffic kasi kaya hindi agad ako nakalipad," paliwanag niya na siyang tinanungan na lang namin. Matapos nito ay sinabihan niya si nanay na sumakay na sa helicopter. Pinasa ko naman si Amr sa kanya na payapa pa ring natutulog sa ngayon. Samantalang nanatili naman ako sa kinatatayuan ko. "Akala ko hindi ka na darating. Bakit mo nga pala kami tinulungan?" Minsan talaga gusto kong sapakin ang sarili ko dahil sa lumalabas sa bibig ko. Dapat magpasalamat na lang ako na nandito siya, at hindi na magkwesyon pa. Tumaas naman ang sulok ng mga labi niya, saka niya sinakop ang distansya namin. Hindi ako nakagalaw na para bang tinulos ako sa kinatatayuan ko. Napaawang naman ang mga labi ko nang unti-unting nilapit niya ang bibig niya sa tainga ko. "Ang ganda kasi ng pambayad mo, naengganyo ako," bulong niya. Ngumiti pa siya sa akin. Pero 'yong ngiting nakakaloko. Nang tumalikod na siya ay doon ko na naibuga ang hininga kong kanina ko pa pala pinipigilan. I can’t blame him, ako naman ang nag-offer ng katawan ko kapalit ng pagtulong niya sa amin. "Halika na," sabi niya nang lingunin niya ako. Lumunok naman ako saka humakbang. Wala ng atrasan ito. Isang gabi lang naman siguro niya akong gagamitin. Nang makasakay na ako ay pinag-seatbelt niya muna kami bago niya pinagpipindot ang kung ano mang pinipindot niya. Pinagmasdan ko lang siya. Bawat galaw niya ay nasa tempo, na para bang nagsasayaw ang mga daliri niya. Dumapo naman ang mga mata ko sa mukha niya. Makapal ang kilay niya, matangos ang ilong, at mapupula rin ang mga labi niya. Labi niya…I could remember how smooth his lips were. Lumunok na lang ako upang mawala sa isipan ko ang eksenang nagbalik. Lumingon siya bigla sa akin kaya nagulat ako, pero hindi na lang pinahalata. Ngumisi naman siya sa akin na para bang sinasabi niyang alam niyang pinagmamasdan ko siya kanina pa. “I’m cool, right?” He winked after that. "Get ready, we're about to hover," he said. Sumahimpapawid na talaga kami matapos ang ilang minuto. Hindi na lang ako nagsalita at pilit na humihinga nang maayos. Tinuon ko na rin ang atensyon ko sa bawat gusaling nakikita ko sa ibaba. Nagmistulang mga tala sa lupa ang mga sasakyang nakikita ko ngayon dahil sa ilaw. Pero kahit na nalilibang na ako katitingin sa tanawin ay hindi ko pa rin maisawang mapatingin sa kanya. The way he maneuvers this airship seems so perfect. I mean, parang bagay na bagay talaga siya sa field na ito. Like being a pilot is really meant for him. “I know I’m good looking.” Nagulat ako nang magsalita siya. Sabayan pa ng pagngiti niyang kitang-kita ang kandiis niya. Hindi ako nagsalita kaya dinugtungan niya ang sinasabi niya. “Just stop sneaking glances, you’re distracting me. Sige ka, baka mag-crash tayo.” Sinimangutan ko na lang siya at hindi nagsalita. Again, he glanced at me. Then he smiled. “Ang ganda mo.” Natigilan ako. “H-ha?” Hindi ako sanay na parang limitado ang kilos ko. In times like this na stress na ako ay baka nag-inom na ako at humithit ng yosi. Pero dahil lang sa kasama ko siya ay parang gusto kong maging mabait bigala. Wow. Bakit kaya? “Wala. Magpahinga ka muna, malayo pa tayo,” sabi niya na lamang. Tumango na lang ako kahit na hindi na siya nakatingin sa akin. Hindi ko pa nasasabi sa kanya na sa Jordan ko balak pumunta. Hindi rin naman siya nakapagtanong. Pero sa tingin ay sa Pilipinas niya kami dadalhin. Kung doon man ay hindi na dapat ako magreklamo dahil tinutulungan na niya kami. Problema ko na kung saan kami titira matapos nito. Ang mahalaga matakasan ko si Arnulfo. Hindi ako pwedeng mahuli ng matandang iyon. Kung sana nandito si Alessandro ay payapa ang buhay ko. But I don't think he'd help me. Masyadong masunurin iyon kay Arnulfo. Gaya ng hinuha ko ay sa Pilipinas niya nga kami dinala. Hindi na ako nagreklamo. Buhat-buhat si Amr ay bumaba kami. Hapong-hapo na ang ina ko kaya ako na ang kumarga sa bata. Nang nakapasok na kami sa loob ng airport ay huminto muna kami sa paglalakad dahil may sumalubong sa kanyang lalaki. Nag-usap muna sila saglit, bago pumanhik ang lalaki. Nagkatinginan naman kaming dalawa pero agad niya ring binawi ang titig niya nang tawagin siya ng ina ko. Matamis namang ngumiti ang ina ko sa piloto sabay haplos sa balikat nito. "Maraming salamat sa pagtulong mo," sabi niya pa. "Walang ano man po," magalang niyang sabi. "Maiba ako, anong kapalit ng pagtulong mo sa amin?" tanong pa ng ina ko. Muli, nagkatinginan naman kaming dalawa ni Hendrix, at sa titig niya pa lang ay dama ko na ang init na hatid niya. Tumaas pa ang sulok ng labi niya at saka umiling. But knowing Matilda? I bet she already knows kung anong ibig sabihin ng titigan namin ng binata. Ngumisi naman nang malapad ang ina ko saka ito lumapit sa akin para kunin si Amr. "Galingan mo para hanap-hanapnapin ka. Wala tayong income. Tingin ko mayaman iyan, sunggaban mo na," bulong ng nanay ko. Tumiim na lang ang bagang ko habang hinayaan siyang tangayin si Amr. Napatingin naman ako kay Hendrix na nanatiling nakatayo ngayon sa harapan ko. Ibat-ibang pasahero na nag dumadaan sa amin pero tahimik pa rin kami. Mataman niya lamang akong tinitigan. Tapos bumaba ang mga mata niya sa labi ko. Umiling siya pagkatapos. May dinukot siya sa bulsa niya habang sinasara ang distansya naming dalawa. Isang pitaka. At kumukuha siya ngayon ng pera. Lahat ata ng cash niya niya nilabas niya. Tapos iniabot niya ito sa akin. Bayarang babae pa rin pala talaga ang kahahantungan ko. Tulad lang ni nanay. Umiling ako. Nanunuyo ang lalamunan ko pero pilit akong nagsalita. "H'wag na. L-libre na lang... Ilang gabi mo bang gagamitin ang katawan ko?" Hindi siya nagsalita at pilit na nilalagay sa palad ko ang pera pero ayaw kong tanggapin. Nagkasukatan kami ng tingin na dalawa. Tinaasan ko siya ng kilay. "Libre na. Hindi naman ito first time." Napakunot naman ang noo niya sa sinabi ko. Binaliwala ko na lang ito saka ako tumingkayad para abutin ang labi niya at halikan siya. Pero hindi siya gumanti kaya tinigil ko. Nakakunot lang ang noo niya at nakatiim ang bagang na para bang naiinis siya sa ginawa ko. "Ayaw mo ba? Quicky na lang tayo, may cr naman dito at-" Tumigil ako nang mapansin ko ang galit sa mga mata niya. Umatras ako ng isang hakbang pero hindi naibsan nito ang apoy na lumalagablab sa mga mata niya. Dumagundong naman ang puso ko sa kaba. Bakit ganyan siya makatitig? "Ganyan ba kababa ang tingin mo sa sarili mo? I was just kidding about having s*x with you as a payment." Napalunok ako. He seems so sincere in his words. Nagbaba na lang ako ng tingin dahil hindi ko kayang tapatan ang intesidad na pinapakita ng mga mata niya. “Just take this money. This will be my last help to you. Sana maging maayos na ang buhay niyo rito,” sabi niya sabay lagay ng pera sa mga palad ko. Umalis siya matapos at iniwan akong nakatayo, habang ang mga perang papel ay nangahulog sa sahig dahil hindi ko ito nahawakan kaagad. Lumingon ako para tingnan siya. Naglalakad na siya palayo at hindi man lang lumingon, at ilang sandali ay may isang stewardes na sumalubong sa kanya. Nag-iwas na ako ng tingin nang maglapat ang mga labi niya. That must be his girlfriend. Yumuko na lang ako at sinimulang pulutin isa-isa ang mga pera. Sayang ang ayuda ni Capt. Lihim na lang din akong napangiti sa tawag ko sa kanya. Capt…I really thought that he is a barangay captain. Sakto namang paglabas ko ay naabutan ko ang ina ko na inaalo si Amr. Hindi sila nakaalis dahil wala naman siyang dalang pera. Nilapitan ko na lang siya. “Gutom na yata itong anak ko, Ma,” sabi ko. Napairap naman siya sa akin. “Hindi ka talaga nag-iisip noh? Bakit mo sinayang ang piloto? Takot kang mabiyak iyang sa ‘yo? Eh, nabiyak naman na iyan.” Sinimangutan ko na lamang siya, habang inaalo ko si Amr. Kahit pa man inalok ko iyon sa kanya, ay laking pasasalamat ko pa rin na hindi iyon ang habol niya. “H’wag mo ng ingatan iyan. Magdaan lang ang ilang araw natin dito sa Pilipinas ay baka maging kalapati ka na rin,” saad niya sa akin. Napailing na lang ako. Pumara na lang kami ng taxi at nagpahatid sa isang mumurahing hotel. Bukas na siguro kami maghahanap ng matitirhan. Gaya ng buhay namin sa ibang bansa ay hindi naging madali ang buhay namin sa Pilipinas. Dalawang linggo pa lang at ubos na ang sampung libong ayuda ni Hendrix sa amin. Pilit ko namang maghanap ng trabaho gamit ang fake identity kong si Ana Magbangi, pero wala talaga akong mahanap. Kahit serbidora sa isang kainan ay hindi ako tanggap. Bumuga na lang ako ng hangin habang pinagmamasdan ko ang sarili ko sa harap ng isang salamin. Nakapagcollege ako, hindi nga lang nakapagtapos. Kung tutuusin ay makakahanap ako ng matinong trabaho sa narating ko, kaso hindi ko magawang gamitin ang impormasyong ito dahil hindi naman si Ana Magbangi ang nakaabot nito. Napahilamos na lang ako gamit ang mga palad ko. Kailan ba ako matatapos sa pagtatago? Kailan ko ba muling mailalabas ang tunay na ako? “Ana, ready ka na ba, girl? Nasa VIP Room na ‘yong mga guest,” dinig kong sabi ni Mami Darl. Nag-angat ako ng tingin at saka ngumiti sa kanya, saka ko hinubad sa harapan niya ang suot kong t-shirt. “Magbibihis lang ako, Mami Darl. Saglit lang ito,” sabi ko sa kanya. “Okay, bilisan mo ha. At saka galingan mo ang pagkending ineng. May bunos ka sa akin kapag iniuwi ka ng isa sa kanila. Magagandang lalaki naman sila, hindi ka lugi sa mga iyon,” paalala niya sa akin. Pilit na lang akong ngumiti. Ayaw ko na umabot ang buhay ko sa ganito. Maski sa ibang bansa ay hindi ko nagawa ang bagay na ito. Naging runner ako ng cocaine, pero isang babaeng bayaran? Hindi ko talaga naisip na matutulad ako sa nanay ko…Pero…sayaw lang naman, eh. Hindi ako magpapauwi, bahala na kung walang bunos. Matapos kong maihanda ang sarili ay pinagmasdan ko muna ang mukha ko sa salamin. Tiis lang, ngayon lang naman. Suot-suot ang isang kinulang sa telang satin na damit ay pumasok ako sa isang kahon. Ang sabi ay lalabas daw ako rito kapag ka nagsimula ng tumugtog ang musika. Uminom pa ako ng alak kanina para lang lumakas ang loob ko. Alam kong hindi ko masisikmura ang gawaing ito pero gipit lang talaga. Bahala na… Nagsimula ng tumugtog kaya marahan akong lumabas sa kahon at sinimulang paindayugin ang katawan ko sa tamang ritmo ng musika. Mga sampung kalalakihan yata ang nandirito. Ang utos sa akin ay lapitan ko ang lalaking ikakasal na. Bachelor’s party kasi ito. Hindi ko talaga maintindihan. Kailangan ba talagang patikimin muna nila ng ibang potahe ang isang lalaki bago ito magpatali? Pero hindi ko sila masisisi kung iyon nga ang nais nila, nagpapakalalaki lang naman sila. Mula sa leeg ko ay yinapos-yapos ko ang katawan ko habang sumasayaw. Naghiyawan naman ang lahat sa ginawa ko. Pumikit na lang ako nang may lalaking papalapit sa akin. "Huling gabi mo na ito! Magpakasaya ka na!" sigaw ng isa. Ilang sandali naman ay naghiyawan silang muli nang hapitin ako ng lalaki sa baywang ko. Pumikit na lang ako nang mariin. Tiis lang, pera ang kapalit nito. "Sayaw ka muna. Mamaya ilalabas kita," bulong sa akin ng lalaki bago nilayo ang katawan niya sa akin pero saglit niya munang pinisil ang pwet ko kaya napadilat ako. Umatras. Patuloy pa rin ako sa marahan kong indayog habang iniisa-isa ang lahat ng tao. Pero napahinto ako nang matagpuan ng mga mata ko ang isang pamilyar na lalaki. Napalunok ako. Si Hendrix…  Bakit ba ang liit ng mundo? Sa lahat ng taong makakasalamuha kong muli, ay siya pa talaga? Nakatitig siya sa akin. Tumaas ang sulok ng mga labi niya habang hinahagod ako ng tingin, mula ulo hanggang paa. Pilit akong sumayaw habang nakatanaw sa kanya. "Naku, mukhang ang piloto ata natin ang tipo!" Umiling si Hendrix. Ngumising muli, nang hindi man lang tinatanggal ang titig sa akin. His eyes were burning from desire. Hindi ko alam kung para sa akin ba. Pero nang muli siyang umiling ay tila nawalan ako ng enerhiya. Para kasi siyang dismayado sa nakikita. Hindi ba siya kontento sa sayaw ko? Does he need more? Kaya ang ginawa ko ay may inigihan ko pa ang pagsayaw. Nakita ko ang paglunok niya. Mas umiingay na rin ang silid pero sa kanya lang ang buong atensyon ko. Kumunot ang noo niya, tapos napatitig siya sa basong hawak niya. At hindi na niya ako muling tinapunan ng tingin. Kaya hindi ko na rin siya tuningnang muli. Nandito siya, ibig sabihin likaw rin ang bituka niya. Muli akong sumayaw hanggang sa may humapit sa baywang ko. Isang lalaking hindi ko kilala. Napatigil ako nang haplosin niya ako. Napapikit na lang ako. Grabe na ang pagyurak ko sa sarili kong dangal ngayong gabi. Gustong tumakbo na lang, pero gipit ako. Kailangan ko lang magtiis matapos nito hindi naman na nila ako makikita… Maghahanap na lang ako ng ibang trabaho bukas na bukas… "Sorry to cut your fantasy, Brix. But I'm taking this lady." May humila sa akin. Hindi ko na kailangang idilat ang mga ko para alamin kong sino. "Don't be, Kj!" "Just let him, Brix. Matagal na ring tigang ang isang iyan. Isa pa kung papipiliin ang babae, we know who is she going to pick." Nagtawanan silang lahat. Nagmulat na ako ng mga mata ko at nakita ko ang pagngiti ni Hendrix sa mga kaibigan niya. "Lucas, I'm taking your gift, ayos lang ba?" Hindi ko alam kung sino ang kinakausap niya. Hindi ko rin alam kung tumango o ano. Basta ang sunod na mga nangyari ay hinila na ako ni Hendrix palabas sa silid. "T-teka. Nasasaktan ako," reklamo ko nang maramdaman ang pagkirot ng braso ko dahil sa higpit ng pagkakahawak niya sa akin. Huminto naman siya sa paglalakad. Binalingan ako ng tingin. Saka binitawan ang braso ko. Niyakap ko naman ang halos hubad ko ng katawan. Pumikit siya nang mariin saka naghubad ng damit. Nag-iwas ako ng tingin dahil lumantad na ang hubad at matipuno niyang katawan. "Wear it. Ayaw kong lumabas tayo na ganyan ang suot mo," sabi niya sa akin. Tinanggap ko naman ang itim niyang t-shirt at sinuot ito. Dahil sa wala siyang t-shirt ay talagang agaw pansin siya sa loob ng bar, lalo na sa mga babaeng dumadaan sa gilid namin. May iba na tinatawag siya, ngumingiti naman siya sa kanila pero hindi pa rin nabawasan ang pagdidilim ng mukha niya. Hindi ko mabasa kung ano ang iniisip niya. Hindi ko alam kung galit ba siya o hindi. Nakangiti siya, pero 'yong mga mata niya parang naiinis. "Let's go," sabi niya sabay hatak sa akin. Pero hindi ako nagpadala. Kumunot ang noo niya dahil sa ginawa ko. Tumingin na lang ako sa pimtuang pinaglabasan namin. Hindi pa ako nababayaran. "I can double the price. Tara na," sabi niya. His voice is deep, but I can sense a strand of concern and… Pity. Yes, pity. Pinasakay niya ako sa sasakyan niya at agad niya itong pinaandar nang hindi man lang ako kinakausap. Tahimik lang siyang nakatuon sa daanan. Kunot ang noo, at nakatiim ang bagang. Malalim din ang mga hiningang binibitawan niya. Namumula rin ang leeg niya. At kahit naka-full  ang aircon ay nakita ko ang mumunting pawis sa dibdib niya. This time… Noo ko naman ang kumunot. Iba kasi ang paghinga niya. Sobrang bigat at malalim. Pinagpapawisan pa siya at namumula. Gusto Kong magtanong pero hindi ko na binuka ang mga labi ko. Ayos lang kaya siya? Dahil hindi naman ako Santo ay hinayaan ko ang makasalanan kong mga mata na pagsawaan ang hubad niyang katawan. His biceps are very inviting. His abs are almost waving at me. Binaba ko pa ang mga mata ko. Nagtagal ito sa umbok niya sa pantalon ng ilang mga segundo bago ko inalis ang tingin ko. He's horny. Kaya pala ang bigat ng hininga niya. Binalikan kong muli ng tingin ang umbok niya. Ang laki. "Stop torturing me, will you?" he hoarsely stated. Red light. Huminto naman siya. Tapos napatingin sa akin. Bumaba ang tingin sa mga labi ko. Tapos napamura na lang siya, bago nag-iwas ng tingin. Tumiim ang bagang niya. Mas bumigat pa ang hininga niya. "Masakit sa puson iyan. Gusto mo e-blow job kita?" Isang matulis na tingin naman ang ginawad niya sa akin. He's not taking my words. Sa tingin niya pa lang alam ko ng hindi niya gusto ang sinabi ko. Nag-iwas na lang ako ng tingin. Halata namang nalilibugan na siya, but why is he not taking some moves? Para ba sabihin kong maginoo siya? I'm taking her. Naalala ko bigla ang sinabi niya. Sa isip ko ay napailing na lang ako. Pare-pareho lang ang mga lalaki. Mamaya, kapag nakarating na kami sa paruruonan susunggaban niya rin ako. Hindi pala katawan ko ang habol ha? Eh, ano tong ginagawa niya ngayon? Anong gagawin namin sa pagdadalhan niya sa akin? Bible study? Tsk. Sa mundong ito, bilang na lang sa daliri ang taong seryoso. "Baba," utos niya nang makarating kami sa isang parking lot ng isang gusali. Hindi man lang niya ako pinagbuksan ng pintuan. Sumakay kami sa elevator matapos. Hindi naman niya ako sinabihang sumunod pero panay pa rin ang sunod ko sa kanya hanggang sa marating namin ang isang kwarto. Pagbukas niya ay nagulat ako. Sa isang condominium unit niya ako dinala. Huhubarin ko na sana ang damit sa suot ko nang masimulan na namin ang bagay na gusto niya, nang mahagip ng mga mata ko ang isang napakalaking painting. Napaawang ang mga labi ko. It's a painting of a married couple. Siya ang nasa larawan, malamang asawa niya ang babae… Kasal na pala siya? Eh, sino yong babae sa Airport? Napailing ako. Babaero. Akala ko pa naman may pagkasanto siya, pero wala rin pala talaga siyang pinagkaiba sa ibang lalaki. "Come here!" malakas niyang pagkakasabi. Napatingin naman ako sa kanya. Nakaupo na siya ngayon sa isang sofa. Naglakad ako palapit sa kanya. "Sayaw," sabi niya na siyang ikinakunot ng noo ko. "I said, you dance. Gaya ng pagsayaw mo kanina." Kinagat ko ang labi ko at hindi gumalaw. Oo, tinamaan ako ng hiya. Parang nanliliit na kasi ako sa titig niya. Tinitigan ko na lang din siya, ganon din ang ginawa niya sa akin. Nagkasukatan kami ng tingin. Mga ilang mimuto  rin iyon bago siya napailing at natawa. Tumayo pa siya. Hinapit ang baywang ko sabay lapit ng mukha niya sa akin. Gamitin ang likod ng mga palad niya ay hinaplos niya ang mukha ko. "I'm just giving you the taste of your own game," he said. Hindi ko siya maintindihan. "Look at me." The authority is in his voice. Kumabog ang dibdib ko kaya napatingin ako sa kanya. I am not that vulnerable kaya nakipagsukatan muli ng tingin sa kanya. Now, at our close distance, I can clearly see the anger and annoyance in his eyes. "Hindi kita tinulungan at dinala rito sa Pilipinas para lang sumayaw sa harap ng ibang lalaki. Babae ka, magtira ka naman kahit na kaunting dignidad sa sarili mo." Marahan ang pagkakasabi niya pero nagmistulang isang matulis na bagay ito na siyang tumagos sa kailaliman ko. Magtira ka naman kahit na kaunting dignidad… His words are really like daggers… Hindi ako nakapagsalita. Magbababa na sana ako ng tingin pero hawak-hawak niya ang baba ko, at pilit na pinagtatapat ang mga mata namin habang ang isang braso niya ay nakahawak sa akin. "You're not allowed to dance like that in front of other people," he said. "Why?" I asked, almost a whisper.. "Because I want you to save your own dignity." How can this man be so warm? Binalot kami ng katahimikan. Pero ang mga mata niya ay nakatitig lang sa akin, sa mga labi ko. Ramdam ko rin sa ibaba ko ang pagpitik ng p********e ko nang maramdaman ko ang umbok niyang nagpaparamdam. Ilang sandali ay humiwalay na siya sa akin. Huminga siya nang malalim. He licked his lips. "You can use the other bedroom. May damit diyan, kaso panlalaki. Just use it, then take a rest after," he said. Tumango naman ako saka tinalikuran siya. Naglakad ko patungo sa silid pero agad ding napahinto nang pipihitin ko na sana ang pintuan, dahil nagsalita siyang bigla. "I'm… I'm single…." Ha? Nang lingunin ko siya ay naglakad na siya patungo sa kusina. Single? Napatingin naman akong muli sa portrait. Napangisi ako, sabay iling. Ginagago niya ba ako? To be continued… Sana magustuhan niyo ang babaeng nililikha ko. I know this woman is not perfect. But I'll make sure to give justice of her character. Every woman has a story, and this woman I am sharing to you has also her own. Sana magustuhan niyo siya gaya ng pagmamahal niyo kay Jenan at Penny. Challenging ang story ni Hendrix, tbh. Hahaha
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD