Chapter 1 Fight or Flight

2841 Words
"If life gets f****d up, would you take the risk to fight or just flight?"  -AquiraWP Chapter 1 Fight or Flight Sabi nila kung gusto mong marating ang dulo patuloy ka lang sa pagtakbo mo. Pero paano kung hindi mo alam kung saan ang dulo? Paano kung hindi mo alam kung saan tutungo? Paano kung pagdating mo pala sa dulo ay dead-end na? Magpapatuloy ka pa rin sa pagtakbo kahit na alam mong ika'y mabibigo? Three years. Tatlong taon na rin simula nang magsimula akong tumakbo, hindi para marating ang dulo kundi makapagtago. Takbo lang ako nang takbo at hindi lumilingon. Maski paroroonan ko'y wala ring direksyon. Hindi ko alam kung kailan ako matitigil sa pagtakbo pero isa lang ang alam ko, kailangan kong magpatuloy sa pagtakbo para mabuhay. Hindi ako nanatili sa isang lugar lang. Each country, another identity. Ganyan ang buhay ko sa loob ng tatlong taon. Hingal na hingal akong lumiko sa isang kalye nang may makita akong tumatakbo ring mga pulis nang namataan ako. Napatigil ako habang hinahabol ang sarili kong hininga. Napamura na lang ako sa aking isipan nang tumakbo sila palapit sa akin. Biglang kumabog ang dibdib ko. Tagaktak na rin ang pawis ko sa noo habang nakatarok lang sa kalsada ang aking mga paa. Ano ba gumalaw ka! Pagod na akong tumakbo pero pinilit kong higitin ang sarili ko para humakbang muli. Napaatras ako ng hakbang. Unang hakbang. Ikalawang hakbang. Takbo! Kumaripas ako ng takbo palayo. May sinasabi sila pero hindi ko maintindihan at nagpatuloy lamang ako sa pagtakbo hanggang sa may biglang humigit sa akin. Sisigaw na sana ako kaso tinakpan niya ang bibig ko at hinila sa isang gilid. "Alicia, ako ito," bulong niya. Humupa naman nang kaunti ang aking kaba nang makilala ko ang boses nito. Si Marites. Hinihingal akong napasalampak sa kalsada nang malagpasan na kami ng mga parak. Napahilamos na lang ako gamit ang mga palad ko habang hinahabol ang sarili kong hininga. Muntik na iyon. "Anong nangyari? Bakit ang daming awtoridad na nagkalat ngayon?" tanong ko kay Marites. "Nalaman kasi nila na dumarami na tayong mga aliens dito sa Saudi. May utos na inilabas, ipapahuli tayong lahat." Biglang sumakit ang ulo ko sa sinabi niya. Paano na ito ngayon? Saan kami pupulutin? Umahon na ako mula sa pagkakaupo at balak ko na sanang pumanhik pauwi nang hawakan niya bigla ang braso ko upang pigilan ako. May iniabot siyang nakapaloob sa isang supot. Napakunot naman ang noo ko rito. What's this? "Magpalit ka. Malamang pinapahanap ka na rin nila," sabi niya sa akin. Ngayon ko lang din napansin ang suot niya. Nakakulay pulang longsleeve longdress pala siya at may suot ding kulay pulang Hijab. Sa itsura niya ngayon nagmukha siyang Pilipina na nagbalik Islam. Binuksan ko ang supot at nakitang isang kulay mint-green na katulad ng damit niya ang binigay niya sa akin. At dahil tahimik at medyo madilim ang lugar na kinatatayuan namin ngayon ay dito na ako mismo naghubad ng suot kong t-shirt. Hindi ko na hinubad ang pantalon ko't basta na lang sinoot ang dress na binigay niya bago inayos ang Hijab sa aking ulo. Titig na titig naman siya sa akin na para bang namamangha. "Arabo ba isa sa mga magulang mo?" Tumango lang ako sa tanong niya at hindi nagsalita pa. Nabuntis lang ng isang Arabo ang nanay ko at hindi pinanagutan. Ewan ko kung nasaan na siya. Wala na kaming pakialam ng nanay ko sa kanya. Hindi na siya nagsalita matapos at nagpaalam na lang bigla na papanhik na siya. Habang naglalakad naman ako ay nagmamasid ako sa paligid baka kasi habulin na naman ako. Luminga-linga pa ako, sa kalayuan ay may nakita akong mga lalaki pero hindi naman ata sila mga parak. May nakikita rin akong nagkukumpulan. Sa isip ko'y napahinga ako nang maluwag. I think I'm safe now... "R-Rashiba?" Natigilan ako at unti-unting napalingon. Halos mapamura ako sa aking isipan nang makilala ko ang lalaking tumawag sa akin. Paano? Lumayo na kami! Bakit siya nandito?!  Napaatras ako saka mabilisang tumakbo ulit. Narinig ko siyang may tinatawag sa ilang segundo lamang mula sa aking pagtakbo ay ilang mga kalalakihan na ang humabol sa akin. Shit! Halos ipagtulakan ko na ang mga taong nagkukumpulan ngayon para lang makadaan. May festival kasi ngayon sa Saudi at nagsasaya ang iilan ngayon. Hindi ko alam kung may humahabol pa ba sa akin kaya huminto ako para lumingon at halos pagmumurahin ko na ang sarili ko dahil mayroon pa ngang humahabol sa akin. Nagpatuloy ako sa pagtakbo hanggang sa marating ko ang isang hotel. Walang pasabi ko itong pinasok at sumabay pa sa pag-akyat ng ilang taong nakasakay sa elevator. Saktong pagsara ng pintuan ang pagpasok ng tatlong humahabol sa akin sa hotel. Buti na lang...  Ting! Huminto ang elevator at lumabas ang isa sa sakay nitong babae kaya sumunod din ako. Unang nahagilap ng mga mata ko ang isang kwarto. Tila ba pinaglalaruan ako ng tadhana at tinulak niya ako para pumasok dito. Kaso locked ang pinto. Itinaas ko naman ang saya ng suot kong dress at kinapa sa bulsa ko kung saan ko nailagay ang isang fake ID. Nang makuha ko ito ay pinilit kong isingit ito sa gilid ng pinto kung nasaan ang lock nito. Please gumana ka. Yes! When I entered the room nagulat ako kasi yong isang lampshade lang ang nakabukas. Someone already occupied this room. Alam ko iyon dahil nakita ko ang bag niya. I do not know why I am here pero siguro magtatago na lang ako rito ng ilang minuto tapos aalis din. Mukhang wala rin kasi ang umuukupa rito. Sumilip muna ako sa veranda at dumungaw saglit pero agad kong inalis ang sarili ko roon nang makita ko kung gaano na karaming tauhan ni Arnulfo ang humahabol sa akin. I think I need to leave this country again. Bukas na bukas aalis na kami rito. Napabuntong hininga na lang ako. I need a lot of money to do my plan. And as of now, I am so broke as a rat so paano ako makakaalis. Then as if destiny is on my side, biglang nahagip ng mata ko ang isang pitaka sa tabi ng lampshade. Gumapang ako sa kama para kunin iyon nang biglang may sumita sa'kin. "Who are you?!" he growled at me. Patay. Biglang kumabog ang dibdib ko sa kaba. Hindi man lang ako napagbigyan ng pagkakataong makita ang mukha niya nang marahas niyang haklitin ang braso ko. Ang diin ng pagkakahawak niya. Napaigik ako sa sakit pero tahimik lang siya. Tapos biglang namilog ang mata niya na para bang may napagtanto siya. Naramdaman kong medyo lumuwag ang pagkakahawak niya sa akin pero ilang sandali ay dumiin na naman. Aba ang lalaking ito! Hindi ko magawang makita nang maayos ang mukha niya dahil sa dilim ng silid pero alam kong tuwalya lang ang tanging saplot niya. At kahit madilim ay alam kong kalahi siya ni Machete sa ganda ba naman ng hugis ng katawan niya. "How did you get inside?" he asked at ang diin pa rin ng hawak niya. Kapag hindi pa niya ako bibitiwan pakiramdam ko mawawasak ang buto ko sa ginagawa niya. "Get off me, will you?!" singhal ko sabay pagpupumiglas. "Find her!" When I heard a familiar voice outside bigla na lang umahon ang kaba sa akin. I heard several footsteps and they keep on looking for me. "Please, help me," I pleaded. Hindi nila ako pwedeng mahuli. Paano si Nanay at Amr. Sigurado ako papatayin nila ako kapag nahuli nila ako. Tatlong taon akong nagtago at nagpakalayo kaya hindi ako pwedeng sumuko ngayon. "They are going to kill me. Save me... Please." Hindi ko namalayan napaluha na pala sa kakaisip sa kahihinatnan ko kapag nahuli nila ako. Bigla na lang namilog ang mga mata ko nang tinulak niya ako sa kama. "W-what are you trying to do?!" gulantang kong tanong. Is he going to have s*x with me before helping me?! "It's not like what you're thinking. You're not my type, miss," sabi niya sa akin bago ako kinububuwan. Kinabahan akong bigla. "T-teka!" "What?" tanong niya. Biglang kumalabog ang pintuan kaya napapikit ako nang mariin. "Don't worry. I won't do anything that would harm you. Remove your veil, and just follow everything that I say," he assured me. I did what he told me to do so. And while I slowly lie my head back to the bed ay hindi ko maiwasang hindi mapatitig sa mukha niya. He has thick eyebrows, a proud nose, a thin and a not so red pair of lips. His jaw is perfectly crafted and so his body is. In short, he's a good looking man. "Are you perhaps a-" tanong niya sana na pinutol ko. "No, I'm an Arab Christian." Tumango na lang siya at para bang nakahinga siya nang maluwag sa sinabi ko "Open the door!" Dinig naming sigaw sa labas sabay kalabog ng pintuan. We can hear people arguing from the outside. I think it's the staff of this hotel arguing with Arnulfo's people. Sana lang hindi ako isuplong ng isang ito. "Moan." Natigilan ako. "Ha?" "I said, you moan," utos niya. Nahihiya man ako ay nakuha ko naman ang gusto niyang mangyari kaya sinunod ko siya. "Ah~" "Louder." "But why?" "Just do it." Tsk! Bossy! "Aaah! That's right! What's your name?" binulong na iyong panghuli. "Hendrix," he softly said while gazing at my lips. Napalunok ako habang tinititigan siyang nakatingin sa labi ko. "Ooh! Hendrix! More baby, please. Ohh!" I delivered my dialogue as what he wanted and just keep doing it even if I am slowly feeling the awkwardness between us. "Oh-" I couldn't finish my line when he abruptly claims my lips. As if it was my first time being kissed ay hindi ako nakagalaw. He has a very soft and smooth lips. And his kiss, it was gentle and tender. Lapastangan! I know he only did it just to help me out pero binigla niya naman ako sa ginawa niya. Kaya nang makaalis na ang lahat at kumalma na ang paligid ay sinampal ko ang magkabila niyang pisngi bago ako umalis sa silid niya gamit ang veranda. Napalunok muna ako bago itinuloy ang balak ko. I am wearing a dress yet I planned to exit sa paraang ito. I must be crazy! I am a mountain climber. Siguro kaya naman ng powers ko 'tong pagbaba ko rito sa building ito even without any safety gears. And I should praise Heaven for my safe landing. I didn't jump, of course, dahan-dahan lang akong bumaba bago tumakbo ulit palayo at umuwi sa pamilya ko. Kahit walang kasiguraduhan patuloy pa rin akong lalaban. Tatakbo akong muli. Magpapakalayo kahit hindi ko alam kung saan ulit ako tutungo. I can't fight so I'm just going to choose the latter... To run... "You listen carefully, I don't want to get involve okay? This would be the last time that I'll be helping an alien. You should leave this country now if you still want your head to be intact with your body." Iyan ang sinabi sa akin ng tagagawa ng mga pekeng ID. Tumango-tango na lang ako sa kanya saka ko nilahad ang perang pambayad ko. I left after I got my new fake ID. I'm planning to go to Jordan dahil alam ko nagkalat na rito sa Saudi ang mga tauhan ni Arnulfo. Pero bago iyon, I need to gather some money so we could leave as soon as possible. Buti na lang at pinasok ako ni Marites sa isang raket. Magiging isa sa mga serbidora ako rito sa isang hotel kung saan ako nakapagtago kagabi. May kasal kasi at dito ang reception. Puro pa mga foreigners ang nandito at saka may mga Pinoy rin. "Nasan si Captain?" rinig kong tanong ng isang matangkad na babaeng may makurbang katawan. Sa itsura niya nagmistula siyang isang modelo sa Victoria secret. "Why are you looking for my friend, Marie? Andito naman ako bakit mo pa hinahanap si Hendrix." Hindi na ako nakinig sa usapan nila at dinala na ang ilang mga wine glass na may lamang alak. "Waitress!" Dinig kong tawag sa akin kaya naman ay lumiko ako para lapitan ang lalaking humihingi ng isang kupitang wine. Habang nilalagay ko ang kupita sa lamesa ay nahagip ng mga mata ko ang isang lalakeng masayang nakikipagkwentuhan sa katabi niya. Weird. His voice seems familiar to me. Pinagmasdan ko siya saglit at sinuri ang mukha niya hanggang sa mahuli niya akong nakamasid sa kanya kaya binawi ko na ang tingin ko. Bigla siyang nagtaas ng kilay at napangisi sa akin. Pero hindi ko na lang ito binigyang pansin at umalis na ako sa lamesa nila pero ramdam ko pa rin ang mga titig niya sa akin. Shit. Ang lagkit naman niyang tumitig, halatang manyakis! Nang maubos ang laman ng dala kong tray ay nagpaalam muna akong magbabanyo saglit dahil ihing-ihi na ako. Magkalapit lang ang banyo ng para sa babae at sa lalaki sa palapag na ito kaya nang paliko ako sa pambabaeng palikuran ay hindi maiiwasang mahagip ng maririkit kong mata ang isang lalaking nakapikit habang umiihi. Siya 'yong lalaki sa lamesa kanina. Bumaba ang tingin ko. Tsk. Sayang may harang. Halos lubayan naman ako ng kaluluwa ko nang tumikhim siyang bigla kaya dali-dali akong pumasok sa banyo at namili ng cubicle. What the hell self? Maninilip ka na nga lang magpapahuli ka pa! Nang matapos ako sa pag-ihi ay parang gusto nang lamunin ako ng sahig dahil nadatnan ko 'yong lalaki kanina na nakasandal sa pader. Lalagpasan ko na sana siya kaso hinagip niya bigla ang braso ko' t hinila ako palapit sa kanya. Dejavu. This is how I exactly felt last night with the stranger named Hen- ano nga bang pangalan non? "You..." sabi niya tapos tinitigan ako nang maigi. He licked his lips kaya napatingin ako rito. I saw how the side of his lips curves into a dashing smirk bago ako inilapit ang labi nito sa tainga ko. "May pa sampal-sampal ka pa sa 'kin dahil sa paghalik ko tapos maninilip ka ngayon? May saltik ka ba sa utak?" tanong niya sa akin saka binitawan ang braso kong hinaklit niya kanina. Napakunot ang noo tapos namilog ang mga mata ko nang may napagtanto. Yes. Hendrix. That's the name! "Yes, it's me. Your hero," sabi niya at ngumisi. Pinoy pala siya. Hindi na lang ako pumalag sa sinabi niya. Indeed, he did me a great favor last night. "Kaibigan mo ba 'yong kinasal?" pag-iiba ko sa usapan. Nakapamulsa naman siya ngayon bago sinilip ' yong ibang tao. Tapos umiling siya. "Hindi. Nakikikain lang kami rito." Napairap ako sa sinabi niya. "Ginagago mo ba ako?" ani ko. He gaze at me. "Mukha ba akong nagbibiro? Hindi ko sila kilala, basta inimbita lang kami rito." At talagang hindi niya tinanggihan? "Sayang ang grasya," sabi niya na para bang nabasa niya ang iniisip ko. "Oh, nandito ka lang pala. Hinahanap ka na ni Cedric, Capt." Dinig kong sabi ng isang lalaki na papalapit sa amin. Napatingin naman ako kay Hendrix. Capt? Kapitan siya ng Barangay? Sosyal naman ng Kapitan na ito at nag-out of the country pa talaga. "I'll go after this. Mauna na kayong sumakay sa van," sabi naman niya na siyang sinunod nong lalaki. "Ano mo siya? Kagawad o tanod?" tanong ko na siyang nagpakunot sa noo niya. Umiling siya habang napangisi. "I'm a pilot, you idiot." Piloto siya? Hindi nga? An idea popped in my head. I'm not sure if it would be a nice plan but I have to try. Kakapalan ko na talaga ang mukha ko. "I'll go ahead-" "Sandali lang," pigil ko sa kanya. Tinitigan naman niya ang kamay kong nakahawak sa kanya kaya napabitaw na lang ako. Huminga muna ako nang malalim bago nagsalita. "Pwede ko bang mahingi ulit ang tulong mo?" tanong ko sa kanya then I explained to him na kung pwede niya ba kaming ipuslit ng pamilya ko sa eroplano. Pinanliitan niya ako ng mata. Tapos umiling siya na para bang isang kahibangan ang iniisip ko. I know it's too risky, but I'm too desperate. I just want to escape and survive. "Ang kapal naman ng mukha mong humingi ng tulong sa akin," sabi niya. I know... Medyo nainsulto ako sa pagkakasabi niya kahit na mahina lamang ito. Pero nilunok ko na lang ito. I am in need, kailangan kong magpakumbaba. "I'll repay your kindness," I said, swearing him. Tinaasan niya ako ng kilay. "And how are you going to repay me?" tanong niya pa. I know this is ridiculous but I have to try. He's a man, after all, baka mapapayag ko siya pag ginawa ko ito. "W-with my body," I said almost a whisper. I heard him laughed. He lifted my chin so our gaze could meet. "Anong tingin mo sa akin, matandang manyakis na uhaw na uhaw sa katawan ng babae?" tanong niya. Hindi ko na masilayan ang ngiti sa mga labi niya maski sa mga mata niya. Hindi ko mawari kung ano ang nasaisip niya basta halo-halong mga emosyon na hindi ko mapangalanan. "If only I have the will and the power to fight, I wouldn't ask you for help," I said without leaving his gaze. Hindi ko alam kung bakit ko ito sinabi sa kanya. But if he'll see the sincerity in my eyes, maybe it could touch his heart. Sana lang talaga gumana... Nagsukatan lang kami ng tingin na dalawa. Hinila niya palapit ang baba ko sa kanya kaya halos mga isang dangkal na lang ang layo ng mukha namin sa isa't-isa. " You can't fight so you chose to flight, "he stated." Why?" tanong niya pa. "For survival," I briefly answered. Hindi pa talaga ako nagdalawang isip na sabihin sa kanya ang bagay na iyan. I'm just so desperate to leave this country! Binitawan niya ang baba ko at lumayo siya sa akin. He then shook his head after blowing a loud breath. "Saturday, seven in the evening. Go to the rooftop of this building." He said before leaving me. Napangiti ako nang payak. He's going to help me, right? To be continued... Nagustuhan niyo ba ito? Interesting ba 'yong plot? Hindi ba boring? Huhu I really need feedbacks.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD