"Kairo, wait! Wag ka munang matulog!" Hinabol ko siya nang magtuloy tuloy siyang pumasok sa kwarto niya. Binagsak agad niya ang sarili sa kama at ibinaon ang kanyang mukha sa unan.
"Bakit ba? Inaantok na 'ko."
No no no, my dear cousin. Kailangan mo munang bigyan ng liwanag ang kinabukasan ng yagit, pero maganda mong pinsan. Lumundag ako sa tabi niya.
"Close kayo ni Sam?"
"Hindi."
"Bakit hindi?!"
He turned his head to face me. "At bakit naman kami magiging close?"
"Because you're drinking with him?"
"Nah." Tamad na sagot niya at humarap sa kabilang side. "He's just a common friend."
"Pwede na 'yon! Basta kailangan makipag close ka sa kanya next time ha?"
"Why would I do that?"
"For me. Please? Ayaw mo ba 'kong maging masaya?"
Bigla siyang bumangon at nakasimangot na umupo.
"What the hell? Do you like him?"
"Obvious ba? I really really like him, Kai. So, please?"
Inirapan niya 'ko at ibinagsak ulit ang katawan niya sa kama. Kinikilig ko ring ibinagsak ang sarili ko sa tabi niya.
"Kapag ako tinulungan mo kay Sam at naging kami sa huli, I promise to be your slave forever!"
"Malala ka na." Ipinagtulakan niya 'ko hanggang sa mahulog ako sa kama!
"At least maganda!" I s*****d his ass that made him groan before I quickly left his room. Buti nga sa 'yo!
Kinabukasan since maagang gumigising si Kairo, pinilit ko ring gumising ng maaga para abutan ko siya bago ako pumasok sa trabaho. Kinulit kulit ko siya na tawagan niya ko if ever na ayain ulit siyang uminom nina Steel. Inis na inis siya sa 'kin sa pangungulit ko ng maaga kaya wala siyang nagawa kundi ang umoo. Bwahaha. Ako ang nagwagi!
Patalon talon akong lumabas ng condo at nag-abang ng taxi. Malapit lang naman ang PBN News dito. Pwede siyang lakarin actually, pero masyadong mainit ang panahon at baka pagdating ko sa office ay tunaw na ang kagandahan ko.
"Saya natin ah. May jowa ka na ba?"
"Ulul!" Binatukan ko si Justine na kasabay kong papasok ng news room.
"Oh tatapon 'yong kape ko!"
"Edi maganda! Mapaso ka sana." Nilagpasan ko siya at naglakad na papunta sa work station kong nasa dulo pa ng walang hanggan. Iyon nga pala ang epal naming senior video editor. Close kami kahit ang hilig lang niyang sirain ang araw ko simula noong pumasok ako dito sa PBN News. Noong trainee pa lang ako dito ay bagong empleyado naman siya. Fresh grad. Kaya no'ng inabsorb ako ng PBN News ay inabutan ko pa siya. Nagkaro'n tuloy ng continuation iyong kaepalan niya sa buhay ko hanggang ngayon.
"Ang lapad ng ngiti natin ah. May love life, Te?" Bati ng copyeditor naming si Mindy na busy sa work station niya, pero nakuha pang punain ang love life ko.
Nginisian ko siya. "Lapit na."
"Taray! Pag may sobra bigay mo agad sa 'kin ha."
Inapiran ko siya bago ako makalagpas. "Sureball!"
Kumaway naman ako kay Big Boss nang mapadaan ako sa glass walled niyang opisina. Iyon ang boss kong nanay ng best friend kong si Adara na TV New Anchor sa kabilang istasyon. O 'di ba? Bago pa 'ko makarating sa work station ko ay nadaanan ko na halos lahat ng mga kasamahan ko rito. Kaya alam na alam agad nilang lahat kapag hindi ako pumasok sa opisina.
Binuksan ko agad ang computer ko pagkaupo. Feeling ko kahit mabibigat na balita pa ang isulat ko ngayon ay kaya kong gawing entertainment news. Lol. Bakit ba kasi ang saya ko? Hindi ko rin alam actually. Basta paggising ko kanina biglang ang saya ko lang. Siguro ay dahil malapit lang sa 'kin iyong source of energy ko kaya ang gaan lang sa feeling. Para kaming mga bida sa isang pelikula na may pamagat na...
My Love from the Sky.
10th floor lang kasi ako tapos siya nasa 40th pa. Langit siya at lupa ako ganern! Di bale magkaka-unit din ako sa 40th floor kapag naging kami na. Halalala! Pero ang mahal siguro no'ng unit niyang 'yon ano? Iilan lang sila sa floor tapos ang laki laki pa! Parang pang VIP lang talaga siya!
Sumasayaw sayaw ako sa upuan ko habang nagtitipa sa aking keyboard. Inabot ko ang cellphone kong nag-ri-ring at sinagot nang hindi tinitignan kung sino ang caller.
"Hello, good morning!"
[Good mood ah. Mukhang alam mo na ang surpresa ko para sa 'yo?]
Napataas ang kilay ko at chineck ko sa screen kung sino ba 'tong feeling close. Shet. Hulog pala ng langit ito!
"Captain Alvarez! I miss youuuu. Omg! Tell me na may pasalubong ka for me?"
He chuckled. [May bagong file na kaso laban sa anak ng binabantayan mong Mayor.]
"Oh god! Seriously?! Busy ka ba? Pwede kitang puntahan?!"
[Hindi naman. Nasa opisina lang ako.]
"Ayos! Osige wait pupuntahan kita!"
[Sunduin na kita.]
"Ay wit! No no no no." Inipit ko ang phone ko sa pagitan ng balikat at tenga ko habang inaayos ko ang gamit ko. "Ako na nga ang mang-aabala sa 'yo, susunduin mo pa 'ko? Wait for me na lang there, oki?" Pinutol ko na ang tawag bago pa siya makapag-reklamo. Mabilis kong isinukbit ang backpack ko sa balikat at naglakad palabas. At syempre dahil galing ako sa dulo ng walang hanggan, nadaanan ko na naman iyong mga nadaanan ko kanina. Alam na alam agad nilang may bagong scoop ako kapag gan'tong nagmamadali ako.
"Oh. Aalis ka na agad?" Kapag sinuswerte ka nga naman saktong nakasalubong ko pa itong mini boss ko. Hindi naman dahil sa maliit talaga siya, pero mini boss ang tawag namin sa kanya dahil si Ms. Amara ang big boss.
"May pa-dinner si Captain."
Nginisian agad ako ni madam. "Siguraduhin mong aabot ngayong dinner 'yan ha."
"Areglado, Boss!" Natatawa akong sumaludo sa kanya bago ko siya nilagpasan. Dinner kasi ang tawag namin sa mga balitang nilalabas namin for evening news. At gaya ng sinabi niya, kailangan ko itong mapaabot mamaya sa for airing ng 6pm.
Pagdating ko sa police station nila ay mabilis na nag-iwasan ng tingin sa 'kin ang mga lokong pulis na nandito. Akala yata nila mangungulit na naman ako kaya na-trauma sila sa presensya ko. Ahehe.
"Hindi ko pa kayo ngayon kukulitin. Pero baka bukas o kaya sa makalawa," anunsyo ko bago ako dumiretso sa opisina ni Captain Alvarez. Kumatok ako ng dalawang beses at binuksan ko na ang pinto. "Oh my god! Sorry!"
Napatalikod ako ng mabilis pagkapasok ko. Paano ba naman ay nagbibihis pala siya!
"Done."
"Sorry, Captain." Nag-peace sign ako bago umupo sa chair sa harapan ng table niya.
"Okay lang." Umupo rin siya sa swiveling chair niya at inilapag sa harapan ko ang isang brown envelope. Mga litrato ng isang babaeng bugbog sarado at file ng complaint against Pablo Vasquez.
"Tangina talaga ng lalaking 'to walang kadala-dala."
"The victim wanted to publicize this kaya ikaw ang una kong tinawagan. Aside from ACF News, ikaw lang ang alam kong hindi tatanggi rito."
"Buti alam mo." Nginisian ko siya at sinimulang basahin ang tungkol sa kaso nito. Buti talaga naka-close ko 'tong si Alvarez. Dati inapproach ko lang naman siya kasi ang pogi niya. Kaso I therefore conclude na masyado pala siyang mabait para landiin ko. Charot! Siya lang kasi ang nakakatiis sa kakulitan ko dito sa istasyon sa tuwing may pumuputok na balita at nakikipag-unahan akong makakuha ng impormasyon. Yung mga kasama niya binubully lang ako. Huhu.
"Basta just in case na makapatanggap ka ulit ng threats, report mo agad sa 'kin."
"Sus pang-weak lang 'yan. Don't worry hindi nila 'ko magagalaw." Kinindatan ko siya at kinapa ang cellphone kong nag-vibrate.
From: Kaiden Royce
- Birthday ni Zeno later sa condo niya.
Omg! Omg! Napakabilis namang dinigin ng langit ang mga panalangin ko!
"Asa!!" Napasuntok ako sa ere sa sobrang excitement na naramdaman ko pagkabasa sa text. Napatingin ako kay Alvarez na napatingin din sa 'kin na mukhang nababaliw na. Shet! Nasa opisina nga pala niya 'ko! "Hehehe. Sorry. May emergency kailangan ko ng umalis." Inayos ko ang laman ng brown envelope.
Binigyan niya 'ko ng kopya ng mga files na ipinakita niya at sa condo ko na lang 'to isusulat. Nagpaalam ako kay Captain at nangakong babawi na lang ako sa kanya next time. Buti na lang very kind 'tong friend ko na 'to. Char. Friend? Feeling close talaga.
Pagdating ko sa condo ay nilapag ko agad sa coffee table ang laptop ko at sinimulan ang pagsusulat. Ininterview ko via phone call iyong biktimang si Mika Andrada na nag-sampa ng kasong r**e laban kay Pablo Vasquez. Ayaw kasi nitong magpakita sa camera kaya wala akong choice kundi ang i-phone patch na lang siya.
Stress na stress ako pagkatapos ng naging pag-uusap namin. Biruin niyong nakaya niyang magpagamit at magpabugbog kay Vasquez ng limang taon?! The f**k! Sinong matinong babae ang makakatiis sa gano'n kalupitan? Kahit babae ako, never sumagi sa isipan kong magpaalipin nang dahil lang sa pag-ibig at hayaan ang sarili kong mapasok sa gano'ng sitwasyon. Kung sakali mang mabulag ako, malamang mauuna na ang mga pinsan kong gumulpi sa 'kin bago pa 'ko magulpi ng jowa ko. Buti na lang talaga at gentleman ang lalaking itinakda ng langit para sa 'kin. Ahihihi.
Hindi ako nakakain ng tanghalian dahil sa pinilit kong matapos agad lahat ng pending ko. Jusko napakarami ng mga tinawagan ko para lang makapaghabol ako ng mga fresh news. Napaka pabebe pa no'ng ibang government agencies na related sa ibang balita ko dahil ayaw mag release agad ng statement. Nakikipag-unahan nga ako para sa exclusive interview bago pa 'ko maunahan ni Adara. Halimaw sa balita 'yong best friend ko na 'yon e.
Tumayo ako at nag-stretching pagkatapos kong masulat lahat ng script ko for today. Ghad. Ang gaan talaga sa feeling na matapos ka sa mga kailangan mong tapusin. Pumunta ako sa kusina at uminom ng tubig. Hindi na 'ko nag-abala pang kumain dahil birthday naman 'yong pupuntahan namin later, so ibig sabihin madaming pagkain. Hehe. Kinuha ko ang cellphone ko at nagcheck ng messages. Since single pa ang ate niyo puro mga maiingay kong pinsan ang laman ng messages ko.
Martin Girls GC
Lyra: wala ba kayong noms d'yan? Tangayin niyo naman ako.
Dior: may shoot ako.
Lyra: s**t inggit me. Ako walang shoot. ☹
Dior: shoot ng pelikula hindi hindi shoot sa k**i. Malanding 'to!
Mona: pahinga mo raw muna Lyra.
Lyra: hardworking 'to. Allergic sa pahinga. ?
HAHAHAHA. Tangina talaga 'tong mga 'to. Kaya hindi ako nabubuwang sa buhay kahit wala akong jowa e.
Lyra: nasaan na ba ang hampaslupang Portia. Hoy sumagot ka kung buhay ka pa!
Mona: nagpeperform na 'yon sa jeep dahil wala ng pera.
Dior: puchang Phoenix nag-cancel ng shoot. Malapit ko ng tiradorin ang gagong 'to.
Lyra: oh my god! You're with Phoenix?!
Dior: nagbabasa ka ba? Nag-cancel nga ampucha!
Lyra: dapat kasi sinama mo 'ko. Para magka-inspirasyon siyang mag-work.
Dior: Lul. Tara nga inom. Badtrip.
Napangisi ako nang may naisip akong perfect plan. Isasama ko na lang sila mamaya sa birthday ni Zeno. Siguradong mag-e-enjoy both parties tapos kapag naka-close na ng mga malalanding 'to iyong tropa ni Fyuch, mapapadalas na ang pagkikita namin dahil iisa na lang ang circle of friends namin! Oh my gosh, Portia! What a brilliant idea from a brilliant woman like you! I love myself talaga.
Portia: birthday ng friend ni Kairo later. Wanna come?
Lyra: count me in! Will surely c*m. Uhhh.
Dior: G ako. Pero ang landi mo, Lyra.
Lyra: I know right. ?
Mona: saan 'yan? Sunduin niyo 'ko plith.
Portia: ngayon pa lang sinasabi ko na sa inyo hindi ko na kayo iuuwi kapag nalasing kayo!
Lyra: yes po, mommy. For sure hindi naman ako uuwi. Lol.
Portia: Steel will be there.
Lyra: really? Aba'y talagang hindi ako uuwi. Lol.
Gaga talaga. Hindi man lang marunong magpaka-Maria Clara kahit sandali! Jusko. Sinalo yata niya lahat ng kalandian at lakas ng loob noong nagpaulan ang panginoon. Nag-shower na ako at nagbihis dahil nagtext na si master Kairo na pauwi na siya. Actually I didn't tell him that I'd bring the girls with us. For sure hindi siya papayag. Kaya kapag nando'n na kami do'n ko na lang sila itetext sa exact place. Hehehe. For sure the boys will love the idea!
Nagsuot lang ako ng hanging blouse and shorts. Syempre kailangan pa-cute muna ang image ko kay Sam. Mahirap na at baka ayaw niya sa hubadera tapos ma-off siya sa 'kin. So mabuti na ang ingat ingat muna.
Pagdating ni Kairo mukhang badtrip na naman siya sa trabaho. Nakasimangot siyang pumasok sa kwarto tapos lumabas ng naka-towel lang at dumiretso sa banyo. Nagpaganda na lang ako habang hinihintay siyang matapos. Lip and cheek tint lang para very innocent look.
"Bakit mukha kang pinagbagsakan ng langit at lupa?" tanong ko pagkalabas niya ng cr. Nakaupo na 'ko sa sofa at at hinihintay ko na lang siya.
"Stress lang sa work." Hindi na 'ko nag follow up question dahil wala naman din akong maitutulong sa kanya kung sakali. Nag behave na lang ako hanggang sa byahe namin papunta sa condo ni Zeno. And guess what? Siya pala 'yong hinatid ni Sam na same condo with Mona! Pagdating namin may mga bisita nang nasa loob. Medyo familiar nga ang itsura ng iba dahil for sure nakikita ko ang mga 'to sa club.
Martin Girls GC
Portia: sa building lang ng condo ni Mona. Room 1503.
Binati ko agad si Zeno nang lapitan niya kami kasama si Steel. Ang taray lang na pa-party sa condo. Nagmukhang club talaga 'tong place niya. Halatang rk din 'to sa laki at ganda nitong unit niya. Ilang sandali pa ay iniwan na irn kami nina Steel at Kairo.
"Zeno, you won't mind naman if pumunta sina Lyra?"
"Sila?! Kasama ba niya 'yung magaganda mo pang pinsan?!"
Excited akong tumango at mas excited pang nagsasayaw ang loko.
"Si Sam??" syempre tinanong ko agad ang pakay ko rito.
"Naku mukhang malabo si Attorney. Mag-da-digest daw ng kaso."
"What?!"
"Grabe ka naman makasigaw. Wag mo namang masyadong ipahalata na siya talaga ang pinunta mo rito at hindi ang birthday ko." May pagtatampo pa sa boses niya kaya natawa ako. May magagawa ba 'ko kung busy talaga siya. Hays sad lang, pero 'di bale. Alam kong para naman sa future namin ang ginagawa niya. I'll be an understanding wifey na lang here. Lol.
Pabiro ko siyang tinapik sa braso. "Syempre birthday mo kaya ako nandito! Let's party!"
Lumiwanag ang mukha niya at hinatak ako sa mga nakahaing pagkain. At dahil hindi ako nakapag tanghalian kanina, pinuno ko talaga ang plato ko. Wapakels naman mga tao rito basta may alak. Tsaka isa pa, wala naman ang bebe ko para magpaka-demure ako. Amp! Kakain na lang ako ng madami.
Umupo ako sa mahabang sofa malapit sa pinto para pagdating no'ng mga haliparot kong pinsan ay makita nila agad ako. Hindi ko na lang pinansin ang mga nag-iinuman at nagsasayawan sa paligid dahil sa kalasingan. Basta ako kakain lang. Sa katangahan ko ay nahulog pa ang fork na gamit ko sa sahig. At dahil tamad na 'kong tumayo ay hinayaan ko na lang. Pwede namang kainin ang mga 'to ng nakakamay lang.
I was busy munching my fries and pizza when the door swang open. Iniluwa no'n ang mga pinsan kong agaw atensyon sa ganda. K fine maganda naman kasi talaga sila kaya hindi ko masisisi ang mga lalaki rito na mapatingin.
"Hoy nakakahiya ka sa itsura mo d'yan! Bakit mukha kang patay gutom?!" epal ni Lyra pagkakita sa 'kin. Tinignan ko ang kamay kong medyo nadungisan na ng pasta sauce.
"Hehe. Kain guys." Ang malanding Mona ay agad na may nakitang kakilala.
"Gaga ka! Ayusin mo nga ang sarili mo!" singhal ni Dior sabay nguso. Ako namang si shunga nakinguso nguso dahil hindi ko naman ma-gets ang pagnguso niyang iyon. Not until I saw the man standing behind them. Oh god. Parang gusto kong takluban ng makapal na kumot ang sarili ko ngayon mismo.
Akala ko ba mag-da-digest siya ng kaso?!
Mga 10 seconds siguro kaming nagtititigan hanggang sa nilapitan siya nina Steel at Zeno. Pagkaalis ng tingin niya sa 'kin ay kumaripas agad ako ng takbo papuntang kusina at doon mabilis na tinapos ang pagkain ko. Syempre sayang naman kung itatapon ko kaya minadali ko na lang na ubusin. Naghugas agad ako ng kamay at pinakasabon sabon para hindi mangamoy 'yung kinain ko. Nakakahiya shet! Bakit ba kasi kung kelan hindi kaaya aya ang itsura ko saka naman siya laging sumusulpot!
Hinanap ko agad ang mga pinsan ko pagkaayos ko ng sarili ko. Syempre nag-liptint muna ulit ako ng mabilisan bago magpakita sa kanila. Nakita kong nakaupo na ang mga gaga sa isang sofa katapat nina Zeno, Steel, Gian, at Sam! Tapos si Kairo ang sama ng tingin sa 'kin! Haha! Lumapit ako sa kanila at pinanlakihan ko ng mata si Dior na itabi ako dahil katapat iyon ni Sam. Buti na lang ay hindi slow at very supportive sa 'kin 'tong pinsan ko na 'to.
Sa lamesang nasa gitna namin ay may Bacardi, Jager, Black Label, at Cuervo. Nangunguna sa pagbubukas ang walangyang Lyra! Kala mong parte ng pamilya ni Zeno!
"Magpaka-gentleman naman kayo, mga Pare. Don't let the lady do the pouring," nakangising ani Zeno. Inirapan lang kami ni Kairo samantalang sina Steel at Lyra ay kulang na lang mag makeout sila sa harapan namin sa lagkit ng tinginan nilang dalawa. So, my future did the honor. Omg. Another pogi point for you bb.
Kinuha ni Sam iyong bote ng black label na hawak ni Lyra at sinalinan iyong mga baso namin sa lamesa. Sobrang tahimik lang niya. Gan'to ba talaga siya ka-behave? Sabi naman ni Adara makulit daw ito. Saan kaya banda?
"Matunaw naman 'yan, Te." Bulong ni Dior sabay siko sa gilid ko.
"Ang gwapo e." wala sa sariling sagot ko. Jusko napakaganda naman kasi ng mga mata niya. Kahit hindi siya ngumingiti ay parang kumikinang kinang pa rin sila sa paningin ko. Iyong ilong naman niya ay sobrang perfect din. Napaka-unfair lang sa ibang mga ilong. Parang may favoritism si Lord no'ng sinelect nito ang ilong na ibibigay sa kanya. Tapos 'yong labi talaga ang pinakamasarap—este favorite ko. Nabasa ko tuloy ang ibabang labi ko sabay napalunok ako.
"Happy birthday, Zeno!" sabay sabay naming sigaw at itinaas ang aming mga baso.
Isang oras pa lang ang nakakalipas ay nakakandong na si Lyra kay Steel sa isang sulok. Hindi rin nakatiis ang dalawang 'yon grabe! Si Kairo naman ay wala na sa pwesto niya kanina at tinangay na kung saan. Ang natitira na lang dito ay sina Gian at Sam. Si Zeno kasi ay nag-asikaso ng iba pa niyang bagong dating na mga bisita.
Nakasimangot kong tinignan si Sam na busy sa laptop niya. Oo nasa laptop lang ang atensyon niya simula pa kanina at hindi man lang ako pinapansin! Kahit sulyap man lang wala! Malapit ko ng maubos mag-isa 'tong mga alak samantalang siya ay hindi pa niya nagagalaw iyong shot glass niyang sinalinan kanina! My goodness! Napainom tuloy ako ng isa pang shot.
Nagulat ako nang agawin niya sa 'kin 'yung glass ko.
"Akin 'yan!"
"You're gonna be wasted."
Maagap na tumaas ang kilay ko. "So what? Wala ka namang pake sa 'kin. Di ba mas importante naman 'yang laptop at trabaho mo kaysa sa 'kin? Para saan pa 'yang concern mo? Fyuch naman!"
Inis akong yumuko at tinakpan ng palad ko ang mukha ko.
"Girlfriend ka ba, Te? May relasyon? Maka-emote wagas?"
"Feling ko lang 'wag kang magulo d'yan. In character pa rin ako 'wag kang epal."
Sinilip ko siya sa pagitan ng mga daliri kong nakatakip sa mukha ko. Sinarado na niya 'yong laptop niya at ipinatong sa table na nasa tabi niya. Tumayo siya at hinintay kong yapusin niya 'ko at sabihin I'm sorry baby, kaso lintek nilagpasan lang ang pwesto ko!
Tawang tawa na naman 'tong gaga kong pinsan sa pagka-basted ko. Huhu. Bakit ka'y lupit mo sa akin o aking irog?
Kahit gegewang gewang na 'ko sa pagtayo ay tumayo pa rin ako at sinundan siya. Mahirap na at baka manakaw e. Wala pa namang palatandaang pagmamay-ari na siya ng isang Portia Deanna Martin.
Pumasok siya sa kwarto ni Zeno. Malamang kwarto sigurado 'to ni Zeno kasi siya ang may-ari ng condo na 'to. Lol. Binuksan niya iyong veranda at pumasok doon. Binuksan ko ulit at sumunod sa kanya. Hindi man lang niya 'ko nilingon. Parang pumunta lang siya rito to get some fresh air kasi ang sarap nga naman ng hangin dito shocks. Parang unti unti akong nahihimasmasan.
"Fyuch?"
"What?" shet! Tanggap na niyang siya ang future ko.
"Tahimik ka ba talaga?"
"Yeah. When I'm asleep."
Napatingin ako sa kanya. Gano'n din siya sa 'kin. Tapos bigla siyang natawa ng kaunti. Is that supposed to be a joke?
"Bakit kapag kinakausap kita sinusungitan mo lang ako?"
"Bakit naman kasi kita kakausapin?"
Napatango tango ako. May point naman siya. Pero I must keep this conversation alive syempre. Ngumiti ako at niyakap ang sarili ko nang umihip ang malamig na hangin.
"Para MU tayo gano'n. Mutual ang Usapan. Hindi 'yong ako lang ang nag-e-effort sa ating dalawa. Kailangan nagtutulungan tayo, Fyuch. Kailangan pareho tayong lumalaban," puno ng emosyon na wika ko.
"What the f**k?"
Sinapak ko siya sa braso at inirapan. "Jusko naman! Hindi man lang makisakay sa script!"
"I think you're crazy."
"Yeah. I'm crazy for you."
Shet napatawa ko na naman siya. Tumingin siya sa view na nasa harapan namin. Puro mga ilaw lang naman mula sa mga katabing buildings, pero maganda silang tignan.
"You need cure."
"You are my cure."
Inismiran niya 'ko at hinarap. "What's your name?"
Gulat at maiyak iyak ko siyang hinarap. Lord, ito na po ba ang real start ng relationship goals namin?!
"I'm Portia Deanna Martin," sagot ko nang may malapad na ngiti. Kulang na lang mapunit ang mukha ko sa lawak ng smile ko. Huhuhu.
"Your name sounds familiar."
"Of course. Your brain and heart must've recognized the name of your future wife." I smirked. He just shook his head at ibinalik niya ang tingin sa harap. Di man lang kinilig! Amp!
"Can you tell me more about you?"
"No."
"Why?"
"Why not?"
"Grr. KJ mo naman. Sige na nga ako na lang ang tanungin mo."
"How can I legally shut your mouth?"
"Seal it with a kiss, it will definitely shut." Whooo!! Portia for the win! What is speed?! Lol! "Wanna try?" I asked, grinning.
"No."
Natatawa ko siyang inirapan sa sobrang cold ng response niya. Di marunong! Dapat sinunggaban na agad niya 'ko tapos nag make out na kami dito sa veranda. Hayst. Edi sana everybody happy! Lol!
"Ilang taon ka na?" follow up question ko dahil ayokong ma-deads 'tong legendary conversation namin. Ito pa lang ang pinakamahaba naming naging pag-uusap simula nang magkakilala kami. Kaso as usual, hindi na naman ako sinagot ng future ko at ako na naman ang mag-e-effort sa aming dalawa. "Alam mo, mapagmahal ako kahit hindi ako minamahal."
He gave me a questioning look. "What?"
"Wala lang. Share ko lang."
***