"Bigla yatang nagbago ang isip natin?"
Nilakasan ni Kairo ang aircon ng sasakyan niya nang magreklamo akong mainit. We're stuck in the traffic going back to his condo. Dumaan lang ako sandali kanina sa office bago ko siya tinawagan at nagpa-drive papunta sa apartment ko para kunin ang mga gamit ko palipat sa condo niya.
"Napag-isip isip ko lang kasi na mas mabuti nga siguro kung sa condo mo na lang ako titira. Malapit sa work." At malapit din sa bebe ko. Lol.
"Lilipat ka rin pala, pinatagal mo pa."
Pagdating namin sa condo niya ay nag-ayos agad ako ng gamit. Hindi naman karamihan ang gamit ko dahil halos damit at libro lang ang mga ito. Bilang lang din sa isang kamay ang mga bag ko at iyong laptop lang talaga ang meron ako.
Pagkatapos kong makapag-ayos ay nag-dinner kami ni Kairo sa baba. Mukhang hindi na talaga kami mapaghihiwalay ng pinsan kong 'to. Kailangan ko lang mag-ingat sa bruhilda kong Tiyahin, pero sabi naman niya ay hindi iyon pumupunta sa condo niya.
Kairo is currently working as a General Manager at one of the biggest hotels of the Martin Group of Companies. MGC is a huge family business lead by my father Mr. Frederick Martin. Maraming subsidiaries ang kumpanya kaya kahit doon magtrabaho ang buong angkan namin, walang kaso kay Dad. Hindi ko lang talaga maintindihan kung bakit pa nila ako pinipilit na magpakasal kay Easton, like yes alam kong mayaman sila, pero hindi pa ba sila kuntento sa yaman ng bawat pamilya? Kailangan ba talaga naming magpakasal? Too old fashioned.
Nang malaman nina Lyra, Mona, at Dior na lumipat ako sa condo ni Kairo, sapilitan silang nagsagawa ng welcome party for me. Wala ng nagawa pa ang kawawang si Kairo nang kumakatok na sila sa pintuan.
"Nice! Gandang tambayan 'to!"
"Shut up, Lyra," singhal ni Kairo. Dere-deretsong pumwesto sa sofa si Lyra at inilapag sa lamesa ang iba't ibang klase ng alak na nasa isang LV paper bag.
"Favoritism ka talagang kupal ka!" reklamo naman ni Dior at binatukan ang kawawang Kairo. "Noong ako ang walang matuluyan never mo 'kong inalok dito!" panunumbat pa nito.
"Madami ka namang pera pang-hotel. Eh 'yang si Portia wala namang pera."
Napaawang ang labi ko. Bastos 'to ah.
"True 'yon sis. Bet mo rin bang mawalan ng pera at tumuloy dito?" asar ni Mona na naglapag naman ng mga dala niyang boxes of pizza and chicken wings.
"Wag na pala. Masaya akong may pera," pagsukong ani Dior. Tinaas ko ang dalawang kamay ko sa ere at ikinaway sa harapan nila.
"Hello? Nandito pa 'ko oh?" pagpaparamdam ko sa presensya ko. Kung pag-usapan nila 'ko ay parang hindi nila 'ko kasama. "Di baleng walang pera basta malaya."
"Ayaw mo ba kasing bigyan ng second chance si Easton?" tanong ni Lyra saka siya tumayo at kumuha ng mga baso. "Ang hot kaya no'ng ex mong 'yon!"
"Hot nga, manloloko naman," singit ni Dior.
"Cheaters do not deserve a second chance," dagdag ko pa.
"Portia's right. Tsaka duh? Reputasyon nating mga Martin ang sambahin ng mga lalake!" Inapiran ko agad si Dior sa sinabi niya. Yan ang pinsan kong malandi, pero alam ang self-worth.
"Okay, apologies for the bad suggestion, my ladies," sagot ulit ni Lyra at umupo sa tabi namin. "Basta kapag need mo na ng dilig, just call my name and your hardinero will be there."
Inabot ko ang throw pillow at hinampas sa kanya. "Idadamay mo pa 'ko sa kalandian mong haliparot ka amp!!" Hinarang niya ang mga kamay niya sa bawat paghampas ko.
"Punyeta tama na! Aray ko ano ba! Kapag ako nagalusan malaki ang babayaran mong damage sa agency ko!" reklamo niya. Tinigilan ko siya dahil wala akong pambayad kapag nagasgasan ko ang balat niya. Oo nga pala, pantasya ng mga kalalakihan 'yang pinsan ko na 'yan. Siya lang naman ang laging laman ng bawat sexy magazines sa bansa. Sadyang kapag bumuka lang talaga ang bunganga ng babaeng 'to, imposibleng walang kalandiang hatid sa madla!
After ng asaran at bugbugan naming tatlo, we formed a circle on the floor and placed all the drinks in the middle. Inilabas ni Kairo mula roon sa paper bag ang lahat ng dalang alak ni Lyra. For sure kinuha lang niya ang mga 'yan sa bahay nila. Halos lahat ng alak ay mayroon 'yan sa kanila, pero mas trip talaga niyang sa labas uminom dahil do'n may lalaki.
Sinalinan kaming lahat ni Kairo.
"Hoy gagang Lyra! May bagong scandal na naman sa 'yo mga haters mo!" sigaw ni Mona. "Lalandi ka na lang kasi, sa public pa!"
"Koleksyon ko 'yan, 'di mo alam? Kapag sa loob ng isang araw ay walang lumabas na bagong scandal ko, mas masakit sa pride ko 'yon," pamimilosopo niya sabay tawa.
Napailing-iling si Dior. "Ano ba kasing hindi mabitawan sa 'yo ng mga brands at hindi ka nila mapakawalan?"
"Ganda at alindog ko syempre. Sino pa bang makikita nilang katulad ko?" mayabang na sagot niya. She's one of the top models in the country, pero kung may top pa sa top, siya na 'yon. "Wala ka bang bagong pelikula d'yan? Kunin mo naman akong leading lady ni Phoenix nang matikman ko naman ang gagong 'yon ng walang issue." Dagdag na tanong niya kay Dior na isang movie director naman.
"Kahit meron man, 'di ko hahayaang sirain mo 'yon, gaga."
Tumba agad ang kalahati sa dala ni Lyra at namumula na silang lahat. Ramdam ko na rin ang pamumula ko dahil sa init ng mukha ko.
"Kayong apat," tinuro kaming lahat ni Kairo. "Wala akong pake kung lumandi kayo araw araw. Basta siguraduhin niyo lang na walang mananakit sa inyo dahil sisiguraduhin kong mata lang nila ang walang latay. Lalo na ikaw!" Turo niya sa 'kin. Tinuro ko rin ang sarili ko. "Wag ko lang makikita 'yang Easton na 'yan babangasan ko 'yan."
Kahit hilo ako ay tumayo ako at lumapit sa kanya. Sumakay ako sa likod niya.
"I love youuuu!" sigaw ko sa tenga niya.
"I love you, Kai!" sigaw rin ni Dior.
"Mahal ka namin Kairo!" pagsali ni Lyra.
Inakbayan kami ni Mona. "Our own knight in shining armor, Kaiden Royce! Mabuhay!"
Kahit mukhang walang patutunguhan ang mga pinsan ko kapag nasa club, mga professionals na may maipagmamalaki naman ang bawat isa sa kanila sa outside world. Sobrang mahal na mahal namin ang isa't isa dahil parang mga magkakapatid na kami. Medyo swerte lang sila ng slight dahil nagagawa nila ang gusto nila nang hindi nila kailangang magmukhang rebelde sa pamilya.
Kung bakit naman kasi ako pa ang ipinanganak para maging anak ni Frederick Martin. Hindi ko naman gustong maging tagapagmana ng isang malaking negosyo. Katulad lang din nila ang gusto kong klase ng buhay. Iyong payapa at walang kumplikasyon. To be an heiress of a huge company is just too much for me. I don't think I can do it.
"Hoy ikaw, Portia," lasing na dinuro ako ni Mona. "Hanggang kailan mo balak magpaka kaluluwang ligaw? Kapag naubos na ni Allyson ang pera niyo? Galaw galaw din girl at baka pagbalik mo ng mansyon ay wala ka ng maabutang ginto," paalala na naman niya. Ayaw talaga niya 'kong tantanan sa issue na 'to. Kung may mas galit kasi kay Allyson kaysa sa 'kin, si Mona iyon. Badtrip na badtrip kasi siya dahil sa pakikipag kumpitensya nito sa kanyang pagdating sa mga designer collections niya.
"Kakausapin ko si Atty. Han one of these days para humingi ng update sa assets ni Dad," sagot ko na medyo naghe-head bang na rin.
"Good. Siguraduhin mong walang ipapangalan si Tito Fred sa p****k na 'yon."
Malakas na tumawa si Lyra. "Asa ka naman? Malamang mas nauna ng pinamanahan iyon kaysa dito kay Portia." Kontra niya. "Alam niyo naman kung gaano ka-segurista ang salamangkerang 'yon. Isang swipe lang ng etits ni Tito sa p**e no'n siguradong milyones ang withdrawal no'n."
"Tangina mo lika nga rito banlawan natin ng holy alcohol 'yang pisti mong bunganga." Sapilitang ibinuhos ni Dior ang ang Cuervo sa bibig ni Lyra at tumatawang hinawakan naman namin ni Mona ang magkabilang kamay nito. Tawang tawa kami nang halos malunod si gaga at mamatay matay sa pagkasamid.
Madaling araw na kaming natapos sa pag-inom. Sa kwarto ko natulog si Dior at sa kwarto naman ni Kairo sina Lyra at Mona. Ang kawawang Kairo ay sa sofa na inabutan. Hapon na nang magising kaming lahat at madaling madali silang nagsi-uwian dahil may mga schedule pala ang mga gaga. Nagkatinginan kami ni Kairo nang makita ang kalat na naiwan. Kusa na 'kong kumilos para magligpit at tinulungan naman niya 'ko kahit na panay ang reklamo niya na hindi na raw ito mauulit. Natatawa na lang ako habang naglilinis kami dahil siguradong hindi ito ang huling beses na magkakalat ang mga iyon dito. Lalo na't narito ako.
Naligo ako at nagsuot ng matinong pambahay. Mahirap na at baka bigla kong makasalubong ang magandang kinabukasan ko sa labas. Kailangan always ready to grab the opportunity! Chineck ko na nga iyong oras ng tapunan ng basura rito. MWF 8pm-9pm lang.
"Bakit ba atat na atat ka laging nagtatapon ng basura? May nilalandi ka bang basurero?" kunot noo na tanong ni Kairo habang nanonood ng TV.
"Meron. Kaso 'di ko pa na-tye-tyempuhan ang oras ng duty niya." Lumabas agad ako ng condo pagpatak ng 8pm. Byernes na pero hindi ko pa rin siya nakakasabay magtapon! Sabi ni Adara wala naman daw katulong iyon kaya umaasa talaga akong magkakasabay kami. Hindi ko naman kasi alam kung saan ko siya pwedeng makita ulit maliban dito sa condo. Mag-iisang linggo na 'ko rito hindi ko pa rin siya nakakasalubong ulit!
Malungkot akong umakyat dahil hindi siya dumating. Hanggang kelan mo ba 'ko paghihintayin, mahal ko?
"Gaano ba kalayo ang pinagtatapunan mo at inaabot ka ng isang oras?" sita ulit ni Kairo na nakasalubong ko sa corridor.
"Saan ka pupunta?"
"Diyan lang sa taas. Tinawagan ako nung barkada ko nan'dyan daw sila."
"Inom kayo?"
"Malamang."
"Sungit. Ayaw mo 'ko sama?"
"No way. Puro lalake mga nando'n."
"Edi masaya! Ito naman wala man lang ka-support support. Parang hindi pinsan!" pabiro ko siyang hinampas sa braso.
"Shut up. Manahimik ka d'yan."
Nilagpasan niya 'ko at hindi nga ako sinama ng loko. Padabog akong pumasok ng unit namin at nanood na lang ng Netflix. Ilang sandali pa ay tumutunog ang cellphone ko at tumatawag siya.
"Oh, bakit?" masungit na bungad ko.
[Pasuyo naman ako ng Jager d'yan sa cabinet. Akyat ka rito sa room 4001.]
Gusto ko mang magreklamo at humindi kaso pinatayan na 'ko ng bwiset! Ugh! Pagkatapos niya 'kong shinut up shut up kanina uutusan niya 'ko ngayon! Nakasimangot kong kinuha iyong pinapakuha niya at umakyat. Pinindot ko ang 40th floor. Grabe namang taas ng unit neto. Mukhang ayaw magpaistorbo ng may-ari. Di bale sana kung pogi perfect spot sigurado iyon.
Kumatok ako ng malalakas at sunod sunod para ma-feel niyang nagmamadali ako.
"Makakatok wagas?" salubong ni Kairo pagbukas niya ng pinto. Agad niyang kinuha ang bote sa kamay ko at akmang isasarado na niya ang pintuan ay iniharang ko ang kamay ko at nilusot ang ulo ko sa ilalim ng braso niyang nakatukod sa gilid. Wow mga oms na mukhang pamilyar ang mga itsura ah.
Nakatingin iyong tatlo sa 'kin at kumaway. Nakangiti rin akong kumaway sa kanila.
"Who's this beautiful lady, bro?" nakangising tanong ng isa sa kanila. Sobrang pamilyar talaga ng itsura niya. Saan ko na ba nakita—oh.my.gosh.
I pointed out my index finger at him. "Diba ikaw 'yong landi ni Lyra?!"
Hinampas siya no'ng katabi niyang makulit.
"s**t ka, Steel! Kilala niya ang bebe girl mo!"
Oh. So, Steel pala ang pangalan niya. In fairness mapagkakatiwalaan talaga ang taste ng Lyra na 'yon. Pogi! Medyo mukha lang ding playboy.
"What's your name? You can join us if you want!" very friendly na tanong nung katabi ni Steel.
"Portia. And you are?" Lumapit siya sa 'kin at nakipag kamay.
"Zeno here and that's Gian." turo niya roon sa isa pa nilang kasama na mukhang seryoso sa buhay. Tinanguan lang ako nito at pinaupo ako ni Zeno sa couch habang sila ay nasa isang mahabang sofa. Inirapan ako ni Kairo bago siya tumabi sa kanila. Hmp! Kala mo ikaw lang makakainom ngayon ha!
"Paano mo pala nakilala si Lyra?" tanong ni Steel. Curious sa koneksyon ko kay bebe girl.
"She's my cousin."
"Really?!"
"Wow! So pinsan mo rin 'tong si Kairo?!" hindi makapaniwalang tanong ulit ni Zeno. Tumango ako at malakas niyang hinampas si Kairo sa braso na mukha ikinabwiset nito. "s**t, dude! Ang gaganda naman ng mga pinsan mo! Baka naman may mga tinatago ka pa d'yan? Pakilala mo naman sa amin!"
Hay naku kung alam niyo lang. Open arms kayong tatanggapin ng iba pa naming mga pinsan.
"f**k, no!" matigas na sagot ng aming overprotective Kairo. Pag sa iba okay lang na umi-score kami. Pero kapag sa mga kaibigan niya ayaw niya.
Magkasalubong ang kilay siyang nagsalin ng alak sa shot glass at itinulak sa harapan ko. Nakangiti ko itong kinuha at ininom. Napangiwi ako nang gumuhit ito sa lalamunan ko at mukhang proud na proud naman sa 'kin 'tong sina Zeno at Steel. Iyong Gian ay tahimik lang. Mukhang good boy 'to ah.
Napatingin ako sa isang matangkad na lalaking nakasalamin na lumabas mula sa isang kwarto. Abala siya sa pagbabasa ng hawak niyang makapal na papel at umupo sa couch na katapat ko. Hindi man lang tumitingin sa paligid niya. Nang ibaling niya sa kabilang side ang kanyang mukha, bigla akong sininok nang makita ko ng maayos ang istura niya. s**t s**t s**t! Dahil sa sunod sunod kong pagsinok, napatingin ang lahat sa 'kin at pati siya ay nag-angat rin ng tingin. He caught me looking at him. I felt my heart stopped beating. Lol.
"Para namang nakita mo si crush sa sinok mo." tumatawang asar ni Zeno. Nagpanic ako bigla nang mataman akong tinignan ni Attorney na para bang may gustong pag-usapan ang aming mga puso. Omg! Dito ba siya nakatira?!
Inabutan ako ng tubig ni Steel at agad ko namang ininom ito. What the hell, Portia? Ngayon ka pa ba kakabahan? Ayan na ang blessing na matagal mo ng hinihintay na i-bless sa 'yo ng langit! Sa sobrang pagkataranta ko sa tingin niya ay dinampot ko ang isang shot glass na may laman sa lamesa at ininom na lang ito basta without knowing na tequila pala ito.
Masuka suka ako nang malunok ko ito nang walang kahit ano'ng chaser. Pakiramdam ko ay may kung anong lalabas mula sa lalamunan ko. Inabutan ulit ako ng tubig ni Steel habang tinatawanan pa rin nila ang mukha ko. Pero mas napansin ko ang pigil na pagtawa ni Attorney na nakapagpabilis ng t***k ng puso ko. Kaso binalik din agad niya ang atensyon sa binabasa niya. Pero oh my god. Parang nawala iyong pait sa panlasa ko at bigla na lang akong nakitawa sa kanila.
"Wow. So, mga abogado kayong lahat? Paano niyo naman nakilala 'tong si Kairo?"
Tumatawang inakbayan ni Steel si Kai. "Magkaklase kami nito hanggang senior high. Ikaw? What field are you in pala?"
"Media. News writer," tipid na sagot ko. Sinulyapan ko si Sam na busy pa rin. Mukhang hindi man lang niya pinapakinggan mga shine-share kong info about me. Para naman makilala mo 'ko ng lubusan, makinig ka naman, bb!
"Wow. Saang kumpanya ka?"
"PBN News." Hindi ko pa rin inaalis ang tingin ko sa kanya.
"Oh. Sa kalabang istasyon ka pala ni Atty. Smith." ani Zeno. "Do you know that they own ACF Net?"
"Shut up, Steel."
"I know!" napatingin siya bigla sa 'kin at nahuli niya 'kong nakatitig sa kanya. Hindi naman ako nagbawi ng tingin at mas nilaparan ko pa nga ang ngiti ko. Nakainom na kaya makapal na ang mukha ko. Kaso siya naman ang nag-iwas.
"Really? Paano mo nalaman? Kilala mo ba si Attorney?" sunod sunod na tanong ni Zeno.
"I've met him before."
Tinaasan niya 'ko ng kilay. "I don't know you."
Ang sungit.
"Okay sabi mo e." tumango tango na lang ako.
Magkakayakap na sa sofa sina Kairo, Steel at Zeno. Mga lasing na sila. Tumayo si Sam at kumuha ng garbage bag saka nagsimulang magpulot ng kalat. Syempre tumayo rin ako para tulungan siyang magligpit. Para couple goals kami ganern. Lol.
Lumabas siya bitbit iyong basura at sumunod naman ako.
"Sama ako!" Hindi niya 'ko pinansin, pero nakasunod pa rin naman ako sa kanya. "Di mo talaga ako kilala?"
"Yes."
Bumukas ang elevator at nauna siyang pumasok. Syempre chase your dream kaya sumunod ako sa kanya. Aha!
"Are you sure we haven't met before?" pangungulit ko. In denial kasi. Sakit pa namang i-deny ng taong mahal mo.
"You're that stalker in the club."
"Uy grabe ka hindi naman ako stalker. Aside from that?"
"Annual Party."
Lumapad ang ngiti ko. "Yieee 'di niya 'ko kinalimutan. Pero maliban pa ro'n?"
"What do you mean?" Tinaasan na niya 'ko ng kilay.
"Maliban do'n I think we have met somewhere already."
"Where else?"
"Like...in our past life. You and I—wait 'di pa 'ko tapos oy!" Nilayasan ako hindi pa 'ko tapos magsalita ah! Palibhasa ang hahaba ng mga binti kaya ang bilis maglakad! "Teka lang! Tapos na ang oras ng tapunan ng basura ah!"
Bakit ba ang hilig niya 'kong iwan? Huhu. Kaya pala hindi ko siya ma-tyempuhan ay may sarili siyang oras ng pagtatapon niya ng basura! Very wrong 'yan, Attorney!
Pagkatapon niya ay dire-diretso lang ulit siyang naglakad pabalik ng elevator. Napapagod na 'ko sa pag-abot ko sa pangarap kong 'to ha! Napaka-ilap!
"Hindi mo ba alam na violation of rules 'yang ginagawa mo? MWF ng 8pm-9pm lang ang tapunan natin ng basura," sabi ko habang naglalakad kami. Or I must say, habang hinahabol ko siya.
"That's a false accusation. You can be arrested and convicted of it," sagot niya sabay tapik sa nakapaskil na memo sa pader na nadaanan namin.
Tenants from 30th to 40th floor garbage disposal sched: MWF 12mn onwards.
Ay s**t. Pahiya ako ng slight do'n ah.
"Wait for me, Argentina!" nilusot ko ang kamay ko sa papasara ng pinto ng elevator. "Aray!"
"f**k! Why did you do that?!"
Napakurap kurap ako sa paghablot niya sa kamay kong naipit at ininspeksyon niya ito.
"N-Nakadugtong pa naman, 'di ba? Hehe."
Binitiwan niya ang kamay ko at pinagkrus ang kanyang mga braso. Ayan back to Mr. Sungit na naman siya! Ayun na e! We're getting there na! May namumuo na between us, but he chose to let me go again. Hayst.
Pagbalik namin gising na si Kairo.
"Where did you go?"
"Diyan lang sa labas kumausap ng hangin. Sobrang cold kausap."
"Tara na uwi na tayo."
Nauna siyang lumabas at mabilis kong binalikan si Sam sa kusina.
"Fyuch, uwi na kami!"
"Okay," sagot lang niya nang hindi man lang sumusulyap sa 'kin.
Nakasimangot akong tumalikod. "Take care na lang sa 'kin. Good night and sweetdreams na rin sa 'yo, self." At naglakad na 'ko palabas.
Wala man lang good night kiss! Amp!
***