Kabanata 21

3921 Words
Kabanata 21 "Grabe ka naman. Men talaga? Kailangan plural?" "I don't know, but you seem to have a lot." Napanganga na lang ako sa sinabi na iyon ni Fyuch. Ganoon ba karami ang mga lalake ko sa paningin niya?! I feel like in between life and death right now, pero tae bakit kinikilig pa rin ako?! May hindi na yata talaga tama sa loob ng utak ko kailangan ko ng ipa-checkup sa isang lawyer! Oo-lawyer kailangan ng brain ko at hindi doktor! Lumapit si Easton at para akong tanga na sunod naman ng sunod sa pagtatago sa 'kin ni Fyuch sa likod niya. Huminto ito sa tapat ko at kinuha niya ang kamay ko saka ipinayakap iyong bouquet of roses na dala niya. Easton smiled. "I left something in your room, babe. Just check it later. Good night." Pagkaalis nito ay agad na lumayo sa 'kin si Sam. Kita niyo 'tong lalakeng 'to! Umalis lang 'tong si Easton, ni-let go na 'ko! "Babe pala..." Napangisi ako. "Bakit? Selos ka? Pwede mo naman akong tawaging baby para fair. Permission granted." "Asa." Inirapan niya 'ko tapos sabay na napatingin kaming dalawa sa mga rosas na hawak ko. Mataman niyang tinitigan ang mga ito. "I didn't know there would be such ugly flowers. Seriously, you'd like that?" He looked at the poor roses, then shook his head disgustedly. "God, they irritate my eyes." Umakto pa siyang nasasaktan ang mga mata bago nagimulang maglakad paalis. Natatawa ko siyang pinanood makaalis bago ako naiiling na pumasok sa loob. Pagpasok ko ay naabutan ko si Kairo na nasa sofa at nanonood ng TV. Pero wala yata sa sarili ang pinsan ko at hindi man lang napansin ang pagdating ko. Nakatuon ang mga mata niya sa pinapanood pero tila lumilipad ang kanyang utak. Napabuntong hininga ako bago lumapit sa kanya at tumabi. Kinuha ko ang remote at pinatay ko ang TV, doon pa lang niya 'ko napansin sa tabi niya. "Kanina ka pa d'yan?" medyo gulat pa na tanong niya. "Kadarating ko lang. Kumain ka ba?" nag-aalalang tanong ko. Umiling siya kaya muntik ko ng masapak ang mukha niya sa inis ko. "Alam mo ba kung anong oras na?!" Padabog kong kinuha ang phone ko at naghanap ng pwedeng ipadeliver na pagkain. Pero dahil past 8pm na, wala ng nag-a-assist pa for delivery service. Ugh. "D'yan ka lang. Babalik ako agad!" bilin ko bago ako nagmamadaling lumabas ng bahay. Umakyat ako sa unit ni Fyuch at agad akong kumatok pagdating ko sa tapat ng pinto niya. "Fyuch! Tok tok! Fyuch?" Nilakasan ko pa ang pagkatok ko nang nakailang katok na 'ko ay hindi pa rin siya sumasagot. Iyong katok ko ay napalitan na ng pagkalampag at muntik pa 'kong sumubsob nang biglang bumukas ang pinto at sumalubong sa 'kin ang basang katawan ni Fyuch, tapos may sabon pa siya sa ulo. "Goodness gracious, Portia, I'm in the shower! What's with the rush?!" Salubong ang kilay niyang tumingin ng masama sa 'kin. Natawa ako sa ulo niyang may mataas na bula pero hindi ko na siya hinintay na kusang papasukin ako dahil ako na mismo ang nag-invite sa sarili ko. "May pagkain ka pa d'yan? Pautang muna balik ko na lang." Dumiretso ako sa kitchen niya para mangalkal. "Hindi ka pa kumakain?" "Kumain na 'ko kaso 'yung pasaway kong pinsan na may malalang sakit sa utak hindi pa," sagot ko habang nagkakalkal ng pwedeng lutuin sa ref niya. "Kairo?" "Yeah, brokenhearted e. Ikaw ba? Kumain ka na?" "Not yet. Hindi pa 'ko gutom." Napalingon ako sa kanya na ganoon pa rin ang itsura kanina. "Fyuch, nakaka-distract ka alam mo ba? Tapusin mo 'yang pagligo mo tapos sunod ka sa 'kin sa baba maghahanda ako ng dinner." Nagpaalam din ako agad nang makakuha ako ng lutong ulam na nasa freezer niya. Need na lang i-microwave. Pinrepare pa pala ito ni mommy Fyuch for him pero di naman niya ginagalaw. Pasaway! Sorry po ha makiki-share kami sa food ng pogi niyong anak. Pagdating ko sa unit namin ni Kairo, nagsaing agad ako at mabilis lang namang naluto. Pagkahanda ko sa lamesa ay tinawag ko agad siya para kumain at sakto rin ang pagdating ni Fyuch na medyo basa basa pa ang buhok. Ang cute lang dahil may nakasampay pa itong white towel sa balikat na pinampupunas niya. "Hey, Sam," bati ni Kairo kay Fyuch. "Mukhang sa 'yo nag-raid ng pagkain 'tong si Portia?" Nag-fist bump silang dalawa. "Yeah, it's okay. My mom prepared a lot and she'd just yell at me if I don't finish them all." Magkatapat silang umupo sa table at tumabi naman ako kay Fyuch. "Hindi ka kakain?" baling na tanong niya sa 'kin. Umiling ako. "I already ate burger." Pinanood ko na lang silang dalawang kumain. Napanatag ang loob ko nang nakita ko rin sa wakas na ngumiti ngayon si Kairo. Parang lagi ko na lang kasi siyang nakikitang nakatulala at galit recently. "Anong oras ka boboto bukas?" tanong sa 'kin ni Kairo. Nakapahalumbaba akong tumingin sa kanya. "The earliest like 8am? Kailangan kong makaboto bago mag-cover e." Napatingin sa 'kin si Fyuch. "Mag-co-cover ka ng eleksyon bukas? Hindi ba delikado 'yon?" "Wala naman akong coverage na hindi delikado," natatawang sagot ko. "Don't worry, hindi naman delikado 'yon kung walang mga pulitikong magkakapikunan at magbabarilan." Pagkatapos naming kumain ay gusto pa sanang lumabas ni Kairo para uminom pero binantaan ko agad siya. At saka may liquor ban ng a day before election kaya naman wala na siyang nagawa kundi pagtiyagaan iyong beer sa ref. "Sabay na tayong bumoto bukas." Nakasandal sa may sink si Fyuch habang pinapanood niya 'kong naghuhugas ng pinagkainan nila. Tinaasan ko siya ng kilay. "May lakad ka rin ba? At saka hindi naman yata tayo pareho ng presinto." "Ayaw mo ba 'kong isabay?" "Syempre gusto! Ikaw pa ba? Lakas ka sa 'kin e." Sabay kinindatan ko siya. Sumama na naman ang tingin niya nang mahagip ng mga mata niya iyong mga rosas na binigay ni Easton. Nilagay ko kasi ang mga ito sa isang vase at dinisplay ko rito sa kitchen. Oo, sa kitchen lang. Pag si Fyuch na nagbigay saka ko ipapa-laminate sa kwarto ko. Lol. Kinabukasan ay sineryoso nga niya ang pagsabay sa 'kin sa pagboto. Maaga niya 'kong sinundo sa unit ni Kairo tapos paglabas ko, kinuha niya ang bag ko at siya ang nagbuhat! Medyo na-shock ako doon sa ginawa niya, pero shemay ang gentleman lang nakakakilig! Ugh. Abot tenga ang ngiti ko hanggang sa pagpasok namin sa sasakyan niya at pinagbuksan pa niya 'ko ng pinto. Feeling ko ang ganda ko sa paningin niya today! Bago kami dumiretso sa assigned precinct namin which is sa isang school na malapit lang din, nag-drive thru muna kami for breakfast. Since medyo maaga pa naman dahil 7AM pa lang, huminto muna kami sa tapat ng school para kumain bago bumaba. Sakto ay dito rin pala siya boboto. "Fyuch, sinong mga iboboto mo?" tanong ko bago kinagatan ang burger ko. Yung akin kasi ay nilista ko na kagabi pa bago ako natulog. Pinag-isipan ko talagang mabuti ang mga iboboto ko at nag-research ako ng maayos tungkol sa kanila. Ganoon kasi ka-importante para sa 'kin ang isang boto ko. Sana ay ganoon din ang iba pang mga Pilipino, hindi iyong boboto lang sila dahil sa P500. Haay. "Secret. I'm not telling you." "Damot naman. Di ko naman kokopyahin e. Dali naaaa." Hinawakan ko pa siya sa braso para pilitin. "I don't think it's necessary for you to know about this. We might have different perspective and I don't want to influence whatever your stand in politics is." "Wow so you really think you have that huge influence in me, huh?" "Not exactly my point, but you can think whatever you want." He shrugged. "Kahit mga 5 lang 'di mo pwedeng i-share?" tawad ko pa. "Hmm. Well..." parang nag-isip pa siya. "What?" Tumagilid siya at humarap sa 'kin. "I'll tell you after voting." He smirked. Binato ko sa kanya ang balat ng burger ko na agad naman niyang nasalo at tumatawang itinapon sa paper bag. Pagkatapos naming kumain ay sakto wala pa ring masyadong tao kaya kinuha na namin ang pagkakataon para makaboto. Naghiwalay kami pagdating sa loob para hanapin iyong precinct number namin. Nang matagpuan ko na iyong akin, sabay kaming natawa ni Fyuch nang magkasalubong kami dahil iisa lang din pala ang assigned precinct namin! "Destiny talaga tayo, ano?" nakangising wika ko. "You really believe that?" tanong niya habang nakapila kami para sa ibibigay na balota. "Oo naman. Huge believer kami ni Adara ng destiny-" Napahinto ako nang maalala ko bigla ang best friend ko. "s**t! Sasabay nga pala si Adara nakalimutan ko!" chineck ko ang phone ko at nakita kong may missed call na nga ito. "Don't worry sasamahan naman siya sigurado ni Kuya." Napalingon ako sa kasama kong na mukha namang unbothered sa pagbanggit ko sa first love niya. Hehe. This year pa lang kasi boboto rito si Adara dahil hindi naman talaga siya rito naka-rehistro noon kundi sa Buenavista, Sorsogon. Pero since dito na nga siya naka-base ngayon, nag-decide na rin siyang dito na lang bumoto. Inabot sa amin ang aming mga balota at umupo kami sa dalawang magkatabi na seat. Mayroong white folder na pantakip sa desk para hindi makita ang mga isusulat namin. Hindi na 'ko nag-abalang gamitin pa iyon dahil wala pa namang ibang tao. Pero ang loko-lokong Sam ay ginamit talaga ito at todo takip sa balota niya! "Kala mo namang kokopyahin ko," mahinang bulong ko pero sinigurado kong maririnig niya. "Better safe than sorry." I saw his back shaking from laughing. Inabot ko sa paa ko ang upuan niya saka ko sinipa bago ako nagsimulang magsagot. Since alam ko naman na kung sino ang mga iboboto ko, hindi ako nagtagal sa pagsusulat. Ni-review ko pa ito ng mabuti bago ako tumayo at pinasa. Binelatan ko si Fyuch nang mag-angat siya ng tingin habang nilalagyan ng ink 'yung daliri ko. Nauna akong lumabas sa kanya sa classroom at agad kong tinawagan si Adara na nasa parking na pala. Nag-sorry agad ako dahil nakalimutan kong magsasabay pala kami pero okay lang daw dahil kasama naman nito ang asawang si Christian. "Adara!" sigaw ko nang matanaw ko na ang best friend kong mukhang butete sa laki ng tiyan niya. "Woaaah! Mukhang konti na lang lalabas na talaga ang inaanak ko ah?!" "Hey, Portia." "Hey there, my future brother-in-law!" Natawa silang pareho at nginisian ako ni Christian. "Any progress with my brother?" "Tumatalab na ba ang powers mo kay Sam?" tanong din ni Adara. Hindi ko alam kung matatawa ako o maiinsulto sa tanong ng mag-asawang ito. I was about to answer nang biglang sabay na napatingin sila sa likuran ko. Nang lingunin ko ito ay nakita ko ang papalapit na si Fyuch sa kinaroroonan namin. Nakangisi akong humarap sa dalawa. "Kayo na lang ang humusga," mayabang na sagot ko. "Kuya? Adara?" ani Fyuch paglapit niya sa amin. Siniko pa niya 'ko at saka siya bumulong. "Sabi ko sa 'yo magkasama naman sila e." Nagpalipat lipat ang tingin nina Christian at Adara sa amin ni Fyuch. Parang may artificial intelligence iyong mga mata nila na ina-analyze ang status namin ngayon. "You came here together?" pagkumpirmang tanong ng very supportive kong brother-in-law. Chos. "Yes, Kuya. Sasamahan ko si Portia sa mga coverage niya." Gulat akong napatingin sa kanya. "Where are you heading next?" tanong sa 'kin ni Sam. "Babalik muna siguro ako sa PBN. Anong sasamahan mo 'ko sa coverage? Hindi ka papasok sa trabaho?" sunod sunod na tanong ko pero sa loob ko ay gustong gusto ko ng magtatalon sa tuwa! Sinurprise naman ako masyado ng bb ko! "I'll go with you today," deretsahang sagot niya. Nagkatinginan kaming tatlo nina Adara at Christian. My best friend probably knows now how much I wanted to jump for joy. Hahahaha. "Portia, pwede ba kitang makausap sandali?" ani Adara. Sumama naman ako sa kanya nang igiya niya 'ko sa isang tabi na medyo malayo sa kambal. "Well sorry, my dear bestfriend kung hindi kita nainform agad sa status namin ni Fyuch. I swear ikukwento ko naman talaga sa 'yo kaso talagang sobrang bilis lang ng mga pangyayari ngayon," natatawang paliwanag ko habang nakangiti niya 'kong pinakikinggan. "Alam ko at masaya ako sa kung ano mang level na meron kayo ni Sam," nakangiti at umiirap na wika niya. Pero ilang sandali lang nang mag-seryoso rin bigla ang itsura niya. "Nakita ko 'yung balita mo kagabi tungkol kay Pablo. At alam mo bang trending ngayon 'yon?" "Oh?! Talaga ba?! Hindi pa 'ko nag-che-check online e!" Kinuha ni Adara ang phone niya at pinakita niya sa 'kin iyong uploaded news ko sa page ng PBN. Ipinakita roon iyong mga ipinuslit kong footages ni Pablo na nakikipagtawanan lang sa mga kaibigan niya sa ospital, taliwas sa nais ibalita ng kanilang kampo na malala itong nabugbog. "Mainit na naman sigurado ang pangalan mo sa mga Vasquez. Nag-aalala ako sa 'yo, Portia. Alam mo kung gaano kademonyo ang mga tao pagdating sa usapang pulitika. I want you to be extra careful." Napanguso ako sa sobrang touch sa best friend ko at napayakap tuloy ako sa kanya. "I love you, Adara," malambing na sabi ko. Natatawa niya 'kong pinalo sa balikat habang nag-e-emote ako sa pagaalala niya. "I love you too, Portia kahit ang harot harot mo." Kinurot pa niya 'ko sa tagiliran kaya napahiwalay tuloy ako sa kanya. Nakasimangot kong hinaplos iyong parte ng tagiliran kong pinanggigilan niya. "Mabuti na ring sasamahan ka ngayon ni Sam. Mapapanatag akong magiging ligtas ka kahit saan ka pa magpunta." "Ihhh ang supportive mo talagang bruha ka nakakainis ka! Pero 'di ko inexpect 'yun ah! Ang usapan lang kasi namin sabay lang kaming boboto!" Muntik pa 'kong maiyak sa pagkukwento dahil parang himala kasi iyong nangyari. "So kailangan na ba kita i-congratulate?" I smirked and flipped my hair. "Thank you, then." Magkahawak kamay kaming bumalik sa kambal at pareho silang nagtatakang tumingin sa amin ni Adara na nagtatawanan. Nahigit ko ang hininga ko nang hawakan ni Fyuch ang kamay ko sa harapan ng kapatid niya at ni Adara at saka niya ulit tinignan iyong dalawa. "We have to go, Kuya, Adara," paalam niya sa kanila. "Okay. Ingat kayong dalawa ha," sabi ni Adara pero kitang kita ko sa mga mata niya ang mga panunukso. "Portia, tawagan mo 'ko mamayang gabi." "Yes po, Master." Kinindatan ko silang dalawa at humahagikgik akong nagpatangay kay Fyuch pabalik sa piling niya. Char. Para akong tanga na natatawa mag-isa habang naglalakad kami dahil napapatingin ako sa kamay naming magkahawak. Tangina ang lakas ng kabog ng dibdib ko! Feeling ko ay gusto ng lumabas ng puso ko at kusang magpa-angkin kay Fyuch! Pumunta muna kami sa PBN dahil kailangan ko ng cameraman ngayon at technical assistant. Hinintay na lang ako ni Fyuch sa baba at mabilis akong umakyat para kunin ang mga kailangan kong tao at gamit. "Kuya Rey, hindi ako sasabay sa sasakyan niyo ha. Pero nakasunod naman ako sa inyo," sabi ko habang inaayos iyong extra handy camera na backup ko. "May dala ka bang private car?" Natigilan ako sandali at napakamot sa ulo ko. Nakita kong napatingin sa gawi ko si Justine pero agad din niyang ibinalik ang atensyon niya sa kanyang computer. "Oo, kuya. Hehe." Magkakasabay kaming bumaba nina Kuya Rey at ng tech assistant naming si Kim. Dumiretso sila sa company car habang ako ay bumalik sa sasakyan ni Fyuch. Nang makita ko ng lumabas ang sasakyan nila ay sumunod na rin kami. Una kaming tumungo kung saan naka-schedule bumoto iyong mga kandidato sa pagka-senador. "Sure ka ba, Fyuch okay ka lang maiwan d'yan?" inayos ko iyong backpack ko at isinukbit sa likod ko. "Ayos lang ako. Pwede naman akong magtrabaho rito habang hinihintay kita." Pinakita pa niya iyong dala niyang laptop at mga papel. "O sige sige alis na 'ko ha." Madali akong bumaba dahil may advisory na kaming natanggap na papunta na iyong mga pakay naming pulitiko rito. Pagpasok namin sa presinto, marami na ring mga reporters mula sa iba't-ibang mga istasyon ang nag-aabang. Nag-setup na rin ng camera at mga cable sina kuya Rey at Kim para sa breaking news ng pagdating ng mga kandidatong boboto rito. Halos magkagulo ang lahat nang sabay sabay na magdatingan ang mga ito at unahan sa pagkuha ng shot ang bawat isa sa amin. Ako ang unang nakapagbato ng tanong sa kanila at kahit siksikan ay hindi ako nagpatinag sa pagpupumilit na sumingit. Buti na lang talaga at nag-diet ako kaya madali kong naipagsisiksikan ang sarili ko. Ganito halos ang ginawa ko maghapon-ang maghabol ng mga pulitiko at magmatyag ng kanilang mga kahina-hinalang kilos. Napakalaking tulong ng pagsama sa 'kin ni Fyuch ngayong araw na ito. Dahil bukod sa nakakakain ako sa tamang oras, natutulungan niya 'ko sa tuwing may mga legal terms akong hindi maintindihan about election. Naging instant human google ko siya dahil imbes na mag-search ako ay isang tawag ko lang ng Fyuch, may sagot na agad siya. Take note, with further explanations pa! Oh, God. Made in heaven talaga kaming dalawa. Nakapagbato ako ng mga balita on time pero may isa pa akong tinatapos na ngayon na report tungkol naman kay Mayor Vasquez. Kaugnay ito doon sa inilabas kong report kagabi at kailangan kong maihabol ito para sa live evening news namin mamaya. Napahawak ako sa balikat ko at bahagyang ginalaw galaw ko ito nang makaramdam ako ng matinding pangangalay na may kaunting kirot. Sobrang sakit na ng likod at ko parang gusto ko ng humilata sa kama sa mga oras na 'to pero kailangan ko pang tumapos ng isa pang importanteng script. "May kailangan pa ba tayong puntahan?" tanong ni Fyuch. "Wala na. Tapusin ko na lang 'tong script ko tapos bebe time na ulit tayo," malanding sagot ko nang hindi man lang siya sinusulyapan. Nakatuon ang buong atensyon ko sa sinusulat ko pero hindi ko kinakalimutang humarot pa rin ng slight. Haha. Nagulat ako nang biglang binuhay niya ang makina ng sasakyan at nag-drive siya. Nakahinto lang kasi kami kanina sa tapat nung huling presintong pinuntahan namin para makapagsulat ako. "Saan tayo pupunta, Fyuch?" tanong ko pero patuloy pa rin ako sa pagta-type. Buti na lang magaling akong mag-multitask. Lol. "We have a hotel nearby. Let's go there." Muntik kong maibagsak ang laptop ko sa lapag. Naka-indian sit kasi ako sa pwesto ko at medyo hindi ko yata kinaya iyong next destination namin. "Hotel?! Anong gagawin natin sa hotel?! Oh my gosh teka lang hindi ako prepared!" This time, nagpapanic na akong tumingin sa kanya. Inayos ko pa ang suot kong salamin para pakatitigan siya ng mabuti. "Relax. Magsusulat ka lang doon para mas komportable ang likod mo." He shook his head, suppressing a smile while still driving. "Ahh..." Napakamot ako sa ulo ko pero napangiti rin ako sa thoughtfulness niya. Haaay jusko. Baka lalo na talaga akong ma-fall sa lalakeng 'to 'pag hindi niya 'ko tinantanan sa mga pagan'to niya! Pagdating namin sa hotel ay panay ang bati sa kanya ng mga staff na nakakasalubong namin. Kitang kita ko rin kung papaano niya nakuha ang atensyon ng babaeng nadaraanan namin sa simpleng pagdaan lang niya. Pinaupo niya 'ko sandali sa isang mahaba at malambot na couch habang may kinakausap siya doon sa front desk. Pero dahil naiihin na 'ko, tumayo ako para maghanap ng CR. Sa ikalawang liko ko ay nakita ko ang restroom. Pagharap ko sa salamin ay nagulat pa 'ko sa itsura 'kong mukhang dinaanan ng maraming sakuna sa buhay. Gosh nakakahiya! Mabilis akong nag-retouch at naglagay ng tint para fresh looking na ulit! Pangiti-ngiti pa 'kong naglalakad pabalik nang hindi ko inaasahan ang isang antipatikong tukmol na nakakasalubong ko sa hallway. Agad akong nginisian nito nang makita ako. "God's will nga naman talaga na magkita tayo rito, Ms. Martin," salubong ni Pablo pagkalapit sa 'kin. Kita ko pa ang ilang galos niya pero hindi siya malala gaya ng gusto nilang palabasin sa publiko. "Hindi ka dapat nagpapagala gala kung saan saan, Pablo. Nakakasira ka ng kapaligiran," iritableng singhal ko. Inismiran niya 'ko at humakbang pa siya palapit sa 'kin. "Bilib talaga ako sa tapang mo." Marahang pinasadahan ng mga daliri niya ng haplos ang mukha ko habang malagkit na nakatitig sa 'kin. "Alam mo bang sa lahat ng lumabas na balita kagabi, pinaka naiiba 'yong sa 'yo?" Napangisi ako. "Alam ko. Nagustuhan mo ba?" matalim kong sinalubong ang mga titig niya. Tinabig ko ang kamay niya palayo sa mukha ko pero mabilis niyang hinuli ang palapulsuan ko at mahigpit na hinawakan ito. "Maganda ka naman e." "Alam ko, hindi ako bulag." Bigla siyang tumawa ng mahina at tila nasisiyahan sa ginagawa niyang pang-iinis sa 'kin. Konting konti na lang ang natitira kong pasensya sa gagong ito at malapit ko ng masapak sa mukha. "Sa tingin ko kaysa kalabanin natin ang isa't isa, bakit hindi na lang tayo magkasundo? Tingin ko mas bagay ka sa kama ko kaysa maging kaaway ko. What do you think?" Mapang-insulto niya 'kong tinignan mula ulo hanggang paa. "Magkano ka ba? Tell me how much your body worth." Isang malutong na sampal ang iginawad ko sa pisngi niya. Alam kong nasaktan siya sigurado roon dahil mismong kamay ko ay naramdaman kong namanhid sa sakit. Napahawak siya sa pisngi niya pagkatapos ay bigla na lang itong tumawa na parang isang sira ulong nakatakas sa mental. "Don't tell me na nainsulto ka?" Ngumiti ito ng nakakaloko at muling humakbang palapit sa kinatatayuan ko. Nanginginig pa rin ang kamay ko sa sakit nang pagdapo nito sa matigas niyang mukha. Nakita ko ang pamumula ng pisngi niya pero sadyang makapal na yata talaga ang mukha niya para makaramdam pa ng sakit dahil nakukuha pa talaga nitong tumawa. "Gwapo naman ako, ah? Kahit nga gahasain pa kita d'yan hindi ka na lugi. You should even be thankful that someone like me just r***d you." "Ah dahil gwapo ka, may karapatan ka ng manggahasa? Yun ba ang pinupunto mo?" Walang alinlangang tumango ang gago. Kating kati na kumuyom ang mga kamao ko at saka ko siya tinignan ng deretso sa mata. "So kapag nasira ko na siguro 'yang pagmumukha mo, mawawalan ka na ng karapatang manggahasa ano?" Humakbang ako paatras upang lumikha nang sapat na distansya sa pagitan naming dalawa. Nang matantya ko na ang tamang layo namin sa isa't isa, bumwelo ako at parang slow motion na pinalipad ko ang paa ko sa ere. Nakita ko ang gulat sa kanyang mga mata habang tinitignan ang aking paa na unti unting dumadapo sa kanyang mukha. Hindi niya ito inasahan kaya't bumagsak agad siya sa sahig dahil sa ginawa ko. "Damn you, b***h!!| Dumadaing siyang napahawak sa mukha at hindi ko napigilang magalak sa gulat niyang itsura nang may dugong kumapit sa kamay niya nang hawakan ang gilid ng kanyang labi. Nagpagpag pa 'ko ng kamay ko bago ko siya tinalikuran para sana umalis na. Pero saktong pagtalikod ko ay nakita ko si Fyuch na nakatayo at salubong ang kilay na nakatitig sa 'kin. Fuck. Nakita kaya niya 'yung ginawa ko?! *** Angel's note: Hi, guys! Meron nga pa lang bagong f*******: closed group ang aking mga readers. You can join there if you want para maka-bonding niyo yung ibang Cherubs. Lol. We've decided na Cherubs daw ang itatawag sa mga readers ko. Tunog cute na mababait. HAHAHAHAHA. So ayun nga mga Kerubin, sali kayo sa group para updated din kayo sa mga ganap. Search niyo lang ang Missflorendo's Cherubs sa f*******:. Then sagutan niyo lang yung 2 questions para ma-accept kayo agad. ?❤️
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD