Kabanata 20
"Fyuch, uwi na 'ko! Si Tammy sumasama kunin mo rito!"
Hindi ko maisara ang pinto dahil nakaharang ito sa hamba at prenteng nakaupo habang nakatingala sa 'kin.
Ilang sandali lang ay dumating na si Sam na may nakatapat pang cellphone sa tenga niya. Napatakip ako sa bibig ko at nag peace sign dahil may kausap pala siya. Mukhang seryoso kase may suot na naman siyang salamin.
Binuhat niya si Tammy pagkatapos niyang ibaba ang cellphone. Inalapit niya ang tenga niya rito na para bang may gusto siyang pakinggan.
"Gusto ka raw niyang ihatid," aniya na akala mo'y ibinulong nga sa kanya ito ng isang aso.
Tinaasan ko siya ng kilay. "Talaga ba? Sinabi niya 'yon?"
He cutely nodded and quickly wore his slippers. I kept my lips together to cover up the smug and arrogance on my face.
Jusko naman anak sana lagi kang nakikipag-cooperate ng ganito para happy lagi si mommy! Sa susunod tuturuan ko na talaga siya kung ano pa ang mga dapat niyang ibulong. Ahihihi.
Karga karga ni Fyuch na parang baby si Tammy habang naglalakad kami papuntang elevator. Feeling ko hihingi ako ng copy ng CCTV sa mga area na madadaanan namin para may remembrance ako sa happy family moment naming ito.
Sumandal ako sa sulok ng elevator na kasalukuyang pababa. Nakakrus ang mga braso 'ko habang nakangisi ko silang pinagmamasdan.
"Grabe 'no, Fyuch? You really look like the father of my future child."
Bahagyang nanlaki ang kanyang mga mata sabay namula ang magkabilang pisngi niya. Pinigilan kong matawa sa napa-cute niyang itsura at saktong bumukas na ang elevator.
Nauna akong humahagikgik na lumabas at habang naglalakad kami ay patago ko siyang sinusulyapan. Patuloy pa rin sa pamumula ang mga pisngi niya tapos pati tenga niya ay pulang pula na rin! Kagigil!
"Tara pasok ka," aya ko sa kanya pagbukas ko sa pinto. Tinitigan lang niya 'ko pagkatapos ay pinaningkitan ako ng mga mata niyang mapanghusga.
"Why do you want me to get in?" mapanghinalang tanong niya.
"Baka sabihin mo na naman hindi kita pinapasok e! At saka nasa loob si Kairo kaya 'wag kang feeling d'yan"
"Really?" wala pa rin siyang tiwala.
"O sige tanungin mo na lang si Tammy kung gusto niya. Tutal kayong dalawa naman ang nagkakaintindihan."
I crossed my arms across my chess while I wait for their decision. Yes, their decision. Dahil nakadepende sa anak naming aso ang pasya niya.
Itinapat niya ulit ang tenga niya sa bibig ni Tammy pagkatapos ay umayos siya ng tayo.
"He agreed." Nilagpasan niya 'ko at tuloy tuloy siyang pumasok sa loob. See?
Pagpasok namin ay hinanap ko agad si Kairo. Nang hindi namin ito nakita sa sala, kumatok ako sa kwarto nito pero wala ring sumasagot.
"Wala yata siya. Hehe. Pero I swear ang alam ko nandito siya!" Itinaas ko pa ang kanang kamay kong parang nanunumpa.
"Tss."
Pinaupo ko sila sa sala bago ako nagpaalam na magbibihis muna. Pumasok ako ng CR at mabilis na naligo para matanggal 'yung light makeup ko at kung ano pa mang germs ko sa katawan. Sinuot ko rin ang paborito kong baggy shirt na may mukha ng favorite kong si Wuba tapos bumalik ako sa sala nang nakabalot ng tuwalya ang buhok, dala dala ang skincare sets ko.
Tumabi ako sa kanila sa sofa. Pinapanood nila akong pareho na nag-i-skincare at parang batang may isip si Tammy na palipat lipat ang tingin sa amin ni Fyuch. Natatawa tuloy ako habang nagpapahid ng cream sa mukha ko dahil sunod lagi ang tingin nilang dalawa sa ginagawa ko.
"Why do you put a lot of things on your face when you're just gonna sleep?"
"Ritual 'to, Fyuch. Hindi kami pwedeng matulog nang hindi nag-i-skincare routine kung ayaw naming sumpain kami kinabukasan. Dapat nga kayo ring mga lalake inaalagaan niyo ang skin ninyo. Kung gusto mo ako ang mag-alaga ng iyo? Kahit pati ikaw alagaan ko okay lang din. Yieeee papapayag na 'yaaaaan, plith?"
Tinusok tusok ko siya sa tagiliran sabay hinahabol naman ni Tammy ang daliri ko at pilit kinakagat.
"Para kang sira."
Inirapan niya 'ko pero natatawa naman siya. Nako nako! Wag mo 'kong tinitignan ng ganyan at baka akalain kong kinikilig ka na! Char.
Tumayo ako at humarap sa kanya. "Tara nga sa kwarto ko! May gagawin lang tayo sandali."
Nagsalubong agad ang kilay niya at kunot noo siyang tumingin sa 'kin.
"Are you getting out of your mind? Tumigil ka nga, Portia."
"Bakit? Ano bang iniisip mo?" gulat na tanong ko. Nang ma-realize ko ang tumatakbo sa utak niya ay nahampas ko siya sa balikat bago ako tumawa ng malakas. "Rated X naman masyado 'yang utak mo, Fyuch! Rated G muna tayo oi! Tara na!"
Nauna na 'kong naglakad papasok at naramdaman ko namang sumunod siya. Humiga ako sa kama at saka ko tinapik ang side ko sa kanan. Kinuha ko si Tammy sa kanya at nilagay ko sa tabi ko para makapante siyang wala akong gagawing masama sa kanya. Napaka-prancing e!
"What are we gonna do here?"
"What do you think? Ano ba ang ginagawa ng isang babae at lalake sa kama?"
"Are you playing on me?"
"Of course not!" Hinatak ko na ang kamay niya dahil ang dami pa niyang arte! "Magpapahinga lang tayo, okay? Nakita ko kasi 'yung tambak na mga kaso sa table mo kanina. And you have dark circles too. I think you need a proper rest."
Mukhang sa wakas ay naniwala na siya sa 'kin. Magagawa ko na ngayon ang tunay na plano ko.
Joke! Hahahaha.
"Thank you," aniya at humiga na sa tabi ko. Tumagilid siya at humarap sa 'kin. "Actually I haven't had proper sleep these past few days because of a case I'm currently working with Jenny."
"You two were working on the same case?"
He nodded. "Yeah. That should only be for her but she's asking for help. That's why we're often together."
"Psh. Sabihin mo crush ka lang nun kaya humihingi ng tulong. Di mo alam?"
"Alam ko."
"Eh bakit mo pa rin siya tinutulungan?"
"Interesado ako sa kaso, hindi sa kanya."
"Promise 'yan?" pangungumpirmang tanong ko. Deretso siyang tumingin sa 'kin.
"Promise."
Agad na umangat ang magkabilang sulok ng labi ko at tahimik naming tinitigan ang isa't isa. Pwede pala 'yon ano? Magkasama kayo, hindi nagsasalita, pero hindi awkward. Ang chill lang sa pakiramdam. Silence terrifies me before, but now, it gives me peace. I just love how comfortable I feel around him.
Napatingin ako kay Tammy na nasa gitna namin at nakatihayang natutulog na. Nakadantay pa ang kamay ni Fyuch sa tiyan nito at pareho na silang matiwasay ng naglalakbay sa dreamland.
Haay. Mapapa sana ol aso ka na lang talaga. Kinuha ko ang cellphone ko na nasa gilid ng table at kinunan ko silang dalawa ng litrato. Nagkunwaring tulog din ako at nag-selfie kasama sila. Pagtingin ko sa mga nakuha ko, napailing na lang ako.
Perfect family talaga.
"Good night, Fyuch," nakangiting bulong ko. Pinagmasdan ko lang ang napakapayapang itsura nilang dalawa hanggang sa unti unti na lang din akong nakatulog.
Napakunot noo ako nang tumunog ang malakas kong alarm at inis na inis ko itong kinapa sa gilid ng unan ko. Lalo akong napasimangot nang hindi ko ito makapa kaya napilitan pa akong tumayo para hanapin ito.
Napadilat ako ng maayos nang maalala ang kasama ko. Napatingin ako sa tabi ko at wala na rito sina Fyuch at Tammy. Hinanap ko agad iyong phone ko at pinatay ang bwisit na alarm na alam kong hindi ko naman sinet kagabi. Pero pagkapatay ko nito, mayroong note na nakadikit sa likod ng phone ko.
I have to go for an early meeting today. See you later, Portia.
Oh my goodness. Dito nga natulog si Fyuch kagabi?! Ahhck! Grabe naman this sana ginising niya 'ko bago siya pumasok sa trabaho para naipaghanda ko siya ng breakfast at nabigyan man lang ng good morning kiss. Hmp.
Malapad ang ngiti kong bumangon at lumabas ng kwarto. Kaso paglabas ko ay nagulantang ako sa bumungad sa 'kin sa sala.
"Kairo! Anong nangyari sa 'yo?!" Napatakbo ako rito at hinawakan ang mukha niya. Nagdurugo ang gilid ng kanyang labi! "Tangina sinong nakaaway mo?!"
"Wag ka ngang OA. Gasgas lang 'yan."
"Gasgas?! Bulag ka ba? O baka manhid ka na rin?! Gasgas ba 'yang puro dugo ang damit mo?!" galit na singhal ko at tinuro ko ang suot niya.
"Chill, hindi ko dugo 'yan."
Nanlaki ang mga mata ko at mas lalong bumilis ang kabog ng dibdib ko sa sinabi niya.
"A-Anong ibig mong sabihing...hindi mo d-dugo 'yan? Wag mong sabihing...n-nakapatay ka?!" Halos habulin ko ang paghinga sa labis na tensyong naramdaman ko samantalang siya, nananatiling kalmado pa rin.
"Sana nga natuluyan na ang gagong 'yon," mahinang sagot nito pero sapat na para marinig ko ng malinaw.
Napasabunot ako sa buhok ko at kabado akong napasalampak sa sahig sa harapan nito.
"Kairo naman," nagmamakaawa kong tawag sa kanya. "Sino bang nakaaway mo? Wala ka namang kagalit 'di ba?!" Nanatili itong tahimik habang galit na nakatingin ang mga mata nito sa harapan. Napakuyom ang mga kamao ko at matalim siyang tinapunan ng tingin. "May kinalaman ba 'yan sa Mika Andrada na 'yon?"
Nakita ko ang pag-iiba ng ekspresyon sa mukha nito. Kung kanina ay galit lang ang itsura nito, ngayon ay mukhang literal na makakapatay na ng tao. Napatampal ako ng palad ko sa noo.
"Kaiden Royce naman!!" galit kong sigaw. Tumayo ako ng sabunot ko pa rin ang buhok ko. "Are you seriously into that woman?! Nahihibang ka na ba talaga?! Alam mo ba kung anong gulo ang pinapasok mo?!"
"I'm old enough to handle this, Portia."
"Talaga lang ha? Wag mo sabihing si Pablo Vasquez ang nakaaway mo?" I asked in greeted teeth. Muntik ko na itong masipa sa mukha kung hindi lang ako nagpigil. "Tangina naman, Kairo! Alam mo ba kung gaano kakumplikado ang relasyon ng dalawang 'yon?! Hindi ka ba nanonood ng balita?!"
"I know everything, okay?! I'm aware of this s**t!"
"Alam mo naman pala, e! Bakit hindi mo pa agad iniwasan ang babaeng 'yon?!"
"Because she needs my help, Portia." Hindi ako makapaniwalang tumingin sa kanya.
"No! She's f*****g sick! If you really know everything about her, you should know how she'd play with the law just to get what she wants! And you just put yourself to be her next f*****g bait!"
"She's not sick, Portia! She's hopeless!" pagpupumilit nito. And he looked hopeless too. Pagod ko itong sinulyapan bago ako tumungo sa kwarto nito para ikuha siya ng damit. Kinuha ko rin iyong first aid kit at sapilitan kong tinanggal ang suot nitong puting polo shirt pagbalik ko sa sofa.
Nakahinga ako ng maluwag nang wala naman akong nakitang malalang sugat sa katawan nito. Pawang mga gasgas lamang at iyong sapak sa labi ang ginamot ko.
Habang nililinis ko ang mga sugat nito, tahimik lang itong hinahayaan ako. Ni wala nga rin akong marinig na daing mula sa kanya kahit na sinasadya ko pang diinan ang ilan sa sugat nito.
"Bakit dito natulog si Sam?" tanong nito na nagpahinto sa 'kin sa ginagawa ko.
"P-Paano mo n-nalaman?"
"I saw him earlier getting out of your room."
I bit my lower lip as I continue treating his wounds.
"We just slept, nothing else."
"Seryoso ka na ba talaga kay Sam?"
"Mukha bang hindi?" tinaasan ko siya ng kilay.
"But you're bound to marry your ex. Alam ba niya 'yon?" concern na tanong nito. Pinaalala na naman niya!
Umiling ako. "Hindi pa naman kami para ma-bother siya sa ro'n."
"Manhid ka ba? Malinaw namang may gusto rin sa 'yo 'yon."
"Alam ko," sabi ko at umayos ako ng upo pagkatapos kong malagyan ng gamot lahat ng gasgas niya. "He just told me last night."
"Then what are you still waiting for? Na sa ibang tao pa niya malaman na ikakasal ka na sa iba?"
"Hindi pa naman kami para problemahin 'yan. Malay ko ba kung gusto lang niya 'kong kasama dahil napapatawa ko siya. Paano kung... gusto lang niya 'ko?"
"You're digging your own grave, Portia. And you gotta be prepared for what's gonna happen next. You're messing with a Smith—not just with an ordinary guy." Tumayo ito at iniwan akong nakatulala sa sinabi niya.
Ano naman ang kinalaman ng pagiging Smith ni Fyuch? At saka sasabihin ko naman talaga sa kanya ang tungkol doon. Pero sa tingin ko ay hindi pa lang ito ang tamang panahon.
Since hindi naman daw aalis ng condo si Kairo maghapon which is very good, hiniram ko muna ang kotse nito dahil marami rami akong presintong pupuntahan ngayon para sa paghahanda namin sa eleksyon bukas.
Mahigpit ang pagbabantay ng halos lahat ng news team sa mga kandidato. Naglipana marahil ang mga pulitikong hayok sa pagkapanalo.
Napapunas ako ng pawis ko sa noo pagkatapos ko sa ikalimang presintong tinungo ko ngayong araw. Pagsakay ko ng kotse ay itinodo ko agad ang aircon dahil hulas na hulas ako sa sobrang init sa labas! Jusko para akong pinatikim ng weather sa impyerno! Ugh. Habang nagpapalamig ay kinuha ko ang laptop ko mula sa backseat para makapagbato na 'ko ng materyal sa mga nasa studio.
[Portia? Tapos ka na ba sa lineup mo today?] tanong ni mini boss Leila.
"Editing na 'ko ng script. Bakit?" hindi na naman maganda ang kutob ko rito. Mukhang mabubulilyaso ang plano kong makauwi bago mag 5pm. Ugh.
[Nasa ospital daw ngayon si Pablo Vasquez. Ayon sa source, malala ang mga tinamo nitong sugat dahil sa pagtatanggol niya sa girlfriend na si Mika Andrada against someone who also wanted to ruin his father's name.]
Nagpanting agad ang tenga ko. Kaya bago pa man niya 'ko sabihan na puntahan ito ay sumagot na 'ko.
"Send me the details."
Sinuot ko ang seatbelt ko at pinaharurot ng mabilis ang sasakyan papunta sa ospital. Ang kapal ng mukha nilang magbigay ng advisory sa pagkabugbog ng walangyang 'yon. Gusto ba niya ng exposure? Para ano? Para makuha ang simpatya ng mga tao at maawa sila sa ama niya?
Gusto mo ng pahabol na balita ah. Let me give you want you want.
Mariin kong tinapakan ang gas at inover take lahat ng mga sasakyan sa harapan ko. Siguradong kung alam lang ni Kairo ang klase ng pagpapatakbong ginawa ko rito sa baby niya ay bubungangaan ako no'n hanggang sa makalimot siya. Good thing ay hindi naman ako nito nakikita.
Pagdating ko sa ospital, tinungo ko agad ang room number na kinaroroonan nito. Napasimangot ako pagliko ko pa lang dahil natanaw ko na agad ang mga reporter na nag-aabang sa kanya.
Wow. Breaking news lang ang peg? Ngayon ako sumasang-ayon kay Kairo na sana nga ay naturuan niya ng matinding leksyon ang gagong ito. Ang kapal ng mukha ng kampo nila na gamitin pa si Kairo sa kanilang political agenda.
May isang alipores silang nagsalita at nagbigay ng panayam sa aming lahat. At habang nagkakagulo sila, may narinig akong tawanan sa loob ng kwarto nang subukan ko sanang pasukin ito. Dahan dahan akong sumilip at nakita ko si gago na nakikipagtawanan lang sa mga kaibigan niyang mukhang mga sanggano!
Patago kong inilusot ang phone ko sa pinto upang makuha ko ang tunay na kalagayan nito. Ngayon mo abangan ang breaking news na pinakahihintay ninyo.
Pasibat na 'ko sa location nang may nahagip akong mas interesanteng subject kaysa sa Pablo na 'yon. Binilisan ko ang lakad ko at hinablot ko ito sa kamay saka hinatak papasok sa katapat naming fire exit.
"Kamusta naman ang pagligtas sa 'yo ni Pablo kay Kairo?"
Gumuhit ang gulat sa mukha nito at hindi ko inaasahan ang sumunod nitong sinabi.
"Kilala mo si Kairo? Kamusta siya? Please tell me he's okay, please!" nagpapanic na litanya nito.
"Ano naman ang pake mo kung maayos o hindi si Kairo? Hindi ba't kasabwat ka naman ng mga Vasquez para palabasing masama ang pinsan ko at pagandahin ang pangalan ng Mayor ninyo?" inis na singhal ko sa kanya.
"P-Pinsan ka ni Kairo?" Bigla akong hinawakan nito sa kamay pagkatapos ay bigla na lang itong lumuha. Nanlaki ang mga mata ko. "Kairo saved me from Pablo. So please, tell me he's fine. Please..." pagmamakaawa nito sa 'kin. I was taken aback by her reaction. Her hands were still shaking so I had to calm her first before she was able to speak again.
Hiningi ko ang detalye ng tunay na nangyari at dito inamin mismo sa 'kin ni Mika Andrada ang tunay na lagay niya sa kamay ni Pablo Vasquez. At kung papaano siya nito minanipula gamit ang batas para lang palabasin siyang masama. Even those r**e cases were not even true! Ghad. That f*****g guy is so obsessed with her!
Badtrip akong umuwi sa condo. Hanggang sa pagpapark ng sasakyan ay sobrang inis ko dahil hindi ko maipark-park ng maayos!
"f**k!" sigaw ko mag-isa nang may naramdaman akong nabunggo ko sa likuran.
Tangina.
Lumabas agad ako para i-check ito at sobrang tanga ko lang para maatrasan ang isang puting SUV! Hindi naman sila nayupi dahil hindi naman ganoon kalakas ang pagkaka-atras, pero pareho silang nagasgasan.
Taragis, talagang hindi na 'ko makakaulit pa sa sasakyan ni Kairo nito. Ugh!
May dumating na security guard at ilang sandali lang ay dumating na rin ang may-ari nung SUV. Hindi na ako nakipag-diskusyon pa at nag-offer agad ako ng settlement fee. Masyado akong pagod at dismayado ngayong araw na ito para maglaan pa ng extrang lakas para makipag-usap sa mga ito.
"Bente mil, Miss."
Napaangat ako ng tingin sa kanya nang nakakunot ang noo ko. "Bente mil? As in 20,000 pesos?" pag-uulit ko pa.
"Yes. For the damage and disturbance you've caused," sagot sa 'kin nung lalakeng mukhang nasa mid 30's. Napaayos tuloy ako ng tayo.
"Seryoso ka ba? Anong tingin mo sa 'kin, bangko na first time makabangga?"
Tangina tanga ba 'ko para magbigay ng bente mil para sa gasgas lang?!
"Edi dalhin na lang natin 'to sa istasyon ng pulis," maangas na suhestiyon nito. Aba't talagang hinahamon ba 'ko ng lalakeng 'to?
Tinignan ko 'yung guard na kasama namin. "What can you say, Kuya? Tignan mo naman 'yung gasgas! Gasgas lang! Tingin mo ba aabot ng bente mil 'yan?" Inis kong binalingan ulit iyong lalake. "Kahit nga ipacheckup ko pa 'yang kinakalawang mo na yatang utak ay hindi 'yon aabutin ng bente mil! Unlesss malala ka na?"
Jusko naman po pauwi na lang ako bakit pa ko minamalas ng ganito? Huhu.
"What's happening here?"
Nagliwanag ang nagdidilim ko ng paningin sa boses ng nagsalitang iyon!
"Fyuch!" bulalas ko pagkakita ko sa kanyang nakadungaw mula sa pulang ferrari niya.
Sinenyasan niya 'ko na magpapark lang siya kaya nakangisi kong hinarap ulit itong manggagantsong kausap ko.
"Wait mo lang at nand'yan na ang lawyer ko. I think mas better kung idaan nga natin ito sa legal na proseso."
Nakita ko ang biglang pamumutla nitong lalake lalo na nang lakad takbong tinungo ako ng bb ko.
"Are you okay? Nasaktan ka ba?" Umiling ako.
Sinumbong ko agad sa kanya ang nangyari at chineck naman niya iyong tinamong damage nung SUV. Pinaghintay na lang ako ni Fyuch sa tabi at siya na ang nakipag-areglo doon sa lalake. Wala pang 5 mins nang matapos sila sa pag-uusap at nakangiti pang nagpaalam sa akin iyong si 20k guy nang walang hinihinging kahit na magkano! Ameyzing earth!
May tinawagan din si Fyuch na mag-aayos sa gasgas ng sasakyan ni Kairo. Hulog ng langit talaga! Huhuhu.
Hinawakan niya ang kamay ko at pumasok kami sa condo nang wala na akong problemang aalalahanin pa.
"You're my savior, Fyuch! Thank you ha!" masayang bulalas ko.
"Parking lang kasi hindi pa marunong," pang-aasar niya habang naglalakad kami.
"Wala lang kasi ako sa mood kanina at hindi ko talaga napansin 'yung likuran ko," nakangusong sagot ko pa.
"Sa susunod na mawala ka sa mood, siguraduhin mong hindi ka hahawak ng manibela. Kuha mo?"
Mabilis akong tumango. "Opo, Daddy," kinikilig na tugon ko pero inirapan lang ako ng loko. Haha.
Hinatid niya 'ko hanggang sa unit ni Kairo. Abot tenga pa ang ngiti ko ngunit nang huminto na kami sa tapat ng pinto, sabay kaming napatingin sa mga kamay naming magkahawak pala kanina pa.
Kagat ko ang ibabang labi ko at nangingiting tumingin sa kanya.
"Grabe fit na fit, ano?" Itinaas ko ang magkahawak naming kamay. "Seems like our hands were made to fit each other."
"You think so?" nangingiting tanong din niya habang pinagmamasdan ang aming mga kamay.
Sabay kaming napaangat nang tingin sa harapan nang bumukas ang pinto ng unit ni Kairo. Napaawang ang labi ko nang lumabas mula roon si Easton.
"Portia."
"Easton? Anong ginagawa mo rito?" Napatingin ako sa hawak nitong malaking bouquet of roses.
"I was waiting for you..." bumagsak ang mga tingin nito sa mga kamay naming magkahawak ni Fyuch.
Napalunok ako at akmang bibitaw na, lalong hinigpitan ni Fyuch ang pagkakahawak sa kamay ko kaya't hindi ko nagawang kumalas sa kanya.
Sam stepped forward, hiding me behind his back. Bahagya niya akong nilingon.
"Tell me, Portia. How many men do I really need to get rid from you?"
***