Kabanata 19
Kuyom ang mga kamao kong lumabas ng restroom. Sinundan ko ng tingin si Jenny habang pabalik ako sa pwesto namin at dumiretso nga ito sa table kung saan natanaw ko agad sina Zeno, Steel, at Gian. Nang makaupo ng maayos si Jenny sa couch nila, doon ko maayos na nakita si Attorney. Kasama nga siya nito.
Pagbalik ko sa couch ay tanaw ko pa rin sila mula rito. Nakapagtataka na hindi ko sila agad na napansin kanina. Kadarating lang kaya nila? Pero ano bang pake ko? Tumalikod ako ng upo sa kanila para hindi ko sila makita. Kinuha ko agad ang bote ng Jack Daniel's kay Dior at pinuno ko ang baso ko. Tinungga ko ito ng minsanan.
"Huy, brokenhearted ka ba?" tanong ni Dior pagkatapos kong maubos ang laman ng baso ko at muli akong nagsalin.
"Hindi."
"Eh bakit ganyan ang itsura mo? Mukha kang binreak ng maraming beses." Tinawanan pa niya 'ko kaya medyo nainis ako at sinamaan ko siya ng tingin.
"Nandito si Attorney," sabi ko at ininom ulit ang laman ng baso ko.
"Oh? Bakit hindi mo ayain dito?"
"Bakit ko aayain eh busy siya sa ibang babae."
"Oww. Binasted ka na naman."
Hindi ko na siya sinagot pero inirapan ko siya bago ako tumayo para bumalik sa dance floor kung saan ako dinala ni Mona kanina. Habang papunta ako doon ay nakasalubong ko pa si Lyra na sumunod sa 'kin nang hindi ko siyang pansinin.
Muli akong sumiksik sa dagat ng taong nilayasan ko kanina. Itinaas ko ang mga kamay ko at nakipagsayaw sa malakas na tugtog. Hinayaan ko ang sarili kong isayaw ang inis na nararamdaman ko ngayon. Wala nga akong pake kahit kung saan saan na dumidikit ang katawan ko. Napaigtad ako nang biglang may brasong pumulupot sa baywang ko at iniharap ako nito sa kanya. Nanlaki ang mga mata ko nang makita kung sino ito. Binakuran ako ng mga braso niyang iniwas ako sa mga lalaking nakapalibot sa amin.
"What the hell, Easton?! Bakit ka nandito?!" sigaw ko dahil baka hindi niya 'ko marinig. Inilapit niya ang bibig niya sa tenga ko at halos magkayakap na kami sa sobrang lapit namin sa isa't isa.
"To save my Princess. Didn't I tell you before I don't want you dancing with lots of guys around you?"
Bigla akong natawa nang maalala kung paano kami nag-away ng malala noon dahil may nambastos sa 'kin sa isang bar. Simula noon ayaw na niya 'kong pumupunta sa bar ng mag-isa. Minsan gago lang talaga 'tong si Easton, pero mabait naman 'yan. Napangisi ako nang igiya niya 'ko paaalis sa dance floor at dinala kung saan siya nakapwesto. Halos mapamura ako sa utak ko nang mapansing nasa katabing lamesa lang kami nina Attorney.
"How did you see me?" kunot noo na tanong ko kay Easton.
"Don't you know I've always got my eyes on you?" tanong niya pabalik sa 'kin. And just like he always does, binalot niya 'ko ng jacket niyang nakasampay sa couch.
"Ang creepy mo ha."
"Mabuti ng creepy kesa mapaaway ako."
Napangiti ako sa kaseryosohan ng mukha niya. Ngunit agad na napawi ang ngiti ko nang matanaw ko na naman sina Jenny at Attorney na magkatabi habang nakangiti sa kung ano mang pinag-uusapan nila. Napailing pa ito nang ibinulong sa tenga niya si Jenny. Ang nakakainis pa ay hinahayaan lang niyang humawak sa baywang niya ang babaeng 'yon tapos yung kamay nito ay nasa hita pa niya. Kung may laser beam lang ang mga mata ko ay baka lusaw na silang dalawa ngayon sa sahig.
Inabot ko ang baso ni Easton at gulat itong pinanood akong inistraight ang buong laman. Napangiwi ako sa sobrang pait nito na matalim pang gumuhit sa lalamunan ko.
"Tangina ano ba 'tong iniinom mo?!" galit na singhal ko. And this f*****g guy just f*****g laughed at me.
"Bakit mo kasi ininom?" he asked, trying to suppress his laugh. Tumigil naman siya sa kakatawa nang makitang hindi ako natatawa sa pang-aasar niya sa 'kin. Inirapan ko siya at saktong dumapo ang mga mata ko sa dalawang taong kanina ko pa tinitignan sa likuran niya. Humigpit ang hawak ko sa basong nasa kamay ko nang makita ko kung paanong humalik sa pisngi ni Attorney ang Jenny na 'yon. Napaiwas agad ako ng tingin dahil hindi ko matagalang tignan sila.
I suddenly felt that I was not myself anymore when I put my arms around Easton's neck as I kissed him fully on the lips. Napaawang ang labi niya sa ginawa ko at nakita ko ang gulat sa mukha niya. Ngunit hindi rin iyon nagtagal nang maramdaman ko ang kamay niya sa batok ko at mas pinalalim niya ang halik.
Napahiwalay kaming dalawa ni Easton nang may marinig kaming malakas na kalabog mula sa katabi naming lamesa. At nang tignan namin iyon, nakatayo na lahat ng naroon kasama iyong Jenny. Napatayo ako at tumakbo ako palapit sa kanila.
"Anong nangyari dito?" tanong ko kay Zeno na matamang nakatingin sa 'kin at sa lalaking katabi ko. Napalingon ako kay Easton na sinundan pala ako.
"Tangina naman kasi Portia." Ginulo ni Zeno ang buhok niya at naguguluhan akong tumingin sa kanya. Pero mas lalo akong naguluhan sa sumunod niyang tanong. "Anong bang nangyayari sa inyong dalawa ni Attorney? Akala ko ba okay na kayo? Tapos makikita ka niyang nakikipaghalikan sa iba?"
"Oh my gosh!" Napatingin ako kay Lyra na bigla na lang din sumulpot sa tabi ko. "You kissed your ex?!" eksaheradang sigaw niya.
"W-What's wrong with...kissing my ex?" tila wala sa sariling tanong ko.
"Sabagay onga naman!" pagsang-ayon niya bigla. "Jowa ba siya para magalit?" baling na tanong ni Lyra kay Zeno.
"Ah so laro laro lang 'yung ginagawa nila?" Hindi ko inasahan ang tanong na iyon ni Steel na matamang nakatitig kay Lyra. Nagtagisan silang dalawa ng tingin hanggang sa dumating na rin sa kinaroroonan namin sina Kairo, Mona, at Dior. Lahat sila ay mga nagtatanong ang tingin sa 'kin.
"Bakit may walkout scene 'yung crush mo?" walang malay na tanong ni Mona habang hawak ang isang bote ng beer. Napapikit ako at napahilot sa 'king sentido.
"May pag-flip pa ng table..." wika ni Dior na nakatingin sa lamesang nakatumba at mga nagkalat na bote ng alak sa sahig. "By the way, I saw you two kissing." Tukoy niya sa aming dalawa ni Easton.
"Punyeta." Napahawak ako sa ulo ko at mabilis na sumibat. Nabangga ko pa Pero bago ako makalayo ay hinablot ni Easton ang palapulsuan ko kaya napahinto ako. He looked at me with very sad eyes and I felt so f*****g guilty to see him like this. Tinanggal ko ang kamay niyang nakahawak sa 'kin. "Sorry..."
Tumakbo ako para sundan at hanapin si Sam. Pero paglabas ko ng bar hindi ko na siya makita. Chineck ko iyong smoking area sa gilid pero wala rin siya doon. Pumunta rin ako sa parking at hinanap ang sasakyan niya pero mukhang wala rin siya doon dahil hindi naman ito nakasindi. Nahilamos ko ang kamay ko sa mukha ko sabay sinipa ko ang gulong niya sa sobrang asar ko. Nanlaki ang mata ko nang tumunog ang alarm nito. f**k.
Para akong tanga na hinawakan ang pulang Ferrari niya at naghanap ng kung ano para patigilin ito sa pag-alarm.
"s**t naman tumigil ka na!" Hinampas hampas ko pa ito para patahimikin pero wala namang nangyari. Mukha lang akong sirang nag-e-eskandalo sa walang malay na sasakyang ito. Napagod ako kakahampas nang may tumatakbong security na ang papalapit sa 'kin. Pucha.
"Hoy, miss! Anong ginagawa mo d'yan?!"
Nagtaas agad ako ng dalawang kamay.
"N-Natamaan ko lang po tapos tumunog! Ayaw ng tumigil e," paliwanag ko paglapit niya. Tinignan pa 'ko ni Kuya mula ulo hanggang paa kung mukha ba 'kong nagsasabi ng totoo.
"Naku lagot na. Abogado pa naman yata ang may-ari niyan," pananakot pa niya sa 'kin. "Oh ayan na yata siya!"
Napatingin ako sa tinukoy nito at nakita ko ngang papalapit na sa amin si Sam.
"Boss, 'di naman daw sinasadya. Natamaan yata niya," salubong na paliwanag agad ni Kuya paghinto ni Sam sa tapat namin. Talagang tinulungan pa 'ko nitong mag-explain.
"It's okay. You can go back to your work."
"Sige, sir. Iwan ko na kayo d'yan," paalam ni Kuya. "Mag-sorry ka na lang sa kanya, ma'am!" Wow ako pa magso-sorry? Plastik akong ngumiti bago siya umalis.
Alarm lang pala ng sasakyan mo ang magpapalapit sa 'yo sa 'kin, ha? Ngayon alam ko na kung paano ka hahanapin sa susunod.
Itinapat niya ang key fob sa sasakyan niya at huminto ito sa pagtunog. Pagkatapos ay pinasok lang niya ang isang kamay sa suot niyang coat habang ang kabila ay may hawak na beer. He didn't say a word. Blangko lang ang mga mata niyang tumingin sa 'kin.
"Family dinner daw pero nandito at nagpapaharot sa iba," sarkastikong bulong ko habang nakatingin sa kabilang side.
"I really had family dinner. I just left earlier."
"K dot," walang kwentang sagot ko.
"You didn't tell me you're going to the bar."
"Quits lang tayo. Di ka rin naman nagsabi," panunumbat ko.
"I texted you, but how about you?" he asked in a very low voice. Napa-check tuloy ako sa phone ko at putek may text nga siya! Bakit hindi ko 'to nakita?!
Dahan dahan akong tumingin sa kanya and he looked a little...hurt. Gusto ko tuloy kaltukan ang sarili ko sa sobrang guilty.
"So why didn't you tell me? Para ba hindi ko kayo makita ng ex mo?" sarkastiko siyang tumawa sabay nag-iwas ng tingin.
Hindi ako makapagsalita. Hindi ako makasagot. Tangina hindi ko alam kung anong ipapaliwanag ko o kung kailangan ko ba talagang magpaliwanag? Hindi ko naman kasi alam kung galit ba talaga siya.
"M-Magkaibigan na lang kami ni Easton."
Bigla siyang tumawa ng nakakaloko. "Does kissing a friend normal to you? Is that what you usually do with all your guy friends?" I don't know, but I kinda felt offended with what he said though I know I'm at fault.
"I was mad!" hindi ko na napigilang mapasigaw.
"Ahh so manghahalik ka na lang bigla tuwing magagalit ka?"
"Syempre hindi! Pero teka nga...bakit parang ako bawal manghalik tapos ikaw pwede?"
"I didn't kiss anyone."
"You did! I saw you and that Jenny that's why I got mad!"
"We didn't kiss. She tried pero umiwas ako!"
Oh umiwas naman pala e!
Natahimik ulit ako at sa sobrang balisa ko, hinablot ko ang hawak niyang beer at ininuman ko. Pagkatapos ay binalik ko ulit ito sa kanya.
"I'm sorry, Fyuch," mahinang sambit ko pero sapat na para marinig niya.
"It's okay," he answered with the same manner.
Gulong gulo na ang utak ko. Parang lahat na lang ng sabihin kong rason kung bakit ako nagagalit ay may rason din siya kung bakit hindi ko dapat ikagalit iyon. Hindi yata talaga tamang magka-crush ng abogado dahil wala akong laban sa mga argumento. Tahimik akong nakipagtitigan sa semento.
"We were just okay earlier, right? What happened?" Kinagat ko ang ibabang labi ko at mas lalong hindi ko nagawang tumingin sa kanya. I feel like I have to explain my side well, but I don't how I should defend myself from kissing my ex.
"Is something wrong with me, Portia?"
I quickly shook my head.
"Nothing's wrong with you," I answered. "I was just...drunk."
"f**k, alcohol!" he hissed.
Nag-angat ako ng tingin para ipakita ang pagsisisi sa mukha ko pero nakaiwas naman siya at deretso sa harap ang mga mata niya. His jaw moved aggressively like he was trying to calm his anger.
"Jenny talked to me earlier. We met in the restroom." Lumingon siya sa 'kin pagkarinig niya sa pangalang binanggit ko. Tinignan lang niya 'ko at hinintay na tapusin ang sinasabi ko. "She said...you guys just had a misunderstanding before. And that you're already trying to fix it now."
"And you're that stupid to believe that?"
Luh, stupid agad?
"Aba'y malay ko ba kasi kung ex mo pala 'yon tapos gusto niyong ituloy 'yung naudlot ninyong horror story!" inis na sabi ko nang nakanguso. "Tapos chinismis mo pa pala 'yung pangalan ko sa kanya! Ang masaklap pa sinabi mong pinsan lang ako ng kaibigan mo!" Hindi ko alam kung gaano na kahaba ang narating ng nguso ko sa inis.
"What do you want me to say? That you are my friend?" he asked, a little frustrated. "We're not friends, Portia. And I don't want you to be my friend."
"I don't want to be your friend either," I said, kicking an invisible rock on the ground.
"Then what are we really? I'm so f*****g confused."
Naisuklay ko ang mga daliri ko buhok ko bago ako deretsong tumingin sa kanya.
"Do you like me?" lakas loob na tanong ko.
"Yes, I like you."
Napaawang ang labi ko sa mabilis na sagot niya. Hindi man lang niya pinag-isipan! Napalunok ako at pakiramdam ko ay nanuyo ang lalamunan ko kaya kinuha ko ulit ang hawak niyang beer. Tinungga ko ito at inubos ng deretso ang laman. Binalik ko ulit ito sa kanya pagkatapos.
"Pwedeng paki-ulit 'yung sinabi mo? Hindi yata ako sure sa narinig ko."
"I'm not repeating what I said. What you hear is what you get." Ay ang sunget!
Pinaningkitan ko siya ng mata at humakbang ako palapit sa kanya. "Hala pa'no ba 'yan? Marry me yata 'yung narinig ko."
"Tsk." Nilagpasan niya 'ko at pumasok siya bigla sa sasakyan. Ang pikon talaga!
Dali dali akong sumunod sa kanya at binuksan ang pinto ng front seat. Pagkasuot ko sa seatbelt ay nag-drive agad siya nang walang sinasabi kung saan kami pupunta. Baka itatanan ulit niya 'ko? Kaso na-disappoint ako nang huminto lang kami sa tapat ng condo. Inuwi lang pala 'ko. Tsk.
Dumiretso kami sa unit niya at agad kaming sinalubong ni Tammy. Kikiss ko pa lang sana ang baby ko nang hatakin niya 'ko papuntang CR.
"Hoy teka anong—" Nilapagan niya 'ko ng toothbrush sa lababo.
"Go clean your mouth."
Dahan dahan kong dinala ang palad ko sa tapat ng bibig ko at hiningahan. Inamoy ko ito habang nakatingin pa rin ako sa kanya na pinapanood ako.
"Bad breath na ba 'ko?"
Hindi niya 'ko sinagot, bagkus ay binuksan niya iyong bagong toothbrush at saka niya nilagyan ng toothpaste. Nilagyan niya 'ko ng towel sa tapat ng dibdib ko saka niya hinawakan niya ang panga ko. Nakatitig lang ako sa kanya habang siya mismo ang nagsipilyo sa 'kin. Oo! Sinisipilyo niya 'ko!
Binuka ko pa ng maayos ang bibig ko para ma-brush niya ng maayos. Nakatitig lang ako sa kanya habang dinidisinfect niya ang bibig ko. Hindi ko tuloy maiwasang mamangha sa magandang pagkakagawa sa mukha ni Fyuch. Ang galing naman ng mga magulang nito. Walang daplis ng kapalpakan mula ulo hanggang paa! Nangingiti ako habang sinigurado niyang nalinis ang bawat sulok ng bibig ko. Pati labi ko kinuskos niya ng mabuti!
"You need to disinfect your mouth and from now on, you won't drink alcohol without me by your side. Do you understand?"
Tumango lang ako dahil hindi naman ako makasagot sa sitwasyon ko ngayon. Pagkatapos niya 'kong sipilyuhan, kinuskos pa niya ng soft towel yung labi ko. Sinigurado talaga niyang walang bakas ni Easton ang naiwan.
Para akong batang paslit na dinala niya sa sala at pinaupo sa sofa. Parang kinikiliti 'yung buong katawan ko habang pinapanood ko siyang naghahanda ng popcorn sa kitchen dahil mag-ne-netflix kami. Grabe 'no? Parang kailan lang hanggang balikat pa lang ang buhok. Ngayon ay hanggang labas ng pintuan na. Chos!
Nilapag niya sa coffee table na nasa harapan namin iyong malaking bowl of popcorn tapos binuksan muna niya iyong canned juice bago niya inabot sa 'kin.
"Thank you, Fyuch." Kagat ko pa ang ibabang labi ko nang kunin ko ito sa kanya. Kinuha ko ang remote at naghanap ng panonoorin. "Anong gusto mong panoorin, bb?"
"You."
Mahina ko siyang hinampas sa braso
"Hala naman siya! Kaka-confess mo lang an hour ago ganyan ka na agad kaadik sa 'kin?" Napatakip ako ng palad sa mukha ko sa kilig. Inagaw niya ang remote sa 'kin.
"There's actually a movie entitled You. Just in case you're not aware."
Parang di-remote ang kilig ko na biglang inistop. Napatingin ako sa TV niya kung saan naka-flash na ang pamagat ng pelikulang panonoorin namin. Parang gusto kong lumubog sa kinauupuan ko samantalang siya ay mukhang mauutot na sa pagpipigil niya ng tawa. Tinulak ko siya palayo gamit ang mga paa ko.
"Ang bad mo!"
"Malawak lang ang imagination mo," tumatawang sagot niya habang pine-play iyong movie. Inirapan ko siya bago ako nag-focus na lang sa pinapanood namin.
Agad na nahuli ang atensyon ko ng pelikula kaya hindi na 'ko nakaharot habang nanonood kami. Masyado itong tragic simula pa lang. Wala pang tatlumpung minuto ang nakalilipas ay pakiramdam ko mauubusan na 'ko ng tubig sa katawan. Tinignan ko si Fyuch para icheck kung naiiyak na rin ba siya tulad ko pero nahuli ko lang siyang nakatitig sa 'kin. Mabilis siyang nag-iwas ng tingin. Gusto ko sana siyang asarin kaso masyadong seryoso ang eksena para lumandi ako.
"Fyuch?" tawag ko sa kanya. Tapos na ang pinapanood namin pero nananatili pa ring nasa TV ang mga mata ko.
"Hmm?"
"Will you cry when I die too?" wala sa sariling tanong ko. Hindi ako maka get over sa nangyari sa bida. Ang bigat sa puso. Siguro ay may galit sa mundo ang writer nito.
Hinarap ko si Fyuch. Tinitigan ko siya habang hinihintay ang sagot niya. Kaso mas lalo yata akong nasaktan sa naging tugon niya.
"Will you still die if you see me cry?"
Hindi ko namalayan ang muling pamumuo ng luha sa mga mata ko. Naramdaman ko na lamang ang sunod sunod na pag-agos ng mga ito sa pisngi ko nang kumurap ako.
Ang hirap din pa lang mamatay ano? Mawawala ka na nga sa mundo, maiistress ka pa sa mararamdaman ng mga iiwanan mong mahal sa buhay.
"Siguro 'pag ikaw na ang pumalit kay San Pedro na sasalubong sa 'kin sa langit, mapag-uusapan natin ang schedule ng kamatayan ko."
Tila isang surpresa kong dahan-dahang inilabas ang dalawang finger hearts mula sa likuran ko.
***