Kabanata 17

3263 Words
Kabanata 17 Abot tenga ang ngiti ni Easton, hawak ang kamay ko habang pababa kami patungo sa restaurant kung saan naghihintay ang parents niya at sina Daddy. Hindi ko nga napansin na may kinausap siyang attendant para sa aming reservation at napansin ko na lang na iginigiya na kami ng isang staff papunta sa private room na naka-reserve para sa amin. Binawi ko ang kamay ko sa kanya bago tuluyang bumukas ang pinto at napunta sa amin ang atensyon ng mga nasa loob. Nakita ko ang pag-ngiti nilang lahat nang makita kaming magkasama. Paglapit namin, hindi man ako pamilyar sa mga magulang niya personally ay bumeso ako nang tumayo ang mga ito para salubungin ako. Tipid akong ngumiti kay Sen. Dela Vega nang sa kanya na ako nagbigay ng pagbati. Yes, his father is the Senate President of the country. I know his father very well dahil hanga ako sa galing nito bilang isang lider. Bilang na lamang sa daliri ang mga pulitikong may malilinis na intensyon sa paglilingkod sa mga tao and I'm glad na isa roon ang ama ni Easton. I used to think that my Dad already looked the strictest, but when I saw Sen. Dela Vega today as a father, I think I had a new definition of a real strict father. His stares were so cold I could feel shiver down my spine. He stands like a very powerful man too that you wouldn't dare to disobey. Ngayon ay naiintindihan ko na kung bakit marahil ay hindi kayang suwayin ni Easton ang kanyang ama. Mukhang kaya nitong gawin ang kahit ano, makuha lamang ang gusto. "Nice to meet you, Senator." I politely offered my hand which he gladly accepted. "Hija, just please call me Tito." Narinig ko ang mahinang tawananan ng mga kasama namin. "O-Okay po, Tito." Tinignan ko ng masama si Easton at Allyson. Samantala, ang Mommy naman ni Easton ay tila kabaligtaran ng lahat ng inilarawan ko sa Dad niya. She looks gentle which matched her husband's rough personality. Magkatapat kami ni Easton sa isang pahabang lamesa. Panay ang lagay niya ng pagkain sa pinggan ko na labis ikinatutuwa ng aming mga magulang. "I'm glad na nagkasundo na ulit kayong dalawa," nakangiting wika ng Mommy niya na panay rin ang sulyap sa amin kanina pa. I just smiled 'coz I really don't know what to say. Nakita ko ang pagpipigil ng tawa ni Easton sa tuwing kakausapin ako ng Daddy niya at mukha akong matatae sa kaba. Sinipa ko siya sa ilalim ng lamesa nang mahuli ko ulit siyang lihim na tumatawa. "They look so perfect together, right?" entrada ni Allyson na wala naman dapat karapatang magsalita sa dinner na ito. "I agree," pag sang-ayon ni Tita Estella. Napaka-elegante ng bawat kilos nito at maging ang paraan ng pagkain niya ay tila de-numero rin. "I think we should already talk about the project we're launching after their official engagement party." Napaawang ang labi ko sa sinabing iyon ni Tito. Engagement party? Bakit may gano'n? Bakit wala akong alam? Matalim akong napatingin kay Daddy na wala namang pake sa gulat kong reaksyon. What the hell?! "Dad, I don't think we still need an engagement party." Nagulat ako sa sinabing iyon ni Easton pero mas ikinagulat ko ang paghawak niya sa kamay kong nasa ibabaw ng lamesa. His smile told me don't worry I got this. "Portia and I were both private persons. We don't want a party that would just break the solemn celebration we wanted. We think the presence of the both families are enough." "I think your son has a point, honey," said Tita Estella. Para akong nabunutan ng tinik sa lalamunan nang nakita ko ang pagtango ni Tito Clarence. "If that's what you both want. It's your right to decide for your own engagement party." "Then it's settled. We'll just have another family meeting in Manila for the simple celebration of their engagement," dagdag ni Dad. Parang gusto kong itakwil mismo ang sarili kong ama ngayon din. Lahat ng pinag-usapan nilang tungkol sa negosyo at sa amin ni Easton, pumasok lang sa isa kong tenga at lumabas din sa kabila. Wala akong naintindihan ni isa. Natapos ang napakahaba naming hapunan na ubos na ubos ang lakas ko sa katawan. Hinatid ako ni Easton pabalik sa kwarto ko. "Salamat sa paghatid." Hindi na ako nag-abala pang tignan siya bago ako tumalikod at pumasok sa loob. Pagsarado ko ng pinto, napasandal na lang ako dahil parang nawalan ng lakas ang mga paa kong tumayo mag-isa. Ngayon lang ako nakaramdam ng matinding pressure sa engagement na ito. Hindi ko akalain na aabot sa ganito ka-seryoso ang bagay na 'to nang wala akong nagagawang hakbang para makatakas. Paano pa ako makakawala sitwasyong ito? Wala na ba talaga akong karapatang mag-desisyon para sa sarili kong buhay? Kailangan ba na lagi na lang akong sumunod sa kahit anong idikta nilang dapat kong gawin? Nakakapagod na. Napaangat ako sa phone ko na biglang tumunog. Ngayon ako tila nagdalawang isip kung ngingiti ba ako o maiiyak sa chat ni Fyuch. Can someone who doesn't even like me save me from this s**t? Will you save me from this nightmare, Sam? Will you take me to a place where no one can find me? Sssmith: Hey, you done with your dinner? Porkshaaa: yeah. Sssmith: nabusog ka? Natawa ako ng kaunti sa tanong niya. Anong klaseng tanong 'yon? Hindi naman sa pangit iyong tanong niya pero napaka unusual kase. He never asked me before kung nabusog ba 'ko sa kinain ko or what. Porkshaaa: nabusog naman. Porkshaaa: mauna na kong matulog Fyuch ha. Sssmith: why? You feel sleepy already? Porkshaaa: medyo. Ssssmith: You seem not okay. Is something wrong with you? Parang gusto ko biglang tumakbo sa kanya ngayon din at umiyak. I badly wanted to cry. Parang sasabog ang dibdib ko sa inis at hinanakit ko sa nangyari kanina sa dinner. Ang hirap pala na ang dami dami mong gustong sabihin, ang dami mong gustong ilabas, pero parang walang may pake sa nararamdaman mo. It seems like no one is there for me to hear me out. Walang may gustong alamin ang tunay kong nararamdaman. Ang importante lang sa kanila ay kung papaano ako magkakaroon ng pakinabang bilang isang tao—bilang isang anak. Siguro kung nabubuhay lang ang Mommy, hindi niya 'ko hahayaang pasukin ang isang bagay na habambuhay kong dadalhin sa buong pagkatao ko. For me, marriage is a sacred union of two persons who see themselves growing old together. Pero heto ako, pinipilit pumasok sa sagradong pakikipag-isang ito para lang maging pundasyon ng isang mas matatag at matibay na negosyo. My own father is ruining my dream of building my own happy family. I don't think he would ever understand why I was so against him pursuing this engagement. Kelan ba siya nakinig sa 'kin? Even when I told him I can't accept Allyson in our family, my opinion was never important to him. He still married her in the end. Paggising ko kinabukasan, maaga akong sinabihan ni Mr. Champ na maghanda ng mabuti para sa gathering na dadaluhan namin today. 10AM iyon kaya kahit labag sa loob ko ang mag-ayos at sumama roon, wala akong choice kundi kumilos. Unless gusto kong galitin si Daddy. Lol. Pagkatapos kong maligo ay nag-blower agad ako ng buhok at sinuot ang gown kong kulay cream na may beaded detail. Hindi ko na mabilang kung nakailang buntong hininga ako at mabuti na lang ay hindi ako nagmukhang chakadoll after kong mag-makeup. Sssmith: Good morning. Napatingin ako sa cellphone ko at kinilig agad ako sa chat niya. Hay naku, Fyuch. Itanan mo na kasi ako! Nag-type agad ako ng reply. Porkshaaa: good morning, Fyuch. Miss youuuu. Sssmith: What are you doing? Porkshaaa: missing you. ☹ Finally ay naging maganda rin ang bungad sa akin ng umaga. Hindi ko man alam kung paano ko tatakasan ang gusot ko ngayon, siguro naman ay hindi masamang lumandi pa rin ako ng slight para sumaya ako. Porkshaaa: Ikaw, miss mo rin ba ko? Sssmith: Yeah. Muntik mapunit ang mukha ko sa kilig! Tumayo ako para pagbuksan iyong kumakatok. Pinapasok ko agad siya nang makita kong si Easton iyon na nakabihis na. Sakto pa na ka-terno ng suot niyang tuxedo ang kulay ng gown ko. His hair was in a messy textured style that complimented his handsome face. "Bakit nandito ka ulit? Hindi naman siguro required na hanggang sa gathering ay kailangan nating magpanggap?" medyo mataray na tanong ko. Iyon kasi ang napag-usapan namin kahapon. I was so nervous when he told me he still love me. Akala ko nga rin ay mahal ko pa siya pero hindi ko rin maipaliwanag iyong naramdaman ko kaya ako napaluha. Sigurado akong kahit anong mangyari, may espesyal na parte si Easton sa puso ko. Pero 'yung pagmamahal na meron ako sa kanya noon, hindi ko na makapa ng buo sa dibdib ko. "We both don't want to be disturbed later by anyone. Since tayo lang naman ang magkakilala doon, why not go there together?" he sat on the edge of my bed while I finish my makeup. "No thanks. I wanna be alone," I answered while fixing my hair. "But I don't want to be alone." "Sigurado namang marami kang kakilala doon," sabi ko pa at kinuha ko iyong pearl earrings na ka-match ng damit ko. "Picturan mo nga 'ko," utos ko sa kanya at tumayo ako. Ibinigay ko ang phone ko at tumayo naman siya para sundan ako sa plain wall na napili kong pag-picturan. Medyo pabebe akong nag-pose para cutiepie. Hehe. Kinuha ko sa kanya 'yung phone ko after at sinend ko kay Fyuch 'yung best shot ko. Porkshaaa: *sent a photo*  "You're smiling. Who are you texting?" nakataas ang kilay na tanong ni Easton nang mahuli niyang akong nakangiti sa phone ko. "Secret. No clue." I smirked. Naghiwalay din kami paglabas dahil kailangan kong sumabay kina Daddy papunta sa Grand Hall na paggaganapan ng event. No choice na naman ako kundi ang pagtiisan ang mukha ni Allyson. Nag-irapan kaming dalawa pagkakita namin sa isa't isa. Pagdating namin sa mismong event, nangawit ang buong mukha ko kakangiti sa mga tropa ni Dad kada ipapakilala niya 'ko. At nang maging busy sila sa pag-uusap about business, I took the chance para makatakas. Humanap ako ng ibang pwesto malapit sa may mga pagkain. Syempre ito lang ang best part dito sa gathering na 'to kaya hindi ko pinalampas ang pagkakataon na matikman ang lahat ng nakahandang dessert. Kinuha ko lahat ng mayroon dito kahit na pinagtitinginan na 'ko ng iba sa laki ng plato ko. Pake ba nila 'di naman nila 'ko kilala. Hehe. Tumungo agad ako sa isang available na high round table sa malapit at doon ko ipinatong ang pagkain ko. Hinarang ko rin iyong naglilibot na waiter at kumuha ako ng dalawang wine glass. Syempre para iwas bitin. Habang kumakain ako ay kausap ko si Fyuch. Sssmith: How's the party? Porkshaaa: it's like watching grass grow. Aside from there are plenty of food. Sssmith: Glutton. Where are your parents? Porkshaaa: dunno. Maybe talking to old people out there. Wanna vc? Sssmith: no. Porkshaaa: ang sad kasing kumain mag-isa. ☹ Sssmith: k fine. Nagliwanag ang buong paligid ko nang pumayag siyang mag-video call kami. Ni-retouch ko pa ang naburang lipstick ko bago ko sinagot. Ahihihi. "Hi, Fyuch!" masayang bati ko sa kanya pero muntik ko ng madura 'yung nginunguya ko sa gulat ko sa itsura niya. Gulo gulo ang buhok niya na mukhang bagong gising tapos naka-wacky face pa!  [Hi.] "Hahahahaha! Ganyan ka bang mang-akit, bb?" [Bakit? Naakit ka?] "Uu," malanding sagot ko. Dali dali kong inilabas ang earpods ko at sinandal ko ang phone ko sa vase na nasa gitna ng lamesa para makakain pa rin ako. "Kumain ka na?" [Not yet.] "Hala why? Wag kang papagutom, bb. Mag-aalala ako sa 'yo sige ka." I pouted para cute ulit. [Uminom ka ng maraming tubig pagkatapos mo d'yan.] "Aww. Sana talaga nandito ka, ano?" [Uwi ka na.] "Ihhh 'wag kang ganyan baka mag-teleport ako bigla sa kandungan mo!" [Baliw.] "Sa 'yo. Yieeeee." Nag-heart sign pa 'ko sa dalawang kamay ko at ibinibigay koi yon sa kanya. [Bilisan mong kumain. Maliligo na 'ko.] "Sama mo na lang ako sa banyo." Nginisian ko siya bago ko sinubo ng sabay ang dalawang strawberry na may chocolate. Habang ngumunguya ako, nakita kong biglang nanlaki ang mga mata nitong si Fyuch sa screen. Gusto ko mang magsalita para tanungin siya kung bakit pero punong puno ang bibig ko para magtanong. Basta nanlalaki ang mga mata niya at hindi ko alam kung sa 'kin ba siya nakatingin o sa... likuran ko. "Hubby, 'di ba anak natin 'yan? Kamukha ng baby Tam Tam ko e." "Yeah I think so too, Wife." Nanlaki din ang mata ko at umusog ako ng kaunti nang lumapit pa ito sa screen ng phone ko. "Sam Spencer? Anong ginagawa mo d'yan?!" tanong nito kay Fyuch na biglang napahawak sa batok niya. Inoff ko iyong earpods ko para marinig nila si Attorney. [Mom? Dad? Bakit nand'yan kayo?] "It's a company gathering. Ikaw ang sumagot sa 'kin Tam Tam kung anong ginagawa mo d'yan?!" nakapamaywang na sagot ng...M-Mommy niya. s**t. [I live here, mom.] umiirap na sagot ni Fyuch. Pasaway! "You live inside her phone?!" [Mom, I'm in my condo!] "Ayy. Onga no?" Napatingin ako sa Daddy niya na seryosong nakatingin sa 'kin. f**k. Parang nagsitaasan lahat ng balahibo ko sa balat. Mabilis akong nag-iwas ng tingin dahil hindi ko matagalan iyong nakakatakot na titig nito. Mukhang mas malala ang epekto ng Daddy ni Fyuch kaysa sa Daddy ni Easton sa 'kin kahapon. Huhuhu. Pero s**t lang model ba ito? Napaka-gwapo parang artista! Nakita ko na sila noong kasal ni Adara pero saglit lang 'yon. [Bye, mom. Maliligo na 'ko.] "Sige, anak. Maghilod kang mabuti ha?" [Mommy!] Tumatawa itong lumayo sa phone ko at humarap sa 'kin. "Hi, Ma—este Ma'am." "Hi! Just call me Tita and you are..." parang inaalala pa nito kung saan niya 'ko nakita. Your future daughter in-law po. Char. "Portia Deanna Martin po," tinanggap ko ang kamay na inilahad nito sa harapan ko. "Hmm. Portia." Napahawak siya sa baba niya tapos biglang tinuro niya 'ko. "Di ba ikaw 'yung kaibigan ni Adara?" "Opo. Hehe." "Oooh." Makahulugan akong tinaasan ni Mommy ng kilay. Chos. Practice lang. "Girlfriend ka ba ng anak ko, Portia?" Napaka-straightforward naman ng tanong mo, Ma! "Hindi pa po e," malungkot na sagot ko. "Ah. Hindi mo pa ba siya sinasagot?" Napakamot ako sa ulo ko. "Hindi pa po niya 'ko nililigawan." Nakita kong nagkatinginan sila at iyong seryosong mukha ni Daddy Fyuch kanina ay nawala nang bigla siyang natawa pero sinubukan niyang pigilan. "Ayy hindi pa ba?" Napakamot sa kanyang ulo si Mommy Fyuch. Nakanguso akong tumango. At dahil may tumawag na grupo ng mga negosyante kay Daddy Fyuch, naiwan sa pangangalaga ko ang aking mother-in-law. Hindi ko alam kung paano ko itatago iyong mga pagkain kong nakakahiya sa dami na nakabalandra sa lamesa. Jusko naman kasi, Lord? Bakit wala man lang warning na first meeting ko na pala ito with my in-laws?! Rush kung rush naman! "Okay lang 'yan ano ka ba!" sabi ni Mommy Fyuch nang makita niyang sinusubukan kong takpan ng mga palad ko iyong mga kinuha kong pagkain. "Sorry po nakakahiya kasi." Huhu. Ang epic fail nito pramis! "Wait mo 'ko d'yan para hindi ka mahiya." Umalis siya at sinundan ko siya ng tingin na tumungo sa buffet table. Pagbalik niya ay nanlaki ang mga mata ko sa dala niyang plato na punong puno rin ng dessert na katulad ng pinagkukuha ko. "Kakainin niyo pong lahat 'yan?" gulat na tanong ko. "Oo naman. Ito lang ang best part sa mga boring na event na gan'to. Kain na tayo!" Hindi ko inexpect na sobrang mag-eenjoy ako sa gathering na ito dahil sa pagkain at sa unexpected meeting namin ng makulit kong mother-in-law. Hingin ko na kaya sa kanya si Fyuch? Feeling ko ibibigay naman niya e. HAHAHAHA. Pagbalik ni Daddy Fyuch, nakita kong nasa likuran nito ang Daddy ko na papunta rin sa kinaroroonan namin. Nataranta agad ako at mabilis akong nagpaalam sa mga biyenan ko para magtago. Baka mamaya pagalitan pa 'ko sa harap ng in-laws ko nakakahiya! "Hey, Dad!" sinalubong ko na siya bago pa siya makalapit sa pinanggalingan ko. Buti na lang at hindi niya kasama si Allyson. Sana iniligaw na niya o kaya ay pinamigay na niya sa mga Kano na nandito. "Portia?" Parang nagulat pa siya na bigla akong sumulpot. "Saan ka galing?" "D'yan lang po kumain. Hinahanap niyo 'ko?" "Hindi naman." Ayy. False alarm! "Eh bakit kayo nandito? Nasaan 'yung anino ninyo?" "Watch your mouth, Portia." "Psh." "Follow me," utos niya. Nakanguso akong sumunod sa likuran niya. Sana pala 'di ko na lang siya inapproach! Kasi naman ay napangunahan ako ng kaba! Takot ko lang na ma-bad shot sa parents ni Fyu—wtf! Napahawak ako sa noo ko na nauntog sa likod ni Daddy. "Pleased to meet you, Mr. and Mrs. Smith." "Our pleasure to meet you too, Mr. Martin." Wait. What?! Dahan dahan akong sumilip mula sa likuran ni Daddy at sina Mommy and Daddy Fyuch nga ang kausap niya! Tapos nag-shake hands pa sila! Hala! Meet the parents na ba ito?! Kinuha ko agad ang phone ko at patago kong kinuhanan sila ng video. "Portia?" nakangiting tawag sa 'kin ni Mommy Fyuch. Oh my. Nahuli yata niya 'kong nagvi-video. Anak ng tokwa. "H-Hi po." Napalingon sa 'kin si Daddy at sinenyasan niya 'kong mag move forward. "You know my daughter, Mrs. Smith?" "Yes! She's...a friend of our son." Ano ba naman tong si Mommy Fyuch finriendzoned agad ako! "Really? Wala ka yatang nababanggit sa 'kin, Portia, na may kaibigan kang Smith." Kailangan ko pa bang i-share sa kanya 'yon? Eh wala naman siyang pake kung sino ang mga kaibigan ko. Hindi ko maintindihan kung okay ba o hindi kay Daddy na may kaibigan akong Smith. Nagchika chika sila ng mga bagay na hindi ko naman naintindihan kaya hindi ko na lang din pinakinggan ng maayos. Kung sanang ang kasal namin ni Fyuch ang pinag-uusapan nila, baka nagka-interes pa 'ko. Chour. Napangisi ako nang may bigla akong naisip at kinuha ko ang phone ko. Porkshaaa: guess what's happening right now? Naghintay pa ako ng 2 minutes bago siya nagreply. Sssmith: what? Porkshaaa: *sent a video* Sssmith: you're still with my parents? Porkshaaa: yeah, kausap nila Daddy ko about sa venue ng kasal natin. Sssmith: is that your Dad? Porkshaaa: yes. Ikaw na lang ang kulang happy family na tayo rito. ? Ssssmith: lol. Porkshaaa: I talked to your mom earlier. Sssmith: about what? Porkshaa: sabi ko akin na lang po yung anak niyo please. Tapos sabi lang niya sige. So akin ka na raw, oki? Sssmith: then does that mean you'll be mine too? Hindi ko napigilan ang pagtawa ko ng malakas. Napatingin sa akin sina Daddy at parents ni Fyuch. Dahan dahan tuloy akong umexit at lumipat ng pwesto kung saan malaya kaming makakapaglandian ng bb ko. Char. Sana talaga nilalandi, eh 'no? Porkshaaa: magbigay ka naman ng warning kapag magpapakilig, bb! Nakakahiya tumawa ako ng malakas sa harapan ng parents mo. Huhu. Sssmith: Okay. But don't worry, they won't mind it. Porkshaaa: pero lumayo na 'ko para mas safe. Sssmith: Haven't they decided on the venue yet? Putangina sabi ko ng magbigay ng warning e!! Porkshaaa: kapag ako namatay sa kilig sinasabi ko sayo mumultuhin kita gabi gabi. Sssmith: gonna wait for you, then. Shutanginames pengeng extra life please! Huhu. ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD