Chapter 1

556 Words
Simula “CHARM!”  “Sandali lang!” sigaw ko pabalik sa kanya. Kasalukuyan akong nasa aking kuwarto. Pupunta kami sa bahay na kinagisnan ko noong nagdadalaga pa ako na siyang tirahan ng aking asawa.  Kahit limang buwan na kaming kasal hindi ko pa rin maiwasang hindi kabahan kapag nakaharap ko na sila sa kadahilanang gumawa kami ng aking asawa ng malaking drama sa kanilang harapan. We were arrangedly married. Ngunit mula no'ng high school pa ako ay may lihim na akong pagtingin sa kanya. Laking gulat ko noong ideneklara ng aking lola na siya ang mapapangasawa ko. Napakasaya ko noon ngunit ang lalaking mahal ko ay wala man lang kahit katiting na pagmamahal sa akin.  Lumabas na ako ng kuwarto at naglakad pababa ng hagdan. Nang makarating ako sa garahe ay nakita ko siyang nakasandal sa kotse.  "Bakit ba ang tagal mong mag-ayos sa itaas? Hindi mo naman kailangan magpaganda para magmukhang inosente sa harap ng mga magulang ko.” Naiinis siyang pumasok sa driver's seat. “Pasok.”  Sa loob ng limang buwan naming pagsasama, ngayon lang ako nakasakay sa sasakyan niya. “Maaga pa naman at saka hindi pa po tayo late,” mahinang deklara ko dahil baka magalit.  “Wala akong pake, ang importante makapunta na tayo roon nang maaga at makauwi rin tayo nang maaga. Do you understand?” Sagot niya na may halong inis. Ano na naman kaya ang nangyari at wala siya sa mood ngayon? I nodded.  Wala na akong ganang makipag-usap ngayon sa kanya baka madagdagan pa ang init ng kanyang ulo. A long silence engulfed inside the car. Sumandal ako sa headrest at nagkunwaring natutulog.  Ang pagkukunwari kong pagtulog ay unti-unti na sanang naging totoo ngunit naputol ito nang magsalita siya.  “Magaling ka talagang umarte eh, 'no? 'Wag kang magtulog- tulogan diyan,” deklara niya.  “H-hindi naman sa umiiwas ako pero masyado kasing awkward,” pag-amin ko at hindi na sumabat sa issue ng pagkukunwari kong natutulog.  “Huwag kang masyadong maarte ngayon sa harapan ko, Charm. Siguraduhin mong huwag kang papalpak sa harapan ng magulang ko mamaya,” malamig niyang wika. Magsasalita pa sana ako nang...  “We‟re here.”  All I wish na sana hindi kami nagpapanggap at totoo na nagmamahalan kami. Pero pakiramdam ko‟y hindi na iyon mangyayari. I don‟t want to lose hope.  Hanggang kailan ba kami magiging ganito?  Marahas niya akong binato sa sofa. Halos mawalan na ako ng hininga sa kakaiyak habang nasa byahe hanggang makarating dito sa bahay. Nanginginig ako sa takot ng hinaklit niya ang braso ko patayo at hinawakan ng madiin sa panga. Hawak hawak ko ang kanyang kamay na nasaking panga.  Namumula siya sa galit. "Hindi pa ba ako sapat sayo ha, Charm? Gusto mo bang matikman lahat ng lalaki dito sa mundo ha?!" pagkatapos niyang sabihin iyun ay malakas niya akong sinampal dahilan sa pagsubsub ko sa sahig.  I cried in so much pain. May nalasahan na akong dugo saking bibig. Sinubukan kong tumayo. Nang makatayo ako ay hinila niya ng malakas ang aking buhok. I scream. "B-brail, please listen to m-me. M-mali ang iniisip mo. M-mali ang nakita mo--" "HA-HA ano sa tingin mo saakin tanga? Mga mata ko na mismo ang ebidensiya, Charm! Lolokohin mo pa ba ako?!" mas lalo niya pang idiniin ang pagsabunot sakin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD