Chapter 2

1109 Words
Hope I am currently having dinner with my husband's family. Kumpleto ang pamilya Elvandro sa kani-kanilang upuan and I am really trying my best na itago ang kabang namamayani sa akin. Hindi kasi ako sanay na kumain kasama sila at palagi akong na-iintimidate.  It's a family dinner. Nakaupo ako sa gilid ng asawa ko at nasa gitna ang kaniyang lola at ang parents naman niya ay nasa harapan naming dalawa.  "Hija, how's your day?" tanong sa akin ni Lola Maricel habang pinupunasan niya ang kaniyang bibig gamit ang table napkin. I know that she is trying to exceed the akward silence lingering on us.  "It's great, Lola," pagsisinungaling ko. Ang totoo niyan, wala naman akong ginawa at magdamag lang akong nakamukmok sa kwarto. Sanay naman na ako.  "Maayos ba ang pakikitungo ng apo ko sa'yo?" sa tanong na iyon ni Lola ay inakbayan ako ni Brail. Parang ipinapakita niya na maganda ang relasyon namin since we got married.  "Lola naman, napaka-swerte ko nga sa kanya, eh," mungkahi niya. Tumango naman ako at pilit na ngumiti bilang pag-sang-ayon sa sinabi niya.  Siguro, kung totoo 'yong sinabi niya kinikilig na ako ngayon pero hindi eh. All of this is just a play. Nakakalungkot dahil iyon ang totoo.  "Ma, look at them. Brail's so sweet with Charm," singit ni Tita Cicile, ang mommy ni Brail. 'Tita' ang tawag ko sa kanya dahil hindi niya naman ako gusto. Ang totoo, kay Lola lang kami nagpapanggap dahil siya ang may gustong ipakasal ako sa apo niya sa pakikipagsabwatan nila nang aking lola na sumakabilang buhay na.  "Hija, let's go to the library after this," Lola said.  Pansin ko na tahimik lang na kumakain si Tito Ricwon, ang ama ni Brail. And similar with Tita Cicile, Tito Ricwon don't like me. Wala naman silang magagawa kung gusto ni Lola na ikasal ako sa anak nila dahil kung ano ang gusto ni lola, makukuha't makukuha niya. She can make her own way. She even threatened herself before nang tumutol ang mga magulang ni Brail na ipakasal sa akin because I'm just their maid's granddaughter. Kung hindi daw matutuloy ang kasal ay magpapakamatay daw siya. Moved with their fear, they let Lola Maricel decide. Naguguluhan nga ako kung bakit ako ang nagustuhan ni Lola Maricel para sa kaniyang apo. I'm just a nobody, anyways.  "Okay po," sabi ko sabay tango.  * After the dinner, Lola and I went to the library. Inutusan pa niya ang isa sa mga katulong na timplahan siya ng kape. Nakaharap si Lola sa mga libro habang nakayuko lamang ako sa gilid niya. Walang umimik sa aming dalawa habang nakatayo doon. I can't take it anymore, I want to speak up. Dumating na din ang kapeng ipinatimpla niya. Magsasalita na sana ako nang inunahan niya ako. "Charmise, hija, alam ko kung ano ang tinatago ninyo," she retorted.  Napaangat naman ako sa sinabi niya at kumunot ang aking noo. Anong ibig niyang sabihin? Anong alam niya? Masyadong marami akong tinatago para malaman ko kung ano ang tinutukoy niya.  "Ano pong ibig niyong sabihin?"  "I know you and Gabriel are not in a good terms." Bahagya akong natigilan. Gulat sa sinabi niya. Hindi ko alam na mahahalata niya sa aming dalawa ni Brail ang isyu na 'yon.  "I'm sorry po. Hindi ko sinasadyang maglihim sa inyo, Lola," paghingi ko ng paumanhin.  Nalaman nga niya ang malaking sikreto ko noon... Paano pa kaya ito? Maliit lang na pagpapanggap kahit todo-kayod naman pero heto't bisto pa rin.  "Kailan niyo pa po nalaman?"  "Last 4 months. I hired an investigator. Nang malaman ko, sinakyan ko ang arte ng aking apo and I know that he forced you to do this. Pasensiya na, Charmise, dahil nalagay ka sa sitwasyong ito." Hinarap niya ako, hinawakan sa kamay and she mouthed, 'Wag kang mag-alala.'  She hugged me and I also hugged her back. I always feel comfortable and safe when I'm with her. Even before noong buhay pa si Lola Dorrisa, ang umampon sa akin, hindi ako pinabayaan ni Lola Maricel. Namatay si Lola Dorrisa one year ago at ang kaniyang apilyedo ang gamit ko noon until Brail and I got married.  Hindi ko ginamit ang apilyedo ng totoo kong pamilya dahil ikinakahiya at kinamumuhian ko sila. Akala ko nga, hindi na matutuloy ang kasal namin ni Gabriel dahil namatay si Lola Dorrisa pero natuloy pa rin because Lola Maricel is true with her words. Tinutupad niya lahat ng kanyang binibitawang pangako.  Alam na talaga ni Lola ang sikreto namin ni Brail. Pero ipagpapatuloy pa ba namin ang pagpapanggap? I voiced it out then Lola said that we must continue pretending because they might said na isinumbong ko sila. From the very start hindi naman na ako gusto ng mga magulang ni Brail, kaya okay lang. I'll stick to the plan. Ang malas ko lang talaga. Pati totoo kong mga magulang, pinabayaan at itinakwil ako. I can't even describe what they did to me back then. Naghirap ako for almost 10 years kaya ganon na lang ang galit ko sa kanila. Si Lola Maricel na lang ang natira sa akin. Siya na lang 'yung taong mapagkakatiwalaan, makakapitan, at masasandalan ko. Siya din 'yung taong pinahalagahan ako nang tunay. I don't even have friends... maybe meron nga, pero kahit ni isa wala akong close. I'm not a friendly type of person. Kumalas ako sa pagkakayakap.  "Lola," tawag ko.  "Yes?"  "Do you think... uhm..."  "Say it, hija, don't be scared."  "Do you think, B-Brail, could learn how to l-love me?" nahihiya kong tanong sabay yuko. Inangat niya ako at mariing tinitigan. She look at me as if she's telling me that she cannot control her grandson's feelings.  "Hindi ko masyadong kilala ang apo ko, Charm. Alam mo naman na hindi kami magkasundo sa lahat ng bagay."  "Ayos lang po. Naiintindihan ko po, Lola."  *  Pagdating sa bahay, hindi na ako nag-abala pang mag-aksaya ng panahon para kay Brail. Dumeritso agad ako sa sariling kong kwarto at kagyat na humiga sa kama. Magkahiwalay ang kwarto namin ni Brail dahil hindi daw niya gustong makita ang pagmumukha ko. Napatingin ako sa kisame at napaisip. Masakit lang talaga minsan ang mga salitang ipinupukol niya sa akin. Parang ibang tao ako at hindi ang asawa niya. Kailan niya kaya ako matututonang mahalin? Dahil umaasa pa rin ako. Wala namang mawawala kung umasa ako, 'di ba? Ang problema, masasaktan ako at masasaktan kapag ipagpapatuloy ko pa ito. Hindi ko akalain na ang simpleng pagkakahumaling ko sa kaniya noong high school kami ay mahahantong sa kasalan. "Don't lose hope Charm," I said to myself, convincing. I sighed heavily. Then I closed my eyes and let the darkness embrace me. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD