Chapter 3

1297 Words
Frappe "Manong, paki-abot nga po," sabi ko at saka inabot ang pamasahe sa katabi ko para ibayad sa driver. This day's so hot! Halos masunog na ang balat ko dito sa loob ng PUV, paano pa kaya kapag bumaba na ako? Siksikan pa dito sa loob ng jeep. Yes, Jeepney. Nagtataka kayo kung bakit jeep ang sinasakyan ko at hindi ang mga magagarang kotse na mayroon naman kami? Simple lang. Kahit kasal na kami ni Brail ay ni piso wala akong natanggap galing sa kanila dahil 'yun ang kondisyon ng mga magulang ni Brail bago kami ikasal. Lahat ng pera lupa, at ari-arian ay mananatili lamang kay Brail. Well, I don't have rants with the conditions they gave. I have my own way to survive this life. Nang makababa na ako mula sa jeep, pinakatitigan ko muna ang isang malaking gusaling naroon. ELVANDRO FASHION COMPANY This is the company Brail is running. Bumuntong-hininga ako at pumasok na sa loob. Ramdam ko ang mga titig ng mga tao dito pero ipinagsawalang-bahala ko na lang. I hop in the elevator and quickly rush to Gabriel's floor where his office was settled. "Miss, nandiyan ba ang Sir mo sa loob?" I asked Fiona, secretary of Brail while eyeing his office. "Yes po, Ma'am. Kaso may kausap pa siya kaya bawal po muna ang bisita," sagot niya at ngumiti sa akin bilang respeto. Magkasundo kami nitong si Fiona. Alam ko naman na mapagkakatiwalaan siya. We knew each other since highschool but we are not that close. Calling her 'Miss' and calling me 'Ma'am' is our sign of formality. "Sige, babalik na lang ako sa susunod." Ngumiti ako pabalik at tumalikod na para sana'y bumaba't lumabas na. Hindi na ako nagulat. Besides, I don't want to wait for him. I learned my lesson back to the time when I waited Brail for almost 5 hours! Hindi ko na gustong maulit pa 'yon. Nasa loob na ako ng elevator nang saktong sasarado na ang pintuan, nakita ko ang asawa ko na may kasamang babae. Pareho silang lumabas sa opisina ni Brail at nagyakapan. Tumaas ang kanang kilay ko sa nakita. Bakit pa ako magugulantang? A slight sting pass in my heart. I did not mind to sue them because I'm already used to this scenes. Another girl, tsk. Ang mas malala pa, dinadala niya ang mga malalanding kabit niya sa bahay namin. Especially kapag napapagawi ang mga barkada niya sa bahay. My worst experience with his flings is when his girl instructed me to bring her a root beer. Like what the f**k?! Mukha ba akong katulong?! Sa sobrang gulat ko sa sinabi niya, inirapan at dineadma ko na lang siya. Asa namang dadalhan ko siya ng beer. May kamay at paa naman siya diyan. As soon as my feet stepped outside the company, I decided to refresh in the mall. Para na din mag-relax. As usual, sa jeep ang hantungan ko. * Katatapos ko lang mag-shopping ng mga damit at naglibot-libot muna ako dito sa mall. Don't underestimate me. I have my own money from my own hard work. Hindi ako nanghihingi kahit kanino. Nor even Lola Maricel. I stopped over a store. Bumili ako ng frappe at naglakad-lakad ulit. Wala ako sa sarili habang naglalakad hanggang sa may nabunggo ako. "Aray!" "Naku! S-sorry po sir..." paghingi ko ng paumanhin. Napayuko naman ako sa hiya. Hindi ko kasi napansin na may dumaan sa tabi ko. Tapos parang nagmamadali pa ang lalaki. Tanga ko lang talaga, ayan tuloy! "Now, what have you done!" Asik ng lalaking nabangga ko. Pinasadahan ko ng tingin ang t-shirt niyang natapunan pala ng frappe ko! Hala! "S-sorry po talaga, babayaran ko na lang." Nakayuko pa rin ako pero ramdam ko ang mariin niyang paninitig sa akin na animo'y may ginawa akong isang karumal-dumal na krimen. Even the crowd look and eavesdrop at us. Now, great! "I have money you stupid!" Umawang ang aking labi sa huling sinabi niya. Aba't! He's unbelievable! Wala ba siyang respeto at kahit hindi niya kilala pagsasalitaan niya nang ganun?! And to the thought that even strangers would curse at me. Ang sakit lang. "What did you just say?" I lift up my head and eyed him. Parang puputok na ang ugat ko sa leeg sa sobrang inis at panggigigil. But whoa! In fairness, ang gwapo niya ah. Pero 'di porket gwapo siya, papalampasin ko 'tong ginawa niya . "You heard it right." Nakangisi niyang sagot. Nang-aasar ba 'to? Kanina lang galit tapos ngayon nakangisi na. Bipolar lang. "Then, how can I pay you for that?" turo ko sa damit niyang namantsahan ng frappe ko. "This." "Huh? Anong ibig mong-" Bago ko pa masabi ang sana'y sasabihin ko ay inakbayan niya ako. I'm dumbfounded by his move. I tried to get off from his grip pero ganoon na lamang ang pagtayo ng mga balahibo ko nang may babae nang nakatayo sa harapan namin at matalim akong tinitingnan. May halong pagkabigo at sakit ang ipinapakita ng mga mata niya. "Si-sino siya Dav?" hinihingal pa ang babae habang nagsasalita sabay turo sa akin. Tatanggalin ko na sana ang kamay ng lalakeng naka-akbay sa 'kin nang... "She's my girlfriend, Shielina, so back off! I already told you that we're done!" nanlaki ang mga mata ko sa iminungkahi ng lalaking nagngangalang Dav. What the hell?! Nagmura ang babae at tinignan ako nang masama. Jusko po. Ang dami nang taong nakiusyoso at nakichismis. For God's sake, we're in the freaking mall! Mahina akong napatalon nang sinampal nung babae si Dav. Kitang kita ko ang pamumula ng pisngi ng lalaki. I heard the girl sob and went her feet away from us. Medyo tulala mode pa rin ako habang tinatanggal ni Dav ang pagkakaakbay niya sa akin. So that explains kung bakit siya tumatakbo at bakit siya natapunan. Hinahabol pala siya ni Shielina. Hindi pa siya tumitingin sa dinadaanan niya. Kasalanan niya naman pala! Hindi sana ako napunta sa ganitong sitwasyon kung hindi dahil sa pvnyetang Dav na 'yan. "O, ba't ka nakatangenge diyan?" puna niya. Umangat pa ang gilid ng kaniyang labi. Is he teasing?! "Sino bang hindi matutulala sa nangyari?! Tapos dinamay mo pa ako sa problema ninyo ng girlfriend mo- este ex mo pala. Bwisit ka!" "Well, that's your consequence," he cooly said. "Anyways, thank you for cooperating with me. Nasasakal na rin kasi ako sa babaeng 'yon. Goodbye, whoever you are." Mabilis niyang paalam pagkatapos ay umalis na. Nag-flying kiss pa ang gago! Nakakabwisit! Halos maputol na ang ugat sa leeg ko sa panggigigil. Akala ko pa naman magiging productive 'tong araw na 'to. Well, expectations are far from reality. I glance at my wrist watch and it's already seven in the evening. Ganun ba ako katagal dito sa mall? Sabagay, kanina pa kayang tanghali ako nandito. Makauwi na nga. * Nandito pa lang ako sa garahe ng bahay namin, rinig na rinig ko na ang maingay na kwentuhan ng mga barkada ni Brail. They're here again. Pumasok na ako sa loob at ganoon na lamang ang pag-iinit ng ulo ko nang namataang kayakap na naman ng asawa ko ang babae niya kanina sa opisina. Hawak hawak ko pa din ang frappe ko. Hindi ko na natapon dahil sa inis ko. I'm so stupid. Hindi ko na ito naubos dahil sa nangyari kanina. Nakakabwesit pa ring isipin. Pumunta ako sa garbage bin para itapon ang frappe. Malapit ang basurahan sa sofang inuupuan nina Brail. Akmang itatapon ko na sana pero humarang ang babae ng asawa ko. Siya tuloy 'yung natapunan! Oh my god! Double strike na 'to ah! "What the?!" sigaw ng babae sabay singhap. Ano bang kasalan ko sa 'yong frappe ka ha?! Ewan ko ba parang masaya ata ako at natapunan ko siya pero 'pag naaalala ko si Brail... Patay. Away na naman 'to!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD