CHAPTER 22

2000 Words

HINDI ko alam kung paano ako nakarating sa kinaroroonang ospital. Kanina pa ako nakaupo sa isang upuan sa labas ng emergency room pero wala namang pumapansin sa akin. "Ano bang ginagawa ko rito?" tanong ko sa sarili. "Bakit ako narito?" Hindi ko naiwasang isipin kung ano ba ang nangyari. Sinikap kong balikan sa alaala ang naganap bago ako napadpad sa lugar na kinaroroonan ngayon. "N-nawalan nga pala ako ng malay-tao," bulong ko. "Biglang sumakit ang dibdib ko at bumagsak ako." Inilinga ko ang paningin. Nagbakasakali akong makikita ang taong tumulong sa akin. "Sino kayang may mabuting loob ang nagdala sa akin dito? Nasaan na kaya siya? Iniwanan na ba niya ako?" Pinakiramdaman ko ang sarili. Wala na ni gatiting na sakit sa dibdib ko. Parang ang gaan-gaan nga ng katawan ko at wala na is

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD