DAHIL si Sally ang madalas kasama ng mga anak namin ay siya ang mas nakakakilala sa mga ito. Siya ang nakakakita ng hindi magagandang ugali, na ewan ko kung sinasadya nilang itago sa akin. Kapag nasa bahay ako ay maayos naman sila. Hindi ko sila masyadong kinikibo dahil para sa akin ay wala namang problema. Pero nang magkaroon ako ng sapat na oras ay kinausap ko sila. I stands in front of them not as their father but a friend. I did it para hindi maging boring ang usapan namin, para mawala ang pagka-alangan nila sa akin at mas maging open sila sa conversation.
Naisip ko, kung magiging seryoso ang way ng aming pag-uusap ay baka hindi sila maging cooperative at mauwi lang sa wala ang lahat.
"Ang sabi ng mommy ninyo, para na kayong mga estranghero sa kanya. Halos hindi na niya kayo kilala. Pero hindi naman ako naniniwala dahil para sa akin ay walang nagbabago sa inyo. Kayo pa rin ang mga anak ko... na mababait at good looking."
Nagtawanan sila.
"May pinagmanahan po kasi," sabi ng panganay ko na fifteen years old na. "Kasing guwapo n'yo po ako, dad."
"May tama ka, Aldin."
Nagtawanan na naman sila.
"May tama talaga si kuya," sabi ng pangalawa ko na si Althea, na thirteen years old. "Sa utak!"
"Ang hard mo sa kuya Aldin, Thea," natatawa kong sabi. "Hindi iyan ang ibig kong sabihin."
"Daddy, may tama po talaga sa utak si kuya Aldin." Hirit naman ng eleven years old na si Alvin, ang patatlo kong anak. "Maloko po 'yan."
"Hindi po, daddy," sabad sa usapan ng pang-apat na si Aljur. He's nine years old genius looking boy because of his eyeglasses. "Good boy po si kuya Aldin. Promise."
"Sipsip again," ani Althea na tumirik ang mga mata. "As usual, si kuya na naman ang kinampihan ni Aljur. Obvious na obvious na may nagaganap na sipsipan."
"Tama po si ate Thea, daddy," sabi ni Aleya na ang sakit sa tenga ng boses. Seven years old na siya. "Kinakampihan po ni kuya Aljur si kuya Aldin. Salbahe po siya talaga!"
"Sinong salbahe, Aleya?"
"Si kuya Aldin po."
"Hindi po, daddy," pagtatanggol ni Aldin sa sarili. Halatang napikon siya kay Aleya. Dinuro niya ito. "Tumigil ka, Leya, ha. Kukutusan kita."
"Salbahe ka naman talaga, e. Sinasaktan mo ako kapag nagagalit ka. Di ba, ate Thea?"
"No comment," sabi ni Althea na umirap. "Wala ako sa mood makipag-away."
Humalakhak si Alvin. "Away na 'yan. Suntukan na 'yan."
"Grabe kasi 'yang Aleya-luya na 'yan, e," sabi ni Aldin, na dinuro uli si Aleya. "Sabihan ba akong salbahe? Ang kapal ng face."
"Totoo naman ang sinabi ko. Daddy, maniwala po kayo sa akin. Salbahe po si kuya Aldin."
"Tumigil ka na nga, Leya," saway ni Aljur. "Nagsisimula ka ng away, e. Manahimik ka na lang kasi."
Nagsagutan pa sila, na parang wala ako sa kanilang harapan. Nanlumo ako. Naisip ko, ganito na pala ang mga anak ko. Nakakalungkot dahil hindi ko na nga yata sila kilala.
"Mga anak, tama na. Tumigil na kayo. Hindi maganda na nag-aaway kayo at nagkakagulo ng ganyan. Hindi ko gusto 'yan."
Patuloy silang nagbangayan, na parang hindi nila ako narinig. Nagtiim ang aking mga bagang. Saka muli ko silang sinaway. Mas nilakasan ko ang aking boses. Noon sila nanahimik, na bakas sa kani-kanilang mukha ang sari-sariling emosyon.
"Kids, hindi kayo pabata. Mabilis lang ang panahon at darating kayo sa tamang edad. I mean, patanda kayo kaya dapat ay natutoto kayo. Ikaw, Aldin, you're fifteen now. At bilang panganay ay dapat ikaw ang nagpapakita ng magandang asal sa mga kapatid mo."
"Makukulit naman po kasi sila. Daddy, kapag nasa hamburger store po kayo ay mga pasaway ang mga kapatid ko. Para nga pong hindi nila ako kuya."
"Masungit ka kasi," may katarayang sabi ni Althea. "Minsan ang suplado mo. Hindi kita makausap ng maayos. Para ngang hindi kita kuya. Madalas na kapag nasa labas tayo at kasama ng mga friends natin ay pinapahiya mo ako sa kanila. Tama bang gawin 'yon ng kuya? Dapat nga ikaw ang tagapagtanggol ko, kuya Aldin."
"Bakit? Mabait ka ba? Ikaw nga itong madalas na nagsusungit sa akin sa harap ng friends natin. Pinagtatawanan tuloy nila ako kasi para daw hindi ako nakakatanda at hindi ko masupil ang nakababata kong kapatid."
Lalo akong nalungkot para sa mga anak ko. Wala akong kaalam-alam sa kanilang sitwasyon. Ang laki na pala ng pagkukulang ko sa kanila bilang ama. Hindi ko pala sila naiga-guide dahil sa pagka-busy ko sa hanapbuhay.
"Mga anak, sorry..."
Parang iisang taong tumingin sila sa akin. Sa mukha nila ay naroon ang wari ba ay pagkabigla. Naisip siguro nila kung bakit ako nag-sorry sa kanila.
"Sorry dahil hindi ko kayo nagagabayan. Hindi ko alam na may mga ganyan na palang problema sa pagitan ninyong magkakapatid."
"Sorry po," sabi ni Aldin.
Napatingin ako sa kanya.
"Daddy, ako po ang dapat mag-sorry at hindi kayo. Bilang panganay ay dapat nakakatulong ninyo ako sa pagga-guide sa mga kapatid ko pero pasaway din po ako."
"Mabuti naman at alam ni kuya Aldin na pasaway siya!"
"Thea," saway ko sa kanya. Sinimangutan niya ako. "Anak, be nice to everyone. Lalo na sa kuya mo. Siya ang nakatatanda kaya ipakita mo 'yong tamang pagtrato sa kanya. Kapag ganyan ka... gagayahin ka ng mga nakababata mo pang kapatid."
"Okay po. Sorry po, daddy."
Sinamantala ko ang pagkakataong iyon para pangaralan sila. Naging tahimik naman silang lahat at tingin ko'y isina-puso nila ang lahat ng bagay na kanilang narinig.
"Sige, kids. Matulog na kayo. And I hope na naging malinaw sa inyong lahat ang napag-usapan natin. Hoping na mas magiging mabait kayo... na higit pa noong mga bata kayo."
"Good night po, daddy," koro nila.
Sabay-sabay din silang tumayo at nagsipasok sa kanilang kuwarto. Nang wala na sila ay napabuntonghininga ako. Ang totoo'y nalungkot ako sa inasal ng mga anak ko. Ni sa hinagap ay hindi sumagi sa aking isip na magiging ganito ang ugali nila. Mababait silang bata at buo na sa utak ko noon pa man na lalaki silang maayos.
Sabi ko sa aking sarili, iba sila sa mga kabataan ngayon. Naniwala ako na paglaki nila ay maipagmamalaki ko sila at hindi nila kami bibigyan ng kahihiyan ni Sally.
Pero mali ba ako? Ngayon palang ba ay ipinakikita na nila na taliwas sa inaasahan ko ang mangyayari?
"Hindi. Hindi pa huli ang lahat at maitatama ko pa ang mali."
Nang pumasok ako sa kuwarto namin ni Sally ay agad niyang napansin na hindi maganda ang mood ko.
"So, tama ang sinabi ko sa 'yo. Hindi na sila ang dating mga anak natin. Jovert, ang laki na ng ipinagbago nila. Hindi na sila 'yong nagmamahalan at nagmamalasakitang magkakapatid."
"I think, we need a break."
"Break?"
"Mamasyal tayo. Mag-bonding. Ang tagal na nga pala nating hindi nagmu-malling."
"Ay, gusto ko 'yan. At gusto din 'yan ng mga anak mo."
"Schedule natin."
"Sa ika-limang buwan ni baby natin, Mahal. Next week na 'yon. Bale celebrations sa pagpa-five months ni Aljean."
"Okay. Tamang-tama 'yon," tugon ko na umupo sa gilid ng kama at hinaplos ang pisngi ng mahimbing na natutulog na sanggol. "Biruin mong five months na pala next week itong baby cute natin."
"Ang bilis ng panahon. Kaya ang mga anak mong nagkaka-isip na ay dapat isupil, bago pa sila maging ganap na maging pasaway."
Nakangiti akong tumingin sa kanya at tumango.
NANGUNOT ang aking noo nang makita kong nakatingin pa rin sa akin ang isang estranghera. Sino ba ang babaing ito?
She's an old woman wearing a pure black attire. At first glance ay kikilabutan ka talaga dahil bukod sa outfit niya ay kapansin-pansin ang mukha niyang sinadyang pinatapang ng inilagay na kolorete. Without exagerations ay maiisip mong isa siyang kampon ng dilim.
"Jovert!"
Napatingin ako kay Sally na nasa tabi ko habang nakaupo kami sa isang bench na nasa second floor ng kinaroroonan naming mall ng hapong iyon. Buhat niya si baby Aljean, na mahimbing na natutulog. Ang lima pa naming anak ay nasa loob ng amusement park at nagpapakasaya.
"Sally, Mahal, bakit?"
"Ano bang tinitingnan mo at kanina ka pa nakatanaw sa kung saan?"
Napalunok ako. Nakita pala niyang may tinitingnan ako. Ang akala ko ay hindi niya napansin iyon. Bago ko siya sagutin ay muli akong tumingin sa matandang babae. Napatuwid ako ng upo ng makita ko siyang papalapit sa aming mag-asawa.
"Papunta siya rito.."
"Sino?"
"Ang babaing naka-itim."
"My God!" bulalas ni Sally nang makita ang papalapit na estranghera. "Sino ba 'yan, Jovert? Nakakatakot naman ang hitsura niya."
"Kaya nga napapatingin ako sa kanya kanina pa. Tapos nakita ko na titig na titig siya sa akin."
"Hello there," bahaw ang boses na sabi ng matandang babae ng nasa harapan na naming mag-asawa. "Okay lang ba kayo rito?"
I nodded reluctantly. "W-we're okay, ma'm. Thanks."
Ngumiti siya. "Good. By the way, did you remember me? Hindi mo na ba ako namumukhaan?"
Kunot-noo akong umiling habang nakatitig sa mukha niya. Hindi ko maalala kung kilala ko nga ba siya. Hindi ko siya maalala.
"Tumanda na kasi ako. Iba na nga siguro ang hitsura ko kaya hindi mo ako maalala."
"Sorry, ma'm."
Tumango siya. "Did you remember the name... Amanda Page?"
"A-Amanda Page," ulit ko. Nang maalala ko ang dating sikat na sexy star noong '90's ay napangiti ako. "She's an actress. A sexy star, rather."
"I'm not actually her but we have the same name. I'm Amanda Page of Panorama Department Store."
"Mahal, do'n ka dati nagwu-work," bulalas ni Sally.
"Exactly," tiyak na sabi ng matandang babae. "You're an artist there. Nagkikita tayo dati roon kaya namumukhaan kita."
Napatawa ako ng mahina at naituro ko siya. Bigla ko kasi siyang naalala. Siya nga ang babaing binansagang Amanda Page sa Panorama Department Store.
"Amanda Page," bulalas ko. "Naalala na kita. Ikaw 'yong laging laman ng mall na napaka-sexy ng suot na damit. Sorry, ma'm. Hindi ko na kayo namukhaan."
"May edad na ako ng panahong iyon kaya mas tumanda na ako ngayon."
Hinagod ko siya ng tingin. Mula mukha hanggang paa. Then I look again to her face. "And your outfit... ibang-iba na compare sa lagi mong suot noon."
"Marami na kasing nagbago sa akin. Ako na ngayon si Madam Amanda. The woman with third eye..."
"Third eye?"
"Na-aksidente ako noon kaya nawala ako sa Panorama. Matagal ako sa ICU at akala ng mga relatives ko ay hindi na ako mabubuhay. Pero nabuhay ako kaya lang ay ibang tao na ako. Ito nga... isang nilalang na nakakakita na ng mga bagay-bagay na hindi nakikita ng pangkaraniwang tao lang."
"Jovert, nangingilabot ako sa sinasabi niya," bulong ni Sally. "Umalis na tayo rito. Iwan na natin ang matandang 'yan."
"Okay. Wait lang..."
"Nakakakita na ako ngayon ng mga multo... ng mga hindi matahimik na kaluluwa na gumagala dito sa mundo. At ang totoo... kaya kita napansin ay may multo sa likuran ninyong mag-asawa."
"Diyos ko po!" impit na tili ni Sally. Bigla siyang napatayo. Takot na takot. "Jovert, umalis na tayo rito."
"Madam Amanda, tinakot ninyo ang asawa ko!"
"Hindi ko kayo tinatakot. Totoo ang sinabi ko. May multo rito ngayon. Naiinis siya dahil inagawan n'yo siya ng upuan. Dito kasi ang puwesto niya sa lugar na ito. Dito siya tumatambay araw-araw."
"Jovert, pupuntahan ko na ang mga bata," sabi ng asawa ko na mabilis na humakbang palayo sa amin ni Madam Amanda. Papunta siya sa amusement park na kinaroroonan ng mga anak namin.
"Madam Amanda, susundan ko na ang misis ko. Maiwan na kita rito."
"Maniwala ka," pahabol niyang sabi. "Nakakakita ako at nakikipag-usap sa mga multo."
Nakangiti ko siyang nilingon habang nagmamadali ako sa pagsunod kay Sally. Tumango ako at nag-thumb's up bilang tugon sa sinabi niya.
Ngumiti din naman siya at tumango. Saka ako kinawayan.
"Sally," anas ko nang maabutan ko siya sa entrance ng amusement park. "Okay ka lang?"
"Ano ba 'yon? Natakot talaga ako. Nangilabot ako ng sabihin niyang may multo sa kinaroroonan natin kanina. Parang naramdaman kong meron nga."
"Don't mind her. She's insane."
"Baliw ba 'yon? Siya ba talaga 'yong kilala mo sa dating pinagtatrabahuhan mo?"
Pagak akong tumawa. "Actually, Amanda Pahina ang tawag namin sa kanya noon. Local version ni Amanda Page."
"Ano ba s'ya sa mall?"
"She's nothing. Pakalat-kalat lang siya noon doon at naghahanap ng costumer. May edad na siya ng panahong 'yon pero pokpok. A prostitute. Sexy siya noon. Iyong damit niya ay iisa lang. Wash and wear. Or siguro, hindi na niya nilalabhan."
"Gano'n?"
"Sexy kasi 'yong dress niyang 'yon. Kulay white. Maikli at spaghetti strap. Maganda ang hubog ng katawan niya at makinis ang mga binti. Kaya siguro kahit sa edad niyang iyon ay nakakabingwit siya ng costumer."
"Grabe pala siya noon."
"Pero mas grabe siya ngayon, Mahal. Hindi ko alam kung baliw nga siya o talagang nakakakita na ng multo o hindi matahimik na kaluluwa."
"Pero parang naramdaman kong may multo nga kanina sa likuran natin, Jovert."
Sabay kaming napatingin kay Madam Amanda. Naroon pa rin siya sa inalisan naming bench. Nakaupo na siya at tila may katabi na seryosong kinakausap.
"Did you see her? Sally, parang may kausap nga siya, o."
"Naku! Nangingilabot talaga ako, Jovert. Para talagang may nakikita siya at nakakausap na multo."
"Halika na nga sa loob. Hayaan mo na 'yang si Amanda Pahina. Wala siyang maisi-share para maging masaya at memorable itong moment natin with the kids."
Inakbayan ko si Sally at iginiya papasok sa amusement park.