"OO NGA," sabad kong muli. Masyado akong nadadala sa sitwasyon kaya wala sa isip ko na hindi naman nila ako naririnig. "May gusto ka ba sa asawa ko? Aminin mo!" "Nag-iisa lang ako sa buhay, Sally. Wala akong nakilalang pamilya o mga kamag-anak. Dahil doon ay naging makasarili ako. Madamot. Maayos ang buhay ko. May pera. Pero kahit may oras na malungkot ang buhay ko ay sanay na ako. Kuntento na sa ganito..." Seryoso akong nakinig sa mga sinasabi ni Zaldy. Maging si Sally ay natuon ang buong atensiyon dito. "Hanggang dumating ang pagkakataon na napilitan akong tumulong sa kapwa na nanganib ang buhay. Sa asawa mo. Ewan ko kung bakit sobra akong naawa sa kanya nang masaksihan ko ang paghihirap niya at pagbagsak..." Umiling-iling si Zaldy. "Walang pagdadalawang-isip na dinala ko siya dito

