"DIYOS ko po," bulalas ni Aldin nang ginagamot na si Zaldy. "Iligtas Mo po si mang Zaldy. Mabuti po siyang tao." Hinagod ni Madam Amanda ang likod ng anak ko. "Relax. Walang masamang mangyayari kay Zaldy." "Sana nga po," sabi ng anak ko na pinaglapat ang dalawang palad. "Sana nga po, Madam Amanda." "Dito ka muna, iho," sabi niya sa anak ko. "Huwag kang aalis dito. Doon lang ako sa banda roon." "Sige po." Pa-simple akong sinenyasan ni Madam Amanda na sumunod sa kanya. Agad ko naman iyong ginawa. "Madam..?" "Maging handa ka na sa pagsanib sa katawan ni Zaldy kapag humiwalay na ang kanyang kaluluwa sa katawan niya." "P-pero, Madam..." "Iyon ang gustong mangyari ni Zaldy, Jovert. Wala kang dapat alalahanin dahil siya mismo ang nagmungkahi na gamitin mo ang katawan niya sa oras ng kanya

