Sally's Point Of View "MOMMY, okay ka lang po ba?" tanong sa akin ni Anna habang nagbabantay ako sa hamburger store. "May gumugulo po ba sa isip ninyo?" Napatingin ako sa kanya nang lumapit at nagtanong. Nang sandaling ito ay siya naman ang nagbabantay sa sari-sari store namin. Pinilit kong ngumiti. "Okay lang ako, Anna. Salamat. May sasabihin ka ba?" "Para po kasing ang lalim ng iniisip ninyo. Halos hindi po kayo kumikibo. Mommy, baka gusto mo pong mag-rest na muna. Doon na po kayo sa loob ng bahay." Umiling ako. "Mas okay ako rito, Anna. Nalilibang. Mas malulungkot kasi ako kung nasa loob lang ng bahay. O nasa kuwarto. Mas sasagi sa isip ko ang daddy mo." Ngumiti si Anna. "Sabihin n'yo lang po sa akin kapag gusto na ninyong pumasok sa bahay. Kaya ko naman pong magbantay na mag-isan

