Ilang beses kong sinubukang tawagan ang asawa ko pero talagang patay na ang cellphone nito. Hindi na ako mapalagay Ni hindi ko na napansin na naiwan ko na pala sila Captain Ross. Malamang na naipit sila sa mabigat na daloy ng trapiko. Bakit kasi hindi sila sumunod sa akin? Nakakainis! Nakipag-ugnayan ako sa baranggay para palibutan na ang bahay namin. Agad naman silang tumugon. Kinausap ko rin ang nakatanggap ng tawag kanina pero sinabi niya na matapos ang sumbong ay biglang naputol ang linya. Pero sigurado raw siya na nasa panganib ang tumawag dahil umiiyak ito at may boses siyang narinig na tila nagbabanta. Agad akong bumaba ng sasakyan pagtapat na pagtapat ko sa bahay namin. Naroon ang limang tanod na tumitingin-tingin sa paligid. Pero ayon sa kanila ay parang wala namang kakaiba. Wala

