Muli kong pinatay ang ilaw sa kwarto. Pagkatapos ay narinig na namin ang sirena ng mga kasama naming pulis. Kasabay noon ay ang pagtakbo ng mga tao mula sa itaas pababa, palabas ng gusali. Na-alarma at nataranta sila sa narinig at malamang na walang nag-aakala sa kanila na matutunton ng mga pulis ang hide-out na ‘to. Tama ang hinala ko. Nasa pang-apat na palapag ang karamihan sa kanila. Pero nakapagtataka na halos wala talagang ingay na marinig mula sa taas kanina kahit parang napakarami nila. Nasa pitong kalalakihan ang bumaba, kung hindi ako nagkakamali. Madilim kasi at mahirap makaaninag. Kasabay ng pagtakbo nila ay ang kanilang pagsigaw at pagkalansing ng mga metal at baril na nilalagyan ng mga bala at ikinakasa. Hindi kami pwedeng basta na lang lumabas ni Gunner. Siguradong pauulanan

