Isang oras na ang nakalilipas mula ng magsimula kaming maghanap sa loob ng nasabing baranggay. Apat na police car ang dumating para tulungan kami sa paghahanap kay Althea. Pero nang dahil sa laki ng lugar, ay talagang nahirapan kami. Napakarami ring eskinita at pasikot-sikot na magkakadugtong. Hindi akalain na ganito kasalimuot ang lugar na ito. Kung hindi ka taga-rito ay siguradong maliligaw ka, kagaya ng nangyari sa akin ng maghiwalay kami ni Gunner. Napakaraming mga tao ang naglabasan mula sa kanilang mga tahanan para maki-usyoso pero nang tanungin namin sila ay hindi raw alam kung ano ang nangyari. Pero improsible. May tambay kahit saang kanto ako tumingin. Imposibleng walang nakakakita kay Althea. Wala rin kaming naabutan sa groto na sinabi ni Althea. Tanging ang nakatumbang gate na

