Papaalis na kami ni Gunner ng ampunan nang biglang tumunog ang cellphone ko. Agad kong tinignan kung sino ang tumatawag at iyon ang hindi kilalang numero ng kaninang tumawag sa akin. Nagkatinginan kami ni Gunner at pagkatapos ay sinagot ko ang tawag. Hindi muna ako nagsalita. Sinubukan kong pakinggan ang nasa paligid ng tumawag sa akin. Baka sakaling magkaroon ako ng ideya kung nasaan siya. Tahimik ang paligid niya, hindi kagaya dati na dinig ang tunog ng mga sasakyan sa paligid. May kaunti akong naririnig na parang nag-uumpugan na mga metal, at tilamsik ng tubig. Pero hindi ko masiguro kung ano ang mga iyon. “Inspector…,” umalingawngaw ng mahina ang boses niya. Marahil ay nasa isang kulob na lugar siya. “Inspector… Tulungan mo kami!” “Handa akong tulungan ka,” sagot ko sabay tingin kay

