Lumakas ang kaba ko nang marinig ang report tungkol sa numerong tumawag sa akin. Kaya agad kong tinawagan si Grace. Hindi siya sumagot kaya naman tumawag ako sa baranggay hall para malaman kung mayroon silang napansin sa may lugar namin. Pero wala naman daw kakaiba sa lugar noong nagronda sila. Muli kong tinawagan si Grace at pakiramdam ko ay natanggal ang tila bara sa aking dibdib nang marinig ko ang boses niya. “Nasaan ka na?” tanong ko. “Paalis na ‘ko. Sorry, hindi ko kaagad na nasagot ‘yong tawag mo. Papunta na ako sa lab. Urgent ‘yong tawag. May nakita na naman daw kayong bangkay.” “Oo. Pero sa unang tingin ko pa lang alam ko ang ikinamatay ng biktima. Kapareho na kapareho siya noong nakaraan. Kailangan ko na lang ng report for formality. Oo nga pala, wala ka bang napansin na kakai

