“Hanggang d’yan ka na lang! Isang hakbang pa, at sisiguraduhin ko sa’yo na may paglalagyan ka!” Pero parang walang narinig ang taong naka-itim. Patuloy lang siya sa paglapit. Muling kumidlat na sinundan ng kulog na pagkalakas-lakas. Muli kong naaninag ang mukha ng taong naka-itim at sigurado ako, ito rin ang taong nakita ko doon sa 52nd street. Isang hakbang pa, at tutuluyan ko na ‘tong lokong ‘to. Nang biglang lumiwanag ang paligid. Bumalik ang nawalang kuryente. “Anong ginagawa mo? Nanaginip ka ba? Naku, hindi ko pala napatay ‘yong ilaw,” sabi ng misteryosong tao sabay tanggal ng suot na sumbrero at facemask. Kilala ko ang boses at nagulat ako nang tuluyan na niyang matanggal ang mga suot. Dahil si Grace ang nasa likod ng sumbrero at masakarang iyon. At ang hawak niya sa kanyang kamay

