Tuluyan nang lumubog ang araw at nagsimula ang pagbuhos ng malakas na ulan. At kahit pinagpapahinga na kami ni Captain Ross ay wala pa ring umuuwi sa amin. Ni walang tumatayo para umihi man lang o uminom. Lahat ay ginagawa ang kanilang makakaya at sinusulit ang oras para lang sa kasong ito. Ipinatapos ko kay Gunner ang report namin at ipinagpatuloy ko naman ang paghahanap ng mga leads sa hawak naming kaso. Kada ikot ng orasan ay tila isang bomba para sa amin. Dahil naroon palagi ang pangamba na baka may panibago na namang maging biktima. Habang abala kaming lahat ay biglang pumasok sa opisina namin si hepe. Kita sa mukha niyang hindi maipinta ang galit. Tinignan ko siya pero ibinalik ko rin uli ang pansin ko sa ginagawa ko. “Team, nandito si Chief,” sabi ni Captain Ross. Senyales para tum

