Chapter VIII

2443 Words
Labing isang taon na ang nakalilipas ay may isang serial killer na muling isinilang sa lungsod ng Arkhenham. Parang pinalipas lang nito ang anim na taon mula ng makilala sa buong bansa ang karumal-dumal na krimen ng The Stabber. Maraming mga kriminal at mamamatay tao ang nanggaling sa siyudad pero bukud kay Carlos Gregorio, ay isa ito ang isa sa pinakanakakatakot. Gamit ang isang uri ng kemikal ay pinahihirapan ng kriminal na ito ang kanyang biktima. At makikita ang paghihirap na iyon sa mukha ng mga natagpuang bangkay. Pito ang naitalang pinatay ng kriminal na ito ngunit hindi iyon tiyak dahil maraming mga tao ang nawala noong panahon na iyon at hindi na natagpuan. May mga haka-hakang nabiktima rin ng serial killer ang mga iyon. Walang pinipiling biktima ang kriminal na ‘to, hindi kagaya ng The Stabber na puro babae lang ang biktima. Binansagan ang kaso na The Potassium Cyanide Murder Case dahil na rin sa paggamit nito ng nasabing kemikal. Gumugol ng panahon ang kapulisan para lutasin ang kaso at nakapaglabas sila ng report tungkol sa pinaghihinalaan nilang suspect. Ang panganay na anak ni Carlos Gregorio. Pero hindi ito nahuli o naimbestigahan man lang dahil noong mga panahong iyon ay hindi ito nakita. Iyon ang nabasa ko sa mga report tungkol sa The Potassium Cyanide Murder Case. Nakakakilabot lang dahil nauulit rin maging ang krimen na ginawa ng anak ni Carlos Gregorio. Pinatitibay lang nito ang iniisip ko na may kinalaman sa mga nangyayari ngayon ang mga anak ng kilalang kriminal. Pero nasaan ba talaga ang mga anak niya at ano nangyari sa kanila matapos mamatay ang ama nila? At bakit nauulit ang mga karumal-dumal na mga p*****n na nangyari na noon? Ano ang gusto nilang palabasin? Bakit nila ginagawa ito? O kung hindi man ito ang mga anak ni Gregorio, sino? Sino ang gagawa ng mga ito? Halo-halo na ang mga tanong sa isipan ko at gulong-gulo na ako. Ibang-ibang ito sa lahat ng kasong nahawakan ko. Papaalis na sila Captain Ross at Hansel nang pigilan ko sila. Sakto rin at kararating lang ni Gunner mula sa canteen. Kailangan nilang malaman ang natuklasan ko bago kami maghiwa-hiwalay. “Sinubukan kong humanap ng kaso na kapareho ng hawak natin ngayon. Naghalughog ako ng mga kasong nangyari nitong nakaraang mga taon at nagkataon na nakita ko ‘to,” pasimula ko sabay taas ng folder para makita nila. Hindi ko na kinailangang magpaliwanag para maintindihan nila ang nais kong sabihin dahil sa pangalan pa lang na nakadikit sa folder ay alam na nila ang ipinahihiwatig ko. Umupo silang tatlo at kinuha ni Captain Ross ang folder sa akin. Binasa niya iyon at lumaki ang mga mata niya sa pagkabigla na agad ding napalitan ng inis at pagkadismaya. “This can’t be happening,”sabi niya sabay bato ng mga dokumento sa lamesa. “Bakit nangyayari ang lahat ng ito ngayon? Hindi pa tayo tapos sa gumaya sa The Stabber at ngayon, mayroon ding gumagaya sa Potassium Cyanide Killer?” Mataas at pasigaw na ang boses ni Captain Ross pero pinipigilan niya ang sarili na maipakita iyon sa amin. Dahil kung mayroon mang isang dapat na maging matigas sa amin dito ay siya iyon. Alam kong nahihirapan na siya dahil papalapit na ang deadline na ibinigay sa amin ni hepe at ito, may panibago na naman kaming sakit sa ulo. “Hindi pa naman tayo nakakasiguro. Kaya kumalma muna tayo. Sundin muna natin ang plano. Maghati tayo sa dalawang grupo at mag-imbestiga. Siguradong may makukuha rin tayong leads. Huwag muna nating isipin ‘yong mga nakaraang krimen. Ang isipin natin ay ang ngayon,” sabi ni Hanselie “Tama ‘yon. Sang-ayon ako kay Hanselie. Magugulo lang tayo kapag inisip natin ang dalawang serial killing na nangyari maraming taon na ang nakakaraan.” sabat naman ni Gunner. “Totoo, pero hindi tayo dapat magsawalang bahala lang. Kailangan nating tignan ang lahat ng anggulo lalo na at wala pa tayong siguradong lead. Dahil kapag nagkataon, kapag nagkamali tayo, pero huwag naman sana, magiging malaking p*****n at ito. At kapag ganoon ang nangyari, dalawang serial killer ang hahabulin natin. At magiging malaking dagok na iyon para sa team natin, sa buong kapulisan, at sa buong Arkhenham,” seryosong sabi ni Captain Ross. “Kaya kumilos na tayo. Sundin na natin ang plano. Okay? Aalis na kami.” Hindi na hinintay ni Captain Ross ang sasabihin namin ni Gunner. Tumayo na siya at hinila niya si Hansel. Ramdam ko ang stress na nararamdaman ni Captain Ross. Hindi lang niya ipinapahalata sa amin pero hirap na hirap na siya sa kasong ito. Malamang na inuulan na siya ng mga salita mula sa itaas. Isa pa, madalas siyang maikumpara ng marami, lalo ng ng mga nasa itaas sa nag-retiro na niyang ama. Totoo, magaling na pulis si Chief Simon Ross pero may sariling galing din naman si Captain Elisa Ross. Marami na rin naman siyang napatunayan. Pero ang mga kasong hawak namin ngayon ang maaaring makapag-alis sa kanya sa ilalim ng anino ng kanyang ama. Matapos noon ay umalis na rin kami ni Gunner. Dala ang mga dokumento tungkol sa mga anak ni Carlos Gregorio ay tinungo namin ang shelter kung saan dinala ang anak nitong lalaki. Medyo tago ang lugar at hindi mo aakalain na may ampunan sa boundary ng Arkhenham at katabing siyudad nito. Tahimik ang loob ng ampunan. Wala kang batang nakikitang naglalaro sa bakuran. Abala ang ilan sa pag-aaral sa isang maliit na silid aralan at ang mga pinakabata ay nasa isang kwarto rin kung saan sila naglalaro. Malawak at ligtas naman ang bakuran at hardin. Pero hindi nila hinahayaan na maglaro doon ang mga bata. Hindi ko alam kung may oras sila ng paglabas, pero isa lang ang nakikita ko. Hindi masaya ang mga bata rito. Luma na ang mga pasilidad, tila matagal na talagang nakatayo ang ampunan na ito. Kahina-hinala, kaya naman agad akong tumuwag sa headquarter para ikumpirma ang permit ng nasabing ampunan. Pero walang nakitang kakaiba ang headquarters. Kumpleto ang requirements ng shelter para sa kanilang operasyon. Kaagad kaming humanap ng pwedeng makausap. Malumanay at maayos kausap ang mga tao rito hanggang sa malaman nila na mga pulis kami. Hindi ko alam pero parang pinagpapasa-pasahan na nila kami. Pinapunta kami sa iba-ibang mga opisina hanggang sa umabot na kami sa sekretarya ng direktor nila. Makapal ang suot na salamin ng babaeng humarap sa amin. Kulay puti ang buhok nito at may kulubot na ang balat. Ngunit malakas pa ito ay may kaliksihan kung kumilos. Nang itinanong namin kung nasaan ang mismong director ay nasabakasyon daw ito. Pero hindi sa amin makatingin ng deretso ang sekretarya na tila may itinatago ito. Siguradong ayaw lang magpakita at makipag-usap ng direktor nila. Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa. Agad kong inilatag ang mga dokumento na dala at nagsimulang magtanong. Itinanong ko sa kanya kung totoo ba na doon dinala ang isa sa mga anak ni Carlos Gregorio. Hindi siya na nagtanong kung sino si Carlos Gregorio. Patunay lang na hanggang ngayon ay natatandaan pa rin ng mga tao ang pangalan ng taong iyon. Tinignan niya muna ang mga dokumentong dala ko at pagkatapos ay umiling. Wala pa raw siyang dalawang taon sa ampunan kaya hindi niya masasagot ang tanong ko. Tinanong ko kung sino ang pwedeng maka-usap tungkol sa hinahanap namin at sinabi niya na ipapahanap na lang niya ang mga record ng bata sa archives nila at tatawagan kami agad kapag nakita na iyon. Hindi man kami kumbinsido ni Gunner ay wala na kaming nagawa. Nagbigay na alng ako ng calling card at ng araw para balikan ang mga kailangan ko sa kanila. “Sana po ay makipag-cooperate kayo sa amin. Kailangan na kailangan namin ang impormasyon na iyan para mahuli ang isang kumakalat na serial killer.” “Ang anak po ba ng demonyong iyon ang pinaghihinalaan ninyo?” “Kung maibibigay ninyo ang mga hinihanap namin, mabibigyan po ng linaw ang paghihinala namin. Pagkatapos noon ay nagpaalam na kami sa matandang sekretarya. Hinatid pa niya kami hanggang sa makasakay kami ng sasakyan. Kakaiba talaga siya dahil pinanuod pa niya kami habang papalayo na para bang sinisigurong umalis na kami. Kakaiba ang ampunan na iyon. Parang may itinatago talaga sila sa amin. Hindi bale may ibang pagakataon pa naman para sa kanila. Sinubukan naming puntahan ang sunod na ampunan. Ang ampunan na pinagdalhan sa panganay na anak ni Gergorio. Nasa labas na ito ng Arkhenham at medyo mabigat ang daloy ng trapiko. Inabot na kami ng lagapas tanghali sa daan at pagdating namin sa lugar ay sarado ang ampunan. Hindi na namin sinubukang kumatok dahil malinaw na sinasabi sa amin ng malalaking kadena at kandado na walang tao sa loob. Nagtanong-tanong kami sa paligid at ayon sa mga taga-roon, mag-tatatlong taon ng sarado ang nasabing ampunan. Nang tinanong namin kung ano ang nangyari ay hindi raw nila alam. Basta isang araw ay bigla na lang daw itong nagsara. Tinanong ko rin kung may ideya sila kung lumipat kung saan ang ampunan pero bigo akong makakuha ng impromasyon. Napasandal ako sa pader at naramdaman ko na ang pagkahilo ng dahil sa antok at gutom. Samahan pa ng pagkadismaya at inis sa mga nangyayari. Ito na ata ang pinakamahirap na yugto ng pagiging pulis ko. Hindi pa ako mapalagay nang dahil sa bagong bangkay na natagpuan namin kanina. Dismayado kaming bumalik ni Gunner sa headquarters. Halos papalubog na nang makarating kami dahil sa bigat ng daloy ng trapiko. Wala pa si Captain Ross at Hanselie nang dumating kami kaya naman ginamit muna namin ang oras para magpahinga. Pero hindi pa ata lumilipas ang sampung minuto ay dumating na ang dalawa naming kasama. “Captain! Kumusta ang lakad?” bati ko sa kanila sabay bangon mula sa pagkakahiga. “Oh Perez! Nandito na pala kayo! Kumusta ang lakad?” Parang balisa si Captain Ross at tila hindi niya narinig ang tanong ko sa kanya. Ibinalik lang niya ang tanong sa akin. “Walang balita, Cap. ‘Yung ampunan na pinagdalhan sa lalaking anak ni Gregorio, hahanapin pa raw ang mga records. Iyong sa anak naman na panganay, sarado na. At walang nakakaalam kung saan sila lumipat.” Napabuntong hininga si Captain bago umupo sa parborito niyang silya. “Nakakainis. Wala pa rin tayong maayos na lead sa kasong ito,” sabi niya sabay tingala at inat ng leeg. “Anong balita sa pinuntahan ninyo, Cap?” singit naman ni Gunner habang inaayos ang magulong  buhok Umayos ng upo si Captain Ross at pagkatapos ay humarap sa amin ni Gunner. “Nakausap namin ang mga magulang ni Enrico at talagang nagulat sila sa sinapit ng anak nila. Wala raw kahit sinong kaaway ang anak nila kaya wala silang ideya kung sino ang maaaring gumawa noon. Tinignan din namin ang baranggay at police record ng biktima at talagang malinis ‘yon. Kahit sa trabaho, walang problema si Enrico. Pero noong araw bago makita ang bangkay niya, nakita sa CCTV ng mismong mall na lumabas siya ng fire exit limang minuto bago matapos ang oras ng trabaho niya. Kasama niya ang isang naka-itim na lalaki. Pero hindi maaninag ang mukha nito dahil natatakpan ng sumbrero. Tinanong namin ang tindahan, at sabi nila ay hindi nila kilala ang lalaking iyon. Iyon na ang huling beses na nakita namin si Enrico sa mga CCTV footage at pagkatapos noon ay wala na. ” Sigurado na. Ang lalaking huli niyang kasama ang pumatay sa kanya. Pero ano ang motibo? At paano niya nailabas si Enrico nang hindi nakikita sa mga CCTV cameras? “Kung iniisip mo kung ano ang motibo, hindi ko rin alam. Dahil wala akong ideya kung sino ang hayop na ‘yon,” may inis na sabi niya sabay padabog na tumayo para kumuha ng tubig. “Nakakainis kasi ‘yong baboy na ‘yon. Makapagmadali akala mo kung sino,” pabulong niyang dugtong habang nilalasap ang malamig na tubig. Malamang na nakatanggap na naman ng mensahe mula kay hepe si Captain at minamadali na naman ito. Wala talagang awa ng mga nasa itaas. Tanging sarili lang nila ang iniisip nila. “Bakit hindi na lang natin ‘to ipasa sa kabilang team. Tapos mag-focus na lang muna tayo sa unang kaso na hawak natin. Iyon naman talaga ang purpose kaya binuo ang grupo na ito, hindi ba?” sabi ni Hanselie na napansin ang inis kay Captain Ross. “Believe it or not. Sinabi ko na ‘yan sa itaas. Pero ayaw nila. Grabe ang tiwala nila kay Marco at Gunner. Ayaw nilang ipasa sa ibang team ang bagong bukas na kaso dahil naniniwala sila na si Inspector Perez lang ang makaka-solve nito,” sagot ni Captain na tumingin sa akin saglit bago tumingin sa bintana. “There’s a good thing about having someone really good in a team, but there are also consequences. Let’s just face that.” Naiintindihan ko ang nararamdaman ni Captain Ross kaya hindi na ako sumagot. Alam ko namang hindi siya sa akin naiinis. Matapos makapagpahinga ay pinag-usapan namin ang iba pang naging resulta ng mga lakad namin. Lahat kami ay desperedo na malutas na ang kaso at naroon ang pangamba na baka may mabiktima na naman ang serial killer. Gusto namin magmadali, pero hindi ganoon kadali ang humanap ng mga leads at ebidensya laban sa isang magaling at metikulosong killer. Isa lang ang tanging lead na alam namin, at iyon ay ang taong naka-itim. Ano man ang gawin namin ngayon ay bumabalik-balik lang din kami doon. “Tapusin ninyo ang mga reports ninyo ngayong araw at pagkatapos ay umuwi muna kayo para magpahinga.” “Pero Captain, wala na ata tayong oras para magpahinga,” sabat ni Gunner. “Totoo, pero kung hindi tayo magpapahinga ng maayos, hindi rin natin malulutas ang kasong ito. Huwag kayong mag-alala. Akong bahala sa matabang hepe natin,” may inis na sagot ni Captain Ross kay Gunner. “Cap…” “Yes, Perez.” “Alam kong nape-pressure kayo. Patawad kung hindi ko naaboy ang expectation ng nasa taas sa akin. Pero huwag kayong masiraan ng loob. Nandito ako, kami para samahan kang tapusin ang kasong ito. Hindi ako titigil. Hangga’t hindi nahuhuli ang serial killer na hinahabol natin. Ako mismo ang maglalagay ng posas sa mga kamay niya at ako mismo ang magtutulak sa kanya sa loob ng selda. Kaya huwag kang mag-alala. Wala pa akong kasong hindi nalutas. At ipapakita natin kay hepe na karapat-dapat tayong lahat sa mga posisyon natin bilang mga pulis.” Pagkatapos noon ay lumapit sa akin si Captain Ross. “Aasahan ko ‘yan, Mad Hunter. Galingan nating lahat,” sabi niya sabay hawak sa balikat ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD