Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako ng nakaupo sa tabi ni Grace. Patay na rin ang mga ilaw sa kwarto at may isang pitsel ng tubig sa maliit na lamesa sa tabi ko. Bigla kong naramdaman ang panunuyo ng lalamunan ko, kaya minabuti kong uminom ng tubig. Napakasarap ng tubig. Napakatamis. Para bang naibsan noon ang pananakit ng katawan ko at pagod. Ibinaling ko ang tingin ko kay Grace. Payapa ang mukha niya at napakahimbing ng tulog. Siguradong grabe ang pagod at sakit na naranasan niya kagabi. Nakakainis. Hindi niya dapat nararananasan ang lahat ng ito. Hindi ko pa rin alam kung bakit siya nandoon. Siguro ay para manmanan ang Syndrome. Malamang na nakuha rin niya ang ibig sabihin ng ipinadalang code ni Hanselie. Marami na naman akong tanong sa kanya. pero saka na lang mas magandang mak

