Mabilis na hinabol nila Captain Ross at Gunner si Hugo. Agad ko namang inalalayan si Grace sa ginagawa niyang pag-first aid kay Hanselie. Wala ng malay ang dalaga at parang masama ang tama niya sa kanyang balikat. Mataas na kalibre ng baril ang gamit ng sindikato kaya naman grabe ang sugat na natamo ni Hanselie. Agad na sinubukan ni Grace na patigilin ang pagdurugo pero sadyang malakas ang pagbulwak nito. Nagsimula na ring humina ang pulso ng pinakabata naming kasama sa grupo. “Kailangan na natin siyang madala sa kaagad sa ospital,” sabi ko sabay buhat kay Hansel. “Sa tingin mo ba makakalabas tayo dito ng gano’n kadali? Isa pa, malayo ang ospital. Hindi na siya aabot.” “Anong gusto mong gawin ko?! Hayaan ko siyang mamatay?!” Hindi ko sinasadyang sigawan si Grace, tama ang sinabi niya

