Hindi ako pinatulog ng tawag na ‘yon. Hindi ako tumigil kaiisip kung ano ang balitang sinasabi niya. Hindi ko mahahayaan na may ma-biktima na naman sila. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Nababaliw na ako sa kasong ito. Hindi ko pa matawagan sila Captain Ross at Gunner. Nakakainis. Pero kailangan kong kumalma. Kailangan kong makapag-isip ng maayos. Hindi ko namalayan ang sarili ko na palakad-lakad sa sala. Nakita ako ni Tiya Isabel pero hindi niya ako sinita. Wala siyang sinabi na kahit ano. Hinayaan lang niya ako at bumalik na lang siya sa kanyang kwarto matapos kumuha ng tubig. Kinuha ko ang mga dokumentong dinala ko mula sa sasakyan ko. Inisa-isa kong muli ang lahat ng iyon. Pero kahit anong gawin ko, hindi ko pa rin alam kung saan ko hahagilapin ang hayop na ‘to. Inabot na ako ng mada

