“LOGAN!” Hindi lumingon si Logan nang tawagin siya ni Calli. Palabas na ito ng kanilang bahay. Nagmamadaling umalis si Logan, leaving Calli but fear and questions in her head. Naiiyak na siya. Pinakiusapan na niya ito kahapon na tumigil na sa binabalak na gawin ngunit masiyadong matigas si Logan ngayon. “Kapag umalis ka ngayon, wala ka nang babalikan.” Pagbabanta niya ngunit imposible ang sinabi niya. Nasa Agrianthropos sila kaya hindi siya basta-bastang makakalabas ng isla. She needs a chopper or yacht. Lalong hindi naman niya mauutusan ang mga tauhan ni Logan na ihatid sila sa Sta. Monica without Logan's instructions. Galit na nilingon ni Logan si Calli at nilapitan ngunit nagpipigil na ilabas ang galit. His hands left waved in motion in the air, then put it down again. “Please, Ca

