LOGAN WAS puffing his cigarettes when Wyatt came. Nakasandal siya sa kanyang sasakyan habang naghihihit buga ng usok ng sigarilyo. Wala sana siyang balak na kausapin ang kanyang Uncle ngunit may gusto rin siyang linawin. Gusto niyang linawin kung anak nga ba niya si Ducan. Nagkaroon tuloy siya ng duda dahil sa nadiskubre niyang katotohanan sa pagkatao ni Dev. Sina Jim at ang iba niyang tauhan ay nasa paligid niya. Kalat-kalat at nagbabantay. Mabigat pa rin ang kanyang puso habang ang isip ay lumilipad sa kanyang mag-ina na naiwan sa Agrianthropos. Wala sa bokabolaryo niya ang salitang pahinga ngayon lalo pa't mainit na mainit na siya sa kanyang kalaban. Nasimulan na niya ang kanyang plano. Pinasabog niya ang ibang negosyo ni Jacobo nang akala nito ay tahimik lamang siya. Sinadya niyang isi

