Chapter 9

1517 Words
CALLISTA "MUKHANG malalim yata ang iniisip mo, Calli? Hindi ka pa ba matutulog?" tanong sa akin ni Nanay Fely. Nakaupo ako sa gilid ng kama at nakatitig lang sa blankong pader ng silid ko habang iniisip ang nangyari kanina sa shop kasama si Logan. Nagpakawala ako ng isang buntong-hininga. Nilingon ko si Nanay Fely at tipid na nginitian. "Mamaya na po, Nanay Fely. Hindi pa ako inaantok," magalang kong sagot at pilit na pinasigla ang boses ko. Tinabihan niya ako sa pagkakaupo sa kama at inipit sa tainga ko ang mga nalaglag kong buhok sa gilid ng pisngi ko. Marahan niya ring sinuklay ang buhok gamit ang mga daliri niya. "May problema ka?" tanong niya habang patuloy sa pagsuklay ng buhok ko. Hindi agad ako nakapagsalita. Binalik ko ang tingin sa pader. Naalala ko si Logan. Nagbaba ako ng tingin at pinaglaruan ang mga daliri sa kamay. Nasobrahan yata ang pagsalita ko ng hindi maganda kay Logan. He helped me. Pero imbes na magpasalamat sa kaniya, I judged him. Nangingibabaw sa akin ang galit kanina kaysa ang pakinggan siya o magpasalamat man lang. Kung hindi dumating kanina si Logan ay baka kung saan na ako dinala ng lalaking iyon at kung ano pa ang ginawa sa akin. I even saw a gun in his side. Alam kong hindi basta-bastang panghaharass ang pakay na iyon ng lalaki. Iniisip kong may kinalaman iyon sa may galit kay daddy dahil sa politika. Naiinis ako sa sarili ko. Ang bilis kong nakapagbitaw nang masasakit na salita kay Logan. Kitang-kita ko ang sakit sa mga mata niya nang sinabi ko iyon sa kaniya na wala siyang kwentang tao. Hindi ko iyon sinasadyang sabihin. But it's too late. I hurt him already. Nabigla lang ako sa ginawa niya. Nagawa pa rin niya akong ihatid dito sa bahay kanina kahit napagsalitaan ko na siya ng hindi maganda. Sinigurado pa rin niya ang kaligtasan ko. Nagpadala pa siya ng mga tauhan niya para siguraduhin na maayos at ligtas ako ngayon dito sa bahay. "Napagsalitaan ko ng hindi maganda si Logan, Nanay Fely." Pag-amin ko. Nahihiya ako sa sarili ko at kay Logan. Tumigil si Nanay Fely sa ginagawa. "Sinasabi ko na nga ba, walang magandang maidudulot ang lalaking iyon sa iyo. Tingnan mo na, nagawa ka niyang turuan na gumawa ng hindi maganda. Hindi kaya may kinalaman siya sa gustong mangharass sa iyo? Pinalabas lang niya na tinulungan ka para maging maganda ang tingin mo sa kaniya?" Napailing ako at agad na tiningnan si Nanay Fely. "Hindi ganoon, Nanay. Hindi niya kilala ang lalaking iyon. Tinulungan lang niya talaga ako." "E, paano mo naman napagsalitaan ng hindi maganda si Logan kung tinulungan ka niya?" nagtataka ang mga mata nitong nakatingin sa akin kaya agad akong umiwas ng tingin kay Nanay Fely. Nakukunsensiya na naman ako. Dinala ng tauhan ni Logan ang lalaking nabaril niya sa hospital. Hindi ko na alam kung anong nangyari sa kaniya dahil hindi na kami nagkausap ni Logan. Hindi ko rin alam kung tumawag ng pulis o ano dahil wala namang nagtanong na pulis sa akin simula kanina o pumunta dito para mag-imbestiga. Si daddy naman ay parang may hinala kung sino ang gumawa at nagpasalamat kay Logan. Hindi ko na rin narinig ang pinag-usapan nila kanina dahil pinaakyat na ako ni daddy dito sa silid ko. "Basta, Nanay. Gusto ko sanang makausap si Logan pero hindi niya sinasagot ang tawag ko." Sinubukan kong tawagan si Logan simula kaninang pagkaalis niya pero hindi naman niya sinagot ang tawag ko. Nagmessage ako sa kaniya at nagsorry pero hindi siya nagreply sa mga messages ko. "Hayaan mo na iyon. Mukhang nagpapakipot pa sa iyo para habulin mo. Huwag kang papauto sa lalaking iyon. Kung ayaw ka niyang kausapin, huwag mo ng pilitin pa, Callista." Napakagat ako ng ibabang labi at tumango. Kahit ano namang sabihin ko kay Nanay Fely ay kontra siya palagi kay Logan. Susubukan ko na lang ulit na tawagan siya bukas. "Siya nga pala, tumawag dito ang kaibigan mo na si Penelope. Hindi ka raw niya kanina matawagan kaya sa akin tumawag. Dumating na sila ng kaniyang anak sa Maynila. Hinahanap ka nga at gustong makipagkita sa iyo." Napangiti ako nang malapad. Si Penelope. Nakilala ko siya noong nagpunta ako ng Italy two years ago. Naging magkaibigan kaming dalawa at nagtuloy-tuloy ang komunikasyon namin kahit bumalik na ako ng bansa. Mga tatlong buwan lang naman ako nagstay ng Italy. Ang anak niya na si Duncan ang una kong nakita kaya nakilala ko si Penelope. Mayroon siyang maliit na cafe na pagmamay-ari niya doon. "Talaga? Sabi ko naman sa kaniya na magsabi sa akin kapag uuwi na siya dito sa Pilipinas para nasundo ko sana siya. Bukas na bukas din luluwas tayo ng Maynila para makita ko siya." Excited kong sabi. Na-excite ako bigla na makita ang kaibigan ko. Namiss ko rin si Duncan, ang sweet at matalino niyang anak. 3RD POV "ANO'NG PROBLEMA ng boss mo?" Trace asked Dev while looking at his cousin. Abala si Logan sa ginagawa nitong pagsuntok sa punching bag at hindi alintana ang pagdating ni Trace. Nagpupuyos ang kaniyang kalooban sa galit. Hindi nga lang niya matukoy kung kanino siya galit, kay Calli na pinagsalitaan siya nang masasakit, sa tanga niyang assistant o kay Penelope na pilit pa rin siyang sinusundan ng alaala nito. Hindi lang niya maintindihan ang sarili kung bakit masiyado siyang naapektuhan sa mga sinabi ni Calli. Nasaktan siya na malaman na walang kwentang tao ang tingin sa kaniya. Alam na alam naman niya ang bagay na iyon. Pero bakit hindi niya matanggap na ganoon ang tingin sa kaniya ni Calli? Ano ba ang mayroon kay Calli at bakit ba hindi niya makalimutan ang mga mata nito, ang boses at ang mukha niya? Bakit ba ninanais niyang makasama ito at makausap palagi? Wala siyang balak magseryoso sa babae pero bakit hindi niya magawang pigilan ang sarili na mapalapit kay Calli? Alam niyang wala siyang maidudulot na maganda sa buhay ni Calli kun'di kapahamakan at gulo lamang. Sa uri ng trabaho na mayroon siya, hindi nararapat ang isang Callista sa buhay niya. "Paano, Boss Trace, ang tanga na si Grec hindi ba naman nilayo si Miss Calli sa shop kung saan nakita nito ang ginawang pananakot ni Boss Logan sa nangharass sa kaniya. Ayun, galit na galit si Miss Calli kay Boss at ayaw siyang makita. Ang masama pa, hindi pa nga nakukuha ni Boss, basted na agad." Natawa si Trace nang malakas. "Tang ina! Ang hina dumiskarte ng Boss mo!" "Alam mo naman si Boss, mukhang nakahanap ng katapat. Natotorpe pagdating kay Miss Calli." "Ramdam ko nga. Ipakidnap ko na lang kaya iyang Callista kina Nite at dalhin sa Isla. Baka sakaling maglakas loob na iyang boss mo na gumawa ng paraan." Napailing si Dev at hinawakan ang baba na tila nag-iisip habang sabay nilang pinapanuod si Logan. "Sa tingin ko, Boss Trace, pinaalala lang ni Miss Calli kay Boss ang mga sinabi noon ni Miss Penelope sa kaniya. Simula noong nangyari noong isang araw, malalim na ang iniisip ni Boss. Hawak-hawak na naman niya iyang kwintas na binigay sa kaniya ni Miss Penelope. Bumalik na naman siya sa pagiging tahimik." "Tang inang Penelope iyan! That was six or seven years ago. Hindi pa rin nakakamove on si Logan?" "Alam mo naman, Boss Trace kung gaano kamahal ni Boss si Miss Penelope. Siya ang mundo ni Boss tapos iniwan lang." Tumigil si Logan sa pagsuntok sa punching bag. Nilingon niya ang dalawang nag-uusap habang pinapanuod siya. He took a deep breath. He calmed himself saka nilapitan ang dalawa. Inabutan siya ni Dev ng bottled water at towel. "Balita ko-" "It's true." He cut-off. Trace smirked. "Akala ko ba hindi ka in love sa madreng iyon? Ano 'tong inaarte mo ngayon?" "What?!" "Gamitin mo iyang pagiging Dimagiba mo pagdating sa babae! Bakit ba pagdating sa madreng iyon, nawawala ang pagiging Dimagiba mo?!" "Spare her. Hindi na ako interesado sa kaniya." "Hindi na? So ibig sabihin, nagka-interes ka nga sa kaniya?" "Tang ina! Ano ba ang pinupunto mo?" pikon na sabi ni Logan. "Wala naman... Ang torpe mo lang, gago!" Inis na nilapag ni Logan ang bottled water saka umupo sa upuan at nagpunas ng katawan na punong-puno ng pawis. "She's like her. Ganoon ang tingin nilang dalawa sa akin." "Tsk. Ano ba ang in-expect mo? Na maiintindihan nila ang paraan ng ginagawa natin? Gago! Ano 'to fairy tale? Kaya nga sinabi ko na sa iyo simula pa lang, she will be the cause of your death kaya tigilan mo na ang babaeng iyon at hayaan mo na siya na maging madre katulad ng pangarap niya! She will end up like Penelope na iiwanan ka lang bandang huli na durog na durog pagkatapos mong paikutin ang mundo mo sa kaniya." Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Logan. "Tigilan mo na ang kaka-illusion mo na may magmamahal pa sa iyong babae na handa kang tanggapin sa lahat ng kagaguhan na ginawa mo. Na mayroong babaeng magbibigay ng direksyon sa magulo mong buhay. Tang ina mo, Logan! Umayos ka. Dahil sa babae nagkakaganyan ka."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD