“ANO'NG GAGAWIN niyo sa akin? Sino kayo?” Aurelio asked Dev.
Nakatali ang dalawang kamay ni Aurelio sa upuan. Si Aurelio ang matalik na kaibigan ng lolo ni Uno na kaibigan ni Logan.
Nakasandal si Logan sa bintana at nakatingin kay Aurelio habang humihithit ng sigarilyo. Pinitik niya ang upos ng sigarilyo pagkatapos nito ibuga ang usok ng sigarilyo. Humakbang sa kinaroroonan ni Aurelio. Sinipa niya ang paa ng upuan kung saan nakaupo at nakatali ang matanda. Kamuntik na iyon matumba sa lakas ng pagkakasipa ni Logan. He's freaking mad like a monster.
“Sigurado ka bang hindi mo ako natatandaan?” may diin na tanong ni Logan dahil sa galit niya rito.
Malakas na umiling si Aurelio. “H-indi… hindi kita natatandaan. I'll give you money. I'll give you money just don't kill me,” natataranta nitong sagot. He can see a demon in Logan's eyes. Sa tingin pa lang ni Logan ay halos nakabulagta na siya.
Muling sinipa ni Logan nang malakas ang upuan papunta sa pader. His teeth gritted in anger. Hinawakan niya ang buhok ni Aurelio nang marahas. “Ginagago mo ba ako tanda?!” His voice is rumbling, almost dangerous, which made Aurelio tremble in fear.
“H-indi. Maniwala ka sa akin. Nagsasabi ako ng totoo.” Afraid of what he sees in Logan's eyes, full of anger and danger. Kahit natatadaan na niya si Logan na kaibigan ni Uno at ni Sandra ay hindi niya magawang umamin.
Fear. Fear that Logan might kill him any moment by now. Sa bawat pagtiim-bagang ni Logan, sa bawat pagdiin ng kamay nito sa kaniyang buhok ay alam niyang hindi malabong mangyari.
Binitawan ni Logan si Aurelio at lumayo bahagya. Sumenyas siya kay Dev ng sigarilyo. Si Grec ay iniwan nila sa labas ng abandonadong gusali na pag-aari niya. Hindi na niya ito sinama sa loob dahil alam niyang mauuna pa itong mamatay sa takot kaysa kay Aurelio.
“Do you know Steve?” mahinano na tanong ni Logan habang humihithit ng sigarilyo. He tilted his head to see Aurelio.
“Please? Pakawalan mo na ako. Kung ano man ang kailangan mo, pera— marami akong ibibigay sa iyo.”
“I don't need your fvcking money! Buhay ang kinuha mo, buhay rin ang kabayaran,” sagot ni Logan. Kinuha niya ang baril at tinutok sa ulo ni Aurelio.
“M-aawa ka. Huwag mo akong patayin.”
“You killed Steve. Nilason mo rin ang isipan ni Judah at Lolo Ronaldo para gantihan ang kaibigan ko. Gusto mong pahirapan si Uno dahil nasaktan ang apo mo, tama ba? Parehas mo silang pinaikot-ikot sa palad mo.”
Napalunok si Aurelio sa takot. Ramdam na niya ang panganib. Kahit anong pakiusap niya kay Logan ay tila wala na itong pinapakinggan sa mga oras na iyon.
“Say your last words, Tanda. I'll count one to three.”
Malakas na umiling muli si Aurelio habang umiiyak, begging for his life. “Maawa ka. Maawa ka.”
Logan smiled sarcastically. “Maawa? Ako? Nagpapatawa ka ba? Wala sa bokabolaryo ko ang salitang awa. Kung si Uno naawa sa iyo at hindi kayo pinakulong pagkatapos niyang nalaman ang totoo, ako hindi! Ako ang sisingil sa inyo sa ginawa niyo sa kaibigan ko. Ang malas mo lang, kaibigan ko ang sinaktan niyo.”
Logan pulled the trigger on Aurelio and shot him in the head. Isang putok lang pero agad ikinamatay ni Aurelio.
“Ikaw na bahala sa kanya, Dev. Babalik na kami ni Grec ng Sta. Monica. Magpadala ka pa ng tauhan sa mansion nina Uno. Siguraduhin mong hindi makakapasok sina Judah.”
“Akala ko, Boss, bibilang ka muna ng tatlo? Pinatay mo naman agad. Akala ko papahirapan pa muna natin?” tanong ni Dev.
“I don't have time. Kailangan kong bumalik ng Sta. Monica. Mag-uusap kami ni daddy tungkol sa plano ko na pagtakbo sa susunod na eleksyon.”
“Akala ko ay namiss niyo na si Miss Calli...” ani Dev sa mahinang boses at sumipol-sipol.
Narinig ni Logan ang sinabi ni Dev kahit pa mahina na iyon. “Hindi ko namimiss si Callista. Katulad lang siya ng ibang babae na siguradong luluhuran din ako.” Nakangising saad niya.
Dev shrugged his shoulders. “Sabi ko nga, Boss. Ako na ang bahala dito. Susunod na lang ako sa inyo, Boss.”
Isang tipid na tango lang ang sinagot ni Logan sa assistant niya. Alam na alam na ni Dev ang gagawin kaya hinayaan na niya ito. Mabilis naman itong magtrabaho kaya makakasunod agad ito sa kanila. Lalo na kung makapagdrive itong si Dev ay akala mo ay nakikipagkarera kay kamatayan.
Dumaan muna sina Logan sa flower shop upang bilhan ang kaniyang ina ng bulaklak bago ito dumiretso sa opisina ng kaniyang daddy. His mom loves flowers.
Magkikita sila ni Zobel dahil pag-uusapan nila ang pagtakbo niya sa susunod na eleksyon bilang Mayor ng bayan ng Sta. Monica. Tutol ang mga magulang niya sa pagpasok niya sa politika lalo na at kaibigan ng kaniyang mga magulang ang kasalukuyang Mayor ngayon.
Agad na naagaw nang pansin ni Logan ang babaeng nakatalikod na mahaba ang buhok at nakadress na lagpas tuhod na longsleeves ang style ng dress. Isa lang ang pumasok sa isip niya— si Calli. At hindi nga siya nagkamali dahil nang umatras ito ng kaunti at kita ang side view ay si Calli nga!
Malapit itong nakatayo sa glass door at may kausap na lalaki at pinipilit siyang hawakan ng lalaki.
Naningkit ang mga mata ni Logan. Masama ang kutob niya sa nakikitang reaksyon ng staff na nakatingin kina Calli. Hinaharass nito ang dalaga lalo na at nakangisi pa ang lalaki.
Nagmadali siyang pumasok.
“Calli?” tawag niya agad sa pangalan nito. Mangiyak-ngiyak ang mga mata nitong tumingin sa kaniya pagkarinig sa boses niya.
“Logan!”
Mabilis na humakbang palapit si Calli sa kaniya at yumakap. His body stiffened when he felt the warmth of Calli's body against him.
Nagsimulang magulantang ang buong sistema niya dahil sa yakap na iyon.
“Huwag kang mangialam dito!” Matapang na sabi ng lalaking nakasuot ng suit.
“Do you know him?” He asked Calli habang nakayukyok sa kaniyang dibdib ang dalaga.
Umiling si Calli at tiningala siya. “Hindi ko siya kilala, Logan. Gusto niyang sumama ako sa kaniya. I'm scared.”
Niyakap ni Logan pabalik si Calli habang nakaharap sa lalaking masama ang tingin sa kanilang dalawa.
“Go inside my car, Calli. Sumama ka kay Grec,” utos niya rito at binalingan ng tingin si Grec na nakakaintindi sa nais niyang gawin nito.
Kinuha ni Grec si Calli mula sa kaniya. Kahit nagdadalawang isip ay sumama ang dalaga sa kaniyang assistant. He slightly nodded,assuring her that everything will be fine.
“Logan?”
“Sumama ka na, Calli. I'll take care of this one first. Susunod ako.”
Walang nagawa si Calli kun'di ang sumunod kay Grec. Pagkalabas ng dalawa ay humakbang si Logan palapit sa lalaki. Ngumisi lang ito sa kaniya at hindi alintana ang seryoso niyang hitsura.
“Nagkakamali ka ng kinalaban—”
Hinawakan ni Logan ang ulo nito at mabilis na hinampas sa glass wall. Halos mabasag ang salamin sa lakas ng paghampas niya ng buong mukha nito.
“Nagkakamali ka ng kinalaban...” Binalik ni Logan ang sinabi nito sa kaniya kanina na may diin at may halong pagyayabang.
Duguan buong mukha ng lalaki na nakasubsob pa rin sa glass wall at hawak-hawak sa palad ni Logan ang ulo nito.
Kinuha niya ang baril na nakasabit sa gilid niya at tinutok sa panga ng lalaki.
“H-indi ako... lalaban,” utal-utal sa takot na sabi ng lalaki.
“Sino ka?! Sino nag-utos sa iyo para kunin si Calli? Ano'ng kailangan niyo?”
“W-ala, Boss. Nakursunadahan ko lang siya. Walang... walang nag-utos sa akin.” Diniinan lalo ni Logan ang baril sa panga nito. “Maniwala kayo. Walang nag-utos sa akin.”
“Hindi ako naniniwala. Alam kong may mga kasamahan ka pa sa labas. Sino ang nag-utos sa iyo?”
Napalunok nang malakas ang lalaki. “Boss... Tinatakot ko lang si Miss Calli. Pinag-utos lang ni bossing Jacobo. Boss, huwag niyo ako papatayin.”
“Jacobo?”
“Boss, hindi ko talaga kukunin si Miss Calli. Pakawalan niyo na po ako. Maawa kayo.” Nanginginig nitong pakiusap sa kaniya.
Pinakalawan ni Logan ang lalaki. Pagkaharap nito ay tinutukan pa rin niya ng baril sa noo nito kaya napasiksik ito sa glass wall kakaatras. Tinaas din nito ang dalawang kamay na tanda na hindi ito lalaban.
“Sabihin mo sa boss mo, subukan niyang saktan o pagtangkaan si Calli, kahit saang lupalop ng Pilipinas siya magtago, PAPATAYIN KO SIYA.”
Napatango ang lalaki sa sobrang takot habang nakatitig sa mga mata ni Logan.
Danger. Iyon ang pinapahiwatig ng mga tingin niya. Nag-aalab na mga tingin na walang sinuman ang puwedeng kumalaban sa kaniya sa mga oras na iyon dahil kamatayan ang siguradong naghihintay.
“Oo! Oo, boss. Pa-kawalan mo na ako.”
Umatras palayo si Logan sa lalaki at binaril ito sa magkabilang binti. Napaupo ang lalaki at lalong nanginig sa takot.
Nilingon niya ang staff na nakatulala sa nasaksihan nito. Sinuksok niyang muli ang baril sa kaniyag gilid at nilapitan ang staff.
“I'll pay everything.” Kumuha ng sigarilyo si Logan at nagsindi saka mabilis na humithit. “Give me that.” Turo niya sa dalawang bouquet ng flowers.
Parang nahipnotismo ang staff at mabilis nitong kinuha ang dalawang bouquet at inabot kay Logan. “My assistant will call you to pay everything, but don't f*****g call a police! Do you understand? Wala kang nakita at narinig,” mariin niyang bilin dito.
Tango lang nang tango ang staff. “Yes po. Wala po akong narinig at nakita.”
“Good,” ani Logan.
Habang si Calli naman ay nanginginig sa takot sa nakita na ginawa ni Logan sa loob ng shop.
“Miss Calli, okay lang po ba kayo?” tanong ni Grec sa dalaga. Nakatingin ito kay Logan na nasa loob ng shop.
“Grec tumawag ka ng pulis. Baka kung ano ang mangyari kay Logan sa loob.”
Glass wall ang shop kaya kitang-kita ang mga nangyayari sa loob.
Napasigaw siya nang makitang binaril ni Logan sa binti ang lalaki.
“Sabi ko naman sa iyo Miss Calli, pumikit ka e. Ayan nakita mo tuloy ang ginawa ni Mr. Logan.”
Napamaang ang labi ni Calli at halos walang makuhang salita na sasabihin kay Grec. She was shocked. Hindi niya akalain na magagawa ni Logan ang mga iyon. “Stop him, Grec. Baka patayin niya ang lalaki.”
“No one can stop him, Miss Calli. Baka ako pa ang patayin kapag pinigilan ko siya.”
May ilang mga napapadaan ang napahinto na at nakaagaw nang pansin.
Dumating na rin sina Dev at iba pang mga tauhan ni Logan. Pinaalis na nila ang mga taong nakikibalita sa nangyari.
Napamura si Logan nang paglabas niya ay nakita niya ang sasakyan at hindi nilayo ni Grec si Calli.
“Damn!”
Lumabas si Calli ng sasakyan. “What did you do to him? My God, Logan! I didn't know that you were capable of hurting people like that.”
“I was protecting you! You should have thanked me. Now get inside the car!” mariin niyang utos dito.
Hindi na siya magpapanggap na mabait sa harap nito dahil nakita na nito ang totoong Logan— thanks to Grec.
“Nanay Fely was right. Hindi ka dapat pagkatiwalaan,” saad nito at nilagpasan si Logan.
“What do you expect me to do, huh?! Maging mabait sa taong nangharass sa iyo?”
“Hindi mo siya dapat binaril! Puwede ka namang tumawag ng pulis. At bakit mayroon ka palang baril? Mukhang sanay na sanay kang gumawa ng gulo. Ni hindi ko nakita ang takot sa mga mata mo kanina.”
“Stop this, Calli. This is going nowhere. Magpasalamat ka na lang dahil tinulungan kita. Now, get inside the f*****g car! Ihahatid na kita na sa inyo.”
Mangiyak-ngiyak na tumahimik si Calli sa pagtaas ng boses ni Logan. Hindi siya ang Logan na kilala niya. He was gentle and kind. What happened? O ito talaga ang Logan na sinasabi ni Nanay Fely sa kaniya? Tahimik siyang pumasok sa loob ng sasakyan.
Logan heaved a deep sigh. Masama ang tingin na pinukol kay Grec.
“Mukhang may ililibing na naman ako,” mahinang saad ni Dev at tiningnan si Grec na namumutla.
Sa sobrang galit ni Logan ay sinakal niya ang kawawang assistant.
“Mr... L-ogan.”
Mabilis na lumabas si Calli ng sasakyan pagkakita sa ginawa ni Logan. “Stop! My God, Logan, please stop it.” awat niya agad. “Ano bang problema mo?”
Si Grec ay nagtago sa likod ni Calli.
“That idiot! Huwag mo nang ipagtanggol ang stupidong iyan!” nanggigigil na sabi ni Logan.
“Hindi ko alam na ganitong klaseng tao ka. Nagkamali ako ng pagkakakilala sa iyo.” Dismayadong saad niya.
“Calli...” lumambot ang ekspresyon ng mukha ni Logan. Naalala niya ang mga salitang iyon na paulit-ulit niyang naririnig sa kaniyang isipan hanggang ngayon.
“Nagkamali ako ng pagkakakilala sa iyo, Logan. I gave you everything but you're a demon! Nabubuhay ka sa kadiliman. Hindi ka nararapat mahalin dahil wala kang kuwentang tao! Pinagsisisihan kong nakilala kita at minahal,” saad ni Penelope pagkatapos nitong malaman ang illegal business niya.
“Kaya kong magbago para sa iyo Penelope. Huwag mo lang akong iiwan. We will build a happy family like you always dreamed of. Iiwan ko ang lahat. Magbabago ako.” Niyakap niya nang mahigpit ang kasintahan ngunit malakas nitong tinatanggal ang mga kamay niyang nakayakap.
“Sa tingin mo ba maniniwala pa ako sa iyo? Hindi ka na magbabago. Wala ka ng pag-asang magbago dahil masama ka!”
“No...no, please? Give me another chance. Isa pang pagkakataon, babe.”
“Kinamumuhian kita, Logan. Nandidiri ako sa iyo! Pinagsisihan ko na minahal kita.”