Chapter 7

2583 Words
3RD POV TINAWAGAN NI LOGAN si Apollo dahil gusto niyang malaman kung may bago itong impormasyon na ibibigay sa kaniya. Limang araw na ang nakalipas ngunit wala pa rin itong paramdam sa kaniya. He firmly grasped the phone in his hand, muttering under his breath, “It's really pointless to talk to Apollo sometimes!” Irritated that Apollo hadn't returned his call. Humawak siya sa railings ng terrace at nagbuga ng hangin. Hindi natuloy ang pagkikita nila ni Percival dahil kinailangan siya ni Uno. “Boss, may problema ba?” tanong ni Dev na nakaupo sa gilid. Napatayo ito at nilapitan si Logan. “May kailangan ba akong ligpitin sa mga kaaway mo?” He smirked. “Wala akong kaaway. Iyang Apollo lang ang problema ko. Hindi sumasagot sa tawag ko.” Lumapit na rin si Grec sa kanilang dalawa ni Dev. Kinuha nito ang phone at binuksan ang chat nila ni Apollo. “Look at this Mr. Logan kaya hindi niyo makontak si Apollo. Tingnan niyo, nasa bakasyon siya at nagbe-BJ. Tuwang-tuwa pa nga siya noong sinend sa akin. Nakalabas pa ang dila niya. Iniinggit nga ako. Matagal na rin akong hindi nakatikim ng bj,” saad nito habang napangisi na nakatingin sa larawan ni Apollo. Napakunot ang noo ni Logan. Curios. Thinking if Grec really loves a blow job. The last time that Czarina gave her a blow, hindi niya makausap si Grec nang maayos pagkatapos nitong bumalik sa foundation. Pero siguro nga ay nagustuhan nito ang ginawa sa kanya. Hinablot niya ang hawak na phone ni Grec. “Fvck! BJ? Kailan pa kayo naging close ni Apollo?” “BJ? Sabi na nga ba at babaero din 'yang Apollo, Boss. Manang-mana sa iyo pagdating sa babae,” saad ni Dev sabay iling nito. Nag-init ang ulo ni Logan. His jaw clenched, wanting to smack Grec in the face with his phone. Si Apollo ay masayang nakapose sa litrato at pinakita nito ang buko juice na iniinom niya. Nasa isang resort ito base sa background nito. Kinuha ni Dev ang phone sa kamay ni Logan na madiin ang pagkakahawak at tiningan ang pinakita ni Grec. “Nakakaputang ina ka talaga, Grec!” mariing mura nito kay Grec sabay kutos nito nang malakas. “Tang ina mo! Gago! Ikaw, wala ka talagang kuwentang kausap palagi. Pinag-iinit mo palagi ulo namin ni Boss Logan.” “BJ naman kasi ang sinabi sa akin ni Apollo, Dev. Buko Juice,” sagot niya kay Dev. Binalingan niya si Logan. “Tama naman, 'di ba, Mr. Logan? Ginaya ko lang.” He speaks like an innocent young man. Napahawak sa kaniyang sintido si Logan. “Hay, naku! Sarap mong…” gigil na gigil na sabi ni Dev. Hindi nila masiyadong alam ang mga ganoong pinaikling salita. Abala kasi sila ni Logan sa mga seryosong trabaho. “Lumayo-layo ka nga sa akin, Grec. Dumidilim paningin ko sa iyo!” gigil na saad ni Logan kay Grec kaya napaatras ito. “Damn it, Apollo! Nagawa pang magbakasyon habang may inuutos ako sa kaniya.” Kailangan niya ang impormasyon na iyon dahil sa susunod niyang plano. Kilala na kasi sina Dev ni Calixto kaya hindi ito ang inutusan niya. Isa pa, kailangan niya sina Dev sa pagtulong kay Uno. “S-orry, Mr. Logan. Si Apollo po ang nagsabi noon. Ginaya ko lang ang sinabi niya.” Paliwanag ni Grec. “Gumanti yata iyang si Apollo, Boss.” Mabilis na tinapunan ng tingin ni Logan si Dev. “What do you mean?” “Naalala mo ba noong initiation niya? Hindi ba natagalan ka sa paglalatigo sa kaniya kasi umiinom ka noon ng kape dahil lasing na lasing kayong dalawa ni Boss Trace. Chill na chill pa kayong dalawa ng pinsan mo samantalang siya ay gigil na gigil na sa iyo sa tagal ng ginagawa mo sa kaniya.” Napaisip si Logan. “Ano naman ang kinalaman sa pinapagawa ko sa kanya ngayon?” “Alam niya kasing importante kaya iniinis ka.” FLASHBACK YEAR 2015 “Apollo...” ani Jeru. Siya ang nagrecruit sa bagong member. Si Jeru ang sikat na artista at modelo sa kanilang pitong Founders. Mayroon itong pagmamay-ari na hotels sa loob ng Isla. Logan's headache made it difficult for him to comprehend what Jeru had said. A new member of Foedus has joined them, and he serves as the whip during the organization's initiation process. Naging miyembro si Logan ng Foedus because he was Trace's cousin, one of the founders in Foedus Organization. Dahil magpinsan silang dalawa ay palagi siya nitong sinasama kahit saan. Sila ang magkasanggang-dikit na dalawa. Lagi siyang nasa likod ni Trace at sinusuportahan ang mga ginagawa nito, kahit pa kalokohan iyon at ganoon din naman si Trace. Mumurahin muna siya nito pero kahit kailan ay hindi siya pinabayaan ng pinsan niya. Ganoon silang dalawa ka-close na magpinsan. Si Logan ay ang nag-iisang anak ng politiko na si Zobel Castillejo. Pagmamay-ari niya ang Black Eagles. Isang security ang bodyguards services kung saan ang mga mayayamang tao at politiko ang kumukuha ng serbisyo ng agency. Hindi lang sa Pilipinas ang nagiging kliyente ng Black Eagles, kun'di pati na rin sa buong Asia. Ngunit sa likod ng proteksyon na binibigay ng Black Eagles, tumatanggap din ito ng contract killing kung saan ang mga mayayamang tao at politiko ay nagbabayad ng mahal upang magpapatay. Lingid sa kaalaman iyon ng magulang ni Logan. He joined Foedus because of Trace, but he also did it because he needed a connection and protection from his enemies. Marami siyang kalaban dahil sa kaniyang illegal business. Si Flinn Duvant Driblim, isang Mafia Leader ng Croatia ang nagsusupply sa kanya ng armas na kailangan niya sa Black Eagle. Tatlo ang kailangang pagdaanan ng bagong member. Hindi basta-basta ang initiation na ginagawa nila. Ang una ay ang pakikipagsex sa sampung babae o ang orgy. Dahil siraulo si Trace at ito ang hilig niya ay sinama niya ito sa initiation. They'll watch as they have s*x with ten different women. It's a pleasurable initiation like what they can get when they become a member. Pangalawa ay ang 100 lashes sa loob ng isang buwan. 25 lashes every week. A pain initiation. Sinusukat ang katatagan nila kung hanggang saan ang kayang gawin ng bagong miyembro bilang kasapi sa organisasyon. Si Logan ang naka-assign dito. Third is killing, it's about loyalty to Foedus and trust to seven Founders and members. I-uutos ni Lev o sino man sa Founders kung sino ang papatayin ng bagong member. No question. They will obey and kill. Kung hindi magagawa ang isa sa parte ng initiation ng sinumang nais na pumasok sa Foedus ay hindi ito tatanggapin. Hindi madali ang pagpasok. Once they are in, there's no way out but a body bag. Foedus will remain Foedus in perpetuity. Sapo ni Trace ang masakit din na ulo. “Tang ina, Logan! Nakikinig ka ba?” Sinulyapan ni Logan si Trace nakaupo sa gilid at hawak ang ulo. “Damn! I'm listening, asshole!” Nag-inuman silang dalawa kagabi hanggang kaninang madaling araw. Halos wala pa silang tulog na dalawa. “Tang ina mo kasi! Uminom ka dahil sa babae lang. Madami namang iba diyan na nagkakandarapa sa iyo doon ka pa talaga naghabol sa ayaw na sa iyo! Tanga!” sermon ni Trace kay Logan. “Shut up, Trace! Hindi ko naman sinabing samahan mo ako.” “Tinawagan ako ni Dev dahil nagwawala ka na.” “Sino naman iyon, Logan? Si Penelope ba?” tanong ni Jake. “Sige pag-usapan niyong dalawa ang love life ni Logan habang may naghihintay sa inyo,” sarcastikong saad ni Daxon. “Bilisan mo na Logan dahil may kliyente pa akong pupuntahan. Iinom-inom kayong dalawa kung kailan may kailangan kang gawin!” iritadong sabi ni Elliot, ang magiging Attorney ng Foedus. Hindi pa naman siya nakakapasa sa board exam pero siguradong magiging Att. Elliot Hart na ito sa mga susunod na taon. May ka-transaksyon kasi ito sa kaniyang smuggled liquor kaya nagmamadali ngayon. “Do it fast, Logan. My time is precious,” bored na saad ni Lev and gave Logan a blank stare. He is the founder of Foedus. Nakasuksok ang dalawang kamay nito sa kaniyang bulsa. He scanned Apollo. Nakabitin ang dalawang kamay nito at pawisan ang buong katawan. Apollo glared back at Lev, bloodshot in his eyes. The chilly atmosphere in the room causes his body to tremble. Napatayo na rin si Jake na tahimik lang. Siya ang Doctor sa kanilang pitong founders. Nakatingin ito kay Apollo na kanina pang nakabitin ang dalawang kamay. Nakahubad ang pang-itaas. Halata sa hitsura nito ang hirap sa pagkakabitin ngunit itong si Logan ay kalmado lang na nagkakape pa. “Oh, Tang ina mo, Eut! Ikaw gumawa kung nagmamadali ka. Lagi ka na lang galit,” malakas na sabi ni Trace kay Elliot at tumayo. Kanina pa siya sa iritado dahil sa reklamo nito. “Hindi ako palaging galit. Talagang inuubos niyo lang ang pasensiya ko ni Logan sa mga kalokohan niyo na dalawa. Magpinsan nga kayo!” "Chill ka lang kasi Elliot. Hindi naman tatakbo iyang si Apollo," ani Logan. Kumuha siya ng sigarilyo at humithit, not minding of other Founders were there. Si Logan ang pinakabata sa kanilang Founders. Binuga niya ang usok ng sigarilyo. Naglakad papunta kay Apollo. “Then do it fast, Logan!” Lev shouted. Nawalan na rin siya ng pasensiya. Halos thirty minutes silang pinaghintay nina Logan at Trace bago bumaba sa basement pagkatapos ay bangag pa ang mga ito at hindi matino kausap. “Umupo na lang kaya kayong dalawa. Kung gusto mo, Eut, ikaw na lang maglatigo,” biro na saad ni Trace. Masakit ang ulo nila ni Logan kaya naman inis na inis siya sa nagrereklamo lalo na kay Elliot na lagi nilang nakakapikunan ng pinsan niya. Matalim na tiningnan ni Lev at Elliot si Trace sa sinabi nito bago nagpigil at umupo na lamang. Nais sanang patulan ni Elliot dahil sa sinabi nito but it's a waste of time for him. Logan's lash-giving room for the new Foedus members resembles his VIP room in his bar. May mga mamahaling alak sa malaking glass cabinet. There's black leather chesterfield lounge in the middle, kung saan nakaupo ang mga Founders at pinapanuod ang initiation rites na ginagawa ni Logan sa mga bagong member. Logan clung to the leather whip while puffing cigarettes. “Are you ready, Apollo?” He asked in an annoying voice. Gusto niyang pahirapan si Apollo kaya sinadya niyang tagalan ang pagbitin sa kaniya. Tumaas ang sulok ng labi ni Apollo. “I'm ready. You can do whatever—” Logan hit him in his back kaya napag-igtad siya sa sakit. “Mierda!” Another whip from Logan struck him in the back, and this time he felt almost numb. Bawat paglatay ng latigo sa kaniyang katawan ay napapaigtad siya. Blood. Blood was almost pouring out of his body. Malakas ang bawat paghampas ng latigo ni Logan sa kaniyang katawan. Pakiramdam niya ay galit ito sa kaniya. The sound of Logan's lashes against his body almost echoed throughout the room. Nasisiyahan na nakatunghay ang ibang mga founders sa ginagawa ni Logan kay Apollo. Tumigil si Logan sa panglabing-limang paglatigo at humithit muli ng sigarilyo to annoy Apollo. Ramdam na ni Apollo ang hapdi ng sugat sa kaniyang balat sa bawat dami ng malamig temperatura sa kaniyang balat. Nangangalay na rin ang kaniyang dalawang kamay na nakatali paitaas. Kanina pa siya nakabitin doon. Tired and in pain, ininda lahat ni Apollo makapasok lang sa Foedus! “You finish this, Logan!” His voice shaking, wanting to punch Logan to stop him from annoying him. Bloodshot in his eyes. Napangisi si Logan. “I will. Relax ka lang, Apollo. Darating din tayo diyan.” Muli siyang lumapit kay Apollo at pinagpatuloy ang paglatigo. Ang huling dalawang paghampas niya sa katawan ni Apollo ay natalsikan siya ng dugo nito sa mukha. “Pinanggigilan mo naman, Logan,” ani Daxon. Prenteng nakaupo ito at nakade-kuatro. “Not bad,” saad naman ni Trace at hinawakan ang dugo na tumalsik sa mukha ng pinsan niya. Amused. He seems to enjoy Apollo's lashes, lalo na si Jeru. Nanghihinang lumupaypay ang katawan ni Apollo habang nanatili pa rin itong nakatali. Kinuha ni Logan ang phone at tinawagan ang assistant na si Dev. “Ikaw na ang bahala rito. Get him out of here,” utos nito sa assistant sa kabilang linya. Kahit duguan at nanghihina si Apollo, pinilit pa rin nitong ini-angat ang mukha upang makita ang mga Founders. “I can still do everything you ask me to do.” Nilapitan ni Trace si Apollo at mahinang sinampal sa pisngi. “Sa hitsura mo ngayon, I doubt it kung makakatayo ka agad. Bukas. Hintayin mo ang pangalan at litrato ng taong papatayin mo.” “Excited ka masiyado, bata,” ani Elliot. “Whatever else you order, I will do it,” nanghihinang sabi ni Apollo. Hinithit ni Logan ang sigarilyo at binuga ang usok sa mukha ni Apollo kaya napaubo ito. “Good. Madali ka palang kausap. Hintayin mo na lang bukas ang ipagagawa namin sa iyo.” ( END OF FLASHBACK ) “MASIYADO na akong ginigipit ni Jacobo. Malaki na ang utang ko sa kanya. Kailangan ng maikasal ang kapatid mo sa anak ni Zobel. Siya na lang ang pag-asa ko para mabayaran ang pagkakautang kay Jacobo,” ani Calixto, kausap ang anak na si Zedric habang may hawak itong whiskey glass. Nalulong sa casino si Calixto na pagmamay-ari ni Jacobo kaya naman lubog na lubog na ito sa pagkakautang. Lingid sa kaalaman ito ng kaniyang asawa. Ang tanging nakakaalam lang sa kaniyang ginagawa ay ang panganay niyang anak na si Zedric. Halos lahat ng kanilang ari-arian ay naisangla at naibenta na niya kina Zobel Castillejo. Talagang sinadya niyang kaibiganin si Zobel dahil marami itong pera at sa balak niyang ipakasal ang kaniyang anak at si Logan. Zedric let out a long sigh. “Hindi papayag si Calli na maikasal kay Logan, dad. Isa pa, mukhang hindi rin interesado si Castillejo sa kapatid ko.” Inis na inis na humarap si Calixto sa anak at muling bumalik sa pagkakaupo sa swivel chair. “Wala akong pakialam kung hindi gusto ni Logan ang kapatid mo! Kailangan ko lang ang pera nila.” “Pinayagan mo na si Calli na pumasok na sa kumbento, hindi ba?” “Kinukuha ko lang ang loob ng kapatid mo pero hindi ko siya hahayaan na makapasok doon.” “Dad, may iba pa namang paraan kaysa gamitin si Calli. May mga business pa naman tayo at puwede natin ibenta ang ibang lupain natin para mabayaran si Jacobo.” “I don't have a choice, Zedric. Tuso si Jacobo. Baka patayin ako o isa man sa inyo kapag hindi agad ako nakapagbayad sa kaniya. At isa pa, iniiisip ko baka ang kapatid mo ang hilingin niyang kabayaran. Mas gugustuhin ko pang mapunta si Callista kay Castillejo kaysa kay Jacobo.” “Pero dad…” tutol ni Zedric. “Naibenta ko na ang ibang lupain natin kina Zobel kaya nga gusto ko na si Logan ang mapapangasawa ng kapatid mo para makuha pa natin ang mga naibenta ko sa kanila.” Tumahimik na lamang si Zedric dahil tutol siya sa binabalak ng ama. Ngunit susubukan pa rin niyang itakas si Calli at ilayo ng Sta. Monica bago maisagawa ng kaniyang ama ang binabalak nitong sapilitan na ipakasal sina Logan at ang kaniyang kapatid.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD