ISANG Linggo na ang lumipas simula nang makita ni Samantha na may kasamang iba ang asawa. Tinanggap niya na lang iyon dahil wala rin siyang magagawa. Hindi rin naman siya kakampihan ng sariling ama kung sasabihin ang nangyari.
Linggo ng umaga, maaga siyang bumangon para sana magluto ng almusal niya. Oo almusal niya lang. Hindi naman kasi siya sinasabayan ni Allan, never siyang sinabayan nito sa pagkain. Tuwing nagigising siya sa umaga, wala na ang asawa niya, nakaalis na.
Pagbukas niya sa ref, wala na pa lang stock ng pagkain, hindi niya na pala ito na-check. Dahil doon kailangan niya ng back-up para mag-grocery. Tinawagan niya agad si Jeffrey a.k.a Jeffey, ang nag-iisa niyang kaibigan para samahan siya, day-off naman nito ngayon kaya ayos lang na istorbohin niya ang kaibigan.
Nagtatrabaho kasi ang kaibigan sa tahian ng mga damit pero siya rin ang boss dahil pagmamay-ari nila ang tahian na iyon. And yes, alam ng parents nito na gay siya pero tanggap at mahal naman siya ng parents niya. Masuwerte siya.
Nakatatlong ring na nang sagutin nito ang tawag niya.
“The heck, Samantha girl, nagbe-beauty rest pa aketch, then tatawag-tawag ka, kalerkey ka girl. Ano ba problema mo?” tanong nito kaya hindi na niya mapigilan na mapairap.
“Iba ka talaga, wala man lang hello or good morning greet? Talak talaga agad?” singhal niya rito. Narinig niya ang pag-ismid ng kausap sa kabilang linya.
“Ay! Pabebe pa girl? Gusto pa ng ganoon? Why? Boys ka ba?” Napailing na lang siya sa sinabi nito. Oo nga pala, sa lalaki lang siya malambing pagdating sa kaniya puro sermon.
“Che! Samahan mo ako sa mall. Mag-grocery ako, naubusan na kasi ng stock dito sa bahay.”
“Hmmp. Grocery o boy hunting?”
“Boy hunting ka riyan! May asawa na ako.”
“Ah? May asawa ka na pala? Hindi halata girl. Hindi ko kayo makitaan ng sweetness.“ Napatahimik siya sa sinabi ng kaibigan. Oo nga naman may asawa nga ba siya? Bakit parang wala naman yata. Gusto niya tuloy tawanan ang sarili sa tuwing sinasabi niyang may asawa siya pero wala siyang maiharap.
Narinig niya ang pagbuntonghininga ni Jeffey sa kabilang linya. “Siya sige, sunduin na lang kita.”
Hindi na siya sumagot pa at pinatay na lang ang tawag.
Napailing na lang sita at dumiretso na sa banyo upang maligo para hindi naman nakakahiya sa kaibigan. Siya ang nagpasama tapos siya pa ang late, baka masermonan na naman siya ni Jeffey.
Halos mapagulong si Samantha sa pagtawa nang makita niya si Jeff na nakasuot ng panlalaking porma. Lalaking-lalaki ang dating nito. Kung may ibang tao ang makakakita, baka magustuhan ang kaibigan niya.
“Huwag kang tatawa riyan. Hmmp!” sabi nito sa kaniya kaya naman pigil na pigil si Samantha na huwag tawanan ang kaibigan.
Hindi kasi alam ni Allan na bakla ang kaibigan kaya nagpapanggap siyang lalaki kapag magkasama sila. Kapag tinatanong naman niya kung bakit, lagi lang nitong sinasabi na, “malay mo, mag-work ’to at magselos asawa mo.” Naiiling na lang siyang napapangiti sa kaibigan.
“Oh? Halika ka na. Alam kong guwapo ako pero huwag mo naman akong katitigan,” saad nito sa lalaking boses. Napahalakhak na si Samantha sa inasta ng kaibigan.
“Ewan ko talaga sa ’yo. Tara na nga, kung ano-ano na sinasabi mo,” saad niya. Hindi naman umimik si Jeffey at pinagbuksan na lang siya ng pinto. Gentleman!
Pagkarating sa mall, agad silang nagpunta sa lipstick at make-up stand pero nagpaalam muna siyang pupunta lang muna siya sa supermarket at magkita na lang sila sa parking lot. Tumango lang ito kaya iniwan niya na si Jeffey roon. Hindi kasi siya sanay mag-ayos kaya hindi rin niya hilig ang tumingin sa ganoong mga panglagay sa mukha.
Nang nasa supermarket na siya, habang palakad-lakad, patingin-tingin din si Samantha sa mga stand. Nagpunta siya sa vegetable and meat stand, tinitingnan niya rin ang listahan para wala siyang makalimutan, dahil busy sa pagtingin hindi siya nakatingin sa dinadaanan niya kaya naman may nabunggo siya.
“Aray!” giit niya nang mapaupo dahil sa malakas na puwersa kaya napadaing siya sa sakit. Tiningala niya pa ang nabunggo niya nang mabitawan nito ang mga cup noodles na dala. Nakasuot siya ng cap at shades.
“Hala! Kuya, sorry hindi kita napansin,” sabi niya habang pinupulot ang mga cup noodles.
“It’s okay, Miss, hindi rin ako nakatingin,” wika nito sa kaniya. Inilahad din nito ang kamay para tulungan siya. Tinanggap naman iyon ni Samantha.
“Kahit na, nalaglag tuloy ’yong dala mo. Ako na lang ang magbabayad--” Agad siyang tinutulan ng kausap.
“No need, Miss. Hindi naman tumapon kaya walang problema,” sambit nito. Ngumiti sa kaniya ang lalaki kaya nakita niya ang dimples nito. Tumango na lang siya at lumayo, ibinagay na rin niya ang mga noodles na hawak.
“Ganoon ba? Sige, mauna na ako. Pasensya ka na ulit,” sabi niya bago talikuran ang lalaki pero hinawakan siya nito sa braso.
“Sandali lang,” pigil nito sa kaniya.
“Bakit?” Nagtataka na tanong ni Samantha.
“Puwedeng maki-share na lang ako riyan? Nakalimutan ko kasing kumuha,” wika nito at itinuro ang push cart niya.
“Ha? Pero…” Tumigil siya at mariing nag-isip. ‘Papayag ba ako? Baka mamaya masama pa lang tao ’to.’ Sa isip ni Samantha. Biglang ngumiti ang lalaki nang mapansin ang pag-aalinlangan sa mukha niya. Tinanggal nito ang suot na shades kaya nakita niya ng maayos ang mukha ng kausap.
“Don’t worry, Miss, hindi ako masamang tao kung ’yan ang iniisip mo. I am Kyrie Sandoval by the way, and you are?” Inilahad pa nito ang kamay. Hindi na siya nagdalawang isip na tanggapin iyon.
“S-Samantha,” sagot niya at napatitig siya sa mukha nito, para kasing pamilyar lalaki sa kaniya. Parang nakita niya ang lalaki somewhere. Tila may nag-blink sa utak ni Samantha at napangiti.
“Ah, ikaw ang may-ari nitong ma–” Maagap nitong inilagay sa bibig ni Samantha ang hintuturo nito at sumenyas na huwag maingay. Agad iyon naintindihan ni Samantha kaya tumango siya.
“So, lets go?” tanong nito at tumango lang siya.
Panay lang ang tawanan nilang dalawa habang nag-iikot sa market. Pinagtitinginan na nga sila pero wala silang pakialam. Dahil doon, hindi na niya namalayan ang oras at alas dose na kaya nagyaya nang kumain muna sila na agad naman niyang sinang-ayunan.
“Grabe, ang sakit ng tiyan ko,” sambit niya at sumandal. Table for four ang puwesto nila pero magkaharap silang nakaupo.
“Yeah, ako rin. By the way, ang sarap mo pa lang kasama,” sabi nito.
“Ika--” Biglang natigilan si Samantha nang mag-sink-in sa kaniya ang sinabi ni Kyrie.
Kasama…
Kasama…
Kasama..
‘OMG! si Jeff, nawala sa isip ko. Patay ako!’ Saka lang niya na-realize na may iba nga pala siyang kasama at nakalimutan niya na ang kaibigan.
“Hala! Kyrie, mauna na ako. Lagot ako nito,” bulong niya at mabilis tumayo. Nagtaka naman si Kyrie sa kilos niya pero hindi niya na iyon pinansin.
“Teka lang, hatid na kit-” Hindi na niya pinatapos si Kyrie sa pagsasalita at lumabas bitbit ang mga pinamili. Kahit hirap na siya sa mga bitbit niya mas inisip niya ang galit ng kaibigan dahil nakalimutan niya ito.
Ngunit pagdating niya sa parking lot, wala na roon ang kotse ni Jeff. Bagsak ang balikat niyang iniikot ang tingin sa buong parking lot sa pag-aakalang naroon pa ang kaibigan pero wala talaga. Napabuntonghininga na lang siya dahil maaaring nainip iyon at inakalang iniwan ko na siya. Hindi pa naman niya dala ang cellphone niya kaya hindi rin niya ma-contact ito. Sigurado siyang magagalit iyon sa kaniya.
Ang tanong niya sa sarili, kung paano siya uuwi? Bente pesos na lang ang naiwang pera sa wallet niya. Five thousands lang naman ang dala niya at wala siyang credit card. ‘Ano ba namang buhay ’to.’ bulong sa sarili at muling nagpakawala ng buntonghininga. Mukhang maglalakad siya ngayon dahil kulang ang pamasahe niya.