NATAPOS ang double date nila ng mag-alasingko na. Si Chelse na rin ang nagyaya dahil hindi ito nagpapagabi masyado sa labas. At habang naglalakad sila palabas ng park ay tumunog ang cellphone ni Kyrie. Kapansin-pansin ang pagkunot ng noo nito kaya lumapit sa kanya si Sam. “Ano ang nangyari?” tanong niya. “May emergency lang, sandali lang,” wika nito at tumakbo palabas. Naiwan silang tatlo. “Uhm, baka matagalan si Kyrie, walang maghahatid kay Sam,” sambit ni Chelsea. “Ano ka ba, ayos lang, pwede naman ako mag-commute,” wika niya. “No, babe, baka pwede ikaw na lang maghatid sa kanya? Hindi ba nagtatrabaho ka sa bahay ni Allan every weekend?” wika nito. Doo’y nag-sink in sa utak nilang dalawa na minsan siyang ipinakilala ni Allan bilang maid. At hindi nila naisip na matandain pala

