UMUWI muna si Jelly nang matapos silang mag-impake habang naiwan mag-isa si Sam sa bahay. Inabot din sila ng hapon dahil pinili pa niga ang mga damit na dadalhin. Nang matapos sila, nagpaalam si Jelly para gamit naman nito ang iimpake. Nang siya na lang ang nasa loob, pinagmamasdan niya ang kabuuan ng kwarto nilang mag-ina, dahil mamimiss niya ang silid na ito kapag umalis na sila. Ang kwarto na limang taon nilang tinirahan, na pinag-ipunan nila ng memories ni Alee ay kailangan muna nilang iwanan. Pagkatapos niyang magmasid, lumabas n siya ng kwarto at ini-locked iyon. Binitbit na rin niya ang dalawang bag na naglalaman ng gamit nila ni Alee. Mga damit lang ang dinala niya, hindi na siya nagdala ng laruan dahil pwede pa naman balikan sa bahay ang mga iyon. Bumaba na siya ng second floor

