TULALANG pumasok si Sam sa kanilang kwarto kaya nilapitan siya ni Jelly. “Huy, ano na naman iniisip mo?” tanong nito. Napatingin siya sa kaibigan bago umupo sa kama. “Iniisip ko lang, bakit ako hinahanap ni Allan kung nagsasama na sila ni Chelsea? Ano ba ang dahilan?” tanong niya. Hinawakan siya nito sa kamay. “Sam, hindi natin alam. Siya lang makasasagot no’n at nasa iyo rin ang susi para malaman mo. Malay mo gusto lang mag-sorry sa nagawa sa ’yo? Ang importante kasi rito ngayon ay si Alee, she wants to meet her father. Kahit ano pa ang dahilan ni Allan basta si Alee lang isipin mo,” sagot nito. Napabuntonghininga siya. Pakiramdam niya natotorete na ang kaibigan sa kanya. Halos paulit-ulit na lang kasi siya. “Mabuti pa, magpahinga na tayo dahil bukas na ang Christmas party ni Alee

