Pagdating nila Sam sa resort, iniupo niya si Alee sa isang upuan kung saan malapit sa pwesto nila. Hinihintay na lang nila ang guest na tinutukoy ni Jelly. “Huwag kang malikot diyan mamaya, okay?” sambit niya sa anak. Tumango lang ito at naglaro na ng lobo. “Oh, she's here. Hi, Miss Mendoza. Pwede na ba tayo mag-start? Anyway, I want you to meet my best friend na siya rin tutulong sa atin, Sam,” pakilala nito sa kanya. May buhangin sa kanyang tsinelas kaya tinanggal niya muna iyon bago siya humarap sa guest ni Jelly. Pag-angat niya ng tingin. “Ate Sam?” sambit nito nang magtama ang kanilang mata. “C-Cassey?” wika niya. Bago pa man ulit siya makapagsalita, niyakap na siya ni Cassey ng mahigpit. Napatingin siya kay Jelly na nagkibitbalikat lang sa kanya. Nang humiwalay si Cassey ay hina

