Chapter 5: May Asawa?

1931 Words
Nakakunot ang noo ni Allan habang naglalakad pabalik sa loob ng campus pagkatapos niyang iwan si Samantha. Hindi niya alam kung bakit uminit ang ulo niya nang makitang magkasama ang dalawa. Medyo na-guilty rin siya sa sinabi niya pero nahiya na siyang bawiin iyon kaya mas pinili na lang niyang iwan si Samantha. "Allan, nasaan na si Sam?" Napakuyom ang kamao niya sa hindi maipaliwanag na dahilan nang salubungin siya ni Kyrie. "Kausap siya ng daddy niya," naiinis niyang sagot. Mabuti at hindi iyon nahalata ng kaibigan. Kumonot ang noo nito nang tumingin sa kanya ngunit ngumiti din kalaunan. "Ganoon ba? Pero, bro, puwede mo ba ibigay ang address niya sa akin?" tanong nito. Napatitig siya sa kaibigan at napakunot ang noo niya dahil sa sinabi nito. "May gusto ka ba kay Samantha?" Imbes ay tanong niya. Napangiti si Kyrie dahilan para lalo siyang mainis. "Hindi naman malabo na mangyari 'yan. Maganda siya, mabait, masayahin, simple, mabuting tao at parang ang sarap niyang alagaan." Nakangiti pang inilalarawan nito ang asawa niya sa pagmumukha niya na lalo niyang kinairita. "Kidding aside, bro, pero puwede rin naman, wala naman siguro magagalit," bawi nito saka humalakhak. Napailing na lang siya sa inakto ng kaibigan "Tss." "Pero kailangan ba talaga gusto siya para malaman ang address niya?" tanong pa nito. "Oo," maikling sagot niya. Tinitigan siya nito na tila sinusuri kung nagsasabi siya ng totoo. Nang hindi nagbago ang reaksyon niya ay sumeryoso rin ang mukha nito. "Paano kung may gusto talaga ako kay Samantha, sasabihin mo na ba?" anito na tila hinahamon siya. "Hindi rin kasi kung totoo man 'yan, wala ka nang pag-asa sa kanya," wika niya. Nilampasan niya si Kyrie nang may ngisi sa labi pero muli siyang hinabol nito at humarang sa daraanan niya. "Sandali lang, bakit mo naman nasabi iyon? I'm your friend, Allan. Dapat nga tinutulungan mo ako sa kanya hindi ganito." "May asawa na si Samantha kaya malabong may pag-asa ka." Sa sobrang pagkairita niya, nasabi niyang may asawa na si Samantha kahit wala naman siyang plano ipagsabi iyon. Dahil una sa lahat, siya ang may ayaw na may makaalam ng kasal nila. Humalakhak ang kaibigan noya pero hindi niya na pinansin pa at nilampasan na ulit ngunit sinabayan siya nito sa paglalakad. "May asawa? Bro, malabo 'yan, wala naman akong nakikita na naghahatid sundo sa kanya rito, isa pa wala naman siyang suot na wedding ring," sambit nito kaya sandali siyang natigilan sa sinabi nito. Bigla niya kasing naalala na hindi niya nga pala pinapasuot kay Samantha ang singsing nito. "Tss. Ikaw ang bahala, basta binalaan na kita," aniya at tuluyan nang iniwan ang kaibigan na hindi na rin sumunod pa pero narinig niya pang tinatawag siya nito ngunit hindi na lang niya pinansin pa. SAMANTALA, magkasamang pagod at uhaw ang naramdaman ni Samantha nang makarating siya sa tapat ng patahian ni Jeff. Nilakad lang kasi niya mula school hanggang doon at hindi niya inakala na may kalayuan pala ang Jeffey's Clothing ng kaibigan. Habang nagpapahinga ay nakita niya si Jeff na lumabas kaya agad niyang tinawag. "Jeffey!" sigaw niya. Napalingon si Jeff sa kanya at nanlaki ang mga mata nang makita siya. Nakuha niya pang ngumiti at kumaway habang mabilis na naglalakad palapit sa kanya. "What the hell, Samantha? Ano'ng nangyari sa 'yong babae ka? You look so haggard. Don't tell me nilakad mo hanggang dito?" Nakataas ang kilay na tanong nito sa kanya. Nag-peace sign siya at dahan-dahang tumango kahit na alam niyang magagalit ang kaibigan. Nakita niya kung paano magbago ang reaksyon ni Jeff. "WHAT THE HELL, SAMANTHA! NABABALIW KA NA BA? ALAM MONG MAINIT. PAANO NA LANG KUNG MAGKASAKIT KA?" sigaw nito. Napalingon siya sa paligid dahil napapatingin na ang mga dumadaan sa kanila, gusto na niyang magtago para makatago lang sa kahihiyan. Para kasi siyang batang pinapagalitan. "Magso-sorry kasi ako sa 'yo kaya nagpunta ako rito," aniya. Biglang lumambot ang ekspresyon ng mukha ni Jeff at hinaplos siya sa buhok. "Sammy, hindi naman ako galit sa 'yo. Hmmp! Nagtampo lang ako dahil iniwan mo ako sa mall pero galit ako sa ginawa mo ngayon," saad nito. Napayuko siya dahil pakiramdam niya ay tutulo ang luha niya. Mababaw pa naman ang luha niya sa mga ganoon. "Sorry talaga. Sorry para sa kahapon at sorry para ngayon," saad niya. Napabuntonghininga na lang si Jeff. "Siya, halika na nga sa loob. Ang haggard mo na tuloy at pawis na pawis pa ang beauty mo. Nalalamangan na kita sa ganda niyan," wika nito na ikinatawa na lang niya. Pagkatapos sabay na silang naglakad papasok sa loob, dumiretso agad sila sa office nito. Pagpasok nila sa office ay pinakain at binigyan agad siya ng tubig. "Kumain ka muna, bakas na bakas ang gutom sa 'yo, eh," saad nito. Napasimangot siya. "Sorry naman," saad niya at nilantakan agad ang pagkaing nasa mesa na parang hindi kumakain. Nanlaki ang mga mata ni Jeff habang nakatingin sa kanya. "Sammy, dahan-dahan naman, wala kang kaagaw," sambit nito. Lumunok muna siya at tubig bago ngumiti saka nag-peace sign. "Iyong totoo, girl? Tinitipid ka ba ni Tito Dave sa pagkain? Parang isang Linggo kang hindi pinapakain," sambit nito at tiningnan pa ang katawan niya. Maging siya ay napalingon sa kanyang katawan. Hindi niya kasi alam kung bakit nagtaka si Jeff sa kanya, dahil ba sa katawan niya o dahil sa pagkain niya ngayon. Hindi na kasi matatalon ng ng pusa ang kanin niya sa plato. Kumain naman siya bago pumasok pero baka dahil na rin sa pagod sa paglalakad kaya tila gutom siya. "Grabe! h-hindi naman, napagod lang ako sa paglalakad." Ngumiti siya para hindi halatang iniiwasan niya ang tanong nito. Hindi kasi nito alam ang kalagayan niya sa kanyang ama dahil wala siyang ibang pinagsasabihan kundi ang kanyang biyenang lalaki. Ang tatay ni Allan na si Kyle Santillan pero Tito Kyle ang nakasanayan niyang tawag. "Bakit naman kasi nilakad mo? Wala ka bang budget? Naku! Isusumbong talaga kita kay Tito Dave, dahil iyong asawa mo wala naman pakialam. Kung ako kay tito, hindi ko pipiliing ipakasal ka sa lalaking 'yon," anito. Pero napatigil siya sa pagkain nang marinig ang sinabi nitong magsusumbong sa kanyang daddy. Magagalit iyon hindi dahil sa ginagawa ni Allan kung hindi kapag nagpunta si Jeff sa bahay ng daddy niya. 'Hindi siya pwedeng magsumbong. Mapapagalitan ako ni daddy kapag nangyari 'yon.' Sa isip niya. Ayaw na ayaw kasi ng daddy niya na may pumupunta sa bahay na kaibigan niya o alam ang tungkol sa kanila dahil dahil ayaw nitong ipaalam sa lahat na anak siya ni Dave Serrano. "H-huwag! Huwag kang magsusumbong kay dad, naubusan lang ako ng b-budget at h-hindi ko nasabi kay daddy. Huwag ka na magsumbong, okay lang naman ako eh." Pagpigil niya kay Jeff. Kumunot ang noo nito na tumingin sa kanya. "Bkit naman? Ayaw mong mapagsabihan ang magaling mong asawa ni Tito Dave? Talagang inaalala mo pa ang asawa mo?" tanong nito. Tumango na lang siya at ngumiti ng mapait saka nag-iwas ng tingin kay Jeff. 'Sana nga ganoon na lang. Sana nga magagalit si daddy kay Allan kung makitang ganito ako pero hindi. Iba ang buhay ko sa ibang anak na babae. Wala rin naman kasing pakialam sa akin si daddy dahil kung mayroon, hindi naman niya ako ipapakasal kay Allan sa una pa lang para lang sa kompanya. Hindi niya ako hahayaang masaktan para sa pera.' Sa isip niya. Hindi siya umimik kaya tinapik siya ni Jeff. "Girl, natahimik ka na riyan?" tanong nito. Maikling ngiti lang ang isinukli niya. Pakiramdam niya ay naubusan siya ng sasabihin. Napabuntonghininga si Jeff nang hindi na siya sumagot. "Okay, siya sige na, hindi ko na sasabihin sa daddy mo basta huwag ka lang malungkot ng ganiyan," wika nito pagkatapos ay niyakap siya nito. Hindi rin kasi alam nito na ayaw sa kanya ng daddy niya. Ang nangyaring kasunduan sa kasal ay sa pagitan lang niya, ng kanyang daddy at ni Kyle. Maging si Allan ay walang alam sa kasunduan na iyon. Bigla na lang siyang napaiyak nang yakapin siya ni Jeff. Dahil ngayon na lang ulit siya nakaramdam ng yakap na may pagmamahal at pag-iingat. Huli niyang naramdaman iyon ay bago siya ikinasal at si Manang Letty pa ang yumakap sa kanya. "Hoy! Babae, bakit ka umiiyak? Mabaho ba ako?" tanong nito kaya napangiti siya. "Hindi. Bigla ko lang naalala si mommy at namiss sila daddy, ate at kuya," aniya. Bumitaw siya sa yakap at tinapos na ang pagkain. "Ayaw mong dalawin?" tanong nito. 'Kung pwede lang ginawa ko na.' Ibinulong na lang niya para hindi siya marinig nito. "Ano? Ano'ng sinabi mo?" usisa nito. "Wala. Sabi ko hindi naman kita iniwan kahapon sa mall. Ako nga ang iniwan mo," aniya para maiba ang usapan. "Hoy! Sammy, halos ugatin na ako kakahintay sa 'yo kahapon pero wala ka! Tapos sasabihin mo sa akin na ako ang umiwan sa 'yo?" “Oo, kasi napasarap lang ako kahapon dahil may nakakuwentuhan ako habang naggo-grocery. Nung kakain na kami saka ko naalala na kasama nga pala kita kaya umalis agad ako pagdating ko wala ka na," saad niya. Pero nakangisi lang si Jeff sa kanya. "Oh, ano 'yan?" tanong niya dahil sa kakaibang reaksyon ng kaibigan. "Sino 'yang kasama mo kahapon, ha? Lalaki at Gwapo ba?" tanong nito. "Hoy, iyang utak mo ang dumi. Nagkasabay lang kami at magkaibigan na rin. Oo, lalaki." Hindi na niya sinabing gwapo dahil baka maging issue pa sa kaibigan niya. Isa naman 'to sa hater ng asawa niya. "Ay, bet, ipalit na 'yan kay Allan!" sambit nito at sumimangot lang siya. "Joke lang, pero pwede mo rin seryoshin!" dagdag nito na sinabayan ng halakhak. Hinampas niya sa braso pero hindi pa rin tumigil. "Ewan ko talaga sa 'yo!" singhal niya. Sakto na natapos na rin siyang kumain. Uminom na siya ng tubig at tatayo na sana siya para dalhin sa hugasan ang pinagkainan niya nang pigilan siya ni "Ako na riyan. May sando ako doon sa taas, magpalit ka muna ng damit at magpahinga. Mamaya ka na umuwi kapag malilim na sa labas," pahayag nito. Ayaw pa sana niya pero alam din niyang masusunod din ang kaibigan kaya tumango na lang siya. "Salamat, Jeff." "Hindi mo kailangan magpasalamat sa akin. Magkaibigan tayo at para na rin kitang kapatid, kaya ang mga ginagawa ko para sa 'yo ay kagustuhan ko," seryosong saad nito. "Wow! Lalaking boses," biro niya. "Gusto kong malaman mo na kaya rin kitang ingatan at protektahan kahit ganito ako, Sammy. Sige na at umakyat ka muna sa taas dahil may aasikasuhin pa ako. Ihahatid na rin kita mamaya dahil baka lakarin mo na naman, ma-jo-jombag na kita," saad nito kaya napangiti siya. Tumango siya kaya umalis na rin si Jeff dala ang pinagkainan niya. Sinundan niya pa ng tingin ang kaibigan habang naglalakad palayo. 'Ang swerte ko sa kaibigan kong ito. Hindi niya ako iniiwan kahit halos hindi naman niya nakilala ng personal ang pamilya ko.' Napangiti siya nang sumagi iyon sa isip niya. Umakyat na siya sa taas tulad ng sinabi ni Jeff para makapahinga. Pagpasok sa loob ay malinis na kwarto ang bumungad sa kanya. White and gray ang kulay ng silid, may single bed at sa gilid nito ay may side table. Sa bandang kaliwa ay may bookshelves at sa kanan ay may mahabang sofa. Sa palibot ng pader ay mga pictures nito at inspirational qoutes. Dumiretso siya sa sofa at naupo roon saka sumandal. At tila doon lang siya nakaramdam ng pagod, lahat ng pagod, iyong kaninang pakikipagtalo niya kay Allan at paglalakad niya ng malayo. Sa ngayon ang gusto na lang niyang gawi'y magpahinga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD